Chapter 15: Visit
"Eto, eto ba? Eto ba?"
Para kaming mga batang nanonood sa computer shop at ang pinanonood namin ay 'yong nag-iisang MMORPG player na trash talker na amoy paksiw na.
Pumunta sa police station sina Mr. Scott, 'yong isang founder at dating chairman ng Golden Seal, lolo ni Rion. Siya ang naiwan sa station kasama ko.
Ang sabi ng isang officer doon, bukas pa raw ipapa-approve ang pag-check sa CCTV. Pumayag naman si Mr. Scott kung 'yon talaga ang protocol. Pero pagdating ni Daddy nang alas-nuwebe y medya, ura-urada, approved agad!
Pinapunta kami sa monitoring department ng barangay. Malayo roon sa station kung saan kami nag-report. Pinapanood sa amin kung ano ba ang nangyari doon sa may National Shrine.
Sinusundan kami ni Rion ng hawak na marker ng nakaupo at nagna-navigate ng footage.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano. Akbay-akbay kasi ako ni Rion. Pero maulan nga kasi! Iisa lang ang payong naming dalawa!
Galing National Shrine, lumiko kami sa kaliwa para tumawid.
"Eto, o. Nasa sidewalk pa, e. Nasa sidewalk. Nasa sidewalk."
Nasa gitna yung motor, palingon-lingon kami ni Rion sa pagtawid.
Hindi pa kami nakakaalis totally sa gutter. Namimili pa lang kami ng tatapakan kasi nga baha.
"Sumampa! Sumampa, e! Sumampa!" OA na pagkuwento ng officer na nagpapabibo yata kay Daddy.
Umakyat talaga yung motor sa sidewalk kung saan kami naglalakad.
Pag-cover sa akin ni Rion, natakpan yung isang view. Saglit na nag-pause ang officer tapos inilipat sa kabilang camera ang focus at 'yon na ang bagong naka-zoom sa buong screen.
Nakatalikod si Rion, nakatakip sa amin ang payong. Ang nangyari, Yung payong niya, sumabit sa buong mukha ng helmet. Gumilid pakanan ang motor tapos umandar.
"Ayun! Sumabit yung damit! Sumabit, e. Sumabit!"
So, dapat inuulit-ulit?
Saglit na nag-pause ang video. Sumabit ang damit ni Rion sa top box ng motor. Nag-slow-motion ang video, pag-andar ng motor, kinaladkad n'on si Rion. Doon na niya ako nabitiwan pati ang payong.
Hindi ko alam kung malakas lang ba si Rion o ano kasi kung ako ang nakaladkad nang ganoon, talagang tangay ako ng motor hanggang kabilang barangay.
Pero siya, pagtangay ng damit niya, apat na hakbang paatras, at inilaban pa niya ng hakbang paabante ang panlima, doon na kumawala ang damit niya pati ang motor kaya pareho silang tumilapon sa kalsada.
Basically, tinangay rin pala niya yung motor kaya sila bumagsak.
Walang plaka ang motor kaya tingin ko, mahihirapan kaming hanapin ang suspect nito.
Lumabas na kami ng station kasi nakapagpa-blotter naman na kami. Hahanapin na lang muna ang suspect.
Nasa parking lot na kami nang mapatingin kami ni Daddy kay Mr. Scott nang may tawagan siya.
"Hello. Nasa opisina ba si Carlisle?"
Niyuko ako ni Daddy para bulungan ako. "What are you doing in Binondo? Nagde-date ba kayo ng apo niya? Ba't hindi mo pinapapunta 'yon sa bahay?"
"Ay, naku, Daddy. Tigil-tigilan mo 'ko diyan."
"Naglilihim ka na ba sa 'kin?"
"Ah, talaga! Ililihim ko sa 'yo lahat pati magiging apo ng mga apo ko."
"Para kang mama mo. Nanggigigil ako sa 'yong bata ka." Bigla akong kinurot ni Daddy sa pisngi kaya hinabol ko siya ng sipa.
"Para ka ring papa mo! Doon ka na sa malayo. Tapos na role mo rito. Umuwi ka na sa kabit mo."
"Akala ko ba, magpapasundo ka?"
"Lalakarin ko mula rito hanggang Cavite! Umay sa 'yo, Allen."
"Oo na, pasok na." Pinagtawanan lang ako ni Daddy bago niya ako puwersahang itinulak sa loob ng back seat. Tumabi na rin siya sa 'kin pagkatapos.
Dinala nga raw sa ospital si Rion pero wala pa kaming naririnig na balita mula sa kakambal niyang hinugot mula sa tadyang ni Lusiper.
Biyahe kami pabalik ng Cavite. Baha pa rin sa ibang area kaya nga kung saan-saan na nag-ikot ng shortcut si Mang Torong para lang hindi kami masayaran ng baha.
"Close ba kayo n'ong apo ni Mr. Scott?" usisa na naman ni Daddy, ayaw na lang manahimik.
"Hindi kami close. Project nga kasi sa school ang ipinunta namin," pairap na sagot ko.
"Saan kayo galing, bakit gabi na kayo nakapagpa-blotter?"
Diyos ko! Ito na naman siya!
"Sa karinderya!" galit na sagot ko. "Tumambay kami sa karinderya kasi maulan!"
"Saang karinderya? Kulay pula ba 'to? Ano'ng kain ang ginawa n'yo?"
"Huwag nga kasi, Daddy!" Nagpapadyak ako sa kotse kaya lalo siyang natawa.
"Hahahaha! Bakit ka ba kasi nagagalit? Nagtatanong lang ako. Daddy mo 'ko, di ba?"
"Hindi kita daddy! Anak ako ni Mang Agustin! Pareho kami ng puyo!"
Pati si Mang Torong, napahagalpak na lang bigla sa pagdadabog ko.
Napakatsismoso ng ama ko, Diyos ko. Mapuputukan talaga ako ng ugat sa mga 'to.
"Napaka-defensive na bata talaga, oo. Tawagan ko nga yung barangay. Papa-check ako kung saan kayo pumunta."
"Sa karinderya nga!"
Dinukot talaga niya ang phone niya sa bulsa habang natatawa. "Hindi ako naniniwala diyan, Angel. Sabi nga ni Apostol Tomas sa Lumang Tipan, 'wag ako."
"Alam mo, magsama kayo ni Severino, mga pakialamero kayo ng buhay ng may buhay. I-trace mo pa mula Carriedo Station para lang makontento ka!"
Pinagtitripan na lang ako ni Daddy sa biyahe. Hindi naman talaga siya tumawag sa barangay. Umaamba lang.
Wala naman siyang pakialam kung sinasagot-sagot ko siya. Tinotropa-tropa ko na lang naman ang daddy ko matapos niyang iwan kami ni Mommy no'ng naghiwalay sila. Hindi ko nga alam kung ipagpapasalamat ko bang kinuha niya 'ko matapos mamatay ang mommy ko kaysa iniwan na lang niya akong palaboy-laboy sa Baclaran.
Hindi ko pa naman narinig na sumama ang loob niya kapag ganitong nag-aaway kami. Si Lola Marya nga, sinasagot ko, e. Si Lolo Sev lang ang ayaw na sinasagot siya in public kasi nakakahiya nga raw sa mga makakakita. Pero kapag sa bahay, kaya ko pa siyang tawaging Severino Heyrosa nang buong-buo kapag nabubuwisit ako.
Halos hatinggabi na rin kaming nakauwi sa villa. Kumalat na ang balita sa bahay—hindi ng pagpunta namin sa presinto kundi sa pagde-date nga raw namin ni Rion.
Iba talagang kumalat ang tsismis. Sabi nga ni Balagtas, "Bihirang balita'y magtapat. Kung magkatotoo ma'y marami ang dagdag."
Pero pag-uwi, ang una ko agad na ginawa ay nag-chat kay Rion kung okay na ba siya. Offline siya at baka nasa ospital na nga. Hindi na ako umaasa ng reply, pero at least, nakapagtanong ako.
Kinabukasan, nang hindi siya makapasok sa unang klase, doon na nagtanong si Shantey.
"Absent ba si Rion?"
"Naaksidente 'yon kahapon."
"Hala, whyket?!" mahinang tili niya. Pareho pa kaming yumuko sa mahabang table para hindi kami makita ni Sir Gascon na nagtsitsismisan.
"Di ba, pumunta kami kahapon sa Binondo," kuwento ko.
"Yaz, gurl. Then?"
"Umulan, di ba?"
"Talaga?"
Nangunot agad ang noo ko. "Hindi ba umulan dito kahapon?"
"I dunno. Nag-Batangas kami kahapon."
"E, di sana ol."
"Gaga, ano na? What happened to Rion my love?"
"Umulan kahapon. Nahirapan kaming maghanap ng sasakyan. Pagtawid namin sa Binondo Church, nahagip siya ng motor."
"HAH!" OA na pagsinghap niya sabay takip ng bibig gamit ang magkabilang kamay.
Gusto ko sanang ipakita ang shots ni Rion sa phone ko kaso baka bigla siyang huramentado rito, mabato pa kami ng marker ni sir.
"So, nagpa-blotter kami kagabi. Nasa ospital pa yata siya ngayon, ewan ko na," panapos ko sa kuwento.
"OMG, guuurl. Tara, dalawin natin!"
"Sean Weston. Heyrosa. Daldalan nang daldalan," sita ni Sir Gascon.
"Grabe sa Sean Weston, sir!" alma ni Shantey.
Nagtawanan tuloy ang mga kaklase namin.
Hindi siya matawag na Ortega ni Sir Gascon. May Ortega rin kasi kaming kaklase na third year irregular naman.
Kung hindi siguro naaksidente si Rion na ako ang kasama, malamang na magkakamatayan na
kami ni Shantey, hindi niya ako mapapadalaw kay Rion kahit agaw-buhay pa 'to sa ospital.
'Yon lang, wala na raw siya sa ospital pagtawag namin sa number na bigay ng café. Number daw 'yon ng chairman ng NDU na tito ni Rion. Hindi ang tito niya ang nakausap namin kundi secretary lang. Nakauwi na raw siya sa Las Piñas kagabi pa.
Kaya nga pagdating ng uwian, nagpa-service na kami kay Secretary Cel para ihatid kahit sa entrance lang ng Alabang West para madalaw namin si Rion sa kanila.
First time kong makakapunta sa kanila. Ang expectation ko pa, ang bahay nila, gaya ng villa ni Lolo Sev. 'Yong sobrang engrande talaga. Mga four-story mansion na may malawak na pool tapos sampu-sampung kotse sa garahe saka sobrang lawak na driveway.
Pero pagdating namin sa kanila . . .
"Eto na 'yon?" sabi ni Shantey.
Nakatayo kami sa harap ng isang townhouse na kulay yellow at white. Sunny yellow rin ang gate na double swing. May single gate naman sa kaliwa at doorbell. Nakalagay naman doon ang pangalang SCOTT FAMILY, pero ang . . . ang weird.
Nag-doorbell si Shantey.
"Bahay lang ba 'to ni Rion?" tanong pa niya. "Kanya lang o may kasama siya?"
"Badeng, pareho lang tayong first time dumayo rito. Huwag mo 'kong tanungin."
Ilang saglit pa, may nagbukas na ng gate. Bumaba ang tingin namin ni Shantey sa kanya.
Hanggang baba ko lang ang taas at light brown ang kutis. Nakasuot pa ng maluwag na T-shirt at dolphin shorts.
Maid ba nila 'to? Parang ka-age lang yata ni Daddy? O mas matanda nang kaunti? Nasa 40s siguro siya. Nasa late 30s pa lang si Daddy, e.
"Sino sila?" tanong ng babaeng nagbukas ng gate.
"Dito po ba nakatira si Rion?" tanong ni Shantey sabay yakap sa braso ko. "Mga classmate niya po kami."
"Ah . . ." Lumapad agad ang ngiti niya. "Pasok kayo."
Walang hiya-hiyang pumasok talaga kami ni Shantey, ang kakapal ng bituka, e.
May isang copper-colored Fortuner sa garahe tapos malawak na space sa katabi. Parang dalawa yata ang kotse rito sa kanila, wala lang yung isa.
Ang simple ng garden, may mga tanim na rose saka santan. Ang pathway, pebbles naman na may malaking batong tapakan. Tapos may damo-damo sa gilid para estetik.
"Dadalaw ba kayo sa anak ko?" tanong ng babae kaya gulat na nagtinginan kami ni Shantey.
"ANAK!" walang boses na sabi niya.
E, di pareho naman kaming umayos ng pagkakatayo.
Ito yung nanay ni Rion? Hala! Shookedth iz me!
Maganda naman siya. Mukha ngang mabait talaga kaso . . . grabe yung suot. Parang pamunas
na lang yata ng mesa ang T-shirt niya. Ultimo yung tsinelas, parang yung tig-75 lang sa palengke.
WAIT! Ito ba yung chef na mommy niya? ETO NA 'YON?!
Pagdating namin sa pinto, napahubad agad kami ni Shantey ng sapatos.
"Bhie, baka amoy paa," mahinang sabi niya.
Doon pa talaga namin inamoy ang mga sapatos namin.
Medyo amoy paa nga. Naglabas agad si Shantey ng cologne sabay spray sa mga paa namin. Naka-foot socks ako at hindi ko na hinubad.
Pagpasok namin sa loob, hindi ko alam ang ire-react.
Grabe, ang simple lang talaga ng bahay nila!
May sala set sa sala. Malamang, sa sala. Alangan namang sala set sa kusina.
May malaking bear na kama yata ng baby sa likod ng mga sofa. Ibaba lang mismo 'yon ng hagdanan. Kitang-kita sa sala ang kitchen nila. Magaganda naman ang appliances doon, pero maliit talaga ang space pati ang dining table. Pang-animan lang.
"Okay lang ba sa inyo yung grape juice?" tanong ng mama ni Rion.
"Okay lang po, thank you po," sagot ni Shantey. Nauna na siyang maupo. Ako naman ang naupo sa kanang tabi niya sa mahabang sofa na kulay maroon.
Palibot-libot ang tingin namin sa loob. Nakasabit sa may hagdanan ang hile-hilerang graduation photos na naka-frame. May photo ng dalawang lalaking parang ka-age ko lang. White ang toga kaya sure akong senior high school photos 'yon.
"Bhie, ang guwapo ng mga nasa frame," bulong ni Shantey sabay nguso sa tinitingnan ko na.
Totoo rin. Parang mga artista.
"Badeng, ito yata yung chairman natin," sabi ko nang mamukhaan ang isang photo.
"Ay, shet—" Napatakip agad siya ng bibig. "True the fire, bhie! Shuta, ang guwapo! Wet na kiffy ko, bhie!"
"Gagu."
Yung katabi n'on, mukhang masungit naman na medyo hawig kay Rion. Naalala ko tuloy yung kakambal niyang antipatiko. Hindi ko pa pala nakukuwento kay Shantey. Saka ko na lang ikuwento, huwag dito. Baka sabihin, naninirang-puri ako sa mismong pamamahay nila.
Sa ibaba, hilera na ng mga photo ni Rion noong medyo bata pa. Mukha pa lang at sa ngiti, halatang hindi nauubusan ng enerhiya maghapon magdamag.
"Ay, Tey. Alam mong may kakambal si Rion, di ba?"
"EH?" Gulat siyang tumingin sa 'kin. "Legit?"
"Hindi ko pa ba nasasabi?"
"Hindi ko matandaan, bhie."
Tumingin ako sa mga graduation photo sa ibaba. Nandoon ang isang SHS grad photo ni Rion na nakangiti nang sobra. Ang isa naman, nakasalamin na seryoso. Kung hindi ko sasabihin kay Shantey, sigurado akong mapagkakamalan niyang si Rion din itong may salamin.
Sa may paliko ng hagdanan, may malaking family photo roon. Itinuro ko 'yon agad.
"Tey, 'yan 'yong pumunta kagabi sa presinto. Lolo ni Rion," sabi ko nang ituro ang malaking photo sa hagdanan.
"Ooh . . . bhie, ang hot daddy, bhie. Rararor!"
Natawa ako nang mahina at nahampas siya sa kanang braso.
"Ang ganda ng lola niya, 'tang ina."
"Lola niya 'yan?" bulong ni Shantey tungkol sa katabi ng lolo ni Rion. "Medyo kamukha pala ni Rion, 'no?"
"Oo nga, e. Pareho ng mata saka lips."
"Bhie, kung ganyan ako kaganda, hu u talaga kayong lahat sa 'kin, sinasabi ko na. Ilalampaso ko kayong lahat mula lobby hanggang 8th floor."
"Gagu."
Pero totoo rin, ang ganda ng lola ni Rion. Mukha talagang sobrang yaman. Mayamang Chinese.
Nasa ibaba ng mga lolo at lola nila ang dalawang teenager pa lang yatang mga anak. Mukhang matagal na ang family photo, hindi na yata pinalitan.
"Pasensiya na, ha? Naabala pa kayo pagpunta rito."
Naghain ang mama ni Rion ng meryenda para sa amin.
At hindi lang basta meryenda na putok at katol saka juice! Strawberry shortcake saka grape juice! Ang alta naman ng pagkain dito sa kanila.
"Thanks, mommy."
"Luh!" react ko agad paglingon kay Shantey.
"Huwag ka nang umeme. Eeme ka pa, e," sabi ni Shantey sabay sampal nang mahina sa kaliwang pisngi ko.
Lumapit ang mama ni Rion sa may hagdanan para magsabi, "Riri, may bisita ka."
"Hala, bhie! Ang cute ng Riri!" pigil na irit ni Shantey, takip-takip ang bibig habang binubulungan ako.
"Ano'ng name n'yo?" tanong ng mama ni Rion nang lingunin kami.
Nagpa-cute agad si Shantey sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga. "I'm Shantey, Mommy."
"Shantey . . ."
Pagpaling niya sa 'kin, sumagot agad ako. "Gelle po."
"Gelle. Parang nakita na kita," kunot-noong sabi niya.
"Naka-attend po ako last August sa birthday party ng best friend daw po ni Rion. Baka po doon."
"Talaga?" Sinilip na uli niya ang hagdanan. "Anak, si Shantey saka si Gelle ang dumalaw."
"WAIT PO! BABABA NA!" malakas na sigaw sa itaas.
"Hala, bhie! Ack!" irit na naman ni Shantey at pumaling paharap sa 'kin. "Excited makita ako, bhie! Alam na!" Paulit-ulit niyang tinapik ng likod ng palad ang ilalim ng baba. "Ganda lang! Ganda lang talaga ang puhunan, 'te!"
Sinapok ko agad siya kaya sumambulat ang bangs niya sa hangin
"Huwag nga kasi, Gelle! Lilima na nga lang bangs ko, e." Nakanguso pa siyang nag-ayos ng bangs niyang bagong tabas.
"Pfft!" Nagtakip tuloy ako ng bibig para lang hindi ako mapahalakhak.
Ilang saglit pa, bumaba na rin si Rion. Mukhang okay naman na siya kasi ang bilis niyang nakababa. Pero 'yon lang, may suot na siyang arm splint saka sling na kulay asul. 'Yon agad ang una kong napansin bago ang suot nyang black na sando at gray shorts na may bumubukol na namang rambutan mula sa loob.
Ayokong magreklamo. Bahay nila 'to, wala akong karapatan.
"Hi!" energetic na namang bati niya.
"RIOOON!" tili agad ni Shantey sabay habol ng yakap kay Rion na kakababa lang ng hagdanan. "Na-miss kita, baby! Na-miss mo ba 'ko?"
Parang iisa na lang sila ng litanya kapag nangungulit.
Hindi naman nagreklamo si Rion. Ang awkward ng ngiti niya nang magkamot ng ulo.
"'Bango mo naman." Inamoy-amoy pa ni Shantey ang kilikili ni Rion kaya sinaway ko na.
"Masinghot mo si Rion, uy!"
"Tse! Huwag kang hadlang sa pag-iibigan naming dalawa, Bernadette. Ako ang mas mahal ni Papá!"
"Hahaha!" Natawa na lang din doon si Rion. Binalot ng maskuladong tawa niya ang buong sala nila. Pag-upo niya sa single-seater, bumalik na sa tabi ko si Shantey.
"'Musta? Ano sabi ng doktor?" tanong ko agad.
"Wala namang fracture sa bones, pero may Grade 1 sprain ako sa left arm," sagot ni Rion gamit ang malalim niyang boses. At tingin ko, ito nga talaga ang natural na boses niya.
"Hanggang kailan ka absent?" usisa ni Shantey, na gusto ko rin sanang malaman.
"I'll go back to school tomorrow. Nag-rest lang ako today."
Nakatitig lang ako kay Rion habang kinakausap siya ni Shantey. Hindi ko in-expect na sa ganitong bahay siya nakatira. Nasabi naman niyang simple lang ang bahay nila, pero hindi ko kasi maseryoso 'yon, knowing na ang expensive ng vibe niya.
Pero sa ganitong bahay? Sobrang humble talaga. Parang bahay lang ng simpleng pamilya na striving sa araw-araw pero hindi naman sobrang naghihirap.
Hindi ko masasabing ganitong pamilya ang pipiliin ni Daddy para sa 'kin kung makikita lang nila 'tong nakikita ko ngayon.
Ang hirap sumingit sa pagsasalita ni Shantey. Kahit si Rion, hindi makapagsalita, e.
Kung hindi pa magsasabi ang mommy ni Rion na may tawag daw na kailangang sagutin ang anak niya, hindi pa titigil si Shantey.
"Uwi na po kami, Mommy!" paalam ni Shantey.
"Ingat kayo. Umuwi nang maaga, mahirap magpagabi," sagot ng mama ni Rion mula sa kusina.
"Bye, Rion baby! Pagaling ka. See you tomorrow sa school. Mwah!" Nag-flying kiss pa si Shantey nang tatlong beses bago lumabas ng bahay. Lumayo agad siya nang makasuot ng sapatos, malamang kasi amoy paa nga raw ang sapatos niya.
"Uwi na po kami, Mrs. Scott, paalam ko."
Paglapit sa 'kin ni Rion bago pa ako makapunta sa may pinto, hinabol niya agad ng hawak ang kanang kamay ko saka ako nginitian.
"Sino naghatid sa 'yo kagabi?"
Mula sa kamay naming magkahawak, nalipat sa mata niya ang tingin ko. "Si Daddy. Nagpasundo ako."
"Ah, okay. Thanks sa pagdalaw. I appreciate it."
"Magpagaling ka na. Hindi pa tapos project natin."
Naglakad na ako palabas nang hawak niya ang kamay ko. Dahan-dahan niya akong binitiwan mula kamay hanggang sa dulo ng daliri nang matapak na ako sa labas mismo.
Nakasilip siya mula sa gilid ng pinto habang nagtatago ng ngiti. Itinukod ko ang kaliwang kamay ko sa pader na gilid ng pintuan habang nagsusuot ako ng sapatos.
"Gelle . . ." mahinang sabi niya mula sa likod ng pinagtataguan niyang pader.
"O?"
"Thank you sa kahapon."
Tutok lang ako sa heels ko habang kausap siya. "Hindi pa tapos yung project natin. Huwag ka munang mag-thank you."
"Babalik ba tayo? Can we eat dumplings again some other time?"
"Basta tatapusin natin 'yon kapag okay ka na. Kapag maayos na 'yang braso mo, ubusin natin lahat ng tindahan ng dim sum sa Binondo."
"Okay. Take care."
"'Ge."
"I love you."
Nangunot agad ang noo ko nang tingnan siya. "'Lakas mo, ha? Kung ano man 'yang tinitira mo, Rion, itigil mo na 'yan. Masisira buhay mo diyan."
Humagikhik lang siya sa likod ng pintuan at nagtago roon.
Baliw.
Makauwi na nga. Baka mabato ko pa 'to ng sapatos sa harap ng mommy niya.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top