Chapter 28: Parted


Ang unang sabi sa balita, palalayain na raw sina Daddy kasi hindi naman pala sila ang mastermind. Same din naman ng sinabi ni Rion sa 'kin. Pero inabot pa ng December bago sila nabigyan ng release papers kasi ang bagal mag-process ng kung sino mang animal ang nagpa-process nito.

Naka-hold ang assets ng mga Heyrosa. Sarado muna ang villa at hawak 'yon ngayon ng mga naglalakad ng kaso na involved ang pamilya ko.

Ito na rin ang sinasabi ko kay Daddy noon pa. Kapag 'yang mga luho na 'yan ang nawala, iyak talaga silang lahat.

Ang masakit dito, hindi ito basta problema sa mana-mana lang. May krimen na involved. May mga private company na involved. Involved din pati ang government. Patay na ang kongresista sa distrito namin. Kada balita, may lalabas na RA 6645 na magkakaroon nga raw ng special election para sa papalit kay Lolo Sev sa House of Representatives. Ang pinagbobotohan nila, wala sa pamilya namin. Wala ring interes si Daddy na

tumakbo sa kahit na anong posisyon sa gobyerno kahit pa kasama siya madalas ni Lolo Sev dati.

Mahigit isang buwan pa ang inabot bago ko uli siya nakita. Sinamahan ako ni Rion pabalik sa Carmona kung saan may bahay si Daddy—na hindi ko alam na may bahay pala siya roon.

Kitang-kita ko na pumayat siya. Nawala na ang beer belly niya. Mas malalaki na rin ang eyebags niya at mas maluwag na ngayon sa kanya ang mga namumutok dating polo shirt sa kanya.

Nakaupo kaming dalawa sa dining chair na pang-apatan lang. Halatang ayaw magpaupo ng ibang bisita sa kusina.

Tahimik lang si Daddy na nagkakape at nagbabasa ng morning newspaper. Ang mata ko, sinusundan si Eloisa na tinatapos ang pag-iinit niya ng tinapay sa toaster.

Nagtanong kanina si Daddy kung kumusta ako. Sabi ko, "Okay lang." Tapos wala na. Tahimik na naman.

"Pumunta ka agad dito, hindi ka man lang kumain muna bago umalis," sermon ni Eloisa nang lapagan niya 'ko ng almusal ko.

"Sisihin mo si Rion," mataray ding sagot ko. "Alas-singko pa lang, nasa biyahe na kami."

"Mabuti na lang mabait 'yang boyfriend mo. Pasensiyoso," sabi ni Daddy at humigop sa kape niya.

"Malamang mabait."

Paglapag niya ng tasa, nagdugtong pa ng kagaguhan. "Kung ako 'yan, itinapon na lang kita sa Manila Bay. 'Tigas pa naman ng ulo mo."

"Si Daddy, parang tanga! Ikaw nga nag-iwan sa 'kin diyan kay Rion! Ay, naku! Tantanan mo 'ko, please lang."

Bumungisngis si Daddy para pagtawanan ako.

"Kaya ka nakukulong, e!" sumbat ko. "Kung ako ang DOJ, di talaga kita palalayain! Kulong ka talaga habambuhay!"

'Kayamot talaga 'to si Daddy.

"Papakasalan ka na raw niyan," pagbabago ni Daddy sa topic. "Sabihin mo, pakidalian at nang hindi na tayo mamroblema sa pera."

"Ang kapal mo talaga, Daddy. Wala ka na talagang sinasanto."

"Hiningi na nga kamay mo sa 'kin," sabi pa niya at ipinagpilitan talaga sa 'kin.

"Ba't sa 'yo ba kamay ko? Bakit sa 'yo hihingin?" "Daddy mo 'ko."

"Ay, hindi na. Tinatakwil na kita. Saka magmamadre ako. Magpa-file na 'ko ng vocation sa Ina ng Laging Saklolo."

Nag-angat ng kamay si Daddy para hampasin ako kaya napailag ako sa mesa. "Napaka-choosy mong bata ka. Hampasin kaya kita ng alpombra diyan!"

"Dinadamay mo pa si Rion, nananahimik yung tao."

"Gusto ka na ngang pakasalan! Sino ba naman ako para tumanggi?"

"A, talaga! Sino ka ba? Kilala ka ba namin?" Dinampot nga talaga ni Daddy ang pambahay na tsinelas niya at inambang ihahampas sa 'kin. Napailag na naman ako.

"Huwag mong pakakawalan 'yang boyfriend mo, ikukulong talaga kita sa CR."

Hinatid ako rito ni Rion tapos sumaglit muna siya sa Tagaytay para dalawin ang chairman ng school namin na doon nagpa-part-time bilang kahero sa bulaluhan. Babalikan na lang daw niya ako mamayang hapon kapag tapos na siya sa iuutos sa kanya roon.

Ewan ko ba sa pamilya ni Rion. Mayayaman naman, pero ang mga part-time, di mawari.

Mga bored siguro porke financially stable na.

Pag-upo ni Eloisa sa kandungan ni Daddy, saka lang ako nakaisip ng itatanong.

Wala namang ipinagbago ang mga pormahan niya. Doon pa rin sa sando niyang halos luwa ang suso at shorts na mas mahaba pa ang bulsa.

Sanay na 'kong ginagawa niyang upuan ang daddy ko kasi nga, buong akala ko talaga e kabit kung kabit siya. Malamang, kailangan niyang landiin si Daddy kung gusto niyang hindi ma- kickout sa villa.

E, na-kickout na kaming lahat ngayon sa villa. "Daddy."

"Wala akong pera."

"A, kawawa. Walang pera."

Inamba na naman ni Daddy ang palad niya pahampas sa 'kin. Hindi na nga lang niya ako maabot ngayon. Nakahambalang kasi si Eloisa sa harapan niya.

Natatawa na tuloy ako. "Daddy."

"Ano nga?"

"Ano ba talaga kayo ni Eloisa?"

"Malamang tao kami. Anak, gamit-gamit din ng utak, ha?"

"Ang gago mo talaga kausap. Ang tino ng tanong ko, ha?"

Tinawanan na naman ako ni Daddy. "Anong oras ka raw susunduin ng boyfriend?"

"'De, wala. 'Wag mong binabago ang topic, Allen," sagot. "Jowa mo ba talaga si Eloisa? Asking for your ex-wife."

"Ang tsismosa mong bata ka."

"Sumagot ka na lang. Sumagot ka na lang. Ang dami pang cheche bureche, e." Sinipa ko ang paa ni Eloisa habang nagpapalaman siya ng peanut butter sa tinapay. "Ano ba talaga setup n'yo ni Daddy? Jowa ka ba talaga? Bodyguard? Fubu? All of the above? Wala sa nabanggit?"

"Bakit ka ba biglang nagtatanong, e matagal ko nang sinagot 'yan?" sabad ni Daddy.

"E, bakit ba hindi ka rin makasagot kung nasagot mo na pala dati?" balik ko sa kanya sabay taas ng kaliwang kilay.

"Bakit mo nga tinatanong na naman?" pilit ni Daddy.

"Hihingin niya kasi dapat yung kamay mo sa 'kin. Pero hindi ko ibibigay."

"Ang daming alam! Ang daming alam!" Umamba na naman siya ng palo gamit ang diyaryo kaya umilag na ako.

"Nagtatanong nga, ano ba relasyon n'yo ni Eloisa! Ni hindi ko nga alam na supervisor pala 'yan sa kung saang impiyerno, e!" sigaw ko sa kanya.

"Girlfriend ko nga! Itong batang 'to talaga!"

"Asus, Daddy! Narinig ko na 'yan sa 'yo dati pa!"

"Nakita mo 'yan! Ako, mangungurot na talaga ako ng makulit na anak, kaunting-kaunti na lang."

Ang daming echos ni Daddy. Ayaw na lang umamin, e. Hanggang dito, tangay si Eloisa? Wow, ha?

Sa totoo lang, mula nang lumabas sa press con si Eloisa, sobrang na-curious ako sa setup nila ni Daddy. Ang chika kasi ni Rion, nasa 3-million to 8- million contract ang private protection program ng Afitek. Ang laking pera.

Si Mommy raw ang nag-sign ng contract bago siya mamatay. Hindi ko rin alam kung bakit ako kailangang bantayan. Pero ang hint ni Eloisa, sa fifth year ng kontrata ang basahan ng last will ni Mommy base sa agreement—meaning, next year na.

Wala akong ine-expect sa Mommy ko. Tumira kami sa apartment at hikaos kung hikaos! Ni hindi

nga ako makabili dati kahit sariling bolpen man lang, mag-aasam pa ba ako ng mana?

"'Nga pala, Angel," putol ni Daddy sa katahimikan ng almusal namin.

"Ano na naman?" sagot ko.

"Sa susunod na linggo, dito ka na titira."

Nahinto ako sa pagsubo ng tinapay at natitigan si Daddy. Seryoso pa naman.

"Joke ba 'yan?" tanong ko pa.

"Seryoso nga," sabi niya. "Babantayan ka pa rin ni Eloisa. Dito na tayo titira."

Nalipat kay Eloisa ang tingin ko. Seryoso ba talaga?! Anong bantay pa ba ang dapat gawin ni Eloisa sa 'kin?

"May threat ba sa buhay ko para bantayan ako?" tanong ko kay Daddy. "Saka ang layo ng NDU!"

"Lilipat ka na diyan sa State U next year. Para puwedeng i-jeep na lang."

"Tapos babantayan ako ni Eloisa?" nalilitong tanong ko.

"Babantayan ka ni Eloisa kasi trabaho niya 'yon.

Bayad siya n'on."

Sinipa ko si Eloisa sa binti mula sa ilalim ng mesa. "Magkano sahod mo kada buwan? Kinsenas katapusan ba 'to?"

"Malamang," panguya-nguyang sagot ni Eloisa. "Magkano nga? Babayaran ko."

"66k sahod ko kada buwan. Babayaran mo?"

"HOY, GAGU! SERYOSO?" gulat na tanong ko. "Tapos mas madalas mo pang kasama si Daddy kaysa sa 'kin?"

"Gusto mong bantayan kita sa school?" "'Wag na, uy!"

'Tang inang trabaho 'yan. 66k tapos babantayan lang ako? Aba, matindi! Parang mas madalas pa niyang bantayan ang leeg ni Daddy kaysa sa 'kin tapos 66k?

Akala ko talaga, joke lang ni Daddy na lilipat ako sa Carmona. Seryoso pala talaga siya.

Nanunulis tuloy ang nguso ni Rion nang lumabas kami ng bahay nila. Yakap niya ang duffel bag ko, parang ayaw na ibigay sa 'kin.

"Babalik naman ako sa dorm. Hanggang sa March 'yon."

"But you will transfer na sa different school after," malungkot na sabi niya.

"Wala tayong magagawa."

"Can I pay for your tuition fee na lang?"

"Hindi nga raw tuition ang problema. Yung location ng bahay sa school kaya ako pinapalipat."

Ang lalim ng buntonghininga ni Rion nang sumuko. Inilagay niya ang yakap na bag sa trunk ng service ko pauwi sa Carmona.

"I'll marry you pa rin," pahabol niya. "I'll wait until we're ready."

Nakakaawa ang tingin niya ngayon, parang maiiyak na naman.

"Magkikita pa naman tayo after three days. 'Wag ka ngang OA."

"I love you. So much."

Ako na ang nagbukas ng pinto sa back seat para makasakay na 'ko. "Magtsa-chat ako sa biyahe." Ipinasok ko na ang isang paa ko sa loob. "Mamaya, umiyak-iyak ka na naman, ha?"

"I won't."

I won't pero nanunubig na ang mata?

Lumapit na siya sa 'kin at hinalikan ako sa labi. Akala ko, isang beses lang, pero sinulit talaga at dinamihan pa. Hindi lang sa labi kundi buong mukha.

"Rion, magagalit na yung driver. Puro ka kalandian."

"I love you, Angel. I'll visit you sa Sunday." "Oo na, ba-bye na."

"Pasyal tayo sa Sunday, ha?"

Pumasok na ako sa kotse at nagbukas na lang ng bintana para kumaway sa kanya habang lumalayo ang sasakyan.

"I love you, Evangelle!" sigaw na naman niya.

"Kita tayo sa Sunday! Libre kita lomi!" sigaw ko rin bago ko isinara ang bintana.

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top