gitna: daladalang paper bag

━━━━━━━━━━━━━━━━━

Si Mommy ang nagdesisyong payagan kaming sumama sa imbitasyon ni Daddy pero binase niya rin ito sa aking kagustuhan. Simula kasi noong isama kami ni Daddy sa isang walang hiyang reunion ng pamilya Kanashi-kung saan niya sinama ang una niyang pamilya at ibinuntot pa kami ng kapatid ko-ay nagkaroon na ako ng trauma na sumama sa kaniya. Kaya simula noon ay ako ang unang tinatanong ni Mommy sa kung gusto ko bang sumama o hindi.

At oo, ngayon nalang ulit ako pumayag na isama kami ni Daddy sa isang event kahit na alam kong may hidden agenda siya. Bahala na. Ben and Ben, Silent Sanctuary, at Up Dharma Down ang tutugtog sa concert na ito. Sino ba naman ako para palampasin ang once in a life time chance na ito, hindi ba?

"Sige, Mommy. Una na po kami," kumaway ako kay Mommy at hinatak na si Mariz paakyat ng bus. Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang babyahe papunta sa Caloocan dahil doon kami aabangan ni Daddy. Sanay na kami sa ganitong set-up kahit na ba parehas kaming menor de edad ni Mariz.

"Ate ano 'yan?" sinubukang silipin ni Mariz ang dala kong paper bag pero inilayo ko ang mukha niya rito. Bumusangot naman ang mukha nito at nagreklamo dahil sa ginawa kong paghawak sa mukha niya, "Ano ba 'yan! Ang dumi-dumi ng kamay mo tapos hahawak-hawak ka sa mukha ko! Kainis 'to!"

Pinaikot ko lang ang mata ko habang inaayos ang pagkakapatong ng paperbag sa aking hita. Katamtaman lang ang laki nito at hindi gaanong mabigat kaya hindi ako nahihirapang bitbitin. Maliit ngunit kinakabahang ngiti ang puminta sa aking mukha. Magugustahan niya kaya ito?

Instead of making myself crazy about overthinking, I decided to drown myself in my favorite artist's voice. By that, my system calmed down.

"Been misunderstood

Never had my voice heard

I was alone

When I was a child

I've always been a kid tryna find

Where I belong."

Namalayan kong nakatulog na pala ako nang maramdaman ko ang mahinang pagyugyog ni Mariz sa balikat ko, "Ate malapit na tayo. . ."

"I never know the words to say

But you forgive me anyway

Even though we both know

I'm the reason you cry."

At nang imulat ko ang mata ko, binungaran ako ng stranded sa traffic na mga sasakyan. Natanaw ko rin ang mga pamilyar na mall na nagsilbin palatandaan ko na malapit na kami sa terminal. Siguro kung hindi traffic ay tatlong minuto nalang at nakababa na kami. Ngunit sa lagay namin ngayon ay mukhang aabutin pa ng limampung minuto bago kami makarating sa terminal.

Matapos ihinto ang kantang pinakikinggan ay nagsend ako ng text message kay Daddy na malapit na kaming bumaba. Sana lang ay hindi kami nito paghintayin ng matagal 'gaya nang ginawa naming paghihintay noong huli naming pagsama sakaniya.

Tama nga ako at limampung minuto ang itinagal namin bago namin marating ang babaan. Nasa unahan ko si Mariz na naglalakad pababa ng bus habang ako ay mahigpit ang hawak sa paper bag na hawak ko. Malakas din ang kaba sa aking dibdib dahil kung tama ang hinala ko at kasama si Jude Raiden sa lakad namin, kailangan kong ibigay sakaniya itong hawak ko.

"Hindi naman masyadong maginaw sa loob ng bus ah?" takang tanong ni Mariz habang nakahawak ako sa balikat niya. Nakababa na kami ng bus at naghihintay nalang kay Daddy. Sinabi nito na dumaan lang siya saglit sa CR kaya hintay lang daw muna kami sandali.

"Oh, tapos?" lutang kong sagot sa kapatid ko. Sa kaba ay nararamdaman kong nanginginig na rin ang tuhod ko. Tapos lingon rin ako ng lingon sa paligid ko. Baka kasi bigla nalang mambulaga si Daddy tapos kasama niya si Jude Raiden.

"Eh bakit ang lamig ng kamay mo?" hindi ko na siya pinansin pa at ginamit ko nalang ang dalawa kong kamay para hawakan ang paperbag.

"Pake mo," pagsusungit ko at umayos ng tayo.

Maya-maya ay napapikit nalang ako ng mariin ng puno ng enerhiyang magsalita ang kapatid ko, "Daddy!"

Ilang beses akong kumurap at iniisip na namamalikmata lang ako pero. . . wala talagang kasama si Daddy. Siya lang mag-isa. Nasaan si Jude Raiden? Gusto kong itanong kaso pinangunahan ako ng pride ko kaya nanahimik nalang ako.

Muli kaming bumiyahe papuntang MOA Arena pero nanatiling lutang ang utak ko. Bakit wala siya? Sa pagkakaalam ko ngayon ang birthday niya. Hindi ako pwedeng magkamali. I visited his facebook account right after knowing that he is my brother. Nakita ko ring binati siya ng mga kakilala niya sa araw na December 21 kaya alam kong ito talaga ang birthday niya. Kaya paanong wala siya rito?

Nakapasok na kami sa loob ng arena at panandaliang natabunan ang mga iniisip ko dahil sa excitement na bumalot sa akin nang maalalang maririnig kong tumugtog ng live ang mga kilalang banda sa buong Pilipinas.

"Anong oras magsisimula 'yung concert, Daddy?"

"Around 6 pm pa. Gusto niyo bang lumibot muna tayo sa sa loob ng Mall?"

"Opo!!" pumapalpak pa sa tuwa si Mariz.

Umiling naman ako, "Baka maunahan tayo sa pila. Mapunta pa tayo sa panget na pwesto."

"Ehh!!" bumusangot ang mukha ng kapatid ko at pinadyak pa ang paa. Kahit kailan talaga. Sa tuwing kasama namin si Daddy ay nagpapabebe ito. Palibhasa spoiled kay Daddy. Ugh.

"Hindi tayo mauunahan sa pwesto, may naka-reserve na sa atin," sabi ni Daddy na siyang nagpatalon sa tuwa kay Mariz. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanilang dalawa.

Nasa Jollibee kami ngayon, as requested by the brat. Kaming dalawa lang ni Daddy ang naiwan dahil kumuha si Mariz ng kustara at tinidor. Tahimik lang kaming dalawa dahil ganito naman kami palagi simula nang malaman kong kami nga ang legal na pamilya ngunit hindi ang una.

"Bakit wala si Jude Raiden? Diba birthday niya ngayon?" lakas loob kong tanong sakaniya. Kanina pa ako binabagabag ng tanong na 'yan kaya mabuti nang ilabas ko na ngayon.

Mula sa tinging nakapokus sa cellphone ay inilipat niya ito sa akin. Bumuntong-hininga siya bago sumagot, "Susunod daw siya. . ."

Natahimik ako sa sagot nito tsaka umiwas ng tingin, "Nagsisisi ka ba sa ginawa mo sa amin?"

Hindi ito sumagot. Dadagdagan ko pa sana ang tanong ko kaso dumating na si Mariz. Sa presensya ng aking kapatid ay tuluyang nasa-basura ang aking katanungang matagal nang hinahanapan ng sagot.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top