Chapter 11: Break of Dawn


 Nakita ko naman na yung dorm na titirhan ko hanggang sa mga susunod na taon. Dati 'yong apartelle na ginawa na lang dorm matapos maitayo ang NDU.

Nasa third floor ang room na available pa kaso walang elevator kaya tiyagaan talaga sa spiral stairs pababa at paakyat.

"May kasama ka ritong taga-Tourism yata diyan sa school. Fully paid na rin 'yon, kasama boyfriend n'on kahapon na tumingin dito. Kung magreklamo ka doon sa boyfriend, kayo na lang ang mag-usap."

Punyeta.

Parang gusto ko na tuloy lumipat.

Malaki naman sa loob. Apartelle, e. Parang deluxe room yata dati ang napili kong unit. Pero dahil nga bedspace, natural lang na may kasama ako.

Tatlo raw sila, nag-back out yung isa. Hahanapan pa raw ng landlady kung sino ang puwedeng pumalit doon sa isa basta babae. Parang gusto ko na lang tuloy bayaran 'yon para less stress.

May double deck naman na sa loob. Kanya-kanya nga lang kami ng dala ng mattress saka mga unan at kumot. Plano kong lumipat agad sa Lunes. Pag-uwi ko mamaya, magbabalot na agad ako ng gamit.

Chat nang chat si Rion, lumalabas siya sa notification ko pero hindi ko talaga nire-reply-an. Ang daming oras ng poste na 'to, wala ba siyang ginagawa sa kanila? Wala ba siyang trabaho ngayon sa café?

Tinawagan ko si Secretary Cel at sinundo na ako ng LC sa may highway.

"Ate Cel, pasabi kay Lolo Sev, lilipat na 'ko sa dorm ngayong darating na Monday," paalam ko mula sa back seat.

"Sigurado ka na ba sa dorm? May nahanap naman na kaming mas magandang apartment."

"Okay na 'yon. Ang mahal-mahal doon sa tiningnan n'yo. Sayang upa, tutulugan lang naman."

Ang kulit talaga ng chat ni Rion, naka-vibrate na nga lang pero napakaepal pa rin.

Nagbukas na ako ng chat head para lang mabasa ang kadaldalan niya.

Your Bestest Partner
GEEEEELLEEEE
Yuuuuhoooooo
Busy ba you?
Busy ba me?
Busy ba us?
Joke lang HAHAHAHA
〜⁠(⁠꒪⁠꒳⁠꒪⁠)⁠〜

Taragis na lalaking 'to. Umiiral na naman ang diperensiya sa utak.

Your Bestest Partner
I'm preparing our things na
Magbi-bring ako ng extra clothes coz it's so hot sa Manila
(ರ⁠_⁠ರ)/ like super hot
Bring ka extra shirt or towel para di tayo mapawis nang super
(⁠ノ゚⁠0 ゚⁠)⁠ノ⁠~ but I can make punas naman your face or your back tho
USB-C ba port mo?
I'll bring powerbank na lang din para sure (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)
Magbi-bring din ako face mask coz the pollution is pollutioning
Haaay (¬_¬")

👑Partner Kong Mahal👑
Ang dalhin mo yung mga camera saka gagamitin pag-video
Para kang magka-camping ah

Your Bestest Partner
AAAHHHHH
YOU REPLIED
I miss you huhuhu

👑Partner Kong Mahal👑
LUL
Ano oras tayo bukas?

Your Bestest Partner
7! ᕙ⁠(⁠ ⁠:⁠ ⁠˘⁠ ⁠∧⁠ ⁠˘⁠ ⁠:⁠ ⁠)⁠ᕗ

👑Partner Kong Mahal👑
Tanginang aga naman nyan!
Wala bang 10 am???

Your Bestest Partner
Wala po.
Wala na tawad (ರ⁠╭⁠╮⁠ರ)

👑Partner Kong Mahal👑
HAHAHAHA
Marunong kang tumawad??

Your Bestest Partner
Secreeet (⁠~⁠ ̄⁠³⁠ ̄⁠)⁠~
Basta 7 na. Nag-alarm na ako 5 am ihhh

👑Partner Kong Mahal👑
HOY ANG AGA NUNG 5????
TULOG PA KO NYAN!!!

Your Bestest Partner
Pag di ka nagising ng 5,
pupunta ko sa villa nyo ako gigising sa'yo.

👑Partner Kong Mahal👑
Puta ka

Your Bestest Partner

"HAHAHAHA!" Ang lakas ng hagalpak ko sa sasakyan, kahit sina Secretary Cel, napalingon sa 'kin sa back seat.

Taragis na Rion 'to, ang daming alam.

👑Partner Kong Mahal👑
Wag mo kasing agahan!
Kakain pa ko ng almusal

Your Bestest Partner
Sa Binondo nga tayo magbe-breakfast ರ⁠╭⁠╮⁠ರ

👑Partner Kong Mahal👑
So magugutom ako?

Your Bestest Partner
I'll make a sandwich for you para kain tayo sa road
Wag ka muna mag-breakfast sige na plllssss
(⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠_⁠_⁠_⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠-̩̩̩̩̩̩̩̩̩⁠)

👑Partner Kong Mahal👑
HAHAHAHA oo na sige na
kawawa ka namang nilalang

Your Bestest Partner

Pisteng Rion 'to. Araw-araw na lang sinasaltik.

Dumeretso na kami pauwi, at ang dami na namang tao sa may lobby ng villa.

Mukhang may miting de-abanse na naman sina Lolo Sev. Next, next year pa naman ang eleksiyon, ang excited naman nilang maghanda nang maaga.

"I-ba!" biglang tawag sa akin sa lobby. "Aba'y kagandang bata naman are! Dalagang-dalaga na! May boypren ka na?" salubong ni Lolo Temyong, isa sa mga kumpare ni Lolo Sev na mahilig maghanap ng gin dito sa villa o kaya sa tupadahan.

"Wala po. Saka na 'yan. Di naman ako mapapalamon niyang boypren-boypren na 'yan," sagot ko habang naglalakad paakyat sa hagdanan.

"Hahaha! Inyong! Aba'y katapang naman ng apo mo," sumbong ni Lolo Temyong kay Lolo Sev.

"Kanino pa ba magmamana?" natatawang sagot ni Lolo Sev at nagtawanan na naman ang mga nakapaligid sa kanya.

Naiilang ako kapag ganito karami ang lalaki rito sa villa. Okay sana kung mga lalaking may silbi, ang kaso wala.

Maliban sa mag-iinuman, bobola-bolahin na naman sila ng partido ng lolo ko. Kung ano-ano na namang kasinungalingan ang ibebenta sa kanila. Paglabas dito sa villa, ang lahat ng kasinungalingang 'yon, ikakalat nila sa bawat purok para lang makumbinsi ang mga botante na di-hamak na mas maganda ang pamamalakad ng pamilya ko kaysa sa ibang kandidato. At ginagawa nila 'yon ngayon kahit malayo pa ang eleksiyon.

Hindi ko rin alam kung paano ba nila naloloko itong mga taong ang tingin sa kanila ay tagapagligtas ng sanlibutan para iboto sila nang paulit-ulit. Umi-in your face na nga ang pagnanakaw ng pamilya ko sa buong bayan, nako-call out na nga sina Lolo Sev, pero lagi pa rin silang nakakalusot.

Ako, na-experience ko nang maghirap. Na-experience ko nang umiyak dahil wala akong makain. Pero itong mga tito ko? Good luck sa mga luho nito kapag nawalan na 'to ng kapangyarihan sa politika. Baka bumula ang mga bibig nito kapag kumain ng sardinas na nalulunod sa sabaw.

Wala akong tiwala kay Rion kaya inayos ko na rin ang compact camera ko at ang mic na naka-attach doon. Para kung sakaling makalimutan ni Rion ang camera kakauna ng mga bagay na hindi naman kailangan, hindi kami tutunganga lang sa Binondo.

Nabasa ko naman ang PDF file ng spiels namin. Matino naman ang spiels, yung gumawa lang ang hindi.

Nagdala rin ako ng extra T-shirt at face towel kasi totoo rin naman ang sinabi ni Rion. Baka wala pa kaming isang oras sa Binondo, nanlilimahid na kaming dalawa. Sa mall na lang ako magbibihis.

Sobrang aga ng gusto niyang oras, pero naisip ko rin na mahirap maabutan ng gabi sa daan. Ayaw niya ng service kaya paniguradong mula Baclaran, bababa kami ng Carriedo.

Nagpaalam agad ako kay Lola Marya para siya na ang magsabi kina Lolo Sev na aalis ako bukas nang maaga.

"'La, magbi-Binondo ako bukas," sabi ko pagtabi sa kanya sa terrace. Gabing-gabi, nananahi. Ewan ko ba rito kay Lola.

"Ano gagawin mo sa Binondo?"

"Gagawa kami ng tourism project ng kaklase ko. Madaling-araw ako aalis."

"Maglalayas ka na ba?"

"Gagawa nga ng project. Sa Lunes pa 'ko maglalayas."

Bigla akong nilingon ni Lola at tiningnan ako mula sa bandang itaas ng antipara niya. "Maglalayas ka na naman. Para kang ina mong di mapirmi sa iisang lugar."

"Magdo-dorm ako malapit sa school! Ang layo nitong bahay sa school kaya!"

"Aysows! Kung makikipagtanan ka, 'wag ka nang magpaalam. Buntis ka na ba?"

Napaurong agad ako paatras at minata si Lola Marya. "Diyos ko naman, Lola! Paanong mabubuntis, hatid-sundo pa rin ako ng sekretarya ni Daddy?! Sino bubuntis sa 'kin? Yung Holy Spirit?"

Binalikan niya ang tinatahi niya. "Ang mga bata talaga ngayon. Kung hindi silpon, maglilinandi nang maaga, 'pag nabuntis-buntis, uuwi rin sa magulang . . ."

"Ewan ko sa 'yo, 'La. Sabihin mo na lang sa kapatid mo, dadayo akong Binondo bukas. Uwian na lang kitang hopia monggo."

"Sige na! Lumayas ka na! Hindi ka talaga mapirmi dito sa bahay! Puro gala, puro gala! Palibhasa, mapipira ang magulang! Mabili ng silpon, mabiling kompyuter, lahat na binibigay, gagala pa rin! Takot na takot maugatan dito sa pamamahay!"

Ayan na naman si Lola Marya sa endless monologue niya. Umay.

Maaga akong natulog para maaga rin akong magising. Sa ugali pa naman ni Rion, baka magulat na lang ako, pinapasok na siya ng daddy ko rito sa kuwarto para lang talaga gisingin ako. Gigil na gigil pa naman 'yong dumayo rito sa villa.

Alas-kuwatro, gising na 'ko at naliligo na.

Sarado pa ang mga ilaw sa villa pero gising na ang mga nagpapakain ng manok sa farm. Alas-kuwatro, nagbabalat na sila ng ibinabad na beans na patuka sa manok.

Alas-singko, gising naman na talaga ang buong villa. Maghahanda na sila ng aalmusalin. Ayoko na ring magpaabot ng almusal dito kasi siguradong hindi ako paaalisin nina Daddy agad-agad. Ayoko namang dumayo rito si Rion sa oras ng almusal para sunduin ako. Malamang sa malamang, maka-cancel ang Binondo tour namin nang wala sa oras. Ayokong mag-tour nang may pasok ako, baka mabuwisit lang ako buong araw.

Madaling-araw, lumalamig na lalo habang umaandar ang -ber months. Tuwing walang araw ko mas naa-appreciate ang mga Christmas décor na mapapalitan din soon ng mga pang-Halloween displays—o baka pagsabayin na lang din nila. Si Santa Claus na naliligo sa sapot ng gagamba at may suot na umiilaw na devil's horn.

Itinawag ni Daddy si Kuya Errol sa barracks para lang ipag-drive ako kahit mukhang kagigising lang din niya. Sakay ng puting Vios, bumiyahe ako kahit wala pang alas-singko ng madaling-araw.

"Saan kayo, Injel?" usisa ni Kuya Errol, ang driver ko papunta sa school.

"Sa Binondo po," sagot ko.

"Bakit ang aga naman? Sino kasama mo?"

"Classmate ko po sa tourism subject. Gagawa kami ng documentary ngayon. Parang vlog na project. Mula morning po kami bibiyahe."

"A, tapos sa Binondo."

"Opo."

"Marami kayo?"

"Hindi po. Dalawa lang kami."

"Si Shantey ba kasama mo?"

"Hindi po, iba. Si Shantey, sa Rizal sila ng isa pang classmate namin na ka-partner niya. Sa Masungi raw."

"Bakit hindi na lang kayo mag-service?"

"Yung nasa plano po kasi parang ano . . . ibi-video pati pag-commute. Sasakay po kami ng tren sa Baclaran papuntang Carriedo."

"Ah . . . I see, oo."

Okay naman kausap si Kuya Errol. Kahit mausisa, hindi nakakabuwisit. 'Yong ibang driver kasi ni Lolo Sev, kung makapang-usisa, talo pa si Daddy.

Ang bilis talaga ng biyahe kapag Linggo tapos madaling-araw. Ibinaba agad ako ni Kuya Errol sa tapat ng sarado naming school.

"Sigurado ka bang okay ka na rito?" tanong niya pagbaba ko.

"Opo, Kuya."

"Hintayin ko na lang kaya kasama mo. Baka mapagtripan ka pa rito, e."

Biglang nanlaki ang mga mata ko at pinangilabutan ako mula anit hanggang braso.

"Hindi, Kuya, okay lang! Parating na rin 'yon."

"O, mas okay! Hintayin na natin."

SHEEET!

Putang ina, ano na gagawin ko?!

"Kuya, okay na 'ko, pramis. Uwi ka na. Baka may service ka pa kay Daddy."

"Linggo, walang pasok."

"Malay mo, di ba? Uwi ka na. Hahanapin ka ng asawa mo."

Biglang nanliit ang mga mata ni Kuya Errol habang tinatanaw ako mula sa loob ng kotse, nagdududa na.

"Makikipag-date ka ba, Injel?"

"Hala, hindi!" Mabilis kong binuksan ang bag ko. "May dala akong recorder, Kuya! Gagawa nga kami ng project!"

"Hihintayin ko na yung kasama mo. Baka magtanong si Ser Allen, e."

Panginoong mahabagin, katapusan na talaga ng buhay ko.

Wala na akong nagawa. Nakaupo ako sa mahabang bench sa may sidewalk na kaharap ng gate. Naiilawan kami ng nagbi-blink na parol, tatlong poste 'yong iisa lang ang design.

Nakatayo lang si Kuya Errol habang nakakrus ang mga braso at naghihintay rin gaya ko.

Nag-video call na ako kay Rion kasi gano'n din naman, makikilala rin naman siya ni Kuya Errol. Pero naka-Bluetooth earphone naman ako kaya ako lang ang makakarinig sa kanya.

"Saan ka na?" tanong ko. Nasa ibaba ang phone niya at view ng matalas na panga niya ang nakikita ko pati ang tangos ng ilong niyang kitang-kita sa anggulo. Naglalakad na yata siya, hindi ko lang alam kung saan. "Naririnig mo ba 'ko?"

"Why naman ang dark diyan?"

"Malamang madaling-araw, tanga ka ba? Nasa tapat na 'ko ng school."

"You're early!"

"Sabi mo, 5!"

"Psst!" sita ni Kuya Errol kasi napalakas ang sigaw ko.

"Wait lang, ha? Wala kasi akong ma-book na car. Magpapahatid na lang ako sa brother-in-law ko."

"Kita mo 'yan, kita mo 'yan? Kutos ka talaga sa 'kin pagdating mo rito."

"Sorry na talaga. Wala talagang available na ride ngayon, e."

"Sabi na nga kasing 10 na lang! Pabibo ka lagi, e!"

"Injel," mahinang saway ni Kuya Errol.

Napairap na lang ako.

"Sorry na nga. Ito na, sasakay na 'ko ng car."

Kung tutuusin, wala pa naman talagang alas-singko. Eleven minutes pa before 5 kaya hindi naman talaga siya late. Maaga lang talaga ako. Pero kahit pa? Dapat mas maaga siya. Kapag sinabi niyang 5, dapat wala pang 5, nandito na siya!

"Dihia, the app says ten minutes lang ang travel duration. Is this accurate?" tanong ni Rion sa nagda-drive ng kotse.

"Well, apparently, it's not. But we'll get there. You don't need to rush."

"But I need to!"

"That's not an emergency, right? Gusto mo bang ilipat kita ng ambulance para mas mabilis?"

Saglit akong natawa pero binawi ko rin nang biglang tumingin si Rion sa front cam.

"Bakit ba kasi ang aga n'yo?" tanong ni Kuya Errol.

"Ewan ko rin dito sa kasama ko," sagot ko.

"Sorry na, Gelle. Akala ko kasi susunduin pa kita sa inyo."

"Mukha mo! Bilisan mo na lang!"

"I can't! I'm not the driver!"

"Basta bilisan mo na lang!"

Nagsisimula nang mag-blue ang langit. Wala na, yari na talaga ako nito pag-uwi. Dumeretso na lang kaya ako sa dorm? Baka pag-uwi ko, katakot-takot na salubong ang ibungad sa 'kin nina Daddy.

Iniisip kong magtatagal si Rion sa kalsada. Tipong umaahon na ang araw sa langit bago siya makarating. Pero ang bilis talaga ng biyahe! Eksaktong five ng madaling-araw, kumakaripas siya ng takbo sa gitna ng kalsada papunta sa puwesto namin.

"Evangeeeeelleee!"

"'Tang inang 'yan. HOY! BUNGANGA MO!" sigaw ko rin pagtayo ko.

Hingal na hingal siya pagdating. Yumuko pa at itinukod ang mga kamay niya sa magkabilang tuhod.

"HAH! Gosh! So pagod. OMG." Tumayo na rin siya at namaywang. Nakikita ko sa liwanag ng malapit na poste ng ilaw ang paglabas ng malamig na usok mula sa bibig niya. "That was tiring. But anyway . . ." Pagtingin niya sa 'kin, napansin din niya yata si Kuya Errol na nakatayo malapit sa puwesto ko. "Hello!" bati niya habang naghahabol ng hangin.

"Siya ba kasama mo?" tanong ni Kuya.

"Siya nga."

"Oh! You two know each other!" sabi ni Rion at itinuro pa kami ni Kuya Errol.

"Ano pangalan mo?" tanong ni Kuya kay Rion.

"I'm Rion. Classmate po ako ni Evangelle."

"Ikaw kasama niya sa Binondo?"

"Yes, sir!"

"Siguradong Binondo lang? Ano gagawin sa Binondo?"

"Project nga, Kuya," sabad ko.

"Yes, we're gonna do some video and documentation sa world's oldest Chinatown!" bigla niyang sigaw kaya nasuntok ko siya sa dibdib.

"Manahimik ka na, manahimik ka na. Ang ingay-ingay mo, ang aga-aga pa."

"Hahaha! Sorry na. Gosh, I'm breathless. Naiwan si Kuya sa gate kasi wala pala siyang gate pass. Do you have a gate pass? Is this your car?" tanong niya kay Kuya Errol pagturo sa kotseng nasa tabi ng kalsada.

"Amin 'yan. Pula plaka niyan," sabi ko.

"Ah, okay. What's the difference ng plate? May bearing ba 'yon?"

"Government car nga."

"Oh! Okay, I get it." Inakbayan agad niya ako at nagpaalam kay Kuya Errol. "Can I take Gelle na po para maka-travel na kami?"

"Siguradong Binondo lang, ha?"

"Yes po, sure na sure. I'll take care of her po. Iuuwi ko po siya nang maaga."

"Hoy! Subukan mo lang pumunta sa bahay, ipapakulong talaga kita sa dog house," warning ko sa kanya.

"I'm not scared."

Kupal talaga 'to.

Nagpaalam na rin sa akin si Kuya Errol at makailang ulit na sinabing sa Binondo lang talaga kami.

As if namang gugustuhin ko pang pumunta sa ibang lugar kasama si Rion.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top