simula: ikaapat na ticket
━━━━━━━━━━━━━━━━━
Jude Raiden is my lost brother. Ay mali, siya ang itinagong kapatid ko. Yeah, tinago mula sa akin. . . sa amin. It was for the reason that he was the unexpected child of my Dad in his teenage days. Galit ako sakaniya dahil sa simpleng prisensya niya, nasira ang perpektong pamilya ko—dahil sakaniya nagkanda-leche leche ang buhay namin.
Lahat ng problema ay siya ang pinag-ugatan. He is the living mistake and he should just vanish in the thin air. He should just leave us alone. . . but. . . but then.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Family Big Day ngayong araw na ito, isang event kung saan imbitado ang mga parents ng bawat estudyante na pumunta upang salo-salong ipagdiwang ang nalalapit na kapanganakan ni Jesus. I'm in a catholic school kaya given na ang ganitong handaan. Ang tanging kinaiinisan ko lang sa event na ito ay ang presensya ng parents. Meron na wala kasi ako n'un: meron kasi they are both alive; wala kasi they are separated.
And now here I am, having my very best plastican moment with my Dad. Wala si Mommy, of course. Hindi na nakapagtataka. Ikaw ba naman ang biglang bulagain na may naging pamilya na pala ang asawa mo dati, gugustuhin mo pa bang makita pa siya ulit? Ha. Mabuti nalang at hindi na gumawa pa ng eskandalo si Mommy.
"Ate, punta lang ako sa kaibigan ko," napalingon ako sa aking kapatid. Hawak nito ang kaniyang cellphone at tahimik na nagtitipa rito. Tinaasan ko siya ng kilay. Gamit ang mata ko, sinabi ko sakaniyang ayokong maiwan kasama si Daddy at si Jude Raiden.
Ngunit taksil ang aking kapatid. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko na huwag hatakin ang buhok niya para hindi niya ako maiwan dito. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko para umalma pero napangunahan na ako ng hiya sa magiging reaksyon ng dalawang maiiwang kasama ko. Kaya nanahimik nalang akong kinuyom ang kamao ko. Taksil.
"Daddy, punta lang ako doon ah," tinuro ni Mariz ang isang sulok ng venue kung saan taliwas sa pwesto namin. "Puntahan ko lang mga kaklase ko. Magpipicture raw kami eh. Okay lang po?"
Kahit na sa cellphone ko ako nakatingin, nakita ko ang pagsunod ng mata ng aking ama sa itinuro ng aking manhid na kapatid bago pumayag. Patagong irap nalang ang ginawa ko sa naging maliit na pag-uusap nila bago tuluyang umalis si Mariz.
Dahil sa asar na nararamdaman, nagpasya akong makipag-usap nalang sa mga kaibigan ko thru online chat.
Melanie:
Lecheng kapatid 'yan.
Iniwan pa ako dito mag-isa
kasama ang dalawang lalakeng
kinaiinisan ko to the moon and
back. Ugh.
Guys, send helpp!! Huhuhu.
Charlotte:
Where ba u?
Puntahan ka namin.
Evan:
lanieee
hoyyy
anong problema ng
fave person ko?
Melanie:
Charlotte, magkakasama kayo?
Evan:
yuck, snobber.
Charlotte:
Nope. Si Randy lang ang
kasama ko tsaka si Sandra.
Evan:
puntahan ba kita?
Melanie:
Sana all. Huhu.
Sunduin niyo na ako rito.
Nasa may entrance side ako,
malapit sa may tarp ng
welcome eme.
"Melanie?" Halos atakihin ako sa gulat nang magsalita sa gilid ko si Daddy. "Saan ba dito ang CR?"
Binasa ko muna ang tuyo kong labi bago sumagot, "Diretso ka lang po doon tapos kapag may nakita kang paliko, makikita mo na roon 'yung CR."
Kagaya kanina ay tahimik lang nitong pinanood ang pagturo ko sa kung saan ang tamang daan. Tumango lang ito bago tumayo. It was that moment when I knew... I fvcked up. Naiwan akong kasama itong si Jude Raiden!! The nerve.
Matapos mawala sa paningin ko ang pigura ni Daddy ay napa-buntong hininga nalang ako. Sa totoo lang, wala naman talagang masamang ginawa sa akin si Jude Raiden physically. At kung lalawakan ko ang mindset ko I might consider the fact that he doesn't really deserve to be hated. The only problem in here is that his presence is forbidden. And I hate that he seem to be not bothered by the fact that he is the reason why my famliy broke apart.
Habang nilalamon ako ng makamundong pagkamuhi sa lalakeng katabi ko, nakatitig lang ako sa basong nasa aking harapan. Ang kaso ay kahit dito nakatutok ang paningin ko ay kita ko pa rin ang mukha ni Jude Raiden na puno ng pagkabagot. His arms are crossed just like his brows. Sa awra niyang ito ay makikinitang "mukhang" ayaw niya rin sa sitwasyong kinaroroonan niya ngayon.
"May sasabihin ka ba?" Napakurap ako ng tatlong beses at wala sa sariling napa-ayos ng upo. Napansin kong may bahid ng inis sa kaniyang boses kaya napataas nalang ang kilay ko.
"Wala," sabi ko at hindi tinago ang pagpapaikot ng mata ko. Wala si Daddy kaya pwede akong magmaldita ngayon.
"Psh." Umusbong ang pagkairita ko nang marinig ang mahinang pag-angil nito. "If you hate me, say it out loud. Hindi 'yung puro ka diyan irap. Akala mo namang hindi ko nakikita."
"Buti alam mong ayaw ko sayo," direcha kong sagot pabalik. Nararamdaman ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa galit na dumadaloy sa sistema ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong sabihin sakaniya kung gaano ako kagalit sa presensya niya. Hindi ko alam na sa ganitong sitwasyon ko pa mailalabas. "I hate every inch of your presence. Dahil sa'yo, nasira ang pamilya ko. Sana kasi—"
"—Yeah. Sana kasi hindi nalang ako ipinanganak. Sana hindi nalang ako nabuhay," ngumiti ito, "Don't worry, I hate myself too."
Nangunot ang noo ko sa pagtataka sa sinabi nito.
"Alam mo hindi ako relihiyosong tao pero gabi-gabing kong ipinagdadasal na sana hindi na ako magising kinabukasan. Baka bukas matupad na. Who knows diba?" pagak itong tumawa sa aking harapan. Dito ako tuluyang napahinto.
"Gaano mo man kinagagalitan ang presensya ko, triple n'un ang nararamdaman ko para sa sarili ko. Kaya huwag kang masyadong mainis kung sa tingin mo hindi pa sapat ang maipamukha sa aking anak ako sa labas kasi bata palang ako, mulat na ako na kahit kailan ay hindi ako matatanggap nino man."
Wala akong masabi. Nablanko ata ang utak ko. Maang lang akong nakatingin sakaniya habang siya ay nakangiti lang sa akin. Hindi man kami close pero alam kong peke ang ngiti niya. Pinapanood lang nito ang gulat sa mukha ko dahil sa mga narinig ko mula sakaniya.
Never in my entire life did expect to have this kind of interaction with Jude Raiden. Buong akala ko magsasagutan kami nito. Sa tuwing magkikita nga kami nito ay palagi akong may baong trashtalk words para handa ako kung may maganap mang sagutan. At ito lang ang unang pagkakataong nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan namin. . . and it turns out to be like this. So far from what I expected.
Katahimikan lang ang bumalot sa amin hanggang sa nakaramdam ako ng mahinang kalabit sa aking balikat. Nang lingunin ko kung sino ito ay laking tuwa ko nang makitang sina Charlotte ito. Nagmamadali ko na silang hinatak paalis sa sinumpang pwestong iyon.
Hindi lang pagkagulat ang dumadaloy sa bawat ugat ko ngayon kundi takot. Takot akong makita ni Jude Raiden ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
-ˋˏ ༻☁︎༺ ˎˊ-
Ilang araw na ang nakalipas matapos ang nangyaring pag-uusap sa pagitan namin ni Jude Raiden. Ilang gabi na rin akong pinapatay ng konsensya ko. Halo-halo ang isiping naglalaro sa utak ko sa tuwing binabalot ako ng katahimikan. And mostly, tungkol ito sa kaniyang mga salita. . . sa kaniyang matutulis na salita.
Sa sobrang pagpapaulit-ulit ng boses niya sa tenga ko, paminsan pinipili ko nalang na bingihin 'yung sarili ko sa malakas na tugtog. Nagtataka na nga rin ang mga kaibigan ko sa kung bakit sa mga nakaraang araw ay madalas akong balisa. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang apektado ako sa mga sinabi niya.
Awa—siguro ito ang bumabalot sa akin ngayon. Sa awang nararamdaman ko sakaniya ngayon, parang gusto ko nalang siyang tanggapin. Kaso iniisip ko palang nahihirapan na ako eh. Ilang taon din akong nasanay na kinamumuhian ang buong pagkatao niya, ang hirap lang kaya nung bigla ko nalang babaguhin 'yun.
"Ate, huy," napasubsob ako sa bintana ng kwarto nang may tumulak sa akin. Agad ko namang sinalubong ng masamang tingin si Mariz.
"Ano bang problema mo?!" Nag-make face lang ito sa aking harapan kaya inambahan ko ito ng suntok. Sinuklian lang niya ng tawa ang pagkaasar ko.
"Nandiyan si Daddy sa baba, hinahanap ka." Matapos sabihin ay umalis din ito kaagad. Naiwan akong binabalot ng pagtataka. Ano namang ginagawa niya dito sa bahay? Mabuti nalang at alas-cuatro palang ng hapon. Hindi sila magkikita ni Mommy dahil alas-siete pa ng gabi ito umuuwi.
Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago bumaba. At totoo nga, nandirito nga talaga ang magaling kong tatay. Nakita ko ring may mga plastik bag ng groceries na nakapatong sa lamesa, paniguradong galing sakaniya. At nang lampasan ko ang mga plastik na ito, bumungad sa akin ang hari ng mga plastik. Nakangiti ito at mukhang inaabangan ako kaya tinanguan ko nalang.
Hindi ako ngumiti pabalik.
"Melanie, kamusta naman kayo?" bati niya matapos kong lumapit sakaniya para hagkan niya ako sa noo—ito ang nakasanayang bungad niya sa amin ng kapatid ko.
"Ayos naman po," walang gana kong sagot bago umupo sa kaharap niyang upuan. "Ano pong kailangan mo? Bakit bigla ka pong pumunta rito? Nag-away po ba kayo ni Tita Roxanne?"
Wala na akong pake kung puno ng pait ang bawat letrang lumalabas sa bibig ko. Sanay na naman siguro siya.
Umubo ito bago sumagot, "Anong oras darating ang Mommy mo?"
"Bakit?" nawala ang pagpapanggap sa boses ko dahil sa tanong nito. "Anong kailangan mo kay Mommy?"
"Ipagpapaalam ko sana kayo ng kapatid mo. May christmas party kasi na magaganap sa trabaho ko at gaganapin siya sa isang concert. May apat na ticket na ibinigay kada-empleyado kaya naisip kong isama kayo ni Mariz."
Galit man ako kay Daddy, nahirapan pa rin akong humindi dahil. . . dahil pangarap kong makapunta sa isang concert! Kahit naman kasi isa akong leon sa harapan niya, sa loob ay isa pa rin naman akong teenager na madaling maakit sa mga ganitong bagay. Kaya ang karaniwang pagtanggi sa mga imbitasyon ni Daddy ay naiwan sa ere. Hahayaan kong si Mommy nalang ang magdesisyon.
"Ako nalang po ang magsasabi sakaniya pagkarating niya," sagot ko makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Mukhang may lakad ka pa po ah? Baka gabihin ka po niyan kapag nagtagal ka pa rito. Malayo ang Cavite dito sa Bulacan, 'Dy."
Sarkastiko kong biro patungkol sa kung saan nakatira ang pamilyang inuuwian niya ngayon. Nakita kong sumilay ang ngiting sa akin niya lang ginagamit. Ito ang uri ng ngiting ginagamit niya sa tuwing hinahabaan niya ang pasensya niya sa pagiging walang galang ko. Dapat ba akong magkaroon ng pakielam?
"Osige, mauuna na ako. Balitaan mo nalang ako, ah?" tumango lang ako sakaniya at nagpasyang magkulong nalang ulit sa kwarto. Hinayaan ko nang si Mariz nalang ang makipag-usap sakaniya kasi aalis na rin naman ito maya-maya.
"Daddy kelan pala 'yun?" Narinig kong tanong ni Mariz bago ako tuluyang makaakyat papunta sa second floor ng bahay.
"Sa December 21, anak."
Bago ko isara ang aking pintuan ay kusang sumilay ang mapait na ngiti saaking labi. That explains it then. Decemeber 21? Napaka-asintado naman ng boss niya na nagplano niyan. Sinakto pa sa birthday ni Jude Raiden. Oh. Baka para sakaniya ang pang-apat na ticket?
Hay nako, Daddy. Magpaplano ka nalang nang may hidden agenda, hindi mo pa galingan.
━━━━━━━━━━━━━━━━━
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top