Chapter 1. A Little Peak (Prologue)

 Chapter 1. A Little Peak (Prologue)


Sa mundong puro stress, depresyon, at mga krimen, siya ang tanging nagdadala sakin sa mga kwento niyang out of this world. Sa dami ng writers na piniling talakayin ang realidad ng mundo, pinili niyang talakayin ang kabaliktaran nito.

Siya si Allison Jane pero Aj ang madalas na tawag sa kaniya. Isa siya sa mga sikat na writer dito sa campus dahil sa mga fantasy stories niya. Every month ang pag publish ng school writer's magazine kung saan puro mga kwento ng iba't ibang writers ang laman at karamihan sa naririnig ko ay ang pangalan niya. Siya lang kasi ang sumusulat ng fantasy dito. 

Palagi niyang kasama ang bestfriend niyang si Terrie. Political Science nga pala ang kurso ni Aj habang si Terrie ay Psyhology. Pareho nilang balak mag Law School after college. Both 2nd year. Nakatira sila pareho sa iisang apartment dahil pareho silang tiga Cebu at lumuwas ng Maynila para mag aral.

"Hay! Nanaman? Osige Jade, please tawagan mo ko pag nandyan na si nanay, miss na miss ko na siya." Ani Aj at naglabas ng napakalalim na buntong hininga sabay baba ng phone. Si Jade, ang kapatid niya ang kausap niya. "Di mo pa rin naaabutan si Tita, bestfriend?" Tanong ni Terrie sa kaniya habang naglalakad sila sa hallway. "Di pa din! Di ko alam kung may something bang nangyayare na ayaw nila paalam sakin o talagang nag sasabi lang ng totoo si Jade, na busy si nanay sa grocery store eh." Nagtatampong tugon ni Aj. Hinimas himas ni Terrie ang likuran ni Aj. "Hay best, wag ka na mag overthink. I'm sure okay lang yun si Tita. Alam mo naman yun diba workaholic!" Napangiti si Aj dahil sa sinabi ni Terrie. Nakombinse siya dun at napag pasyahan na nilang umuwi. Lingid sa kaniyang kaalaman na may tinatago nga ang kaniyang pamilya.

Pagdating sa apartment ay dali daling nagpalit si Aj at puwesto sa study table na may laptop. May kalakihan ang apartment nila. Two bedrooms, may mini kitchen at mas sala. Ayaw kasi ng parents nila na magsiksikan ang dalawa kaya pumili sila ng malaking aparetment. Nasa pangalawang palapag ang apartment nila Aj at Terrie kaya naman may mini terrace pa sila.

"Huy! Anong ginagawa mo? School works agad? Friday ngayon ah!" Natatawang saad ni Terrie kay Aj. "Eh! Ang daming deadline sa Monday. Puro 3 pages na essay, report pa tas may powerpoint presentation pa tas meron pang--"

"Hep!" Pinutol ni Terrie ang sinasabi ni Aj habang si Aj naman ay halos mabaliw na at nakahawak pa ang dalawang kamay sa ulo. Nilapitan ni Terrie si Aj at inakbayan. "Bespren, relax, okay? Di mo din magagawa ng maayos yan kasi sobrang stressed ka! Tsaka 3 pm palang ng hapon Allison Jane. Tara inom!" Nakangiting sabi ni Terrie habang si Aj naman ay di alam kung anong isasagot.

Nakaupo na sila ngayon sa terrace at kakatapos lang mag timpla ni Terrie ng Empi at Coke. Yun ang favorite nilang dalawa. Wala nang nagawa si Aj kay napapayag na rin siya. Natatawa na lang siya dahil mag a-alas kuatro palang ng hapon pero mag iinom na sila.

"Anong tinatawa tawa mo dyan huy?" Tanong ni Terrie kay Aj. "Kasi naman, ang aga pa para dito! Alcoholic ka talaga eh no!" Tawang tawa si Aj habang sinamaan siya ng tingin ni Terrie. "Ako alcoholic, ikaw naman workaholic!" Nagtatawanan lang silang dalawa.

"Kamusta na pala yung bagong story mo? Spoil mo nga ko!" Pabirong saad ni Terrie.

"Ulol." Hinampas ni Terrie ng unan si Aj.

"Aray! Ang sakit ah?!" Tawang tawa si Aj habang si Terrie naman ay inis na inis na.

"Ang kulit mo kasi eh!"

"Pero di nga AJ, ano nga ulit yung title non? Yung 'Inside the Ordinary'?" Napatigil sa pag tawa si Aj, at sumeryoso ang muka. Humingi ng malalim at uminom sa baso bago tumingin sa kaibigan. "Oo. Inside the Ordinary." 

"Bat parang ang 'ordinary' ng title? Fantasy pa rin ba yun? Or ibang genre na yun?" Kunot nuong tanong ni Terriekay Aj. "Baliw. Syempre fantasy pa rin yun. Alam mo namang dun lang ako magaling eh." 

"So ano ngang meron dun sa story? Ano story nun?"

Uminom ulit si Aj at humugot ng malalim na hininga.

"Ganito kasi yun.."

Sa isang malayong lugar, may isang napakalaking eskwelahan na parang palasyo kung tingnan. Hindi ito pangkaraniwan ng eskwelahan pagka't ang mga estudyante dito ay may mga espesyal na kapangyarihan at sa tulong ng paaralan, inihahanda at tinuturuan sila para magamit nila sa tama at sa mabuti ang kapangyarihang nakalaan sa kanila. Para na rin maging handa sila sa posibleng pagbabalik ni Linus, ang pinaka malakas na engkantong naghahangad na mamuno sa paaralan at maipunta ang lahat sa kadiliman.

May mga tumataglay ng kapangyarihan ng mga elementong, apoy, tubig, hangin, at lupa. Yung iba nama'y nagtataglay ng mahika sa kanilang katawan. Kay gandang tingnan ang mga estudyanteng nag eensayo ng kanilang kapangyarian.

Ngunit may estudyante na iiba ang kanyang kapangyarihan sa lahat. Iba, ngunit hindi sa paraang mas malakas siya sa iba. Nag iiba siya dahil siya ang may pinaka simpleng kapangyarihan sa lahat. Yun ay ang mind reading.

"Ano ba yan, Axel! Ang hina mo naman!" SIgaw ni Renzo na nagtataglay ng kapangyarihan ng apoy kay Axel, ang natatanging mind reader. Kasalukuyan silang nag eensayo ng martial arts at nag bigay ng friendly fight ang kanilang instructor ngunit halos mabugbog na si Axel dahil di naman siya magaling sa pakikipaglaban.

"Palibhasa kasi mind reading lang ang powers mo!" Sigaw ng isang matabang estudyante na katabi ni Renzo at nagsimula nang mag tawanan ang mga tao sa paligid nya. "Walang kwentang kapangyarihan!" Singit ni Renzo at mas lalong nag tawanan ang mga tao.

Gustong gusto nang sumigaw ni Axel sa galit at sa ingay sa paligid niya nang may malakas na sabog silang narinig at napatahimik ang lahat. "Buti naman at tumahimik na kayo." Naangising saad ng Instructor nila sa Martial Arts. Bukod, sa black belter siya sa martial arts ay may kapangyarihan siya na kayang maglabas ng bomba sa kanyang katawan.

"Wag niyong maliitin si Axel, di natin alam, magiging malaking tulong ang mind reading niya pag sakaling may darating na digmaan." Kung normal na bully si Axel, ay paniguradong matutuwa siya sa sinabi ng Instructor pero hindi. Kaya ni Axel magbasa ng isip ng tao kaya alam niyang ka plastikan lang ang saad ng Instructor na iyon.

"Okay okay okay!," Pag hihinto ni Terrie kay Aj. "Okay na beks! Wag mo ko ispoil masyado! Gets ko na. So it's all about the wonder of an ordinary?"

"Leche ka! Lasing ka na!" Natatawang saad ni Aj. "Pero oo, napapansin ko kasi na sa mundong ito, pag ordinary ka, boring ka. Di dapat ganun mag isip ang mga tao, kasi lahat naman tayo ordinary lang eh. Lahat tayo may something special or unique sa sarili so they can't say na porket sikat si ganito eh special na siya just because di napapansin ang something special or unique ng mga ordinaryong tao."

Saglit na natahimik ang dalawa hanggang sa di napigilan ni Terrie ang paglabas ng tawa. SInamaan siya ng tingin ni Aj at hinampas ito ng unan.

"Aray ah!" Imbis na mainis ay natatawa na lang si Terrie pati si Aj. "Lasing ka na Allison Jane! Nagbibigay ka nanaman ng speech mo diyan!" Pareho na silang tumatawa ngayon.

Inabot sila ng madaling araw bago tamaan ng antok at pagkalasingg. Di nila namalayan na nakatulog na pala sila sa terrace.

Maya maya pa ay nagising si Aj dahil sa narinig niyang ingay sa kusina. Nakita niya si Terrie na natutulog kaya kinabahan siya. Kahit na takot ay naglakas loob siyang pumunta sa kusina para malaman kung ano ang ingay.

"May magnanakaw kaya?" Bulong niya sa sarili. Dahan dahan niyang inabot ang switch ng ilaw. Nang mabuksan ang ilaw ay laking gulat niya sa taong kaharap niya.

"A-axel?" Takang takang tanong ni Aj. Kung pano siya na inimagine ang muka ni Axel ay ganoon ang itsura ng lalaki sa harapan niya ngayon. Gulat na gulat naman ang lalaki kay Aj habang takot na takot naman ang dalaga.

"S-sino ka? P-paano nangyaring--"

"Wag kang matakot! Wag kang matakot sakin Allison. Di ako masamang tao at tama ka, ako to si si Axel. Ikaw ang lumikha sakin diba?" Unti unting lumalapit si Axel kay Aj at unti unti namang lumalayo si Aj hanggang sa mapasandal na siya sa pader at wala na siyang kawala.

"P-pano nangyaring naging totoo ka?" Pinipilit ni Aj na hindi mautal ngunit di niya mapigilan. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Axel.

"Shh. Wala ka nang dapat ikatakot Allison, nandito na ko. SImple lang ang kapangyarihan na meron ako pero kaya kitang protektahan."

Litong lito man ang isip ni Aj ay di niya maitanggi na nakakagaan sa loob ang yakap na nararamdaman niya ngayon.

"May misyon ako dito Allison, at ikaw yun." Saad ni Axel, habang kumakalas sa yakap. "H-ha? Ako? A-anong misyo-"

"Allison Jane! Hoy gising! Babaita!" SIgaw ni Terrie habang tinatapik ang muka ni Aj. Napatingin si Aj kay Terrie hanggang sa naalala niya si Axel. Napatayo siya ng mabilis. "Panaginip lang yun?" Tanong niya sa sarili niya. "Pero bat parang totoo?" 

Nagtataka naman si Terrie sa sinasabi ng kaibigan. "Anong oras na?" Tanong ni Aj kay Terrie. "10 am na po miss! At kanina pa tumatawag si Harold sayo, kelangan mo daw pumunta sa school ngayon para idouble check yung story mo sa school magazine. Diba sa lunes na ilalabas yung unang Chapter ng Inside the Ordinary mo?" Nanlaki ang mata ni Aj. "Hala oo nga pala," Dali dali siyang pumunta sa banyo at naligo. "Pasabi pala kay Harold na hintayin niya ko, papunta na kamo ako!" Pahabol niya na siyang ikina iling lang ni Terrie.

Mag isang naglalakad sa hallway si Aj habang naiwan si Terrie sa apartment nila. Di pa rin mawala sa isip ni Aj ang panaginip niya dahil sobrang totoo ang naramdaman niya nung niyakap siya ni Axel. Pero inalis niya na muna sa utak niya dahil baka mainip na si Harold. Kokonti ang mga estudyante dahil sabado ngayon. Dali daling tumungo si Aj sa office ng fiction writer's club sa school. Sinalubong siya ni Harold. "Sa wakas Aj!" Sarkastikong saad ni Harold pero tumawa din siya. "Sorry na ho Editor-in-Chief!" Natatawang sabi ni Aj. "Hay na ko, Aj! Pasalamat ka, ang ganda ng bagong story mo ngayon! Grabe! First chapter pa lang, gusto ko na agad basahin yung susunod! Sigurado akong maraming bibili ng magazine naten at lalaki ang funds natin para sa Formal Party na binabalak natin." Ngiting saad ni Harold na siya namang ikinatuwa sa puso ni Aj. "Talaga? Di ka naboringan?" Nahihiyang tanong ni Aj. Nagtataka namang nakatingin sa kanya si Harold. "Boring? Hindi! Tsaka gusto ko yung strategy mo sa title ah. Muka siyang simpleng story lang pero nung nabasa ko, I was blown away. Good job, Sarmiento." Nakipag kamay si Harold kay Aj at iniwan nya na ito.

Pumunta si Aj, sa table para tingnan ang issue na irerelease sa lunes. Binas niya ng maigi ang first chapter niya para masigurado kung may mali o wala. Nang mapanatag na siya ay napatingin siya sa next na story sa magazine. "The Juliet to My Romeo." Mahinang bigkas niya sa title ng storya at nakita niya kung sino ang nag sulat nito.  

"Good job, Sarmiento. Ikaw nanaman nakakuha ng atensyon ni Harold." Nagulat si Aj nang makilala niya ang boses na iyon. "Andie." Wika ni Aj sa kaharap niya. SI Andie Perez, ang writer ng The Juliet to My Romeo. Matagal nang naiinis si Andie kay Aj dahil laging mga fantasy stories ni Aj ang nangunguna. Naniniwala kasi siya na wala namang matutulong ang fantasy dahil hindi ito naka base sa totoong buhay ng tao. "So kamusta naman ang bagong story ko? Nagustuhan mo ba? Ako nagustuhan ko ang story mo!" Nakangiting saad ni Andie.

"Di siya nag sasabi ng totoo." 

Napatalon sa gulat si Aj nang marinig nya ang boses na iyon. "Axel?" Bulong niya sa sarili. "Huy! Anong nangyayari sayo? Nababaliw ka na ba?" Pang asar na tawa ni Andie. Di alam ni Aj kung anong sasabihin niya kay Andie pero ayaw niya maging mahina sa harapan nito. "Gusto ko din ang story mo Andie. Good job din. Salamat." Yun lang at nagmamadali na siyang lumabas ng office. Ang bilis ng lakad niya hanggang di niya namalayan na naka bangga na pala siya at nahulog ang hawak niyang copy ng magazine.

"Aj! Ikaw pala. Okay ka lang?" Tila bumalik sa katinuan si Aj nang makita niya kung sino ang nabangga niya. "Miguel! Ah o-oo okay lang ako. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aj kay Miguel. Bukod kay Terrie ay matalik din na kaibigan ni Aj si Miguel. Magkaklase sila dahil pareho sila ng kurso at bukod don ay Graphic Artist nila sa club si Miguel. "Ah, napadaan lang ako para sana icheck din yung magazine natin na ire-release na sa monday. May copy ka pala pwede patingin?" Saad ni Miguel habang nag sscan na ng magazine. "Sige sayo na yan, na check ko naman na yung akin eh."

"Okay salamat. Pauwi ka na ba?" 

"Uhm oo, hinihintay na din ako ni Terrie sa apartment eh."

"Ah okay sige. Ingat ka. Kita kits na lang sa lunes." Matamis na ngiti ni Miguel habang hawak ang magazine. "Bye! Ikaw din." Pagkaway ni Aj kay Miguel at dumeretcho na ito sa pag uwi.

Naabutan niya si Terrie na tila may kausap. 

"Oo Jade, maya maya lang nandito na din yun-- Uy Bes! Eto na pala Jade!" Kausap niya sa skype ang kapatid niyang si Jade. Dali dali siyang lumapit dito.

"Oh Jade, ano yun?" Medyo kinakabahan siya dahil sa muka ng kapatid.

"Ate! Si Nanay nawawala!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top