N03

MALAPAD ang ngiti ni Raea nang makarating siya sa restaurant kung saan nila napagkasunduan na magkita ni Apollo. Kinakabahan siya. Feeling niya ay may kung anong naglilikot sa tiyan niya.

This is it, Raea! Magco-confess na sa'yo si Apollo! Excited na sabi niya sa sarili at inayos ang suot na pulang skirt.

Pinaghandaan niyang mabuti ang araw na 'yon. Nagpunta pa siya ng salon para maayusan siya ng maganda at bumili ng bagong damit at sandals. Malakas kasi ang kutob niya na magco-confess na sa kanya ang matalik na kaibigan.

Apollo is sweet pero nitong mga nakaraang araw, parang mas lalong naging sweet at maalaga pa ito sa kanya. Concern na concern pa ito sa katrabaho niyang nanliligaw sa kanya at sinasabihan pa siyang 'wag itong sagutin dahil baka paiyakin lang daw siya n'on. Iba rin ito makatingin sa kanya sa tuwing mag-uusap sila na parang may gusto itong sabihin sa kanya. Kaya naman ng sabihin nito na magkita sila ngayong araw dahil may importante itong sasabihin, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Malakas ang kutob niya na aamin na ito sa kanya.

Raea loves Apollo since they were kids. Napakabait at napakamaalaga kasi nito sa kanya bukod pa sa gwapo ito. He's been her best friend slash brother slash knight in shining armor. Parang hindi niya nga makita ang sarili na hindi niya ito kasama hanggang sa pagtanda niya. Sanay na sanay siyang sa saya at lungkot, palaging si Apollo ang karamay niya.

Kaya naman ngayong araw na ito ay sisiguraduhin ni Raea na masasabi niya na rito ang tunay niyang nararamdaman. She's been waiting for this. And she won't waste it.

Naglakad siya papasok ng restaurant na iyon. She was greeted by a waitress and ushered her to their table after she mentioned Apollo's name. Pagkarating niya roon ay naroon na ang kaibigan. He's all smiles when she saw her kaya naman gumanti siya rito ng ngiti and gave him a short wave.

"You look stunning!" Ani Apollo matapos siya nitong ipaghila ng upuan.

Raea can't help it but to be confused. Their table isn't for two. As if Apollo is expecting other people because it's good for at least eight persons.

'Di kaya may pa-event ang loko kasama sina tita? Hindi mapigilan ni Raea na kiligin sa naisip.

"Same to you," nakangising sabi naman niya kay Apollo.

They grinned at each other. Kapagkuwa'y sumeryoso ang mukha ni Apollo.

"Raea..." Apollo reached for her right hand na nakapatong sa mesa.

Napalunok si Raea ng 'di oras. Mukhang sasabihin na nito ang mga katagang matagal na niyang gustong marinig.

Shems, Raea! Kumalma ka!

Hinawakan ni Apollo ang kanyang kamay at kapagkuwa'y tinitigan siya.

"Raea...I..."

Nagising si Raea sa pagkakatulog nang maramdaman na tila may umihip sa kanyang tenga. Umayos siya ng pagkakaupo at mabilis na dinampot ang nahulog na comic book na binabasa.

Kasalukuyan siyang nasa isang comic café para makapag-unwind at makapag-isip-isip. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw sa kanya ang sinabi sa kanya ni Noir kahapon tungkol sa kanyang mission. Isa pa, natatakot siya sa gusto nitong ipagawa nito sa kanya. How can she break Serene's heart? Hindi niya maaatim iyon. She's been helping her since her hospitalization tapos iyon ang igaganti niya? She doesn't want Serene to hate her. Ito na nga lang ang kinakapitan niya ngayon at sasaktan niya pa. Hindi siya masamang kaibigan para gawin iyon dito.

"That rude Noir..." Hindi niya napigilang bigkasin iyon ng malakas. Mabuti na lang at nagso-solo lang siya sa pwesto niyang iyon kaya naman walang ibang nakarinig sa kanya.

"Yes, Raea?"

Nagulat si Raea nang biglang sumulpot si Noir sa kanyang harapan. Walang ano-ano ay pinitik nito ang kanyang noo kaya naman sinamaan niya ito ng tingin.

"At para saan naman iyon?" Inis niyang sabi at hinawakan ang noong napitik.

Ang totoo ay hindi naman talaga masakit ang ginawa nito. Nagulat lang talaga siya sa bigla nitong pagsulpot at sa pagpitik nito sa kanyang noo.

"This is the second time you called me rude, Raea. And it isn't pleasant to my ears," anito at naupo sa kanyang tapat. Dinampot pa nito ang isang comic book na nasa mesa at binuklat iyon.

"But you are," aniya at inismiran ito. "You are asking me to do something bad. I don't think you and Eros are in good terms. You are messing up his work!"

"You think so? But contrary to what you said, we're partners in crime," tila walang pakialam na sagot nito sa kanya at nagkibit balikat. Inilipat pa nito ang pahina ng hawak na comic book na tila ba interesadong-interesado ito sa binabasa.

Nag-make face si Raea at imbes na makipag-argumento rito ay ipinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa. Hindi na lang niya ito papansinin para umalis na ito. Gusto niya ng katahimikan para makapag-isip at kung naroon ito ay hinding-hindi niya iyon magagawa.

"You really think you're really free to do whatever you want, huh?"

Napaangat ang tingin ni Raea kay Noir. There's a playful smile that is painted on his lips, however, his eyes looks dangerous.

"What do you mean?" She nervously asked.

"I told you, you have a time limit, Raea. You need to finish your mission before you regret it," sagot nito. He just pointed his finger to the comic book she's reading and in split second, lumipad iyon papunta sa kamay nito. "You only have one hundred days to complete your mission. If you fail to finish it on or before the given time, the reaper will come to you. He'll escort you to the bridge of afterlife."

Natameme si Raea sa narinig. Napalunok kahit na tila natuyuan ang kanyang lalamunan. "W-what...?"

"You're given the second chance to live by the divinity, Raea. However, He isn't too generous. You have to work hard to keep alive if you still want to live long here on earth," Noir said and put down the comic book. He crossed his arms and leaned on the chair. "You've already lost twenty two days of your given time. Do you want to waste the remaining of it?"

Raea was terrified. Nanigas ang buong katawan niya at feeling niya ay hindi siya makagalaw. Muli, gulong-gulo na naman ang kanyang isip sa narinig. Pero isa bagay lang ang nangingibabaw roon ngayon. At iyon ay ang sinasabi ng lalaki na hiram na lang ang buhay niya ngayon at kung hindi niya magagawa ang misyon niya ay tuluyan na siyang maglalaho sa mundong ibabaw.

Ayaw niyang mangyari iyon. She wants to live longer if possible. Kahit na marami siyang problemang pinagdadaanan ngayon, she's still hoping that all of it will be solved in the right time. Gusto niya lamang ituring ang mga pinagdadaanan niya na isang bagyo na dumadaan lang sa buhay niya ngayon at hindi maglalaon ay mawawala rin ito.

"You...you've told me that I have to mismatched people, right? H-how...?" Nangingilid ang luha niya.

Ayaw niyang tanggapin na kailangan niyang gawin iyon pero mahal niya ang kanyang buhay. May iba pa kayang paraan para makawala siya sa sitwasyon na iyon?

I don't want to do this...Serene...

Tumayo si Noir. Nagtingin-tingin sa book shelf na nasa kaniyang kanan. Kumumpas-kumpas ang kamay nito at pagkatapos ay isang libro na naman ang lumipad patungo sa kamay nito.

The book Noir's holding is a story about red string of fate.

"You've seen the strings of fate, right?"

Tumango si Raea at lumunok. There's reluctance inside her to hear him talk about her mission but she has no choice but to listen.

"People are aware of the red strings of fate. But they don't know that some red strings aren't their original colors. The color of strings can be changed. But still, it will only happen depending on one's mindset and effort."

Naguluhan si Raea sa narinig but somehow, she can understand it.

She has seen different colors of it. Black, brown, red and white. And what is Noir telling her in some way make sense to her.

"Red strings symbolize that the people have it already have their destined ones on their sides while white ones are given to people who are still innocent or clueless about love or who are born to be alone to love and serve Him only. Brown ones are given to people who should be mismatched. While the black ones..." Noir trailed off and looked at her intently... "This string color only comes out by one's decision."

Hindi alam ni Raea pero tila may kung anong kahulugan si Noir sa mga huling salita na sinabi nito. She wanted to ask but chose not to. Her mind is full now and she doesn't want to be bother by it.

"So... you...you are telling me that the ultimate colors are the red and white ones?" She probed.

"Yes. But remember, human beings are given freewill. Kahit na nakatali na sa kanila ang red o white string, it can still be changed. Depending on the decisions that they will make," sagot nito.

Tumango-tango si Raea tanda na naiintindihan niya ang sinasabi nito.

"Most of the time, Eros already given hints to people and ties them to their destined ones. However, since humans are created with the ability to make their own decisions, they cut the ties for whatever reasons they have," Noir returned to his seat. He looked at the pages of the comic book. "And those human actions bring frustrations to Eros big time," dugtong pa nito at humalakhak.

Sinamaan ni Raea ng tingin si Noir. Naiinis siya rito dahil tila pinagtatawanan nito si Eros. Sa totoo lang, sa greek myth, si Eros pa man din ang pinakaborito niyang god dahil ito ang nagdadala sa tao sa nakalaan sa kanya kaya hindi niya tanggap na pinagtatawanan lang ito ni Noir.

"About the brown ones...why some people are given with such color?" Mayamaya'y tanong niya.

"What do you think, Raea?" Balik tanong sa kanya ni Noir.

Natahimik siya at kapagkuwa'y nag-isip. Generally speaking based on Noir's explanation, the moment babies are born, white strings ang meron sila since at that young age, people are still innocent and clueless when it comes to love. So, in what point does the brown ones are given or changed?

Is it when they have a wrong perception about love? Is it when they do wrong decisions because of love? Kailan ba? O baka naman nakatadhana na talaga ang mga ito na mai-partner na sa maling tao. Pero kung iyon nga, bakit naman hahayaan Niya na mangyari iyon? Isn't He being unfair kung totoo nga iyon?

"Hindi ko alam..." Halos pabulong na sagot ni Raea.

Noir grinned at her. Instead of answering her question, he said something else. "That black bracelet you are wearing is your ticket to your freedom."

Napatingin si Raea sa bracelet na suot niya dahil sa sinabing iyon ni Noir. Nagtatakang tiningnan niya ito.

"The bells in that bracelet will alarm you whenever your new assignment is up. The bell will ring twice to tell you that the person near you is your next target. You have eight bells so that means you have eight people to mismatch within the given time."

"How...how will I do the mismatching?" Napapalunok na tanong niya.

Nangalumbaba si Noir sa kanyang harapan at tinitigan siya. "That's for you to figure out."

"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Raea. "Hindi mo ba ako tutulungan?"

Noir shook his head and smirked. "No...but depending on the situation, maybe I will."

"Isn't this supposedly your job? At least, give me some tips!" Inis na sabi niya.

Oh, don't get her wrong. Raea is still unwilling to do it. Pero katulad nga ng nasabi niya kanina, wala naman siyang ibang pagpipilian. She just needs to hear some more information about the task. Para na rin mahanda niya ang sarili niya...mahanda ang puso niya... na tanggapin na makakasakit siya ng damdamin ng maraming tao dahil doon.

Of all things, that's one thing she doesn't want to do. Hurting people, be it physically or emotionally. Iyon kasi ang turo sa kanya ng mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito. Ang sabi ng mga ito sa kanya, if she wants to live on this earth with a happy and peaceful heart, she needs to avoid doing things that will make people hurt.

Noir didn't bother to answer her. Bagkus ay inosente ang mukhang nagkibit-balikat lamang ito. Matapos n'on ay kumaway ito sa kanya at naglaho na parang bula.

Naiwang tigagal si Raea.

Oh, shit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top