Chapter 26: Taken
All Soul's Day, sumabog agad ang balita makalipas lang ang ilang oras. Tinambangan ang buong pamilya ni Severino Heyrosa. Labingwalo ang patay, sampu ang inosenteng sugatan, dalawa ang nag-aagaw-buhay sa ospital.
November 3, nasa custody na si Allen Heyrosa para sa initial investigation tungkol sa nangyaring pananambang. May press release na rin sa TV para i-surrender si Eloisa Orlando na isa rin sa mga pinaghihinalaang mastermind sa nangyari.
Nasa sala kami. Katabi ko si Rion at sinusuklayan ako ng buhok. Naka-sling na ang kanang braso ko habang balot ng benda ang dalawang daliri ko sa kaliwa.
Busy sa kusina si Tita Ikay. Nakatayo lang si Tito Luan sa may sala dahil gustong manood ng balita pero tinatawag din kasi paminsan-minsan ng asawa niya.
May live press con ngayon sa news para i- surrender si Eloisa. Nasa mahabang table sila, may
royal blue na kurtina bilang backdrop, katabi niya ang vice president ng Afitek at ilan pang mga admin yata ng kompanya.
Ang daming press na nahahagip ng camera. Sabay-sabay ang live sa iba't ibang channel mula nang ilipat-lipat 'yon ni Tito Luan.
Nag-announce na ng simula ng press con sa isang channel kaya doon muna hininto ni Tito Luan ang paglilipat ng panonooran.
Nagpa-flash sa ibaba ng screen ang pangalan ng speaker nila.
Carlisle Arjeantine Mendoza
Senior Vice President of Afitek Group of Companies.
Pamilyar siya sa 'kin. Parang nakita ko na siya sa isang event dati.
"Yes?" sabi ng SVP ng Afitek nang may reporter na nagtanong.
"Hi, I'm Christina Rualdo from ABC News. Mr. Mendoza, sir, this is my question. We've been seeing Miss Orlando with the Heyrosa for the past few years. My question is, why does Afitek have to be involved in this situation when, according to our sources, Miss Orlando has an affair with the son of the late Severino Heyrosa?"
Sunod-sunod na nag-flash ang camera.
Pinatatahimik ang ilang reporter sa background.
"Thank you for the question, Miss Rualdo," sagot ng SVP. "To begin with, Miss Orlando is one of our respected security supervisors. She's been under Afitek for the past eleven years and is one of the closest friends of the late Attorney Evana Ayutthaya."
Nakikinig lang ako pero kinikilabutan ako na naririnig ko na naman ang pangalan ni Mommy sa TV.
"Our involvement with this recent case is vital with the ongoing investigation related to the Heyrosa Massacre," dugtong ng SVP. "Attorney Ayutthaya signed a protection program for her daughter, effective for ten years, and the contract is still operative until now—the fourth year within that ten-year clause. Miss Orlando is assigned to protect Attorney Ayutthaya and Mr. Allen Heyrosa's daughter, as per the signed Afitek agreement."
Nakatutok na ang camera kay Eloisa. Seryoso lang ang tingin niya sa camera. Walang nagbago, matapang pa rin siyang tumingin sa lahat kahit pa kinukuwestiyon na ngayon ang pagkatao niya at kung ano ang kaugnayan niya sa pamilya ko.
Supervisor ng Afitek.
Hindi mukhang supervisor si Eloisa. Wala ngang makakapagsabing supervisor pala siya sa kahit na anong tingin.
"Mr. Mendoza, I hope you don't mind me asking this . . ." sabi ng isa pang babaeng reporter na taga- kabilang channel. "Itong pag-surrender ba kay Eloisa Orlando ay subtle confirmation ng involvement ng Afitek sa nangyaring massacre?"
Napahugot ako ng hininga dahil doon sa tanong. Ako ang kinabahan para kay Eloisa, pero chill lang ang SVP sa pagsagot.
"If that's the case, hindi na siguro sana kami nagpa-press con."
"But, sir, may history ang Afitek ng pag-receive ng assassination orders, correct?"
"That policy was under the former administration and was removed after the latest amendment to our by-laws. Afitek does not accept any assassination orders from anyone, apart from securing our client's safety. Security agent din kami last year ng mga Heyrosa. The suspicion is irrelevant."
Ang kalmadong sumagot ng SVP ng kompanya kahit nakaka-tense ang mga tanong sa kanya ng mga reporter. Hindi pa nagsasalita si Eloisa. Mukhang uupo lang siya roon hanggang matapos ang press con.
"Mr. Mendoza, magko-conduct din ba ng separate investigation ang Afitek sa nangyaring massacre?"
"As per the court order, we are not allowed to conduct a separate investigation regarding this matter, solely for the purpose of an unbiased investigation and to avoid potential alteration of evidence. Makikipag-coordinate lang kami sa authorities based sa procedure na ilalapag sa amin ng prosecution."
Ang daming tanong sa kanila. Hindi ko rin masabi kung bakit parang gusto ng mga reporter na idiin sila sa kaso samantalang wala naman akong naririnig na masama sa kompanyang dinadawit nila.
Hired last year ni Lolo Sev ang Afitek para bantayan si Daddy sa isang event. Imposible namang sila ang dahilan ng pag-ambush sa 'min, e binayaran nga sila para protektahan kami.
Hindi masasabing pinatay ng mga gunman ang lolo ko. Natural death ang nangyari sa kanya. Wala nga raw siyang tama ng baril. Cardiac arrest lang ang lumabas sa result ng autopsy.
"Miss Orlando, can you clarify the relationship between you and Mr. Allen Heyrosa?" tanong ng isang reporter, kahit pa naitanong na 'yon kanina ng ibang reporter sa SVP.
Lumapit sa mic si Eloisa. English pa man din ang tanong.
"My relationship with Mr. Allen Heyrosa has nothing to do with the ongoing investigation. My job is to protect his child, and I only do my job as stated in my contract. If they survived—" Pinutol siya ng reporter.
"But your affair with—"
"IF THEY SURVIVED," mas mariin pang putol ni Eloisa sa reporter na pumutol sa sinasabi niya, "I just did my job accordingly. I am a skilled professional and have been in this field for more than a decade, and I'm just doing what I'm tasked to do."
Hindi nakapagbalik ng tanong ang reporter.
"Afitek is the leading security agency in the country. Hindi namin isasakripisyo ang buhay ng mga kliyente namin para lang sa ganitong sitwasyon. Isu-surrender ako para patunayang walang kinalaman ang trabaho ko, ako, o ang kompanya ko sa nangyari sa pamilya Heyrosa."
Ang utak ko, nasanay na makalat siya sa villa o sa kahit saang event kaya siguro naninibago ako sa paraan niya ng pagsasalita. Parang hindi siya si Eloisa na nakilala ko.
Naputol ang interview para sa balita ng reporter sa labas ng press con. Naglipat na naman si Tito Luan. Mukhang tinatapos na roon ang live. Dumating na ang mga pulis at mukhang itu- turnover na si Eloisa sa kanila.
"Kawawa naman sina Cheese," sabi ni Tita Ikay mula sa kusina. "Hindi pa okay si Chan-Chan, di ba?"
"Na kay Kuya naman si Chan-Chan. Mas safe siya do'n. Si Mine naman ang bantay niya," sagot ni Tito Luan. "Si Kit, hindi rin okay ngayon. Hindi pa settled 'yong kay Leyton, nagdagdag na naman ng panibagong problema."
"Hindi pa ba 'yon ayos? Ang tagal na n'on, a?"
"Wala pa nga raw lead. Sana lang hindi magaya rito sa bagong case."
Kada lalabas ang balita tungkol sa pamilya ko, may pinag-uusapan silang mag-asawa.
"Kaya ikaw, Rion, huli na 'to, ha?" pahabol pa ni Tito Luan. "I won't tolerate any reckless decisions inside this house. I will listen to you, but you will listen to me."
"Yes po, Dad."
"Nakikita mo si Chan-Chan ngayon. Ayokong magagaya ka sa kanya. Pinalaki kita nang maayos. Mabuhay ka nang maayos."
Chan-Chan. Kanina pa nila 'yon sinasabi. Hindi ko sigurado kung sino ba 'yon o sino-sino ba ang pinag-uusapan nila. Kapag nababanggit ang Chan- Chan na 'yon, laging kasunod ang sermon para kay Rion.
Pero tingin ko naman, hindi napipika si Rion kada sermon sa kanya. Puro lang siya yes sa daddy niya at halata namang pinakikinggan niya 'yong mabuti.
Oras ng hapunan, si Rion ang nagsusubo sa akin. Okay lang sa parents niya kasi naka-sling ang kanang braso ko at hindi raw muna dapat galawin para mabawasan ang pamamaga. Ang kaliwang kamay ko naman, tatlong daliri lang ang malayang nakakagalaw.
Sa daming taon ng pagiging reklamador ko, ngayon lang talaga ako nasubok na huwag magreklamo sa kung ano lang ang kayang ibigay sa akin ng pamilya ni Rion. Although, masasabi ko naman na hindi nila ako pinababayaan. Nagger lang talaga itong si Tito Luan.
"Dad surely is testing my patience," sabi ni Rion. "But not in an annoying way.
Natitigan ko siyang mabuti. Nasa bathroom kaming dalawa. Hiwalay ang kuwarto namin. Nasa kuwarto niya ako. Sa kuwarto siya ng kakambal niya matutulog. Pero sa ngayon, binigyan siya ng permiso ng daddy niya na paliguan ako. Si Tita Ikay dapat ang gagawa, pero si Tito Luan ang nagsabing si Rion ang mag-asikaso sa 'kin.
Walang tub. Shower lang. Half bath kasi bawal pa munang basain ang ibang parte ng katawan ko.
Nakatayo ako sa harapan niya. Kompara sa dorm, mas maliwanag rito sa banyo niyang amoy after-shower kahit nasa loob ng shower.
Nakikita niya ngayon ang mga parte ng katawan kong hindi perfect. Hindi sobrang pink ng nipple ko at hindi rin kutis baby ang kipay ko. Hindi sobrang itim ng singit ko, pero may discoloration pa rin kahit paano. Ang kilikili ko, natutubuan na ng maliliit na buhok. Kitang-kita niya ang ilang stretch marks ko sa balakang. Tapos bugbog at literal na sugatan pa ako ngayon. May tahi na, may benda pa.
"Buti pumayag ang daddy mo na paliguan mo 'ko."
"I told your dad na papakasalan kita once puwede na. Sabi niya, ako na muna ang bahala sa 'yo."
Mumurahin ko pa lang sana siya dahil sa sinabi niyang kasal, pero nang marinig ko ang tungkol kay Daddy, nabawi ko agad 'yon.
"My dad trusts me with this task, and I don't want to mess it up. Papaliguan lang kita, and that's all. No fooling around."
Itinutok niya sa katawan ko ang shower head na maligamgam ang tubig saka niya ako marahang pinunasan gamit ang malambot na face towel.
"Hindi ako sexy, Rion."
"You are sexy. I love your body. I love every inch of your being," seryosong sagot niya.
Gusto ko sanang sabihan na bolero o manyak, pero nakikita kong wala sa itsura niya ang magbiro ngayon.
Parang pagod na pagod siya sa hindi ko malamang dahilan.
Pinupunasan niya ang katawan ko pero hindi ko maramdamang gawa 'yon ng panlalandi o dahil gusto lang niyang makahipo.
Maingat ang bawat punas niya. Iniiwasan ang mga gasgas sa katawan ko pero sinisigurado pa ring malinis ako pagkatapos.
"Rion."
"Hmm?"
"Mahal mo ba 'ko talaga?"
Bigla siyang ngumiti. 'Yong ngiting kahit pagod, alam kong genuine na ngiti galing sa kanya. "Yeah. A lot."
"Hanggang kailan mo 'ko mahal?" "Hanggang . . . sa dulo."
"Boo. Corny."
Saka lang siya natawa nang mahina dahil sa pang-aasar ko.
"Nakahubad ako sa harap mo ngayon. Hindi ka ba nate-tempt?" buyo ko.
Pero imbes na makaramdam ng pagkailang, bigla siyang nagbuntonghininga. "I can't think of lewd things right now."
"Natu-turn off ka na ba sa 'kin?"
Umiling siya. "Nasa-sad lang ako because I know you're physically hurting right now. I can't think of lewd things while looking at your wounds." At ayun na naman siya at mukhang maiiyak na naman. "I can feel your pain."
Bigla akong nahiya sa mga pinagsasasabi ko.
Itinikom ko na lang ang bibig ko habang pinanonood siya.
Ang ingat ng bawat hawak niya sa 'kin. Kahit na kitang-kita na niya ang lahat sa katawan ko, wala akong nakikitang senyales na magte-take advantage siya.
Nang matapos sa katawan ko, binalutan niya ako ng towel mula sa dibdib at dumeretso naman kami sa may sink.
Nagbasa na naman siya ng panibagong malambot na towel at 'yon ang ipinampunas sa mukha ko. Mas maingat siya ngayon dahil ang tahi ko, nasa noo at anit.
Nakatingala ako sa kanya habang punas-punas niya ang pisngi ko. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan nang deretso sa mata. Kahit anong titig ko sa kanya, hindi niya yata napapansin.
"Rion . . ." "Hmm?"
"Paano mo nalamang mahal mo pala ako?"
Ang lungkot na naman ng ngiti niya habang pinupunasan ako sa tenga at ibaba ng leeg. "Ang nice ng timing ng question mo."
"Bakit?"
"I liked you. I mean, a lot. I like you a lot."
"Okay."
"And I thought . . . that was it. I just like you."
Tinitigan ko lang siya habang naghihintay ng sapat na paliwanag.
"Until this happened." Ang lalim ng paghinga niya at saka lang niya ako tinitigan nang deretso sa mga mata. "I never imagined sacrificing a lot of my privileges for you."
Pabuka pa lang ako ng bibig para manermon, pero sinalo na agad niya ng karugtong ang sinasabi niya.
"It was all worth it."
May kung anong bara sa lalamunan ko ang biglang nabuo habang nakatitig sa mga mata niya.
"I won't force you to love me in return. I'm not asking for anything kaya ko 'to ginagawa. May meaning man sa 'yo 'to o wala, gusto ko lang ngayon na maging safe ka."
Hindi ko kahit kailan naisip na magiging ganito kaseryoso si Rion sa isang bagay. Tipo ng seryoso na hindi gawa ng galit o inis. Seryoso dahil may lungkot at takot doon pero kailangan niyang maging matapang.
Pagkatapos niya akong bihisan, inalalayan na niya akong mahiga sa kama niya saka ako kinumutan.
Isa-isa niyang pinatay ang mga ilaw hanggang ang lampshade na lang sa nightstand ang naiwang nakabukas.
"I'll ask Dad if puwedeng dito na lang ako mag- sleep sa floor."
"Baka mainis na daddy mo sa 'yo niyan, ang dami mong demand."
"I won't do anything naman. Babantayan lang kita."
Ang lalim na naman ng buntonghininga niya nang i-check ang tahi ko sa noo. "I'll pray for your fast healing." Saglit niya akong dinampian ng halik sa labi sunod sa noo. "I love you, Evangelle."
Sa daming beses niyang sinabi at isinigaw 'yon, ngayon ko lang naramdaman kung gaano 'yon ka- sincere at kainit sa pakiramdam. Para akong niyakap ng mga salitang 'yon sa di ko maipaliwanag na dahilan.
I love you, too.
Pero hanggang sa isip ko na lang 'yon. Hindi pa ako ganoon katapang para sabihin sa kanya 'yon nang harapan.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top