Chapter 21: Headache


Kalat na kalat na sa campus na taken na nga raw si Rion. At sino ang girlfriend niya?

Walang may alam.

Ang sus nga raw ng DP niya. Nakatalikod ang babae na nakatali pa ang buhok. Mahirap pang makilala agad kasi maliban sa malayo, nakahambalang pa ang daliri ni Rion na naka-finger heart sa photo.

Alam kong girlfriend niya 'ko sa mata ng pamilya naming dalawa. And obviously, walang pakialam si Daddy o si Lolo Sev sa kanya. Dito sa daddy, sa tito, at sa angkan nila ang focus ng pamilya ko.

Walang matinong announcement. Walang intro-intro. Hulaan na lang kung sino ang jowa ni Rion.

At dahil nga nag-warning akong walang PDA sa campus, wala talagang PDA sa pagitan naming dalawa.

Kakausapin niya ako nang normal, tatratuhin niya ako nang normal, may akbayan pa rin (na ginagawa rin niya sa iba kapag trip niya), pero maliban doon, wala nang senyales na jowa namin ang isa't isa.

Sabi nga rin ni Rion, if gusto naming seryosohin, liligawan pa rin niya 'ko, as if walang official statement sa pamilya naming dalawa.

Katapusan ng October nang mag-announce na ng short break sa paparating na holidays at resume namin ay next month na.

Seryoso si Rion sa pa-Halloween Party na libre niya ako. Nagbayad pa talaga siya ng 750 pesos para lang sa entrance fee. Kung pinang-entrance na lang namin 'yon sa EK, baka nag-enjoy pa kaming dalawa sa gala.

"Seryoso ka bang ito ang costume mo?" tanong ko pa pagkakita sa isusuot niya.

"Yep!"

Proud na proud pa siyang pumunta sa dorm ko para lang ipakita ang isusuot niya sa Sabado.

Hindi ko alam kung mabubuwisit ako o ano, e.

Ang costume niya—kung costume ba talaga 'yon—black pants at black shiny shoes na formal na formal. White collar na may black necktie tapos white cuffs sa magkabilang wrist. 'Yong pinakadamit, WALA! Tapos may headband siyang tenga ng kuneho! POTA!

"Pupunta ka sa Halloween party na wala kang damit?" naiiritang tanong ko.

"I have my pants naman!"

"Pants lang? Gusto mong isakal ko sa 'yo 'yang pants mo?"

"I have a necktie naman, e."

'Tang inang katwiran 'yan. Isakal ko kaya sa kanya ang necktie niya?

"So, magta-topless ka papuntang Halloween party," nabubuwisit na sabi ko sabay krus ng mga braso.

Tinakpan niya agad ng magkapatong na mga brasong naka-X ang dibdib niya. "Yeah." Tapos gumiling-gumiling pa sabay flying kiss sa 'kin.

"O, sige, pumunta kang topless tapos pupunta akong naka-bra't panty lang."

"No! That's for my eyes only."

"Anong for you eyes only? Gusto mong bulagin kita? Magpalit ka ng costume. Ayoko niyang costume mo." Sabay bato sa collar na may naka-Velcro na necktie.

"But I'm a bunny boy!"

"Kung gusto mong mag-bunny, magsuot ka ng mascot ni Bugs Bunny! May alam akong rerentahan!"

Kalandian ng Rion na 'to. Pupunta ng Halloween party, walang damit?

Wala pa akong costume. Ang balak ko sana, tindera ng gulay. Daster lang 'yon at bilao, talo-talo na. Ewan ko ba rito kay Rion. Gusto yata nitong maging dancer sa Adonis.

Pinagtatalunan talaga namin ang isusuot niya. Gusto niya talaga 'yong napili niya. E, ayoko nga.

"Can I put a tank top na lang? Like, yung parang fishnet or something?"

"Papayag na nga ako basta naka-bra saka panty lang ako. Yung T-back. Tapos yung bra, nipple lang ang matatakpan. Gusto mo 'yon?"

Bumusangot agad siya at napatitig sa kakapirasong damit na isusuot niya raw sa Halloween party.

"But I like this one . . ." parang batang sabi niya at tinusok-tusok ang laman ng box na pinaglalagyan ng idadamit niyang hindi nga damit kung tutuusin.

"Kaya nga. Payag na nga ako, di ba?" sarcastic na sabi ko.

"But I don't like you wearing panty lang saka bra outside, e."

"Ayaw mo pala, e di pumili ka ng ibang costume."

Itsura ng lalaking 'to. Kung 'yon ngang naka-long-sleeve siya, ang dami nang yumayakap sa kanya, what more kung topless pa?

Hindi announced na girlfriend ako kaya malamang sa malamang, libreng-libre siyang himas-himasin ng kung sino-sino sa gym.

Dalawang araw naming pinag-awayan 'yon kahit sa school. Kaya nga walang makakapagsabing mag-jowa kaming dalawa kasi nabubuwisit talaga ako sa kanya.

Nagsabi na ako na kung magsusuot siya ng mukha siyang dancer sa gay bar, magsusuot din ako ng mukha akong dancer sa club para quits.

Ayaw niyang i-give up ang bunny suit niya. Iba't ibang deal na ang inalok sa 'kin: fishnet na sando, black na sando, may long-sleeve pero huhubarin niya sa venue, ultimo kumot, pinatos na niya! Magsusuot na lang siya ng kumot pero aalisin na lang daw every now and then!

'Tang ina, yung stress ko talaga, nakakaurong ng noo hanggang batok!

Nag-text agad ako na ayoko nang pumunta.

Kung gusto niyang mag-enjoy sa Halloween party, e di mag-enjoy siya! Kawalan ko ba 'yon?

Ito namang kasama ko sa dorm, dadayo raw sa Halloween party ng school namin kasi nakakuha ng ticket. Hindi naman daw malalaman kung outsider basta may ticket sila. Isa ring gigil na gigil sa costume at pinili pa talaga yung mukha siyang tanga. Mag-costume ba naman ng bikini lang na may dalang surfboard? Gabing-gabi, naka-sunglasses? E, di wow.

Alas-siyete ng gabi, pabalik-balik ako ng lakad sa dorm habang naghihintay ng chat ni Rion.

Nag-My Day ang hinayupak na nasa venue na raw siya. Tapos sa next slide, selfie niyang topless, may white collar, at kagat ang dulo ng putang-inang necktie niya habang nakakindat ang isang mata.

Kumukulo ang dugo kooo!

"Rion Scott, mag-reply kaaa!" nanggigigil na sigaw ko sa phone.

Alas-otso ang start ng event. Ang dami na nilang shot na nagkalat sa newsfeed ko. Nakikita ko si Rion na ang daming kaakbayan na kung sino-sino para magpa-picture. Ultimo si Shantey na nakasuot ng Elsa costume, may selfie sa kanya!

Pagkakita ko kay Shantey, sinukuan ko na. Hinugot ko ang makulay na daster na dinala ko talaga sa dorm para masuot tuwing maliligo sana.

Marunong nang pumalag 'tong Rion na 'to, ha? Matigas na ang buto. Tingnan natin.

Nag-chat ako sa kanya sa kahuli-hulihang pagkakataon bago ko siya kaladkarin paalis doon sa venue.

Partner Kong Mahal
Gusto mo yan ha?
Walang sisihan kapag nakita mo kong naka-bra't panty lang sa gym
Makikipaghalikan talaga ko dun sa kahit sinong lalapit sa'kin
Hamunin mo ko palagi para magkasundo tayo

Inaayos ko pa lang ang sling bag ko dahil puro pa laman. Pinagtatapon ko sa kama sa itaas ng double deck ang lahat ng nasa loob at itinira ang phone at wallet ko.

Hawak-hawak ko sa mismong katawan ng bag ang gamit ko at palabas na sana ng dorm nang pagbukas ko ng pinto, bumungad sa 'kin ang nakaangat na kamao ni Rion. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko siyang hinihingal. Mukhang tinakbo talaga papunta rito sa dorm.

"Mukhang nag-e-enjoy ka!" sarcastic na sermon ko. "Layas! Tutal, mukhang masaya ka naman, puwes mag-e-enjoy rin ako!"

Pabalya niyang itinulak ang pinto ng dorm at puwersahan akong pinaatras.

"Huwag mo 'kong hawakan!" Pinalo ko nang malakas ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

"Bakit ka ba kasi nagagalit sa suot ko?!" sigaw rin niya at ibinagsak ang pinto sa likuran niya.

"Wala ka na ngang suot, wala ka pang utak!"

"I want to wear this!"

"You're wearing nothing! Putang ina lang, Rion, hindi ka ba makaintindi?!"

"Can't you respect my decision?!"

"Respect?! Fine!" Mula sa baywang hinatak ko paitaas ang suot kong daster at saka ko ibinato sa sahig pagkahubad. "Gusto mo, sabay pa tayong bumalik sa gym? E, di tara!"

"Evangelle!" mahigpit na sigaw niya sa malalim na boses.

Nagdere-deretso ako ng lakad papunta sa may pintuan nang hatakin niya ang braso ko paharap sa kanya.

"Bitiwan mo 'ko!"

"What the fuck are you doing?!" galit na ring sigaw niya at halos maglabasan ang litid niya sa leeg at ugat sa sentido.

"'Wag mo 'kong tanungin sa kasalanan mo!" Aalpas pa sana ako kaso lalo niyang hinatak ang braso ko at halos ibato ako pabalik sa gitna ng unit.

"You're not going anywhere with that!" pagturo niya sa natitirang suot ko.

"Ako dapat ang nagsasabi sa 'yo niyan!" Lumapit pa ako sa kanya at malakas siyang itinulak sa balikat! "Gustong-gusto mo talagang sinusundo ang pika ko! Ang galing-galing mo sa ganyan!"

Pagsara niya sa pinto ng unit, ini-lock pa niya 'yon at hinarangan ng naka-display na malaking vase mula sa gilid ng pinto.

"Rion! Buwisit ka talaga!"

Itinulak ko na naman siya sa balikat nang mas malakas pa pero pagharap niya sa 'kin, hinigit agad niya ang gitnang parte ng bra ko mula sa ilalim saka niya ako pinalapit sa kanya.

Paglapat ng labi niya sa labi ko, mabilis akong lumayo at malakas na sinampal siya.

Sa sobrang lutong ng pagkakalapat n'on sa pisngi niya, kahit ako natigilan.

Nanatili ang pagkakapaling ng mukha niya sa gilid, pero nakikita ko sa malapitan ang kawalan ng emosyon sa mukha niya dahil sa ginawa ko.

Napalunok na lang ako sa kaba.

Dahan-dahang pumaling ang ulo niya paharap sa 'kin at binigyan ako ng napakalamig na tingin habang namumungay ang mga mata niya.

Paglapat ng buong kamay niya sa likod ng ulo ko, hindi na ako nakapalag sa sumunod niyang halik.

Wrong move.


(Nasa Telegram po ang uncut steamy version)


Paulit-ulit kong nire-rewind sa utak ko ang itsura ni Rion tuwing nasa school. Maglalakad sa campus, ngingiti sa lahat, babati, makikipag-picture, tapos buhay na siya n'on bilang Rion Scott.

'Yong estudyanteng kung makakaway at makangiti sa kahit sinong makasalubong, akala mo, tumatakbong konsehal.

Pero ewan ko na rin.

Hindi ko na alam kung ano na ba'ng nangyayari sa 'ming dalawa.

Parang ayoko nang tumayo sa inuupuan kong single-seater. 'Tang ina, ang sakit pa rin ng katawan ko. Para akong matandang nakayuko at tukod-tukod ang mga kamay sa tuhod.

Suot-suot ko ang hinubad kong daster—'yon lang. Ang bra at panty ko, hindi ko na alam kung saang lupalop ibinato ni Rion dito sa loob ng unit.

Kung makikita siguro ako ngayon ng Injel five months ago, malamang na puro na ako konyat sa kanya ngayon. Ni wala nga sa hinagap kong mabibinyagan ni Rion.

Speaking of the devil, nalipat ang tingin ko sa pinto ng bathroom nang lumabas doon si Rion na suot na ang hiniram niyang XL T-shirt kong nasa sampayan. Kasya naman sa kanya.

Hindi ko mawari kung matatawa ako o ano. Tribal shirt kasi 'yon na meant talaga na maging maluwag sa magsusuot para nga kasi gangster. Kaso fit sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng Tribal shirt na fit sa katawan ng nagsuot.

Naka-all-black na tuloy siya at balot na mula itaas hanggang ibaba.

Ang sama ng tingin ko bago pa siya makalapit.

Ngayon, balik na naman sa nang-aamo ang tingin niya. Para talaga siyang sinasaniban ng demonyo tuwing nagagalit.

Lumuhod siya sa paanan ko at hinawi ang buhok ko paipit sa likod ng tenga.

"Does it hurt?"

Pairap akong nag-iwas ng tingin saka ibinalik ang pinag-aawayan namin kanina. "Babalik ka pa rin sa gym?"

Hindi siya sumagot. Sumiksik lang siya sa may leeg ko, ibinalot ang mga braso niya sa likod ko, at inayos ang sarili sa pagitan ng mga binti ko.

Mababaliw talaga ako sa mga ganitong ginagawa niya. Kakahupa lang ng init ng katawan ko, patataasin na naman niya ngayon.

"Umalis ka na. Bumalik ka na sa gym tutal masaya ka naman," nagtatampong utos ko.

"I'll stay here na lang," bulong niya at dinampi-dampian ng halik ang leeg at panga ko. "I love you, Evangelle."

"I love you pero pinilit pa rin ang gusto? Tigilan mo 'ko diyan, Rion."

Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa 'kin. "Sorry na. Hindi na po uulit. Bati na tayo."

Ang sama ng tingin ko nang silipin siya sa dulo ng mata kahit pa malagong buhok lang niya ang makikita ko.

"Gusto ko ng siopao," naiinis na sabi ko.

Bahagya siyang lumayo at nagpa-cute na naman sa harapan ko. Pumikit-pikit pa siya habang tikom ang bibig nang ngumiti.

"What else?" tanong niya. "You like orange juice?"

"Bumili ka ng morning-after pill sa botika. Baka mabuntis mo pa 'ko, katayin ka diyan ng pamilya mo."

Mabilis naman siyang tumango "Okay. I will."

"Layas na."

"Can I sleep here with you?"

"May kasama ako, di ba? Pasalamat ka nga, isa lang ang kasama ko rito, wala na 'yong isa pa. Saka hindi tayo kasya sa double deck."

Naglungkot-lungkutan na naman ang mukha niya. "Okay."

"Bumili ka na ng siopao. Ikaw naman may kasalanan kaya nagugutom ako. Dali na."

"Opo. Aalis na."


♥♥♥ 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top