#100
Facebook Live
Margarette Valdez
July 10
------------------------------
Alam mo, Kim, di naman lingid sa kaalaman mo na si Kyle talaga ang mahal ko.
Hahahaha
Akala ko nga sisigaw siya ng itigil ang kasal kanina. Akala ko lang pala 'yon. Buti ang tagal mong bumaba kanina, ang daming picture naming dalawa.
Hahahaha
Ito si bakla, di na sinunod yung wedding vow nya, kaloka.
'De, charot lang po. Okay, serious na. Naiiyak kasi ako, ano ba 'yan?
Hahahahaha
Hulas na makeup ni Mamsh Jo.
Pahingi nga ng tissue!
Thanks, Mami.
Dapat di si Kim pinapunas niya.
Sa totoo lang, noong makilala kita, dream ko talagang maikasal sa isang Tsu. Pero hindi ikaw, 'te. Yung sa guwapo kasi talaga dapat e. Kaso alam mo, doon pa lang sa pagbigay mo sa 'kin ng reviewer kaya ako nakapasa n'ong midterms, natanggap ko na sa sarili kong di na rin masama kung ikaw. Two years ago, nagmumurahan pa tayo sa chat saka sa school. Ngayon, nagmumurahan pa rin naman tayo pero mapipilitan na tayong tumigil kasi ayokong lumaki si Fifth na sinlutong mo magmura. Maawa naman tayo sa anak natin, bakla.
Hahahahaha
Ipagluluto pa rin kita ng breakfast every day pero dodoble na ang servings. Bubuhatin pa rin kita pababa sa dining kapag tinatamad kang bumangon. Sasamahan kita magpuyat kapag naiyak si Fifth kahit madalas ako lang naman talaga yung napupuyat. Ginusto ko 'to so panindigan. Thankful ako kasi di ka naghanap ng guwapo. Pero okay lang naman kasi maganda naman ako. Di ka lugi sa 'kin, girl. Thank you sa pagtanggap sa kung sino ako, kung ano ako, kung bakit mas pinili ko maging ganito.
Aww . . .
Akin na nga yung lahat ng tissue! 'Ba 'yan!
Hahahahaha
Naiyak ako, Mamsh Maggie.
Bakla ka, naiiyak din ako, 'wag kang ano diyan.
Hindi ko na alam kung ano pa ang puwede kong maipangako sa 'yo. Mamahalin at aalagaan kita saka si Fifth hangga't nabubuhay ako. Ibibigay ko lahat basta kaya kong ibigay. Husgahan man tayo ng lahat ng tao, papatunayan natin sa kanila na deserve natin kung nasaan tayo at kung ano tayo ngayon.
I love you, Kimberly Tsu-Regidor, and from now on, you will hear those words every day for the rest of your life kahit annoying na for you. Wala kang magagawa, ako ang inasawa mo.
♥♥♥
The end
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top