Chapter 12: Road Trip
May isang deretsong sakayan ng UV mula sa highway na katapat lang mismo ng dorm ko papuntang Baclaran. Alas-singko pa lang, medyo matagal ang punuan kasi Linggo. Pero karamihan ng kasabayan namin sa UV, mga may pasok pa rin.
Adventure lang ang UV. Umupo kami ni Rion sa pinakalikuran para nga malawak ang leg room para sa kanya. Pero kahit pa malawak, yukong-yuko pa rin siya sa loob at halos mamaluktot siya sa upuan sa haba ng biyas niya.
"You're so early talaga. Sabi ko, 7 tayo, right?" mahinang reklamo niya.
"Sabi mo, 5."
"No, sabi ko nga, 7 tayo aalis. Yung 5, preparation lang like maliligo ganyan."
"Bobo, sabi mo, 5."
Tiningnan lang niya 'ko na parang maling-mali ang sinasabi ko sa kanya. "Whatever. We're already here. Anyway, here's your sandwich. Gusto ko
sanang gumawa ng mas okay pa diyan, but you're so early talaga."
"Puro ka reklamo, ikaw naman nagsabing 5."
"But it was 7 nga kasi. Kahit mag-backread ka pa."
"Ah! Ewan. Akin na 'yan, ginugutom na 'ko." Inagaw ko agad sa kanya ang isang sandwich na hawak niya. Nakalagay pa talaga 'yon sa Tupperware. Pa-triangle ang cut kaya sa isang buong square sandwich, may dalawang magkahiwalay na puwedeng kainin. Apat na triangle cut 'yon kaya sure na tigdalawa kami.
Kinuha rin niya ang isa para sa kanya at may natira pang dalawang triangle sa magkabilang side ng Tupperware.
"It's still dark. We can't take any nice video right now," mahinang sabi niya, iniiwasang marinig kami ng ibang pasaherong naghihintay ng biyahe gaya namin.
"Sabi na kasing alas-diyes na lang, e."
Yung sandwich niya, halatang hindi nilagyan ng effort. Bacon spread lang ang palaman na nilagyan ng scrambled egg.
Tingin ko, kung hindi 'to nagmadali, malamang ang sandwich nito, marami pang ek-ek.
Sa sobrang tagal mapuno ng UV, lalo lang akong inantok nang magpatugtog pa ang driver.
"It all came so easy
All the loving you gave me
The feelings we shared . . ."
Naubos ko na ang sandwich na pabaon ni Rion. Mas nauna pa nga ako sa kanya. Hindi ko alam kung gutom lang ba ako o mabagal lang talaga siyang kumain.
"May tubig ka?" tanong ko.
Inipit agad niya ang kinakain niyang sandwich sa bibig at madaling kinalkal ang tumbler sa backpack niya.
"If ever you're in my arms again, this time I'll love you much better . . ." pagsabay ko sa kanya sa UV.
Inabot niya agad sa akin ang isang royal blue flask na may sariling straw. Inalis niya muna ang takip ng straw saka ako hinayaang uminom doon.
Panguya-nguya lang si Rion habang busy sa phone niya. Umiinom ako pero ang mata ko, naninilip na sa screen ng phone.
Akala ko, may ka-chat. Ayun na naman siya sa kalat niya online.
Rion Scott
⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄ otw to the world's oldest Chinatown
#StillSleepy ಥ_ಥ
#BinondoFoodCrawl
#PhilGeo ☞ ̄ᴥ ̄☞
Naks, walang tag sa 'kin. Nabuwisit siguro 'to kasi ang agang lumayas sa kanya gawa ko.
Ibinalik ko sa kanya ang tubig niya at saka ako nagsandal ng likod ng ulo sa bintana ng van. Ang tahimik kaya ang sarap mag-emote. Tapos ang luma pa ng mga kanta kaya mas nakakaantok.
"And now I hear you found somebody new
And that I never meant that much to you
To hear that tears me up inside
And to see you cuts me like a knife I guess . . ."
"Every rose has its thorn . . ." mahinang pagkanta ko sa tutog sa UV. "Just like every night has its dawn . . ."
Biglang nalipat ang tingin ko kay Rion kasi walang punas-punas na ininuman ang straw ng flask niya.
"Di mo man lang pinunasan, nilawayan ko 'yan," sermon ko pa.
"Uh, does that matter?" Saka siya tumuloy na naman sa pag-inom.
May pagkasalaula rin 'tong taong 'to, e.
Apat pa yata ang kulang na pasahero pero bumiyahe na si Manong. Tingin ko, hindi naman siya naghihintay lang ng pasahero. Nag-almusal lang talaga muna siya sa terminal.
Tuloy, kami lang dalawa ni Rion ang nasa likurang upuan.
"'Tang ina, inaantok pa 'ko." Napahikab ako at nagkamot ng braso. "Si Rion kasi, e."
"I told you, 7 nga kasi. Who the heck would go to Binondo at 5?"
"Ewan ko sa 'yo. Dapat kasi, alas-diyes na lang. Ang dami pang sinasabing oras, e."
Inaantok pa talaga ako tapos biglang ang tugtugan sa UV, Wonderful Tonight. E, di lalo lang akong inantok.
Nakakaapat na hikab na ako. Tingin ko rin, inaantok pa si Rion. Isinandal ko sa balikat niya ang ulo ko. Naka-ready na nga sa utak ko ang sermon sa kanya kapag nag-react siya ng pagka-OA-OA, pero inaantok talaga siya.
Pagsandal ko ng ulo sa kanya, siya namang pagyukyok niya sa backpack niyang punong-puno ng laman.
Walang nagsalita sa aming dalawa. Pareho kaming inaantok. E, di pareho kaming natulog sa biyahe.
Linggo kaya hindi na nakakagulat na ang bilis ng biyahe. Nakuha na ako ng tulog nang biglang gumalaw ang UV. Nagbababaan na ang ibang pasahero.
"Rion." Mabilis ko siyang kinalabit. Napabangon agad siya.
"Aw—"
"Huy, gagi! Hahaha!" Natawa na lang ako nang mauntog siya sa bubong ng sasakyan. Pero bandang bintana naman kasi ang nauntugan niya at medyo mababa talaga sa parteng 'yon.
Ako na ang marahas na nagtapik ng ulo niya kasi nga nauntog para lang pakunsuwelo.
"Baba na tayo, dali, dali!" Ako na ang nagbukas ng back door dahil siya ang nakapuwesto sa bandang likuran ng mga nasa harapan namin nakaupo.
Yukong-yuko pa siya nang bumaba. Nangangasul na ang langit at umaangat na ang araw. Makikita na rin ang paligid kahit walang ilaw pero bluish pa rin ang tone dahil sa alanganing oras.
"Bukas na yata sa station." Sinilip ko ang phone ko para makita ang oras, 5:13 na. "Tara na, dali."
"Wait." Mula sa likod, isinukbit niya paharap ang bag niya. Mukhang alam naman pala niyang bumiyahe. Aware ba siyang posible siyang madukutan dito at sa pupuntahan namin?
Kinuha ko ang kamay niya kasi napakatagal! May inayos-ayos pa siya sa loob ng bag niya. Naglalakad na kaming dalawa, hatak-hatak ko siya sa kamay habang inaalalayan siya.
"I can't reach my wallet."
"Dapat kasi inilagay mo diyan sa harap."
"I can't do that. Baka maholdap tayo, e."
Ay, wow. Naholdap na ba 'to?!
"Siguro mag-coins na lang ako pagbayad."
"Gagi! Bumili na 'ko ng ticket kagabi!"
Napahinto naman siya at kunot-noong tiningnan ako. "How?!"
"May app diyan! Hindi mo ba alam? Ii-scan na lang 'yon."
"Hindi ba siya 'yong parang may ibibigay na card sa 'yo once you pay?"
"Hayaan mo na 'yan! Ako na bahala." Lalo ko pang hinatak ang malaking kamay niya para lang kumilos siya.
Dumeretso kami sa Baclaran Station. May mga tao na rin doon pero mangilan-ngilan lang.
Naglabas na si Rion ng handy video recorder niya at nagsuot ng wireless mic. Walang salitang inabutan niya rin ako ng mic at inipit ko agad ang clip n'on sa collar ng white T-shit ko.
Nag-start na siyang mag-record habang nakatutok sa kanya ang camera. "Good morning, guys."
Natitigan ko siya nang bigla siyang magsalita gamit ang malalim niyang boses—yung boses na ginamit niya sa pagdadabog no'ng nainis siya kay Sydney. 'Tang ina, shet, ang lakas maka-bedroom voice ng poste na 'to.
"I'm Rion Scott of BSHM 1-A—" Bigla niyang itinutok sa akin ang camera at nag-hand gesture para sabihing magsalita ako.
Kumaway naman ako. "Hi, I'm Evangelle Heyrosa of BSHM 1-A."
Ibinalik din niya ang tutok sa kanya ng camera.
"And this is our entry for Philippine Tourism, Geography and Culture."
Hindi niya tinapos ang pagre-record. Naka-roll pa rin 'yon hanggang makaabot kami sa turnstile.
"We're here sa Baclaran Station," pag-voiceover niya na naririnig ko mula sa likuran ko. "It's my first time riding this train. I'm excited."
I'm excited, pero yung boses niya, parang voiceover sa commercial ng alak.
Naglabas ako ng phone at nag-scan ng QR code ko saka ko inabot kay Rion ang phone ko.
"Scan mo lang," utos ko paglagpas sa turnstile.
"Okay." In-scan naman niya ang phone ko saka siya sumunod sa akin na nakaabang sa kabilang side ng mga turnstile.
"Dito ba yung Beep card?" biglang tanong niya nang ibalik ang phone ko sa 'kin.
"Oo, bakit?"
Inikot niya sa braso ang hand strap ng camera niya. "Oh! I thought dito yung yellow card thingy. I rode that once no'ng nag-road trip kami ni Chan-Chan. Anyway . . ." Kinuha niya ang kamay ko at nag-spray siya roon ng hand sanitizer na nakasabit sa handle ng zipper ng bag niya. "Ang konti ng mga tao today."
"Linggo nga kasi. Natural kaunti lang ang may pasok."
Siya naman ang sumunod na nag-spray sa kamay niya at magkasabay kaming naglalakad habang nag-iikot-ikot ng magkabilang palad para ma-cover ng sanitizer ang balat.
"Maybe we can start taking formal videos here."
Pinalilibutan kami ng tiled wall at sahig sa loob ng station. Hindi ko masabi kung malamig o mainit ba. Malamig sa labas ng bakod? Mainit sa loob?
Lumayo siya nang kaunti sa akin at saka siya nag-start mag-record. Paikot-ikot ang pagkuha niya ng anggulo, kinukuha lahat ng puwedeng kunan habang wala pa ang tren.
Inabangan ko naman ang tren mula sa malayong dulo. Tumataas na ang araw, nababawasan na ang pagkaasul ng paligid.
Ang lakas ng tugtugan mula sa mga nagtitindang Muslim sa malapit sa station. Slow ang song pero ang beat at bass, akala mo nasa club.
"Take me to your heart
Show me where to start
Let me play the part of your first love. . ."
Naghawi ako ng buhok mula sa gitnang hati at nagbagsakan ang mga hibla sa balikat ko. Paglingon ko kay Rion, sa akin na nakatutok ang camera niya.
Nag-finger heart naman ako saka nagpa-cute nang kaunti. Bigla siyang nag-flying kiss sa 'kin kaya mula sa finger heart, binalikan ko siya nakasaludong middle finger habang nakasimangot.
"Hahaha!" Ang lakas ng tawa niya, pinagtitinginan na tuloy siya kaya lalo akong lumayo habang pinandidirihan siya ng tingin.
Paparating na ang tren. Gumagalaw na ang tracks. Lalo pang lumapit si Rion sa may edge ng waiting spot para kunan ang paparating na bagon.
Nang huminto ang tren, lumapit na agad siya sa 'kin para sabay na kaming pumasok sa iisang pinto lang. Hinawakan niya ako sa bandang balikat sa may likod at pinauna na. Medyo maluwag pa sa loob kahit paano kaya marami pa kaming puwedeng maupuan.
Nauna na akong maupo pero nanatili siyang nakatayo. Mula sa gitna, kinukunan niya ng video ang buong center view ng LRT.
"Sa mga minamahal naming pasahero iilang paalala para sa inyong ligtas at maginhawang paglalakbay habang nasa loob ng tren . . ."
Naghanap na rin ng mauupuan niya si Rion. Akala ko, tatabi sa akin, pero doon siya sa kaharap kong upuan pumuwesto. Itinago niya ang camera niya at naglabas ng phone. Itinaas niya ang phone at 'yon naman ang ginamit niya pagkuha yata ng mga photo sa kung saan-saang direksiyon.
Nakatitig lang ako sa kanya. Ang seryoso niya lang. Saka ko lang din napansin na naka-white T-shirt lang din siya gaya ko. Although nabanggit niya naman sa chat na white shirt kami para hindi madaling makapitan ng radiation at init ng araw. Baka nga raw kasi mag-black ako, lalong mainit 'yon.
Ang lakas maka-pogi ng wristwatch niya. Hindi 'yon mukhang mamahalin. Digital nga lang na mukhang nabibili sa tabi-tabi pero dahil suot niya, nagmumukhang mahal. Maputi pa naman siya.
Kapag ganitong seryoso siya at hindi nangungupal, naiintindihan ko kung bakit patay na patay sa kanya si Shantey. Ang aura kasi talaga niya, halatang pampered at anak ng mayaman. Naka-T-shirt nga lang siya, khaki pants, at Converse pero malakas pa rin ang dating.
"Next station ay Vito Cruz. Ang susunod na estasyon ay Vito Cruz."
Dahan-dahan siyang pumaling paharap sa 'kin mula sa kanang gilid kung saan siya unang kumukuha ng shot.
Ang utak ko, handang-handa nang manigaw sa kanya, pero hindi siya huminto sa pagpaling. Talagang mula kanan, sinagad na niya hanggang dulong kaliwa ng bagon habang isa-isang naglalabasan ang mga pasarehong doon bababa.
Umahon na ang araw. 'Yon lang, maulap kaya hindi masyadong maganda ang atmosphere, di gaya ng sunrise talagang maninilaw ang paligid sa liwanag.
Ilang saglit pa, bigla niyang inilagay sa tenga ang phone.
"Hi, Mommy," sabi niya sa malalim na boses.
Nagtaka naman ako. Bakit malalim na boses ang gamit niya?
"I made a sandwich kanina sa—yes. I can't visit Dada, may kasama ako, e. Yeah."
Malalim ba talaga ang boses niya? Mama niya yata ang kausap niya. So yung pa-cute niyang boses, trip niya lang ba 'yon?
"Tomorrow po. Yes. I'll call Kuya Rhy para sabay na lang kami. Maaga naman dismissal ko, 'My. Magpapa-excuse na lang ako sa manager ng café."
Nang dumako ang tingin niya sa 'kin, akala ko talaga magpapa-cute na naman gaya ng lagi niyang ginagawa. Tumingin lang talaga siya nang isang segundo tapos lumipat sa kanan at tumanaw sa malayo—yung klase ng tingin na parang hindi kami magkakilala at aksidente lang akong nadapuan ng tingin.
Wow, ha? Attitude yarn?
"Maybe . . . I will. All right. Okay lang naman 'yon kung kasama namin si Chan-Chan. In Chan-Chan I trust." Natawa siya nang mahina matapos niyang sabihin 'yon habang nakatingin siya sa sahig ng bagon. "Yeah, I will. Love you, bye-bye."
Nakangiti lang siya nang ibaba ang tawag. Nakamasid lang ako sa kanya. Apat na station ang nalampasan namin na para kaming hindi magkakilala. Nakaupo lang ako at nakakrus ang mga braso habang busy naman siya sa pagkalkal sa bag niya. Kung hindi man, iinom sa flask niya at hindi man lang ako aalukin.
Hindi naman ako nauuhaw pero hindi man lang talaga nag-alok.
"Arriving at Carriedo Terminal Station. Paparating na sa Carriedo Terminal Station."
Inilabas na naman niya ang camera at nag-start nang mag-record uli.
"Hi, guys! We're already here sa Carriedo Station," sabi niya sa mababa pa ring boses.
Nakasunod lang ako sa kanya habang kumukuha siya ng mga photo sa buong area.
Yung itinerary niya, para talaga kaming magde-date. Pero ngayong ganito ang ginagawa niya, ramdam kong project nga talaga ang gagawin namin.
"May dala akong cam," sabi ko at kinuha sa sling bag ko ang maliit na camera na may naka-attach na sariling mic. "Magte-take ako ng sarili kong shots."
"You sure?"
"Oo. Edit mo na lang. Hindi ako marunong mag-edit ng video, e."
"All right, I'll do that."
Paglabas namin sa terminal, saka ko lang na-digest na sobrang layo namin sa Ongpin para 'yon ang unahin niya.
"Rion, ang layo natin sa number 1 mo," sabi ko nang tingnan ang map.
"Malayo—ah! Oh! OMG, yeah. I calculated the distance kasi kapag may car service tayo. I didn't know na malayo 'tong station sa number 1 natin."
"Jones Bridge ang pinakamalapit sa 'tin."
Tumabi siya sa 'kin kaya ipinakita ko naman ang map sa kanya. Sa sobrang laki niyang tao, harang na harang niya ang sumilip na araw sa tabi ko.
"Hmm, maybe we should go sa nearest muna." Ilang beses niyang inurong-urong ang screen para mahanap ang hindi ko masabing hinahanap niya. "Cloudy today. I don't think may makukuha tayong magandang shot sa bridge, but let's try."
Para kaming turistang dalawa na sinusundan ang mapa sa phone ko. Hawak niya ang camera at may hawak din akong camera.
Ang totoo, wala naman akong problema kung maglalakad kahit malayo pa. Ayoko ring mag-car service kung ang dami pang iikutan bago namin marating ang dapat naming marating.
Sa gilid ng kalsada, nagdesisyon kami ni Rion na gumawa na lang ng interesting concept para sa video kasi sobrang maulap. Hindi ko masabing uulan pero maulap talaga.
Either magpu-full English kami gaya ng gusto niya o magpu-Full Tagalog gaya ng gusto ko. Ayoko siyang babanat ng "Can we make kuha like
this" kasi masisikmuraan ko talaga siya kapag conyo ang voiceover namin sa actual video.
Nakakuyom ang mga kamay naming pareho para mag-bato-bato pick.
"Bato—"
"Jack—"
Huminto ako at namaywang habang nakatingala sa kanya. "Bato-bato pick nga. Anong Jack?"
"Hahaha! Sorry, sorry. Okay, game."
"Bato-bato pick!" Pareho kaming bato. "Bato-bato pick!"
Bigla siyang nagpapel at gunting naman ako.
"ARGH! ARGH!" Nag-flex ako ng muscle habang sumusuntok sa hangin. "Tagalog! Ang mag-English, sasampalin, ha?"
"That's so harsh—"
"Tagalog nga!" Umamba agad ako ng sampal na inilagan niya. "Kada isang word, sasampalin kita, ha? Bawal din ako mag-Ingles."
"Hey, that's—" Pagturo niya sa 'kin, inambahan ko agad siya ng sampal na hinarangan niya ng braso.
"O! O! Sige, English ka pa."
"Grabe po. Grabe po talaga."
"Hahaha! Papalag ka pa, e. Talo ka nga."
Sobrang rare kong marinig si Rion na mag-Tagalog nang buo. Either manahimik na lang siya o sasampalin ko siya. At least may option.
"Ako na ang kukuha ng gumagalaw na larawan," natatawang sabi ko kasi bawal nga rin akong mag-English para patas kami. Ako ang magre-record at siya ang reporter. Paatras akong naglalakad habang inaalalayan niya ang kaliwang kamay kong hawak niya. "Magsalita ka, dali."
"Wha—Ano 'yong gumagalaw na lawa—" Napatakip siya ng bibig kaya lalo akong natawa. "La—ano 'yon?"
"Larawan."
"Di ba, may ibang Tagalog diyan?"
"Sabihin mo, larawan. La . . ." marahang turo ko.
"La . . ."
"Rawan."
"Rawan."
"Larawan."
"Ralawan."
"HAHAHA! Mali, bobo! Ulit!"
"May ibang word diyan!"
"Ingles yung 'word'! Ulit!"
"Wait! Maghahanap ako ng—"
"English yung wait!"
Kinuha niya ang phone niya gamit ang malayang kamay at nagsalita sa voice command. "What's the Tagalog word for video?"
At talagang in-English niya!
"The Tagalog word for video is "bídyo. If you need any more translations or have other questions, feel free to ask!"
"Oh!" Sabay pa kami ng naging reaction sa sagot ng voice command.
"Bidyo," ulit niya sa mariing pronounciation ng video.
Natawa na lang ako kasi nagre-record pa rin ako.
"Saan tayo unang magsisimula?" tanong niya sa malalim niyang boses. "Ang utak ko ay . . . what's the Tagalog of melting? Nagtutubig."
"Natutunaw! Anong nagtutubig? Luga ba 'yan?"
"What's loo-guh?"
"Hoy, English!"
Tawa lang ako nang tawa, wala nang pakialam kahit pinagtitinginan kami ng mga nakakasabay namin sa kalsada.
Mula sa Carriedo, tumawid kami sa may Escolta.
"Madalas ang pamilya ko dito kasi may . . . tindahan kami na marami dito," sabi niya sa camera. Para siyang five years old na nagre-recite.
Malalaman kong nag-iisip siya ng Tagalog word kapag bigla siyang nagla-lag tapos didiinan niya yung salita na tingin ko, hindi tamang word para doon, pero tingin niya 'yon ang salita para sa gusto niyang sabihin.
"Ano-ano mga tindahan n'yo rito?" tanong ko.
"Marami kaming tindahan," deretsong sabi niya. "Nag . . . ano . . . 'yong . . . nagkukuha ng tinda sa isa tapos ipapadala sa isang tindahan na bago."
Delivery, sabi ko sa loob ng utak ko.
"Bigay ka ng halimbawa."
"Ano 'yon?" kunot-noong tanong niya.
"Magbigay ka nga ng halimbawa."
"Ng what?"
"Hahaha! Magbigay ka ng tinitinda n'yo."
"Bibigyan kita?"
"Hindi, tanga! Magbigay ka ng halimbawa ng tinitinda n'yo!"
"Ano kasi yung sinasabi mo na halim—whatever."
"Halimbawa! Example ng tindahan n'yo!"
"Ah . . ." Saka lang niya na-gets kung ano ang sinasabi ko. "Nagtitinda kami ng maraming bagay."
"Anong bagay 'yon?"
"Marami. May papel. May um . . . mga gamit sa kusina."
"Anong mga gamit sa kusina?"
"Like 'yong—"
"Hoy! All Filipino nga muna, di ba? English yung like!"
"Really? Ah! Wait! Ah! Ano Tagalog ng like?" Bigla niya akong itinuro. "Gusto!"
"Tangek, like is parang!"
"Like is parang what?"
"PARANG. Like as in parang. Like me. Ano Tagalog ng like me?"
"Um, gusto . . . kita?"
"Hindi, gagu! Like me! Like tapos me! Tagalog!"
"Gusto . . . mo ako? Me is ako, di ba?" Itinuro pa niya ang sarili niya.
"Ipilit mo pa!" Hinabol ko siya ng sipa at siya naman ngayon ang tawa nang tawa.
"Joke lang! I know the Tagalog of like."
"English na naman!" Umamba ako ng sampal sa kanya kaya napapikit-pikit siya habang ginagawang panangga ang braso sa kamay ko. "Tagalog, dali!"
"Nagtitinda kami ng mga sandok saka kutsilyo na iba-ibang itsura . . ."
"O, tapos, ano pa?"
"Nagtitinda din kami ng alak."
"Anong alak?"
"Mga beer saka rice wine."
"English 'yon pero hindi ko rin alam ang Tagalog kaya okay na 'yan. Ano pa?"
"Nagtitinda din kami ng baril."
Biglang nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?"
"Uh-huh."
"Paanong tindahan? Parang maliit na tindahan, gano'n?"
"No. Like a gun company. We manufacture firearms and ammunitions. Marami kaming branches nationwide."
"Oooh . . ." 'Tang ina, ang big time pala nito ni Rion, hindi man lang nagsasalita.
Baka kaya siguro G na G ang pamilya ko sa pamilya nito kasi may-ari pala sila ng kompanya ng baril?
Nakarating kami ng Jones Bridge at naghiwalay na kaming dalawa ng pagkuha ng video. Nasa magkabilang dulo kami. Buong bridge ang una niyang kinunan. Ako naman, sa may National Archives nagtagal. Hindi ako pumasok pero kumuha ako ng maraming photos mula sa labas.
Pasilip-silip ang araw sa makakapal na ulap. Maliwanag naman, hindi ko masabing uulan.
Nagsalubong kami ni Rion sa bandang gitna ng bridge. Nakatutok sa akin ang camera niya habang nakangiti siya.
"Hi, miss. Ang pretty mo naman. Can I get your number?"
"Guard, may baliw dito!" Nag-middle finger na naman ako na dahilan ng paghalakhak niya.
Busy ako sa pagpitik-pitik ng mga dahon sa mga halamang nasa tulay nang akbayan niya 'ko. Inilabas niya ang phone at saka kami nag-selfie. Dalawang beses lang 'yan saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
"Mga My Day ng mga classmate natin, puro gala talaga, e." Namumutiktik ng #PhilGeo ang mga caption.
Hinahanap ko ang My Day niya pero maliban sa madilim na shot sa loob ng kotse at caption na "Antok Pa Me huhu ಥ╭╮ಥ," wala na akong nakitang iba.
Naglalakad kaming dalawa—kung hindi niya hawak ang kamay ko para walang matalisod sa amin, kapit-kapit ko naman ang kamay ko sa bag niya. Either may ginagawa siya at kailangang matutok sa ibang angle o ako naman ang may ginagawa sa phone at camera.
From Jones Bridge, talagang nilakad lang namin papasok sa may Yuchenco, which is yung pangalawa sa itinerary namin.
Wala pang alas-siyete ng umaga, tapos na namin ang Jones Bridge item sa listahan.
Naka-roll ang video ko habang nakahinto kami sa bilihan ng mga panyo at towel. Yung baon kasi naming towel, nanggigitata na! Pagpunas ko sa mukha ko, wow, taong grasa na ang Evangelle! First time ko nga lang din makitang naglibag si Rion!
Bumili tuloy kami ng another set ng towel. Akala ko sa mall pa bibili si Rion. Huminto talaga siya sa tindahan ng Intsik. Maliit lang na tindahan 'yon na ang tindero, purong Chinese yata, ewan ko. Matanda na kasi na sobrang nipis ng mata. Nakalabas nang kaunti ang kahoy na mesa mula sa loob at maraming nakalatag doong panyo, towel, bib ng baby, brief, panty, at kung ano-ano pa.
"Uncle, dua tsi?" (Uncle, magkano?)
LUH?! Hala, nag-e-alien language na si Rion!
Nakanganga lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa ng tindero. Nagkakaintindihan sila, 'tang ina!
May sinabi ang tindero na hindi ko masyadong narinig pero nagtaas ng tatlong daliri.
"Ya qui! U ka siok bo?" (Ang mahal! May tawad?) nakasimangot na sabi ni Rion.
Hala, akala ko, Amerikano 'to si Rion na medyo singkit lang.
Hindi ko alam kung ano ba ang pinag-uusapan nila, pero nagbigay ng 100 pesos si Rion sa tindero at nakakuha na kami n'on ng apat na Good Morning towel.
Parang nasa isandaan mahigit na yata isa ng Good Morning towel. Ang mura naman yata rito?
"We got four towels," masayang sabi niya paglayo namin sa tindahan.
"Ang mura naman ng towel do'n."
"Ang mahal nga, e."
"Isandaan lang binayad mo, mahal pa 'yon?!"
"Okay na 'yan. We can use this pampunas sa arms or sa hands. May wipes and tissue naman ako dito sa bag, just in case."
Ginamit namin ang isang towel. Unang hagod pa lang sa braso, wow, dumimalist ang estetik.
Nagugutom na 'ko at tingin ko, mas gutom na rin si Rion kaya huminto kami sa Chuan Kee. Alas-siyete pa lang, bukas na sila. Along the road kaya madaling makita. Umaga pa lang pero ang dami na agad tao sa loob.
Hindi fancy restaurant ang atake ng kainan. Simpleng restaurant lang din, parang turo-turo na Chinese version. Maliit kung tutuusin. Parang mas malaki pa ang isang branch ng fast food. Electric fan lang din ang hangin sa loob at may maliit na air cooler dahil bukas na bukas ang paligid para mag-AC pa.
Pinaupo ako ni Rion sa isang kahoy na mesa at siya na ang umorder. Kailangan ko nang umupo kung ayaw kong makipila kami sa labas oras na dumami ang customer. Katabi ko ang bag niya para iwas nakaw.
Tingin pa lang, mukhang masarap na roon. Hindi naman siguro mapupuno ang isang kainan kahit kabubukas pa lang kung hindi okay ang pagkain. Mabango rin sa loob. Kahit mausok, alam kong masarap ang pinagmumulan ng usok.
Inilabas ko ang camera ko at nag-roll ng recording sa loob.
"Wazzup, Damians. Panoorin natin si Rion Scott na umorder ng almusal ngayong araw," mahinang sabi ko sa video.
Naglabas ng wallet niya si Rion at sinilip-silip ang display na ulam sa counter.
"Sa sobrang laking taong nito, hindi na siya kasya sa screen. Tsk!"
Nagturo na si Rion ng mga kakainin namin. Nakikipagngitian pa siya sa mga nagtitinda.
Ilang saglit pa, nakakuha na siya ng order namin. Ine-expect kong magho-hoard siya ng pagkain pero hindi.
Tig-isang authentic fried rice lang ang nasa tray niya. May maliit na lagayan ng ginisang gulay at dalawang bamboo trays.
Pag-upo niya sa kaharap na upuan ko, nagbigay na agad siya ng disclaimer. "I didn't order a lot kasi ang dami nating dadaanang food house."
Naglapag siya sa mesa ng rice, yung gulay, tapos dalawang set ng bamboo tray na may lamang dim sum saka siomai.
"Try their hakaw." Inabutan niya 'ko ng chopstick at Chinese spoon at itinuro ang dim sum pati sawsawan n'on. "Water lang muna tayo ngayon. Marami kasi tayong ite-take na sugar later."
Imbes na kumain agad, inuna muna niyang mag-take ng video. Hindi na lang din muna ako kumain para buong order namin ang maipakita niya—kahit pa mas maganda sana kung mas maraming laman ang mesa namin.
"I'll do the voiceover for this later. Go ahead. Eat well," sabi niya sa 'kin.
After kong magdasal, kumain na rin kaming dalawa. Ang dami kong naririnig sa paligid na hindi Tagalog magsalita. Kapag biglang natatawa si Rion at lilingunin ang mga nag-uusap, alam ko nang naiintindihan niya sila.
"Nakakaintindi ka ng Chinese?" tanong ko.
"Hokkien. Konti lang. Parang ilang phrases and words lang."
"Chinese ka ba?"
"Daddy ko, may Chinese blood."
"Mayaman pamilya n'yo, di ba?"
"Yeah, I think so." Nagkibit pa siya saka sumubo ng kanin gamit ang chopstick.
"Di ba, kapag Chinese, dapat Chinese din ang mapapangasawa."
"Hmm, not really. Siguro kahit hindi ka Chinese, basta doctor ka sa Cardinal o kaya family lawyer ka na hindi mabuting tao, wala silang sasabihin."
"Pfft—" Napatakip agad ako ng bibig bago ko maibuga ang kinakain ko.
Grabeng standard naman 'yon!
"Mommy ko, hindi naman Chinese."
"O? Pero mayaman."
"No din." Sinusundan ko siya ng tingin habang iniisa-isa niya ang almusal namin. "Lower middle class sila. Minimum-wage earner."
"Legit?"
Tumango agad siya.
"Buti pumayag pamilya n'yo sa mommy mo."
"At first, ayaw ng lolo ko."
"Doon sa mommy mo?"
"No. It's the other way around. Ayaw niya sa daddy ko for my mom. Irresponsible daw kasi at that time si Daddy. Kaya rin I need to work as early as now because they're not gonna spoil me with things."
"Ah . . . so hindi ka spoiled."
"Privileged but not spoiled," seryosong paliwanag niya. "May perks ako ng upper class, but I still need to hustle for myself."
"Bakit kailangan mo pang mag-work kung mayaman naman na kayo?"
"Hmm . . . basically, you need to build a foundation for yourself. Puwedeng may wealth ka from your parents, you can use that as an advantage, but you still need to work," katwiran niya nang salubungin ang tingin ko. "Kasi imagine this, once they're gone or once na ma-remove ang privileges na 'yon, if you don't know what to do kasi naka-rely ka lang sa comfort side ng life, mabilis kang babagsak. Trees that don't have proper rooting on the ground fall fast."
Natahimik ako.
Hindi ko alam kung dahil ba hindi pa-cute ang boses ni Rion ngayon, o dahil seryoso niya akong kinakausap, o dahil ang talino ng pagkaka-deliver niya ng explanation niya sa 'kin.
Pinanonood ko siyang kumain. Gutom nga talaga siya. Nakakadalawang sandok pa lang ako sa kanin ko, ubos na niya ang rice niya.
Sa totoo lang, hindi ko rin masabing spoiled si Rion. Iniisip ko kung ano-ano bang factor ang makakapagsabing spoiled siya, pero kapag iniisip kong mabuti ang mga dahilan, wala akong maisip.
Wala siyang kotse. Karamihan pa ng mga classmate namin, nagpapagandahan ng sasakyan.
Hindi siya nag-aayang kumain sa mga mamahaling lugar o nagpapabibo sa lahat ng nasa campus.
Never ko yatang nakita siyang sumama sa mayayaman naming kaklase. Madalas nga, wala
siyang kasama. Naisip ko bigla kung sino ba ang mga binabarkada niya sa school tapos na-realize kong wala siyang barkada at all. After ng klase, sa café na siya. After sa café, uuwi na. Maliban sa active social media niya, hindi ko pa siya nakitang may ibang kasama sa personal.
Tahimik na kaming kumain.
Sa isang iglap, naguwapuhan ako sa kanya sa pagiging seryoso niya. Malamang kasi nagma-match naman ang sinabi niya sa ginagawa talaga niya. Hindi lang puro salita. May laman 'yon.
Kinuha niya ang bag niya sa tabi ko at may hinalungkat sa loob.
Ang ganda-ganda na ng tingin ko sa kanya kaso biglang naglabas ng Tupperware.
"Psst! Ano 'yan?" sita ko kasi nagtago talaga siya ng Tupperware sa ilalim ng mesa.
"Sayang kasi. We can eat it while walking," sabi niya sabay puslit ng dumplings palipat doon sa itinago-tago niyang Tupperware sa ilalim.
Gagong Rion 'to, nagsha-Sharon!
"Huy, mahuli ka, gagi!"
Saglit niyang pinalis ang kamay ko para awatin ako. "Cover me sa counter para hindi tayo mahuli."
Natawa na lang tuloy ako sabay sapok sa sentido niya.
Wala na talagang pag-asa 'tong poste na 'to.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top