Chapter 2: Cook
I'm taking bachelor of science in hospitality management sa napakagarang unibersidad ng Notre Dame.
Ang mahal ng tuition dito, 'tang ina. Iniisip ko pa lang ang difference kung magkano isang unit dito at sa state university, parang gusto ko na lang lumipat ng school.
Ang isang sem ko pa lang dito, nasa 70k na at tuition pa lang 'yon. Wala pa ang ibang sangkatutak na fee na dapat bayaran.
Na-survive ko ang first year ko financially kasi pinilit talaga ni Daddy na dito ako mag-aral. Para nga raw malakas ang kapit sa mga negosyante. Tapos malaman-laman pa niyang classmate ko si Rion, e di mas lalong pumayag si Lolo Sev. Punyetang pamilya na gusto ko nang itakwil.
"Kumusta mga classmate mo, Bane!" padarag na sigaw ni Eloisa, promoted kabetchina ng daddy ko na bagong mommy kuno ko na ngayon.
Kapag nasa bahay, ang tawag sa akin, kung hindi Bané, Injel, o kaya I-ba (mariin na Eva). Wala pa akong naririnig dito na matinong pangalan ko.
Gumagawa ako ng assignment sa may bilyaran sa villa ng lolo ko tapos eepal na naman Eloisa. Pabagsak siyang naupo sa kaharap kong upuan sa garden table at ang ingay na naman ng chewing gum niya.
"Balita ko, may luto-luto na raw kayo ngayon. Sabihin mo kay Don Suave, marami kang gastos, para masayaran na tayo ng grasya ngayong buwan."
Mukha pa lang ni Eloisa, mukha nang pokpok na hindi mabubuhay nang hindi nanghuhuthot ng pera sa mga lalaki. Palaging blondina ang buhok na malalaki ang wave. Ang mga hikaw niya, puwede nang ring ng basketball sa sobrang laki. Ni hindi ko pa nga siya nakikitang walang sabog na pulang lipstick. Kung hindi pula, yung orange na masakit sa mata naman. At ang mga damit niya, puro ang iikli. Tube, spaghetti strap, crop top, sando na manipis—basta kita ang suso niyang silicon, Ipapares niya 'yong gano'ng pang-itaas sa lahat ng naimbentong uri ng pekpek shorts. Lagi pang nanguya ng chewing gum. Kung hindi chewing gum, yosi naman ang nasa bibig.
Sabi ni Daddy, 31 na raw si Eloisa, pero ang nakalagay naman sa resume niya, nasa 23 pa lang. Ewan ko kung ano na ang tama sa edad niya, pero wala namang silbi 'yon kung pumapayag naman siyang magpakarat sa mga lalaki rito sa bahay.
'Tang ina, second chance na ngang magkaroon ng nanay, lalo pang pinapangit ang option. Punyetang buhay 'to, oo. Wala nang nangyaring maganda.
Kaya sinabi ko talaga sa sarili ko na mag-aaral akong mabuti para hindi ako maging gaya ng mga babaeng ganito na maglilininta ako sa mga lalaki at gagawin ang lahat, makasipsip lang ng grasya ng iba.
Kurakot na nga ang lolo at daddy ko, hindi pa matino ang mga inaasawa. Ako na lang talaga ang mag-aahon sa sarili ko sa buwisit na buhay na 'to.
"Magpapagawa ako ng voucher kay Don Suave. Sabihin mo, para sa school, ha?" paalala ni Eloisa saka siya umalis sa inupuan niya.
Tinatawag niyang Don Suave ang lolo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang Suave pero Severino ang pangalan n'on.
May dalawang taon pa sa termino ang lolo ko at sa totoo lang, somehow nagwi-wish akong sana may mag-assassinate sa kanya anumang oras.
Masama na kung masama. Ang pera nga niya, nakaw sa kaban ng bayan. Nakasuhan na nga siya dati ng plunder, nakapagpiyansa lang. Pero binoto pa rin kasi ang daming tangang botante sa bansa. Kung may babaril siguro sa kanya sa ulo, maraming matutuwang Pilipino.
Ako na ang nahihiya kapag binabanggit ko ang pangalang Heyrosa. Hindi naman ako ang nagnanakaw ng pera pero nakakaramdam ako ng guilt kasi alam kong nagnanakaw pa rin sila hanggang ngayon.
Malaki ang bayad sa tuition sa NDU, pero barya lang 'yon sa pamilya ng daddy ko.
Kapag nanghingi ng voucher si Eloisa, sigurado na akong nasa one million eksakto na naman ang ilalagay sa tseke. At malamang sa malamang din, ang makakarating lang sa akin doon, nasa 50k lang.
Maraming laman ang savings account ko na hindi ko talaga masikmurang gamitin. Iniisip ko pa lang na kaya ko naman talagang makipagsabayan sa mga classmate kong alta, nilalamon na ako ng yabang.
Pero kapag sumasagi sa isip ko ang takot na baka bigla akong sabihang "Galing sa nakaw 'yang pera mo, di ba?" Tupi talaga ako. Wala pa akong sapat na tibay ng sikmura para paulit-ulit na masabihang gumagastos ng pera sa nakaw.
Hindi na baleng sabihan akong cheap o pulubi, basta hindi magnanakaw.
Tinapos ko ang homework ko para sa second subject kinabukasan. May recitation na naman kasi at kailangan kong magpalakas sa prof para makakuha ako kahit paano ng posisyon bilang dean's lister.
Gusto kong masulit ang binabayad nila sa tuition ko. Ako rin naman kasi ang makikinabang nito kalaunan. Mas maganda ang standing ko sa school, mas maganda ang magiging trabaho ko pagka-graduate. Kahit pa sabihin nina Daddy na huwag na akong umasang makakakuha pa ako ng trabaho kasi hindi ko na raw kailangan 'yon. Mayaman na nga raw kasi kami. Dapat nagpapakasaya na lang ako.
Wala pa kaming isang taon sa villa ng lolo ko sa Cavite. Hindi ko nga alam kung bahay ba talaga 'to o zoo. Ang dami kasing mga hayop dito. Kung hindi parrot at agila, mga walang-hiyang tauhan naman. Na-tempt na nga akong kumuha ng dorm para hindi ko na kailangang umuwi rito palagi. Ako na kasi ang nahihiya kapag sine-service ako ng LandCruiser ni Secretary Cel sa NDU. Hindi nakaka-alta maging Heyrosa. Talo ko pa ang anak ng drug lord.
Nagpasa naman na ako ng application para sa dorm. Naghihintay na lang kami ng mga kasama ko ng fumigation saka clearance para makakuha kami ng room.
Mas marami na kaming laboratory ngayong second semester kaya ang dami talagang gastos. Kung hindi lang kontrabida ang pamilya ko, magtatrabaho talaga ako nang hiwalay.
Wednesday, may laboratory na naman kami. At dahil nakagrupo-grupo na naman, ito na naman ako sa forever issue ko sa group work kasi puwede nang ilagay sa bubong ang mga classmate ko tuwing may bagyo.
Ang laboratory namin last sem, pastry making lang kung tutuusin, pero putang ina kasing mga kagrupo na mas inuuna pa ang landian at harutan kaysa seryosohin ang ginawa.
Ang punyetang apple pie namin, lasang Pacific Ocean, putang ina, kahit ako si Ma'am Vicencio, hindi ko ipapasa ang mga kaklase ko, e.
Nag-agawan pa sila sa paglagay ng "asukal" until matikman namin kung gaano kaalat ang na-bake naming apple pie.
Kaya sabi ko talaga, kapag may isa akong naging kagrupo sa mga naging kagrupo ko last sem, magpapalipat talaga ako, magkamatayan na kaming lahat.
OA.
Since may laboratory kami, eto na naman kami sa kitchen scrubs. Chef's uniform kahit wala pang lulutuin. Ang chef's uniform namin, white na uniform na may maroon na edging at butones. Tapos maroon na checkered pants saka black clog shoes.
Every laboratory, pumupunta kami sa kitchen lab na nasa second floor ng College of Tourism and Hospitality sa Guillez Building. Hindi naman kami sobrang dami sa Section A kaya enough na ang population namin para makakuha ng sariling puwesto sa bawat metal table.
Siyempre, magkatabi kami ni Shantey. Magrereklamo na naman siyang ang ganda-ganda ng hair niyang bagong rebond tapos mapapasuot lang siya ng hair net at cap for sanitation kineso.
May hawak kaming lahat na worksheet at magsasagot kami ngayon sa unang quiz namin para sa Basic Food Production.
"To cook foods successfully, you must first understand the ways in which heat is transferred: conduction, convection, and radiation. You should also understand what the application of heat does to the proteins, sugars, starches, water and fats in foods . . ."
Nakatutok kami kay Ma'am Badilla habang nagle-lecture siya sa principles of cooking.
"What is conduction?"
Sabay-sabay kaming nagtaas ng kamay ng ilan sa mga kaklase ko.
"Sarosa?" tawag ni ma'am.
"Conduction is the most straightforward means of heat transfer. It is simply the movement of heat from one item to another through direct contact."
Kapag ganitong recitation, active ako. Gumawa ako ng research ko kaya talagang laban na laban ako mag-recite!
Kung ganito lang talaga sana ang gagawin namin buong sem, e.
"Sa Saturday, start na tayo ng cooking," sabi ni ma'am at hawak na ang index cards niya. "Magpasa muna kayo ng draft ng recipe bago tayo mag-start. Five members per group. So, magkakaroon tayo ng four groups na gagawa ng recipe."
Magkahawak pa kami ng kamay ni Shantey habang umaasa na magkakasama kami sa iisang group lang.
"Group 1: Morasa, Castillo, Ortega, Co, Yap."
Sabay pa kaming napasinghap ni Shantey.
"GURL!" reklamo niya kasi napunta siya sa group 1 at hindi ako nakasama. "The Eff?!"
Haay, punyeta, eto na naman ako.
"Group 2: Domingo, Remoso, Quintos, Reyes, Delos Santos."
Please lang, Papa Jesus, ayokong malagay sa kasumpa-sumpang mga kagrupo. Wednesday na. Ayokong maging stressful ang natitirang araw ko bago ang Saturday.
"Group 3: Del Tierro, Heyrosa, Cubo, Scott, Sanchez."
"Aaahhh—"
Inipit ni Shantey ang tili niya, at para kaming nasa Miss Universe coronation night na nagkagulatan sa announcement of winners.
Nakanganga lang ako habang tuwang-tuwa si Shantey sa narinig niya.
Shet, kagrupo ko si Sydney Del Tierro?! Pakshet! Sa dinami-rami ng makakasama sa grupo, ito pang pa-VIP na igat na 'to?!
Nagkagulo-gulo na sa loob ng kitchen lab nang magkahanapan na ng mga kagrupo.
Para akong namatayan nang lumapit ako sa group 3.
"Oh my gosh, Rion! Meant to be talaga tayo, 'no?" maarteng boses ni Sydney. Pumipilantik na naman sa hangin ang fake nails niyang deadly weapon.
Diring-diri ako sa mga kagrupo ko paglapit sa kanila sa isang metal table na malapit sa glass wall.
Si Sydney, lapit nang lapit kay Rion samantalang itong poste na 'to, akala mo, paruparong namamasyal sa kabukiran. Palakad-lakad lang habang nagkakampay ng braso, ayaw pahuli sa nagpapapansin sa kanya.
Inoobserbahan ko sina Johnrey at Zymon na nakuha pa talagang mag-mobile games habang nasa kitchen lab kami. Tutok lang ang dalawa sa mga phone nila habang nagbubulungan.
"Dude, top. Top, faster! Ano na?" reklamo ni Johnrey.
"Ang bobo ng mage, 'tang ina."
Naiiyak ako, poootaaaa. Sure na ba talagang ito ang mga kagrupo? Final na ba 'to? Lipat kaya ako?
"My love is your love, your love is my love . . ." kanta pa ni Rion at gumawa-gawa ng puso gamit ang dalawa niyang kamay. Paikot-ikot pa rin siya sa metal table tapos biglang kekembot saka babalik na naman sa pag-ikot.
"Dude, yung tangke! Put—sa top! Sa top, putang ina!" gigil na utos ni Johnrey.
"Rion, dito ka lang sa tabi ko! Hahaha! You're so kulit!" hiyaw ni Sydney sabay tawa nang pagkaarte-arte.
Diyos ko, wala na talaga kaming pag-asa.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top