N04
KANINA pa titig na titig si Raea kay Serene habang abala ito sa pagkakalikot ng cellphone nito. She's still contemplating kung ano ba ang dapat niyang gawin para mai-mismatch ang kaibigan. At kung may maisip siya, kanino naman?
Napapaisip tuloy siya. Serene's already mismatched to Joji based on the color of her string. Hindi ba pwedeng ang susunod na mamahalin nito ay ang 'the one' na? Why does she need to experience another heart break?
"Matagal na ba kayo ni Joji, Serene? Tsaka siya ba ang unang boyfriend mo?" Mayamaya'y tanong niya rito. She can't remember anything and the best way is to ask Serene directly.
Actually, Raea and Serene are waiting for Joji. They are currently in a mall to watch a horror movie. Weekend kasi at gusto siyang i-tag along ni Serene sa date nito at ng boyfriend. Ayaw niya sanang sumama dahil nahihiya siya sa mga ito pero makulit si Serene. Okay lang naman daw kay Joji na sumama siya at gusto rin daw siyang makita nito. Talagang hindi tumigil si Serene sa pagkukulit sa kanya hangga't hindi siya pumapayag.
"Hmmm, Joji and I are in a relationship for three months pa lang. And no, he's not my first. Actually, hindi ko na alam kung pang-ilan na siyang nakarelasyon ko," sagot nito sa kanya at tumatawang nag-angat ng tingin. "You know, I have this motto na, collect and collect, then, select," dugtong pa nito at ngumisi.
Medyo nagulat si Raea sa narinig na sagot na iyon ni Serene. Hindi niya akalain na gan'on ang point of view nito pagdating sa pakikipagrelasyon. Para kasing wala sa itsura nito na gan'on ang opinyon nito sa larangan ng pag-ibig.
Natahimik siya saglit.
"Ang ibig sabihin ba niyan ay you are still testing Joji if he's the one?" Seryosong tanong niya mayamaya.
"Hmm, yes? Bago pa lang namin kami so I still have to know if we're really meant to be. But honestly, I feel na baka siya na nga," anito at ngumiti muli. "From all my past relationships, siya lang kasi ang nakakaintindi sa kabaliwan ko. And he supports me to whatever decisions I make. Isa pa he respects my freedom. Kita mo naman, hindi siya nagagalit, though paminsan-minsan nagtatampo, kahit weeks kaming hindi nagkikita thinking na ilang floor lang naman ang layo namin sa isa't isa sa office na pinapasukan natin. He understands how demanding our job is kasi gan'on din siya."
Natahimik muli si Raea. Looking at Serene's eyes how it sparkled as he described Joji, alam niya ng masyado ng malalim ang nararamdaman nito sa kasintahan. Now, the question is, is she ready to break her best friend's heart?
F*ck this punishment! Aniya sa sarili at pilit pinigilan ang sarili na maiyak.
Dumating si Joji. Raea knows his face already dahil pinakitaan siya ng picture nito ni Serene. He kissed Serene in her forehead and apologized for being late.
To be honest, Joji is actually handsome. Pero siya 'yung may feature na pinoy na pinoy look talaga. Kumbaga parang walang halong ibang lahi sa genes nito.
"Kumusta ka, Raea?" Nakangiting bati ni Joji sa kanya matapos maupo sa tabi ng kasintahan.
Medyo nangimi si Raea. It's her first time talking to him kaya hindi niya alam kung ano ang ikikilos niya.
"I'm good. Ikaw?" Nakangiting sagot niya.
"That's nice to hear. Fine too. Hope you can recover fast. I want to help you also to remember but we only have few encounters before so baka hindi rin talaga ako makatulong."
"Any help will be appreciated. Small details are still part of my memory so it would be a great help to me if you can share to me what we've talked or done during our meetings. But of course, we can do that when you're free."
Ngumiti muli si Joji sa kanya. Kapagkuwa'y inabot nito ang kamay ni Serene upang hawakan iyon.
"Let's go? I think malapit na mag-start ang show," Ani Serene at inaya na silang tumayo.
Natigilan si Raea. She saw something weird with Serene and Joji's strings. They both have the same color and immediately connected. However, in the middle, it looks like it is slowly fading away. No, it's really fading away. At unti-unting napuputol ang pagkakakonekta ng mga string ng mga ito.
"That's the reason why you have to mismatch them, Raea. It's time for them to walk in separate ways."
Muntik nang mapasigaw si Raea dahil sa biglang nagsalita. Buti na lang napigilan niya ang sarili. Lumingon siya. She saw Noir standing there with his mischievous look.
Gusto niya itong kausapin. Kaso baka mapagkamalan siyang baliw ng mga kasama kung bigla na lang siya magsalita.
"I think you need to make actions, Raea. You do not want that to turn into black. Because the result won't be in anyone's favor," muling sabi ni Noir. "Don't worry, you'll know soon who should be your friend's next man to be in relationship with."
Tinitigan ni Raea si Noir sa mga mata trying if makakausap niya ito thru mind. But she guessed it's impossible dahil wala man lang itong reaksyon.
Ibig sabihin ba kailangan ko lang tapusin ang relasyon ni Serene at Joji at ilapit si Serene sa susunod niyang magiging boyfriend? Aniya sa sarili. But how will I know kung sino ang susunod niyang makakapareha?
"Raea?" Napatingin si Raea kay Serene. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "You okay? Remember something?"
Umiling si Raea at kapagkuwa'y kiming ngumiti rito. "Let's go?" Aya niya sa mga ito at hindi na nilingon pa si Noir.
Dumiretso na sila sa loob ng sinehan matapos makabili ng pagkain. Habang ipinapalabas ang pelikula, Raea's mind is somewhere.
Sobrang bothered siya. She has time limit. At 'yung sinabi pa ni Noir sa kanya na hindi niya gugustuhin na magkulay itim ang string ni Serene. It's worrying her big time.
Natapos ang pelikula nang wala man lang naintindihan si Raea. Panay kwento ng dalawa niyang kasama pero hindi siya makasabay. Habang tinitingnan niya ang mga ito na sweet sa isa't isa parang hindi niya lubos na maisip na hindi ang mga ito ang nakatakda para sa isa't isa.
"Do you want water, Raea?" Tanong ni Joji sa kanya matapos silang makahanap ng pwesto sa restaurant na pinuntahan nila.
"Huh?" Alanganing sabi niya. Nang mag-sink in sa utak niya ang tanong nito ay napatango siya. "A-ah...yes, please."
"Are you really okay, Raea? You look tired. Do you want to rest?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Serene.
Kiming ngumiti si Raea. "I'm...I'm fine. Don't worry about me."
Binigyan siya ng nagdududang tingin ni Serene at kapagkuwa'y nagkibit-balikat na lang. Tumayo ito at nagsabing pupunta lang ito sa restroom at dahil doon ay naiwan sila ni Joji sa table habang naghihintay sa in-order ng mga ito na pagkain.
"Joji..." Agaw niya sa atensyon nito. He was busy with his phone.
Nag-angat ng tingin sa kanya ang lalaki at ngumiti. "Yes?"
"Do you really love Serene?" Seryosong tanong niya.
Tila nabigla si Joji sa tanong niya. Hindi ito nakaimik at saglit pang nag-iwas ng tingin.
"What's with the sudden question, Raea?" Anito at pagak na tumawa.
Tinitigan niya ito. She wants to hear his answer. Baka kasi kaya kailangan mai-mismatch si Serene because she doesn't deserve Joji. Tsaka para kung sakali, iyon ang gagamitin niyang rason para mapaghiwalay ito.
"Just answer my question, 'Ji," aniya.
Sinalubong ni Joji ang kanyang tingin. Kapagkuwa'y sumeryoso ang mukha nito. "Of course. And I wouldn't allow myself to be in relationship with her if not."
Somehow, Raea isn't satisfied with Joji's answer. Feeling niya may kulang.
Isang hilaw na ngiti ang hindi niya napigilang ibigay rito. "Thank you."
Dumating ang pagkain at kasabay niyon ay ang pagbalik ni Serene. Joji didn't asked her anymore about her sudden question at tahimik silang kumain. Serene on the other hand looks puzzled about their silence but didn't bother to ask.
"ISAIAH?"
Napatingin si Raea sa lalaking tinawag ni Serene. Kalalabas lang nila sa isang convenience store matapos bumili ng pagkain. Pagkatapos kasi nilang manood ng sine ay napagkasunduan nila ni Serene na mag-overnight siya sa bahay nito. Magkukwento raw kasi ito sa kanya ng ilan sa mga pinagsamahan nila.
"Bakit ka nandito?" Muling sabi ni Serene sa lalaking naghihintay sa tapat ng pintuan ng bahay nito.
Raea doesn't know who the man is. Or maybe she knows but she can't remember because of her condition.
Isaiah looks drunk. Base iyon sa pagkakasandal nito sa hamba ng pintuan at sa ekspresyon ng mukha nito nang tumingin ito kay Serene.
"Sino siya, Serene?" Bulong ni Raea kay Serene.
"Ah! This is Isaiah. My cousin's friend. Hindi ko alam kung anong ginawa nito sa Manila dahil sa Cebu ito nakatira," paliwanag nito sa kanya. Lumapit ito kay Isaiah at inalalayan ang huli na tumayo ng maayos.
"Serene...Serene...I miss you..." Isaiah uttered at ngumiti.
Nagulat si Serene ng bigla itong yakapin ni Isaiah samantalang si Raea naman ay tila natulala dahil may napansin siya.
Serene and Isaiah both have brown strings. And surprisingly, tila pilit kumokonekta ang string ng mga ito sa isa't isa pero may kung ano na tila humaharang sa mga iyon para tuluyang magdugtong.
"Hey, Isaiah! You're drunk! Bitiwan mo nga ako!" Ani Serene at tinulak bahagya ang lalaki.
Humalakhak si Isaiah. Kapgkuwa'y kumalas ito ng yakap kay Serene at umiling-iling.
"Sorry, Serene...na-miss lang kita!" anito at tumawa.
Isaiah's drunk but it seems like he's still aware of what he's doing.
While Isaiah and Serene are busy talking to each other, Raea is still shocked of what she discovered.
Mukhang si Isaiah ang magiging subject niya to mismatch Serene again kung pagbabasehan niya ang nakikitang strings ng dalawa.
"For a starter, you're good."
Hindi na nagulat si Raea nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. It's Noir again. Everything seems to stop again. Even Isaiah and Serene who are in the middle of bantering.
Nilingon niya ito. He's already sitting on a small wooden bench in the side while his arms are crossed.
"Anong dapat kong gawin, Noir?" She helplessly asked.
Parang pinipiga ang puso niya. Serene is in love with Joji. And Joji seems like he's in love with her friend too. Who is she to cut their happiness?
"I told you, it's for you to figure out," ani Noir at tumayo. Tumabi ito sa kanya at tumingin sa dalawang kasama niya. "It's better if you can immediately connect those strings, Raea. Para rin sa ikabubuti nila 'yon," dugtong pa nito.
Raea can't help but to give Noir a death glare. "Ikabubuti? Papaano? Even if I managed to connect their strings, that doesn't mean that they are really the ones who are meant for each other. In the end, both of them will still experience another heartbreak, Noir."
Noir gives her a mysterious smile. "That is your mission, Raea. Whether you like it or not, you have to do it," He answered. "Or you really want to go with Reaper right now, I can call him."
Medyo nahintatakutan si Raea sa huling sinabing iyon ni Noir. She still wants to live. Marami pa siyang gustong malaman. At kailangan niya pang makita si Apollo at ang pamilya nito. If she really needs to leave this planet, at least, she wants to leave with all questions in her mind answered.
"You may think that I am the worst god, Raea. And I really don't care. But I just want you to understand that this is how the divinity works. He works beyond human's imagination."
Hindi nakaimik si Raea sa sinabing iyon ni Noir. She's slowly thinking of hating the divinity. But something is telling her that the divinity won't give a trial to human just because He wants it. She knows that she has to look at it in different perspective. There's a reason why He is doing it. And that is what she needs to figure out.
"Then, let me fully understand it, Noir. Why? Why it has to be this way?" She said after a long silence.
Noir looked at her. A small smile formed in his lips. Matapos niyon ay dumapi ang kanang kamay nito sa kanyang kanang pisngi.
His hands are as cold as his aura. But unknowingly, there's something the way he touches her that gives warm to her heart.
"I hope I can answer your question, Raea..." anito sa kanya at kapagkuwa'y tila bulang naglaho ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top