#50
Facebook Messenger
(Slapsoils Squad)
Jan 7
------------------------------
Cute si Joey Forever and Ever
MGA MAMSH POTA TALAGA
AGA AGA NAHAHIGHBLOOD AKO KAY NIGEL TANGINA
Diyosang Maggie
Bakit mamsh anong ganap?
Cute si Joey Forever and Ever
SHUTA NANGGIGIGIL AKOOOO
Diyosang Maggie
PAKYU SYA KAMO
Che-Che Bureche
Baket? Whats happenin?
Ay grabe
Grabeeeee
MAMSH JO ANOYAN!!!
Cute si Joey Forever and Ever
Para talagang tanga yan si nigel
Tingin nya naman kay kim papatulan sya??
Diyosang Maggie
Gago yan ah
Kausapin ko nga mamaya
Cute si Joey Forever and Ever
Nako mamsh magz sayang lang laway mo
Diyosang Maggie
Bat ba galit yun at kinausap ka?
Cute si Joey Forever and Ever
Nakita daw nya kami ni kim kanina sa 6th floor
Che-Che Bureche
Tas nagjelly jelly si nigel? 🤔🤔
Cute si Joey Forever and Ever
Baka nga,,
Diyosang Maggie
Nastress ako sa chat nya gago sya
Saka pake ba nya kung bakla ka??
Ano? threatened sya na malalamangan sya ng bakla? tangina nya pala edi lumaban sya ng lalaki sa lalaki kung talagang matapang sya e pareho lang naman kayong may itlog
tanga rin eh! Ambubu nabubuwisit ako! Delete mo nga yang convo nyo dito sa gc pati araw ko nasisira!
Che-Che Bureche
Ang bad ni nigel. Grabe sya 🥺🥺
Cute si Joey Forever and Ever
Nagwoworry tuloy ako kay kim
Diyosang Maggie
Si kim din kasalanan din nya eh
Dapat linawin na nya kay nigel na wala talagang pag asa...
Pinatatagal pa nya e pwede nya naman bastedin yan para manahimik na yang animal na yan
Cute si Joey Forever and Ever
Tingin ko naman nasabi na ni kim kay nigel yun
Diyosang Maggie
Sure ka mamsh?
Cute si Joey Forever and Ever
Umiiwas naman si kim,,
Kahit nga ako dama ko ehh
Diyosang Maggie
Sabagay pero dapat deretsahin na rin nya kasi
Che-Che Bureche
Proof lang talaga to na ang ganda ni kimmybabes koooo 🥰🥰
My gosh!! 💕💕
Diyosang Maggie
Realtalk maganda naman talaga si kim
Introvert lang talaga
Saka alam nyo kung ako lang... di naman sa pagiging bias kay mamsh jo... compare kay nigel, kay joey na ko...
O kung di naman nya bet si joey... kahit sa iba na lang wag na kay nigel...
Che-Che Bureche
Pero bet ko pa rin kay mamsh jo syaaaaaa 🥺😘❤️
Cute si Joey Forever and Ever
Kahit sinong mahal ni kim ayos lang sakin basta masaya sya
Diyosang Maggie
Ay shuta ka bakla wag mo kame paaandaran ng ganyan dito babarilin kita sa luneta!
Cute si Joey Forever and Ever
De kase,, ewan ko,, ayoko umasa
Diyosang Maggie
Ayaw mong umasa tas kung makabili ka ng almusal nya para kang magpapakain ng limang tao
sampalin kita ng sandals ko mamsh uxto mo yon??
Cute si Joey Forever and Ever
Kasi naman
Gusto ko lang talagang masaya sya
Pwede bang ganun na lang??
Alam mo yung kahit kausapin lang nya ko ok na,,
Kahit di na nya sabihing gusto nya ko ok lang
Basta dyan lang sya,, di nya ko iiwan,,
Diyosang Maggie
Pota hulog na hulog mamsh???
Che-Che Bureche
Nabihag ang fusu ni mamsh jo
Awwww kyotiiiii ❤️❤️
Cute si Joey Forever and Ever
Ok lang sabihan ako ni nigel ng kahit ano basta wala syang gagawing masama kay kim
Diyosang Maggie
Martir much mamsh
Gagarote na ba kita?
Cute si Joey Forever and Ever
Potacca mamsh che kung ano ano na naman pinagtatag mo sakin sa fb sasapatusin talaga kita dyan!!
Che-Che Bureche
Hihihihi love you mamsh joooo 😘😘
Diyosang Maggie
Basta pag may nangyari... sabihan mo lang kami mamsh ha?
Ako sasapak kay nigel bwisit sya
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top