wakas: disyembre ng gabi
━━━━━━━━━━━━━━━━━
"Hi, Kuya JR!" masiglang bati ni Mariz sa kadarating lang na si Jude Raiden. Sa aming dalawa ng kapatid ko, siya ang mas nadaliang tanggapin ang mga bagay-bagay. Siguro ay dahil sa bata pa siya mag-isip kaya hindi niya sineseryoso ang mga ganitong usapin.
"Birthday niya ngayon, Mariz. Batiin mo naman si Kuya mo," kumento ni Daddy. Hindi kagaya ng karaniwang aura ko na nagngingitngit na sa galit sa tuwing nasa ganitong scenario ako, ngayon ay bumalik ang malakas na kabog sa dibdib ko dahil sa presensya ni Jude Raiden.
"Hala? Happy birthday Kuya JR!" kumapit ito sa braso ni Jude Raiden. "Ilang taon ka na po?"
"Nineteen na," pinanood ko ang marahang paggulo nito sa buhok ng kapatid ko. Tumawa naman si Mariz at mas lalong yumapos sa kaniyang Kuya.
Binalingan ako ni Daddy ng tingin. Sinundan naman ito ng tingin ni Jude Raiden kaya umiwas kaagad ako sakanilang mga mata. Bakit ko babatiin yang si Jude Raiden? With my pride controlling my system, I started walking towards the entrance hall. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin.
Sa dulo ako umupo at si Mariz ang katabi ko. Mabuti nang sa isle ako umupo para wala ni isa kina Daddy at Jude Raiden ang makakatabi ko. Nawala ang lahat ng kabang nararamdaman ko nang ilang minuto lang ay nagsimula na ang concert.
Sa ilang oras na pagkakaroon ng totoong ngiti sa aking labi, panandalian kong nakalimutan ang lahat ng drama sa buhay ko. Sa limitadong oras na ito ay naramdaman kong kaya ko pa rin palang sumaya kahit na puro baku-bako ang biyahe sa buhay ko.
"Maraming-maraming salamat sa pagpunta!" and then in chorus, they happily bowed their heads. Biglang namatay ang lahat ng ilaw kaya't binalot kami ng kadiliman. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ng kamay ni Mariz sa aking blusa.
Hindi rin naman nagtagal ay bumukas ang lahat ng ilaw at wala na ang mga banda sa stage. Sa puntong ito ay bumalik ako sa aking realidad. Muli na naman akong sinakop ng kalungkutan. Times up for your limited peace. Back to the game of life na ulit.
Unti-unti nang lumalabas ang mga tao sa arena habang kaming apat ay naghihintay lang na lumuwag ang daanan palabas bago umalis. Maya-maya ay nagyaya si Mariz na magpakuha ng litrato sa malawak na entablado at si Daddy ang hinatak nito. That leaves me and Jude Raiden alone. . . for the second time.
Kita ko sa rear vision ko ang mukha niyang may bahid ng ngiti. Hindi ko alam kung totoo ba 'yun o peke 'gaya ng ipinakita niya sa akin nang huli kaming magkita. But one thing's for sure, bumalik ang pagkaaligaga ko.
Napagpasyahan kong it's now or never kaya umubo ako para sana makuha ang atensyon niya. Ang kaso ay sa sobrang awkward nang ginawa ko ay pakiramdam ko pumiyok ako. Siguro nga pumiyok ako kasi napalingon sa akin si Jude Raiden. Bumalik ang pagiging walang emosyon ng mukha niya ng tignan niya ako.
"Bakit hindi mo ako tulungan sa pagdadasal kong huwag na akong magising kinabukasan? Masyado atang mahina ang pagdadasal ko kaya heto tuloy ako ngayon, nadagdagan pa ng isang taon."
"S-Sorry. . ." I tried not looking away from him despite my legs turning into jelly. Gusto kong malaman niyang totoo ang sasabihin ko. "I'm honestly sorry for being too hard on you. Hindi ko naman naisip na. . ."
Huminto ako dahil sa hindi ko kayang sundan ang naputol kong pangungusap. Sa puntong ito ay siya ang umiwas nang tingin. Umubo ako bago magpatuloy.
"Happy nineteenth birthday," walang ingat kong nilapag sa hita niya ang paperbag na hawak ko. Sa ginawa kong ito ay nakita kong nag-angat siya ng tingin sa akin. Pagtataka ang pinakanangingibabaw sa kaniyang mukha.
"Ha?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa binigay ko sakaniya. Siguro sa sobrang hiya at pagkagulat sa ginawa ko ay nagpasya akong talikuran siya. Nang makasalubong ko sina Daddy at Mariz na pabalik na sa pwesto namin ay nagdahilan nalang akong pupunta ako saglit sa CR.
Bago makalayo ay lalo akong binalot ng kahihiyan sa inosenteng tanong ng aking kapatid, "Bakit hawak mo 'yung dala-dalang paperbag ni Ate?"
Binilisan ko lalo ang paglalakad.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Ilang taon na ang nakalipas at hindi ko alam na 'yun na pala ang huli kong pakikipag-usap kay Jude Raiden. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya matawag na Kuya JR kagaya ng pagtawag sa kaniya ng kapatid ko. Kahit ganoon, ngayon, medyo tanggap ko na naman siya bilang nakatatandang kapatid ko.
But now it's way too late since he's already gone.
Matapos ang kaarawan niya noong nineteen years old siya, kinabukasan ay natagpuan siyang wala ng buhay sa loob ng kwarto niya. Sabi nung nag-autopsy sakaniya, nilason niya raw 'yung sarili niya sa pag-inom ng liquid detergent.
Siguro ako lang ang naniniwalang December 21 din ang date of death ni Jude Raiden. Pero dahil walang nakakita sa kung anong oras talaga niya ginawa ang pagsu-suicide ay ibinase nalang nila ito sa araw kung kailan siya natagpuang walang buhay.
Hindi ko makalimutan 'yung madaling araw na tinawagan ako ni Daddy para sabihing wala na si Jude Raiden. Umiyak kasi ako. Hindi ako nagwala sa pagkadismaya. Tahimik lang akong umiyak. Dismayado ako, sobra. Inulan ako ng tanong noon. Hindi ba sapat 'yung regalo ko para ipagpatuloy niya ang kaniyang pamumuhay? Hindi niya ba nagustuhan 'yun? HIndi man lang ba siya nagkaroon ng pagdadalawang isip na ituloy 'yung pagkitil sa buhay? Bakit? Bakit niya ginawa 'yun?
Until this day came, December 21, 2020, ang kaniyang ika-dalawampu't siyam na kaarawan sana. May isang sulat na dumating sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari ito pero galing ito kay Jude Raiden. Alam kong sakaniya ito galing dahil siya lamang ang nakakalam sa kung ano ang laman ng regalo. Isinaad ko sa sulat ko sakaniya na dapat siya lang ang makakaalam ng laman noon.
Kung nagtataka ka sa kung paano mo ito nakuha, ibibigay ko ito mamaya sa kaibigan ko at ipapadala niya ito sayo. Sanay na naman 'yun sa biglaan kong pagsulpot kaya hindi na siya magtatanong sa kung bakit ako pumunta sakanila ng dis-oras ng gabi.
Hmm. . . paano ko ba ito sisimulan? Ah doon nalang sa kanina. Alam mo bang matapos kong basahin 'yung sulat mo sobrang saya ko? Kasi sa wakas, nagkaroon din ng taong tatanggap sa akin.Tuwang-tuwa nga ako nang makatanggap ako ng regalo mula sayo. Hindi ko kasi talaga inaasahan 'yun. Ang akala ko nga ay iirapan mo ako kagaya ng palagi mong ginagawa pero hindi—binati mo pa ako.
Sayang lang kasi nakapagdesisyon na ako eh. Bago ako pumunta sa concert kanina, nagdesisyon na ako na 'yun na ang huling pakikihalubilo ko sainyo ni Mariz. I will finally end my life. Lahat naman ng tao sa paligid ko, ayun ang inaabangan. Sa tingin ko ay sapat na ang nineteen years kong pagkabuhay sa mundong ito para itratong basura. Tama na 'yun. Nakakapagod din naman kasing magpanggap na hindi nasasaktan sa mga sinasabi ng iba.
Kaya sorry. Sorry kung tutuldukan ko na ang buhay ko. Ang imposible mang pakinggan, kahit ako ay parang hindi makapaniwala pero kung mangyari mang sisihin mo ang sarili mo sa desisyon kong ito ay 'wag. Hindi ikaw ang pumatay sa akin. Sarili ko itong desisyon. Tsaka ikaw pa nga ang nagbigay ng pag-asa sa buhay ko. But it's too late. Sorry ah. Hindi mo kasalanan ito.
Salamat sa limitadong oras na ipinaranas mo sa aking pwede pala akong mahalin ng sarili kong ka-dugo. Maraming salamat, Melanie. Hihintayin ko ang araw na magagawa mo akong tawaging Kuya.
—Jude Raiden
━━━━━━━━━━━━━━━━━
062820
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top