Epilogue



Niyakap ni Kim Kyungsoo ang sarili habang nakatingin sa kakasabit niyang painting. Katatapos lang niyang gawin yun noong isang araw at pinag-isipan pa niya kung saang kwarto niya ilalagay.



Napangiti siya nang mapansing bagay nga yung asul na kulay ng kwarto ni Asher sa abstract painting na gawa niya. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama ni Asher saka sinuot ang gamit niyang bedroom slippers.



Pinulot niya ang isang nakakalat na toy car mula sa carpet saka ito nilagay sa kama. Kailangan nanaman niyang maglinis ng kwarto ng nag-iisang "anak" nila.



"Feeling cold?" tanong ng isang boses mula sa pintuan.



Napatingin dito si Kyungsoo at nakita si Kim Jongin na may hawak na isang mug ng hot chocolate. Tumango si Kyungsoo sa tanong ni Jongin saka mas hinigpitan ang yakap sa sarili. Kasalukuyan na din kasi ang snow sa America at mas gugustuhin ni Kyungsoo na huwag nang lumabas.



Lumapit si Jongin kay Kyungsoo saka inabot ang mug. Agad naman itong inabot ni Kyungsoo saka nilapat sa labi niya.



"It smells nice." nakangiting sabi ni Kyungsoo kay Jongin. "Thank you."



Pinulupot naman ni Jongin ang braso niya sa bewang ni Kyungsoo para yakapin siya mula sa likod. Hinalikan niya ang pisngi nito na nagpangiti naman sa isa. Dahan-dahan na uminom si Kyungsoo mula sa hot chocolate habang yakap parin siya ni Jongin.



"It's so cold, right?" bulong ni Jongin kay Kyungsoo.



"It's snowing." sagot ni Kyungsoo. "Magulat ka kapag mainit, Jongin."



Napabuntong hininga nalang si Jongin kasi mukhang mababara naman siya kay Kyungsoo. Pero dahil matatag ang loob niya, mas hinigpitan nalang niya ang yakap kay Kyungsoo saka hinalikan pa ang kabilang pisngi nito.



"You know what, Kyung?" simula niya.



Tinagilid ni Kyungsoo ang ulo para makita si Jongin. "What?" tanong niya dito. Uminom siya ulit mula sa hot chocolate habang takang nakatingin sa asawa.



"I know something that could give us some heat." nakangising sagot niya dito. "It's right inside our room." dagdag pa niya habang pinipigilan ang sarili mula sa pagtawa.



Natawa naman ng mahina si Kyungsoo saka dahan-dahan na hinarap si Jongin. "Oh yeah?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ni Jongin. "And that particular thing is...?"



Hinalikan ni Jongin ng mabilis si Kyungsoo sa labi. "Want me to show you?"



Dahan-dahan na tumango si Kyungsoo saka nilapag ang hawak niyang hot chocolate sa study table ni Asher. Pinulupot niya ang dalawang braso niya sa leeg ni Jongin, hinihila siya palapit sakanya.



Hinigit niya si Jongin saka hinalikan. Agad naman na tumugon ang isa at hindi sila bumitaw sa paghahalikan hanggang marating nila ang kwarto nila na nasa harapan lang ng kwarto ni Asher.



Inihiga ni Jongin si Kyungsoo sa kama habang patuloy na hinahalikan. Wala siyang ibang plano ngayon kundi ipakita kay Kyungsoo kung gaano niya ito kamahal.



Pero yung biglang pagdating ni Asher mula sa school, hindi kasama sa plano niya o nilang dalawa.



Yung pagkatok niya sa kwarto nila, hindi rin kasama sa plano.



May mga pagkakataon talagang ganun no? Yung tipong wrong timing, parang mushroom, bigla-bigla nalang andiyan.



Mga bagay na hindi naman talaga kasama sa plano. Sa mga gusto nating mangyari.



Pumasok si Kyungsoo sa GVA para sa iisang bagay. Iisang plano sa buhay.




Hindi kasama doon na makilala niyang sina Baek at Chanyeol.




Hindi kasama na makita niya si Asher at maging instant parent.




Hindi kasama doon na maging item siya sa isang bidding.




Hindi kasama na maka-away niya ang dean ng school.




Hindi kasama na kamuhian siya ng isang estudyante mula sa SMA.




Hindi kasama na gumulo ang buhay niya.




At higit sa lahat, hindi kasama sa plano na yun si Kim Jongin.




Hindi kasama na mahalin niya ito ng sobra-sobra.




Pero yung mga bagay na unexpected, ang mga bagay na kahit kelan hindi niya pagsisisihan. Mga bagay na hanggang ngayon, hindi niya kakayaning mawala.




"Mama! Papa! Are you in there?" tanong ni Asher mula sa labas ng kwarto nila.



Natawa si Kyungsoo saka dahan-dahan na tinulak si Jongin. "Okay." mahina niyang sabi. "Jongin, get off."



Napadaing nalang si Jongin saka binigyan si Kyungsoo ng isang mabilis na halik sa labi bago umayos ng tayo. Hinila niya ang asawa patayo saka sabay silang naglakad palabas ng kwarto. Nakatayo doon si Asher habang nagtatakang nakatingin sa mga magulang niya.



Agad siyang binuhat ni Jongin. "You little kid." sabi niya sabay halik sa pisngi. "Bat ang aga mo umuwi?"



"We were dismissed early, Papa." sagot niya kay Jongin habang may malaking ngiti sa labi.



Tumango naman si Jongin saka napatingin kay Kyungsoo. Mukhang mamayang gabi pa nila matutuloy ang plano nilang dalawa.



"So... what do you want to do?" tanong ni Kyungsoo kay Asher.



Mas lumaki ang ngiti ni Asher saka mabilis na tinuro ang glass wall. "Snowball fight!" mabilis niyang sagot at agad naman na nag-agree si Jongin sakanya.



Naglakad si Jongin papuntang kwarto ni Asher habang buhat parin ito. Sabay silang kumakanta ng "Fight fight fight! It's a snowball fight~" at walang nagawa si Kyungsoo kundi ang umiling habang pinapanood ang dalawa.



Sumandal siya sa door frame ng pintuan nila habang pinapanood sina Jongin at Asher maghanap ng makakapal na jacket at mittens para sa snowball fight.



Dahan-dahan siyang napangiti.



Walang bagay sa nakaraan ang gusto niyang baguhin. Masaya siya sa mga choices na ginawa niya, kahit pa gaano kalaking gulo ang nadala nun sakanila.



At kahit kelan, wala siyang pagsisisihan, sobrang unexpected man ng lahat.







THE END







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top