Plan 12
~Do Kyungsoo~
Hapon na nang marating namin yung clearing sa tuktok ng bundok. Nakakagulat nga kasi hindi ganun kahirap akyatin dahil may path naman kaming sinusunod. Sobrang ganda at lamig sa itaas dahil sa altitude at air pressure. Pero ayos lang, marami naman akong nadalang jacket.
"Hala walang signal!" sigaw bigla ni Chanyeol sa isang gilid. Itinaas pa niya yung cellphone niya sa hangin sabay kamot sa ulo. "Paano na yan?"
Lumapit ako sakanya matapos ibaba sa sahig yung duffel bag ko. "Wala ba?" tanong ko at inilabas din yung phone ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang "No service" nga.
Umiling si Yeol. "Wala eh." disappointed na sabi niya.
"Bakit? May tatawagan ka bang iba?" singit ng isang malamig na boses sa likod namin. "O baka naman... ibang ite-text?"
Napalunok si Chanyeol habang unti-unting lumilingon kay Baekhyun na nanlilisik ang mga matang nakatingin sakanya. Pinatay ko yung cellphone ko saka ito binalik sa bulsa ng suot kong jacket.
"A-ah... wala naman, Baek." medyo utal pa na sabi ni Yeol. "S-si Mommy kasi, sabi niya, magtext daw ako pag nakarating na dito."
"Ah talaga?" sabi ni Baek sabay taas ng isang kilay.
Tumango ng mabilis si Yeol. "Oo!" agad na sabi niya. "Promise! Mamatay man ako!"
"Talagang mamamatay ka pag nalaman kong nagsisinungaling ka, hayop ka ah."
Umiling ako. "Shhh. Huwag nga kayong maingay! Baka may makarinig sa inyo at isiping nage-LQ kayo!" sita ko sakanila at napatingin sa paligid. Busy na yung mga kaklase naming nagtatayo ng tent, kami nalang ang hindi. Asan na kaya si Jongin?
"Eh LQ naman talaga to, Kyung! Ano bang tawag mo dito?" sagot ni Chanyeol.
Bago ko pa siya masagot at mamura, lumapit na sa amin si Jongin habang buhat-buhat yung tent bag niya. Tinignan niya ako habang seryoso ang mukha, seryosong-seryoso talaga. Pero nang mapatingin ako sakanya, bigla siyang napangiti.
"Kyung, we need to build this tent already." sabi niya. "Or we'll sleep in the open." saka niya tinaas yung isa niyang kilay at nag-smirk.
Hala. Kelan pa naging sexy ang smirk. KELAN PA?
"Kami rin." sabi ni Baek at hinawakan yung braso ni Yeol. "Ibu-build na din namin yung tent. Di ba, Yeollie?" medyo seductive pa na sabi niya.
Tumango naman si Chanyeol at nag-wave. "Bye guys!" at ayun, mabilis na naglakad sila palayo.
"I found a good space." sabi ni Jongin dahilan para mabalik ang atensyon ko sakanya. "It's hidden between trees kaya hindi masyadong mainit kapag umaga at hindi rin masyadong malamig pag gabi."
I nodded at him. "That's good." sagot ko sakanya. "Mukhang alam na alam mo talaga tong lugar na to ah." dagdag ko pa nang magsimula na kaming maglakad papunta sa spot na sinasabi niya.
Natawa si Jongin ng mahina. "Sort of." sagot niya sakin. "I told you, my sister and i used to camp here."
Napatingin ako sakanya. "Sino ba kasi yung kapatid mo?" tanong ko. "You seem so close."
Umiwas ng tingin si Jongin saka napabuntong hininga. "I know you know her." seryosong sabi niya. "Imposibleng hindi."
Napataas yung dalawa kong kilay. "Really? Artista ba siya o ano?" Narating na namin yung spot na sinasabi niya sa oras na to. Jongin knelt down and opened the tent bag. Inilabas niya ang isang itim na tent.
"Nevermind." sagot niya. "Tulungan mo nalang ako dito." At alam kong sa moment na sinabi niya yun, ayaw na talaga niyang pag-usapan. WHY? Baket? Ano bang meron sa kapatid niya?
Pero ayoko nang i-push. Kawawa naman tong travel buddy ko. Ngayon pang medyo mabait na siya sakin, diba?
"Asan ba at tulungan na nga kita." sabi ko saka inalis yung yung backpack ko.
Itinayo na namin yung dinalang tent ni Jongin. Ang laki pala ng nadala niya, yung tipong may entrance pa tapos pagkapasok mo sa loob, andun yung main tent. Malaki siya at feeling ko, kasya ang sampu sa loob. Pero kaming dalawa lang naman.
Wow. This is life.
"Okay guys! Gather around here! Faster!" sigaw ni Prof Lee. Kalalagay ko palang ng mga gamit ko sa loob at ganun din si Jongin. Nang papalabas na kami ay agad na kinuha ni Jongin yung kamay ko at hinawakan ito. Sabay kaming lumabas ng tent.
Andun na halos lahat ng kaklase namin at nang mapatingin samin si Baek, bumaba yung tingin niya sa magkahawak naming kamay. Napakunot noo siya at pilit kong kinalas yung kamay ko mula kay Jongin. Pero mas humigpit lang yung hawak niya.
"Jongin..." i hissed. "Yung kamay ko."
Napatingin sakin si Jongin habang naka-frown. And after a second, narealize na ata niya yung sinasabi ko. "Oh, sorry." sagot niya saka binitawan yung kamay ko.
Napatingin ako kay Baek at tumingin din siya sakin. Bigla siyang napangiti.
"For this day, wala muna tayong gagawin. I'll give you time to fix your things and explore the area." explain ni Prof Lee. "Ingat lang kayo kasi baka mahulog kayo sa kumunoy, bangin, mabangga sa puno, at kung anu-ano pa."
"Excuse me, Prof?" singit ni Jimin, isa naming classmate. "Sa macho naming ito? Sa tingin mo ba mga lampa kami?" medyo inis pa ang boses. Aba.
Napalunok naman si Prof Lee. "H-hindi naman sa ganun, Mr. Park. Ang ibig kong--"
"Sa cute kong to, Mr. Lee?" singit naman ni Taehyung.
Napa-facepalm ako. Really. These people.
"ARGH!" sigaw ni Prof Lee sabay gulo sa buhok niya. "OO NA! Huwag na kayong mag-ingat! MASAYA NA KAYO, HA?!"
"Kayo kasi eh." bulong ni Lay sa tabi ko. "Nalimutan ko na tuloy yung inuutos satin."
"Walang inuutos, Lay." bulong ko naman pabalik sakanya. "I-explore lang daw yung lugar kung gusto, o di naman kaya, mag-ayos ng gamit."
Tumango-tango lang naman siya bilang sagot.
Napabuntong hininga si Professor Lee at inayos ang suot niyang t-shirt. "Then mamayang gabi," pagtutuloy niya. "Bonfire! Bahala kayo sa kung anong gusto niyong gawin mamayang gabi. Let's enjoy the night. And tomorrow, let's continue the fielding and the exploration of the place."
Nadismiss na din kami after ng ilang reminders.
"So, what do you want to do?" biglang tanong ni Jongin sa tabi ko. "Explore the place or... stay in the tent for a while?"
Napatingin ako sa sapatos ko at sa damit ko. Then i sighed. "Magpahinga na muna siguro." sagot ko kay Jongin. Tumango-tango siya at ngumiti ng maliit.
"Okay then." sagot niya.
"Pero pwede kang maglakad-lakad kung gusto mo." sabi ko naman. Ayoko namang maging pabigat sakanya porket travel buddies kami diba?
Pero umiling-iling lang si Jongin. "I told you, madalas kami ni Noona dito noon. I already know the place." sagot niya. "Magpapahinga nalang din muna ako."
Tinignan ko siya at tinaasan ng dalawang kilay. "Sure ka?"
Natawa siya ng mahina. Yung tawang sobrang... cute.
"I'm sure." sagot ni Jongin. Then he led the way back to the tent.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top