#95


Facebook Messenger

(Slapsoils Squad)

July 27

------------------------------


Diyosang Maggie

Grabe talaga akala ko joke lang yung magpapakasal kayo ni Baklang Kim legit pala talaga

Mamsh Jo sure ka na ba talaga?


Cute si Joey Forever and Ever

Hahahaha uu naman mamsh

Mamsh che sorry alam ko gusto mo talaga magdesign ng gown kaso huhuhu lamonaman ang mga marites


Che-Che Bureche

Ukie lang mamsh jo

Ako na lang bahala sa reception hihihihi


Diyosang Maggie

Nakaplano na ba to?

Kelan daw graduation ni kim?


Cute si Joey Forever and Ever

Sa December yung thesis defense nya tas sa january graduate na talaga sya pero yung ceremony isasabay sa june. Bale kasabay natin sya magmamartsa


Diyosang Maggie

Taraaaay sabay pa rin pala

Kelan nyo balak magpakasal mamsh?


Cute si Joey Forever and Ever

After graduation baka first week ng july 2021

naplano naman na diz mamsh nakakausap naman na namin lahat ng involved


Diyosang Maggie

Medj matagal pa pala


Cute si Joey Forever and Ever

Sabi ni kimmy gusto nya ganto raw suot nya sa kasal namin

jowa ni kyle bahala dito kasi may kakilala silang designer 


Che-Che Bureche

Ay ayaw nya ng gown?


Cute si Joey Forever and Ever

Ayaw nya :< gusto nya yung comfortable lang sya saka di nya bet yung hatak hatak na laylayan naiirita daw sya dun

Di naman masama kasi nakita ko sa gugel may kinakasal naman nakaganyan


Diyosang Maggie

Eh ikaw mamsh? Ano suot mo? Tux?


Cute si Joey Forever and Ever

Ay gusto ko ganto


Diyosang Maggie

TANGINANGYAN KITA SINGIT!

Mamsh sure na ba? Gusto mo magpanty na lang??


Cute si Joey Forever and Ever

HAHAHAHAHAHA

De, gusto ko matchy matchy kami ni Kim. Baka magblack na lang ako pero ganyan itsura mamsh gusto ko yung may pa-cape eme iih

same designer gagawa ng suit namin ni bakla susukatan daw kami sa august para masimulan na tahiin


Diyosang Maggie

Grabe kayong dalawa di kinekeri ng powers ko

Papamakeup ka ba?


Cute si Joey Forever and Ever

Sabi ni kimmy if gusto ko raw nung kabogerang makeup ays lang sabi ko ikaw na lang magmakeup saming dalawa para medj tipid

Pumayag din sya magheels ako hahaha

Nagtanong din ako kay kyle kung ok lang ba na ganun,, sabi nya as long as were happy go for it lang daw,, Limited lang naman yung mga visitor kasi bawal pa rin magtipon tipon,, konti lang invited


Che-Che Bureche

Bait bait talaga nila kimmybabes

Congrats sa inyo mamsh! Love you both talaga!♥♥😘😘


Cute si Joey Forever and Ever

Thank you mamsh che!!

Kayo mga maid of honor ko ah

Tas si kyle yung groom ko

Este yung best man pala

Best man I've never had charot


Diyosang Maggie

Tangina ka bakla harot mo kahit kelan!

Buti di selosa si kim kahit ikakasal na kayo no?

Jusko di ko maimagine na sinusugod tayo dito ni bakla tas sasabihin nya puro babae kausap ng asawa nya


Cute si Joey Forever and Ever

HAHAHAHAHAHA tangina bakla parang ako yata gagawa nyang sinasabi mo

De behave naman si Kimmy ko. lablab ko yun


Diyosang Maggie

Ang stable ng relationship nyo nuh kainggit

Di pa selosa si kimmy kahit sino pa babaeng lumapit sayo

kung ako yun baka nanabunot na ko ng malandi


Che-Che Bureche

True mamsh tas may one day pa tayo to be with mamsh joey talaga


Cute si Joey Forever and Ever

Bait ni bakla nuh?? Sana ol di selosa

Tas may days talaga na di kami nag-uusap kasi gusto nya may time pa rin ako sa friends ko o kaya sa store kasama si mami tas may me time sya sa kanila

Kaya nga di ako nauumay samin kasi ayaw nyang sa kanya lang naikot mundo ko

Support na lang ako sa gusto nya kasi dun naman sya masaya


Diyosang Maggie

Tangina natetempt na tuloy ako maghanap ng gaya ni joey shuta

Punta nga ako sa BGC baka may madagit ako dun

Yoko na sa mga straight,, puro lang mga gago saka babaero eh


Che-Che Bureche

Di naman babaero si rusty ko mamsh 🥺🥺


Diyosang Maggie

Hahahaha sige na sige na

Balitaan nyo ko kelan start ng klase ha

Parang tanga minsan yung internet connection di katiwa tiwala eh


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top