Chapter 5: Biased


 Napaka-papansin talaga ni Rion.

Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niyang magpapansin palagi, as if namang kulang na kulang siya sa atensiyon.

Kumain kami sa sizzling whatever resto na maraming tao. Malayo sa university campus kaya understandable na kami lang ang estudyante sa loob.

Papansin na siya sa lunch pa lang at akala ko tumigil na pag-alis namin doon sa resto.

Binalikan namin ang pinamili namin sa grocery hanggang makasakay kami sa car service.

Pag-upong pag-upo ko pa lang sa back seat, paglabas ko ng phone, harudyusko! Sunod-sunod ang tunog ng phone ko pag-open ko ng mobile data na kinailangan ko pang mag-off ng notification sound at mag-silent mode na lang para hindi nakakabulahaw sa sinakyan namin ang tunog.

Ang daming nagme-mention sa 'kin kaya nga inalam ko kung bakit. Nagtaka pa ako sa naka-tag na reel sa akin galing kay Rion.

Puno ang bibig ko sa video, nagsasalita rin ako habang kumakain, pero walang sound.

WALA AKONG BOSES KASI IBA ANG SOUND!

"Habang-buhay na 'ko sa iyo
Kaya ipakilala mo na 'ko sa mama mo
Kasi ang tulad ko ay di pang lowkey
Handa naman 'pag in-alok ng shot ni Daddy . . ."

"Ano na namang kaululan 'to, Rion?!"

"HAHAHA!" Ang lutong ng tawa ng kupaloid na 'to pagharap ko sa kanya ng screen ng phone ko.

"At talagang nag-video ka, ha? Burahin mo 'to."

"Ayaw!" Nakangisi pa siyang umiling.

"Anong ayaw? Gusto mong punuin ko ng bukol 'yang mukha mo?"

"You're pretty kaya diyan!"

"Ulul! Pretty-hin mo mukha mo. Alisin mo 'to."

"My wall, my rules."

"Isa."

"A . . . yaw."

"Dalawa."

"Kiss mo muna ako."

Umamba agad ako ng sapok sa kanya na mabilis niyang inilagan. Hinawakan pa niya ang kamay ko at sapilitang ibinaba.

"Documentation 'yan na ginagawa natin ang project natin sa cookery!" natatawang depensa niya.

"Documentation?" Nag-amba na naman ako ng sapok. "Gusto mong i-document ko rin kung paano ka uuwing basag ang mukha?"

"Hahaha! You're so palaaway talaga."

"You're so gago talaga! Burahin mo 'to o ikaw buburahin ko sa mundo."

"Ayaw. Bigyan mo na lang ako ng black eye." Inalok pa talaga niya ang mukha niya sa harap ko. Nag-beautiful eyes pa ang animal!

AARRRGGHHH! RIOOOON! Buwisit ka talaga.

"Ire-report ko 'yong post mo. Ang tigas mo, ha? Tingnan na lang natin," warning ko na lang sa kanya.

Nag-post si Rion ng reel na may mukha ko.

Wala dapat akong pakialam kung mag-post man siya ng mukha ko basta ba walang kahit na anong kasama. Kung documentation man 'yon na namili kami ng ingredients, bakit kailangang may background music, aber?!

Nagbasa ako ng mga comment kasi ang dami na agad nag-flood sa kanya!

| O pak si ante lamon pa more

| where yan Rion?

| Naol pino post ni Rion

| girl kami pa nyan

| sa labas ka matutulog mamaya Rion!

| Evangelle Heyrosa BHIIEEEE!!!

Kapag kinuyog talaga ako ng fans ng talipandas na 'to, bugbog talaga 'to sa 'kin.

"Ikaw na mag-uwi niyang mga pinamili natin. Ihatid mo na lang ako sa bahay," utos ko kay Rion.

Nang dahan-dahan siyang ngumisi, saka lalong bumagsak ang reaksiyon ko. "Ihatid mo 'ko sa labas ng barangay namin."

"No. I'll . . . di ba, sa Villa Heyrosa kayo nakatira. Kuya, can I rent na lang your car? Pa-drop off kami sa Villa Heyrosa. I'll add na lang po ng payment."

"Sa labas nga ng barangay! Putaragis na—"

"Wala na, nasabi ko na kay Kuya Driver. Kuya Driver, di ba, wala nang bawian 'yon."

"Kuya, pa-drop off ako sa gate ng subdivision."

"Kuya Driver, doon po sa may gate nila magda-drop off."

"Huwag ka nga kasi, Rion! Ang epal mo talaga! Uhaw ka ba sa atensiyon?"

"Ihahatid na nga kita, right?"

"Maglalakad na lang ako! Pisteng yawa ka!"

"Don't pisteng yawa me. Kuya will drive us na nga sa villa n'yo. Dapat ba, mag-bring ako ng fruits or something—"

"WALA! Tantanan mo 'ko diyan, Rion. Ipapahabol talaga kita sa mga Doberman ni Lolo Sev!"

"We have dogs, though. My brother has a Doberman and a German Shepherd."

Tumahimik ako at tinitigan na lang siya para magbanta. Ang kulit talaga ng bumbunan ng lalaking 'to.

Akala ba niya, palalabasin pa siya nina Lola Marya oras na malaman nilang dinalaw ako ng isa sa mga tagapagmana ng Golden Seal Corporation?

"Bakit ayaw mo ako na ihatid kita?" nabubulol pa niyang tanong.

"Ayaw sa 'yo ng mga pet namin." Umirap pa ako sabay taas ng kilay at pagkrus ng mga braso.

"Why? Friendly naman ako sa mga animal. May pet din ako na dog. She's a Labrador Retriever and taller than you—"

"O, ba't nadamay height ko?"

Biglang lumapad ang ngisi niya sabay peace sign sa 'kin. "Ihatid na kasi kita! Papakilala ako sa granddad mo."

"WALANG MAGPAPAKILALA SA BAHAY!"

"Pero kilala naman ako ng family mo."

"Hindi ka nila kilala!"

"Then, magpapakilala ako para kilala na nila ako."

"Tumigil ka na. Tumigil ka na!" Paulit-ulit ko siyang pinalo sa braso para tantanan na 'ko. "Walang dadalaw sa bahay! Kapag ikaw, kinulong talaga nila sa dog house, ewan ko na lang sa 'yo."

"Hindi nila ako ikukulong sa dog house. Why naman ganyan?"

"Kuya!" sigaw ko sa driver. "Sa gate ng Flora II!"

"Wait la—"

"FINAL NA 'YON!" Saka ko tiningnan nang masama si Rion. Nag-beautiful eyes na naman siya sa 'kin habang nakanguso.

Nakakaubos talaga ng enerhiya 'tong poste na 'to. Umay!


• • •


Shantey Ortega

GUUURL!
Tangina nagdate kayo ng crush ko???

Pls lang Shantey
Kung crush mo yun
Iyong iyo na

Hala whyket naman ampalayers ang atake ng babae na yan?

Nakakastress kausap si Rion juskooooo
Umay na nga kay Sydney
Pati ba naman kay Rion?
Tas eto pa tey
Sabi ko ihatid ako kasi nga wala ako service badeng
Gusto pa ihatid ako sa literal naming bahay!
Tingin ba nya papayag si Lola Marya na pauwiin sya
nang di nagpapapyesta sa villa? Jusko talagaaaa
Gigigil ako sa lalaking to

Pero hinatid ka nga?
AAAHHHHH NAOL HINAHATID NI RION BABYLOVES KO

Umay sa kanya 😒

• • •


ONLINE PROFILE

Rion Scott is with Evangelle Heyrosa

Done w/ the grocery with mah girl Gelle🛒🤸‍♂️💑😌🤙🏻

#ShoppingChronicles
#BangusIsNotBangusing (つ╥﹏╥)つ
#WhyNamanAyawPahatidNiEvangelle
#DiSyaProud ૮₍ ˃ ⤙ ˂ ₎ა


LikeCommentShare

Sydney Del Tierro
| OMG nag-grocery ka with her Rion?

Rion Scott
| Sydney Del Tierro yes! (≧ヮ≦)

Sydney Del Tierro
 | 
Can we do the grocery next time?

Rion Scott


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top