Epilogue and Special Parts


You can read the complete chapters sa Telegram for 75 pesos.

♥ ♥ ♥

Epilogue


"Hi, everyone. I'm Evangelle Heyrosa, eighteen years old. I live in Cavite. My hobbies are watching movies and playing mobile games. That's all."

It was the first day of class, and I saw the prettiest girl on the campus that day.

Sobrang simple lang niya. She has long black hair, like any other girl on campus. She has cute chinita eyes, like the other girls. She's taller than any of our classmates. Her lips are naturally pinkish. Her slightly thick brows are a little mataray. Her nose has a high bridge and is pointed. Her skin is soft beige. She walked gracefully and confidently.

But what made her special among the rest of these girls on campus?

"Hoy, Rion. Ambag mo raw doon sa pambili ng harina."

I was used to people treating me so special. But I really adored how she treated me as someone like her—a simple student here at NDU.

I'd never felt that as a challenge, like Chan-Chan told me. Hindi ko iti-treat as challenge ang pagka- crush ko kay Angel just because hindi ako special in her eyes.

I like her because she's genuine, and I knew she wouldn't drag anyone down just to please me or to catch my attention.

Her family is influential but dysfunctional. It was an open secret and headline-worthy for some news outlets. Kinalaban ng mommy niya ang family nila sa politics, and their side ended up losing to the Heyrosas.

Tapos nawala sila ng mom niya sa public eye for some years until she went back alone in the Heyrosas's arms. Ang ganda ng build-up sa kanya ng ibang online pages. She didn't like interviews, but some of those pages really highlighted her good deeds.

It's easy to say that I like a person because she's pretty or smart or mabait. Madaling mag-drop ng intention because the access was so easy, it didn't cost anything huge.

"Gelle, I like you so much!" "Nugagawen?"


♥ ♥ ♥

SC Part 1



"Bané, si Angel, tumatawag sa office, wala raw kayong pagkain. How come na walang pagkain?"

"Hayaan mo. Masanay na siya," sagot ni Evana nang sumandal sa inuupuang monobloc. "Huwag siyang puro luho. Nakakakain pa rin naman siya tatlong beses isang araw."

Napakamot na lang ng ulo si Allen. "Sabi na kasing doon na kayo sa condo. Ako naman magbabayad, e."

"Enjoy na enjoy na daddy mo sa setup ko, sisirain pa ba natin?" Sarkastiko at may pait sa ngisi ni Evana bago nag-ilag ng tingin. "Baka bumula bibig n'on kapag nakita akong nasa magandang lagay."

Apat na buwan na mula nang matapos ang eleksiyon. Natalo si Evana sa pagkakonsehal kung saan kinalaban ng partido nila ang partido na chairman ang ama ng dati niyang asawang si Allen.

Tatlong buwan na rin mula nang maaprubahan ang annulment nila nang palihim. Umiiwas sa eskandalo na sisira sa pangalan ng mga Heyrosa, lalo pa't inilakad nila ang rason na may sexually- transmitted disease si Allen—bagay na lalong ikinagalit ni Severino Heyrosa dahil ang huling medical exam ng anak niya noong nakaraang dalawang buwan ay malinis at walang kahit na anong sakit.

Inisip ng kampo ng mga Heyrosa na dinodoktor ni Evana ang resulta para lalo silang siraan, kahit pa ilang beses nang inamin ni Allen na siya ang naglakad ng mga papeles.

Ilang beses nang pumupuslit ng dalaw ang lalaki sa apartment kung saan nakatira ang mag-ina niya. Malayo iyon sa villa kung nasaan sila nakatira. Teritoryo rin ng kalaban ng mga Heyrosa kung kaya't hindi madaling mapapasok ng mga tauhan ni Severino kung sakaling magmamanman.

Kasalukuyang nasa eskuwelahan ang anak ni Allen na nagrereklamo nga raw na walang baon kahit pa linggo-linggo siyang nagpapadala ng pera para dito.



♥ ♥ ♥

SC Part 2



"Hindi 'to ang ine-expect kong pagtataguan mo, Eva."

Nakataas lang ang isang kilay ni Evana, nakakrus ang mga braso at binti habang sinusukat ng tingin ang kaharap niyang babae.

Angat na angat ang itsura nito sa monobloc na upuan.

Nakapostura. Pormal na pormal ang suot na royal blue coat na may white tube pang-ilalim. Kitang-kita pa ang gintong kuwintas na may sapphire bilang pendant. Terno ang coat sa pencil- cut skirt nitong hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Angat na angat ang kintab ng itim na stiletto nito, ang isa at nakatapak sa sahig habang nakaangat naman ang isa dahil sa pagkaka-de-kuwatro.

Malinis ang pagkakapusod sa itim at mahabang buhok. Humahalimuyak sa hangin ang pabango kahit pa hindi siya lumapit dito. Simple ang makeup pero angat na angat ang pulang lipstick.

Sobrang layo ng itsura nila ni Evana na nakasuot lang ng napakanipis na puting T-shirt na kita na ang itim na bra sa ilalim, dolphin shorts, at nakapaa lang. Kahit ang buhok nitong gabalikat ang haba ay nakaipon lang din sa loob ng itim na claw clip.

"Ano'ng meron at napadalaw ka?" mabigat na tanong ni Evana. "Malamang na pinagtsitsismisan na 'ko diyan sa labas dahil sa 'yo."

"Nabanggit ni Allen na dito ka na nakatira kasama ang anak niya," seryosong tugon ng bisita.

"Ah . . . okay." Napatango nang dahan-dahan si Evana. "Nagkabalikan na ba kayo?"

"May direct contact ang superior ko kay Severino Heyrosa. Allen's just shooting his shot after we meet again."

"E, di good. At least, hindi na siya tatambay sa online dating app," walang amor na sagot ni Evana. "Malakas manalangin ang gagong 'yon, naabutan ka pang single."




♥ ♥ ♥

Telegram Special Chapter 3 to 5 and Heyrosa Massacre Special



"Manuel, masasabi mo bang malapit talaga si Miss Orlando sa mga Heyrosa?" tanong ni Rep. Ramirez.

"Opo, ser . . . Your Honor," sagot ng lalaki sa mariing punto.

Anong ngiwi ni Eloisa sa mga kasama niya dahil hindi naman niya kilala ang nagsasalita. May kilala siyang Manuel sa farm ng mga Heyrosa pero payat iyon, maliit, at walang mariing punto dahil sanay makipagsigawan sa sabungan. Malayong-malayo sa nasa hearing ngayon na halos kasingtangkad niya at malaki ang kaha.

"Sa pagkakaalam ko po, ser, tinatarget niya si Allen Heyrosa ho. Parang habol ho kasi niya yung pera nila."

Kusang umikot ang mga mata ni Eloisa dahil sa narinig. Nababanggit na naman ang pera.

Bumaling kay Eloisa ang panel na nagtatanong. "Miss Orlando, ano ang relasyon mo kay Mr. Allen Heyrosa?"

Nag-unmute agad ng mic si Eloisa saka nabuburyong na sumagot. "Boyfriend ko po, Your Honor."

"Hindi kaya pinagplanuhan n'yong mabuti ang pagpatay sa buong pamilya ng mga Heyrosa para mapunta sa inyo ang lahat ng pera ni late Rep. Heyrosa?"

"May abogado de campanilla si Severino Heyrosa, Your Honor. Puwede n'yong i-double-check kung sino-sino ang mga nasa last will and testament niya at kung kailan ang latest update sa personal document niya. Again, uulitin ko ho, according sa presented evidence na inilatag n'yo mismo, natural cause ang ikinamatay ni Severino Heyrosa. Hindi ko siya binaril, hindi siya binaril ng mga gunman. Nakipagpalitan ako ng putok sa mga suspect at nakatakas lang kami ng mga kasama ko. Paki-interpolate po nang mabuti ang mga ebidensiya."

Kinalabit na naman siya ng abogado nila para awatin.

Naiirita na si Eloisa sa pinatutunguhan ng hearing. Mahina siyang nagreklamo sa abogado nila. "Paulit-ulit sila, parang mga gago, e. Kaya bang planuhin yung cardiac arrest? Saka pakialam ko naman sa mga anak ni Don Suave, e isa ring mga iinu-inutil 'yong mga 'yon? Mga bobo talaga 'tong mga hayup na 'to. Sayang lang ang tax na binabayad sa mga 'to."

Sandaling nagkaroon ng break para i-check ang iba pang ebidensiyang habang tumatagal ay lalo nang nawawalan ng silbi dahil hindi naman nagma-match sa mga tanong ng panel.

Wala si Carlisle Mendoza sa hearing at siya na ang hinahanap ng mga nasa comment section sa live streaming. Wala naman silang utang na paliwanag sa mga viewer kung bakit wala ito sa hearing sa araw na iyon.

Pagbalik ng panel, si Rep. Almario Santillosa na ang may hawak ng ilang dokumento at nakatakdang magtanong.

May nire-review itong mga kopya ng report at saka nagbukas ng mic.

"Miss Orlando . . ." tawag nito habang tutok sa binabasa. "Are you trained to kill?" Saka ito tumingin nang deretso kay Eloisa.

Walang kurap na lumapit si Eloisa sa mic para mag-unmute. "No, Your Honor."

"But you carry a firearm."

"The police and the security guards carry their firearms, Your Honor. But they are not trained to kill."

"But we're not talking about them. We're talking about you."

Lalong namumungay sa inis ang mga mata ni Eloisa dahil sa mga tanong sa kanya.

"Your Honor, I hold a PMA degree, have completed my Bachelor of Laws, met all the necessary prerequisites before transferring to the forensic department, and can provide you with valid certificates in firearm proficiency and gun handling safety, along with my license to practice security. No legal agency in this country will provide either a diploma, a certificate, or a license to validate someone's capability to kill people, so I have trained to protect my clients, not to kill them. And to quote Representative Bautista's words earlier, no bullets from my gun matched those from the victims; therefore, the gunmen killed the victims, not me. I am not guilty of anything."

Pag-unmute niya, saka siya sumandal sa upuan at nagkrus ng mga braso sabay taas ng kaliwang kilay.


• • •


Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top