#55
Facebook Messenger
Jan 9
------------------------------
Joey
Kim busy ka?
Pekeng Kim Chiu
Ayos na pakiramdam mo?
Joey
Ok lang naman ako,, may nakakita naman kase samen sa parking lot,, tas kasama ko pa si cheche kaya di naman ako ganun nabugbog
Pekeng Kim Chiu
Sorry. Kasalanan ko kaya ka nasaktan
Joey
Kasalanan to nigel,, Sorry din nadamay ka pa sa nangyari
Pekeng Kim Chiu
Nagchat pala kanina si cheche. Di ko pa narereplyan. Pasabi na lang saka na ko magrereply kapag ok na pakiramdam ko
Joey
Bakit?? May sakit ka ba??
Pekeng Kim Chiu
Wala naman.
Masama lang loob ko. Baka sa kanya ko mabunton, ayoko naman mandamay ng iba sa init ng ulo ko.
Joey
Di naman halatang mainit ulo mo hahahaha
Pekeng Kim Chiu
joey
Joey
Yuuhh?
Pekeng Kim Chiu
Naexperience mo na yung may nagconfess sayong girl na gusto ka nila?
Joey
Nagconfess na girl?
Jusko teh nung high school ako andaming nagtry gawin akong straight kung alam mo lang
Sayang nga raw ako kasi bading
Pekeng Kim Chiu
Anong sayang dun?
Joey
Sayang daw kasi ang gwapo ko daw tas naglilipstick ako
Pekeng Kim Chiu
Walang namang sayang dun kasi ikaw pa rin naman yan. walang nabawas o nawala sayo. Saka kahit mag-night gown ka pa, wala namang issue
Joey
Eh?? Ayoko magcross dress,, ako naglalaba ng damit ko ehh hirap hirap magkusot
Pekeng Kim Chiu
HAHAHAHAHA
May point ka din naman
Pero may washing machine naman ah
Joey
Meron nga pero iba pa rin kapag kamay magkukusot
Saka gusto ko pa rin yung casual lang
Bat mo pala natanong yung sa confess eme??
Pekeng Kim Chiu
Honestly speaking gusto ko sanang sabihin to kanina kaso di ko alam paano idadrop
Feeling ko mas kaya ko tong sabihin thru chat kasi baka magstutter ako in person
Joey
Ang alin ba??
Pekeng Kim Chiu
di ko alam kung kelan nagstart.
Di ko rin alam kung kelan ko narealize na...yon.
Tangina kasi
Iniisip ko baka malungkot lang ako or what
Ayoko naman na sabihin lang kasi natutuwa lang ako sayo parang tanga kasi
Lam mo yun? Yung pano kung di ka na nakakatuwa? Ano na mangyayari?
Joey
Ok,,
Uhmm,,
Ok??
So,, di ako nakakatuwa??
Pekeng Kim Chiu
De ano ibig kong sabihin
Tangina talaga
Gusto ko na lang magmura putangina
Joey
Ok ka lang ba kim??
Pekeng Kim Chiu
Mahal na kita
I mean...
Aaahhh basta!!
Yun na yun!!
tangina di ko na alam sinasabi ko
Joey
uh
Pekeng Kim Chiu
Sorry
di ko sinasadya
Di ko alam kung pano nangyari promise!
Sinubukan ko i-weigh yung feelings ko
Promise talaga joey ginawa ko
Kaso kasi... ahhh tangina talagaaaaa
pakiblock na nga ako!
Joey
*seen*
Pekeng Kim Chiu
Sobrang happy ko na pinansin mo ko
Yung scarf mo?
Gusto ko lang talaga makipagfriends sayo
Kaso kasi tangina talaga
Ewan ko na puta
bobo ako makipagsocialize tangang tanga ako rito
Kung di mo na ko papansinin okay lang
Sorry
Tanggap ko naman
Joey
Kim
Pekeng Kim Chiu
Sorry talaga di ko sinasadya
Joey
Pabukas ng gate
Pekeng Kim Chiu
Ha?
Joey
Sabi ko pabukas ng gate o dito ako sisigaw sa labas
Pekeng Kim Chiu
Deputa ka bat nandito ka sa bahay???
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top