Plan 1




~Do Kyungsoo~




So this is EXO Academy.



Napatingin ako sa paligid habang hawak-hawak sa isang kamay ang maleta ko. Bumaba naman si Mommy mula sa kotse niya at inakbayan ako. Tumingin ako sakanya at ngumiti ng maliit.



"Thanks, Ma." bulong ko. "Salamat sa paghatid."



"If you need someone to talk to, just email me." sabi niya at pinat ang pisngi ko. "I don't care if you're not a real man, Kyungsoo. I'm your mother and i love you so much. Do you understand?"



I nodded and smiled at her. "Yes. I love you, too, Ma."



Nanlaki ang mata niya na parang may naalala. Agad siyang bumitaw sakin at may kinuha sa kotse. Napakunot noo naman ako habang pinapanood siyang parang may hinahanap sa loob. Maya-maya ay bumalik siyang may hawak na makapal na notebook. Simple lang naman yung notebook pero mas mukha siyang scrapbook sa malapitan.



Iniabot niya ito sakin. "There would be times siguro na magiging busy ako." simula niya at kinuha ko naman yung libro. "I know you'll be keeping a secret inside that all-boys school, son. And i know one time or another, you'll need someone to share your thoughts to. Baka hindi ako maging available sa mga oras na yun."



I took the notebook and stared at it. Binuklat ko ito at nakita ang mga empty pages.



"You could write your thoughts inside that notebook, Kyungsoo." sabi ni Mommy at inakbayan ako ulit. "Sabi ng kaibigan kong doctor, we all need that certain thing, in which we could put our thoughts. Every single one of them."



I looked at my mother and pulled her for a hug. "Thank you, Mom." i murmured against her shoulder. "Thank you so much for being there always. Although, I don't think having a diary is a really good idea."



Sabay naman kaming natawa habang magkayap parin. Then she patted my back. "I always be here." she sobbed and i pulled away to see her crying. "Take care, baby. I will miss you."



"I will miss you, too, Mom." sagot ko. "So, so much."



And then after minutes of saying goodbye, i watch my mother drive away from this school, with me facing the big dormitory of EXO-A. Yes. Dormitory. I'll be staying here for the whole school year with once in a month visit from relatives and friends. One hell of a prison.



Naglakad na ako papunta sa main building nang dalawang lalake ang lumabas doon. Isang sobrang tangkad at isang medyo singkit at naka-eyesmile sakin. Nakasuot sila ng uniform ng EXO-A. Naka-cap yung isa at naka nerdy glasses naman yung mas maliit.



Napakunot noo ako. Papunta ba sila sakin?



Tumigil sila sa harapan ko. Tinignan ko lang sila habang seryoso ang mukha, hinihintay na magsalita sila. Nawala naman ang ngiti sa mukha nung mas matangkad.



"My god." bulong niya. "Sobrang creepy nito tumingin."



Natawa naman yung kasama niya at umiling-iling. "Huwag mo na siyang pansinin." sabi niya at nilahad ang isang kamay. "I'm Byun Baekhyun. Member ng XOXO student council. This is Park Chanyeol." sabay turo niya sa kasama niya. Ngumiti naman na ulit yung Chanyeol at nag-wave. Saka ko lang napansin yung malalaki niyang tenga.



"Welcome to EXO Academy, Do Kyungsoo."



Napakunot noo ako ulit. "Kilala niyo ako?" tanong ko.



Tumango silang dalawa. "Kami ang in-charge tuwing may bagong students dito." explain ni Chanyeol. "We'll show you around the school, the buildings, faculty rooms, and of course, your dorm room."



"Tama." sabi ni Baekhyun at tumingin sa bag na bitbit ko. "So i guess, we could start now?" tanong niya at wala akong nagawa kundi ang tumango.



Hila-hila ko lang ang bag na dala ko habang umiikot kami sa buong EXO-A. Sobrang laki at sobrang ganda. Tama lang na tawagin ang school na ito na pinaka-maganda at pinaka-prestihyosong academy sa lahat.



Panay ang salita nina Baekhyun at Chanyeol habang tinuturo sakin ang kung anu-anong lugar at spots. Madami din kaming nakasalubong na ibang estudyante na kakilala nila. Mukhang sikat nga sila.



"So, anong masasabi mo?" tanong sakin ni Baekhyun nang naglalakad na kami papunta sa huling pupuntahan namin. Which is, yung dorm. "How's EXO-A?"



Ngumiti ako sakanya ng maliit. "Great." tipid na sagot ko. "Just... great."



Napa-pout naman si Baekhyun pero tumawa din. "Hay. A man with few words." sabi niya at umiling-iling. Ngumiti naman ako sakanya at tumango.



Inakbayan siya bigla nung Chanyeol. "Di siya katulad mo, Baek." sabi niya habang natatawa. Sobrang lalim ng boses niya at nakakakilabot.



Pero biglang namula si Baekhyun at inalis ang akbay sakanya ni Chanyeol. Umiwas siya ng tingin at inayos ang glasses na suot niya.



Hindi nahalata ni Chanyeol pero ako, kitang-kita ko kung paano siya mailang.



Teka. Si Baekhyun... pareho kaya kami?



"Tayo na nga sa dorm room mo, Kyungsoo." sabi ni Chanyeol at nagsimula nang maglakad papasok sa malaking dorm building. Sinundan ko naman siya habang si Baekhyun ay nagrerecover palang.



May nakasalubong kaming matangkad na lalake na sobrang puti. Poker faced lang ito at parang malaki ang galit sa mundo.



"Yo, Sehun!" tawag sakanya ni Chanyeol sabay wave. Ngumiti lang naman ng maliit yung Sehun at tumango.



"Chanyeol-hyung." malamig na sabi nito. Tumango din siya kay Baekhyun. "Baekhyun-hyung." bati din niya.



Ngumiti si Baekhyun at inakbayan ako. "Sehun, si Do Kyungsoo nga pala." pagpapakilala niya sakin. "New student."



Tumingin sakin yung Sehun habang walang reaction yung mukha. "Kyungsoo-hyung." sabi niya sakin at inilahad ang kamay. "Welcome to EXO-A. I'm Oh Sehun." i took his hand and shook it. Matapos nun ay bumitaw din kaming dalawa at nagpaalam na siya. May hinatid lang daw siya sa third floor.



"Sus. Baka si Luhan na naman yun." bulong ni Chanyeol kay Baekhyun.



Umirap naman si Baekhyun. "Chismoso ka naman?" sabi niya sabay pitik sa tenga ni Chanyeol. Napa-"Aray!" naman ang isa at humawak sa tenga niya.



Napa-iling nalang ako habang pinapanood sila. Sumakay kami sa elevator papunta sa third floor. Doon daw kasi ang dorm room ko.



"Chanyeol, yung susi ni Kyungsoo." sabi ni Baekhyun at agad naman na may kinuha si Chanyeol mula sa bulsa niya. Isang susi na may nakakabit na malaking rectangle na tag. Room 388.



Bumukas ang elevator at isang sobrang cool na hallway ang sumalubong samin. Ang ayos, ang linis at sobrang ganda. Para lang kaming nasa hotel.



Naglakad kami papunta sa Room 388. Ilalagay palang sana ni Chanyeol ang susi nang bumukas yung pinto.



Isang lalake ang medyo nagulat na napatingin sa amin. Meron siyang matangos na ilong, magandang labi at morenong balat. Hindi ako magsisinungaling. Sobrang gwapo din niya.



"Kai!" gulat na sabi ni Baekhyun. "Andiyan ka pala sa loob! Akala ko may training kayo?"



"Tapos na." sagot nung Kai at ngumiti ng maliit. "Kasama ko si Sehun kanina."



Nagkatinginan naman sina Chanyeol at Baekhyun. "Ah so, ikaw pala ang hinatid niya kanina." sabi ni Chanyeol at napakamot ng ulo. Inirapan naman siya ni Baekhyun.



"Ah!" sabi ni Baekhyun at inakbayan ako ulit. "Si Do Kyungsoo nga pala. New student siya dito sa EXO-A. Bago mong roommate."



Tumingin naman sakin yung Kai. "Do Kyungsoo." bati niya at inilahad din ang kamay. "I'm Kim Jongin. Your roommate."






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top