SPECIAL CHAPTER PART 2
Helix
Matapos umalis nung spoiled brat ay pinakilala sa amin ni Esnor ung batang babae.
"This is Miss Frensce, ang bunsong anak ni congressman." Sambit niya.
Unlike her older sister, masigla kaming binati nito. It didn't took long before she became fond of Seiko.
"Ma'am Seiko and Sir Helix. Maari po kayong magpahinga rito ngayong gabi para bukas."
Matapos ipakilala sa amin ni Esnor ang mga babantayan namin ay dinala kami ng mga katulong sa tig-isang kwarto namin ni Seiko.
They're pretty rich. Their house reminds me of my first mission. Ung paghahanap ng bata.
Bigla na lamang pumasok sa isip ko si Cleofa. Its only been half of a day and I'm already missing her. Gusto ko na agad matapos 'tong mission.
Maaga akong nagising kinabukasan para maghanda sa mission. Nang oras na para sa event ay napanganga na lamang ako nang makita kung sino ang babantayan ko.
"Oh? Anong tinitingin tingin mo riyan? Hindi ako pwede mahuli sa event." Giit ng babaeng kaharap ko.
Napaismid na lamang ako bago siya sundan. What the heck? Why am I assisting the spoiled brat?
"Don't freaking look at me like that jerk. Hiniling ng kapatid ko na makasama ung kasama mo. Magpasalamat ka pa nga ay ako ang naatasan sa'yo kahit ayoko."
My forehead furrowed when I heard what she said.
Nauna itong naglakad kesa sa akin papunta sa labas. Habang sinusundan ko ito ay napapaisip ako kung bakit ko nga ba kinuha ang trabahong 'to.
For pete's sake, hindi mahaba ang pasensya ko. Baka hindi ko matiis 'tong babaeng 'to.
Wala akong ginawa buong event kung hindi sundin ang lahat ng utos sa akin ng babaeng kasama ko. Akala ko ay bodyguard ako yun pala ay alipin.
But it didn't ended there. Ang pinakamalaking pagsubok sa akin ay ang pagtapos ng event. Gustong mag-shopping ng magkapatid sa bayan. At dahil whole day ang trabaho namin ni Seiko ay no choice kami kung hindi samahan sila.
Mabuti naman at may mga katulong na kaming kasama para sa pagbuhat ng mga walang kwentang pinagbibili ng babaeng kasama ko.
"Why are you still here? Hindi ka naman tumutulong sa pagbubuhat. Useless." Sambit ng spoiled brat.
Agad akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Nangangati na ang kamay ko at gustong-gusto ko ng sapakin 'tong babae.
"Tsk. I'm hungry, maghanap kayo ng resto."
Mabilis na kumilos ang mga utusan niya upang maghanap ng makakainan. Nakaapat na lipat ata kami ng restaurant para lang makahanap ng magandang background para makapagpapicture siya.
"I'm gonna go retouch lang sa cr." Sambit ng spoiled brat matapos kumain.
Nang tumayo ito ay agad ko rin siyang sinundan. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko. What?
"What are you doing, pervert? Kaya ko na mag-isa, duh."
Hindi kaagad ako nakapag-react sa sinabi nito at tuluyan na itong pumunta sa cr. W-What the fuck did she just called me?
Padabog akong umupo ulit. Tangina ang tagal matapos ng araw na 'to bwisit.
10 minutes have passed and there are no trace of her. I immediately followed my instincts and went to the bathroom. Kahit pa sabihin na matagal lang siyang mag-ayos ay dapat ko pa ring siguraduhin na walang nangyari sa kaniya.
Nang makarating ako sa cr ay walang bakas na nanggaling siya roon. Red flag.
Agad kong sinabihan ang mga butlers at maids na kasama namin na maghanap.
Dumeretso kaagad ako sa labas ng restaurant at nilibot ko ang tingin ko. This town is too big. Pero kung kinuha siya ng nakaraang sampung minuto ay sigurado akong hindi pa sila nakakaalis sa bayan na 'to. But riding a car is a different discussion.
If she really was taken then I don't have time to roam around. I'll fucking need my familiar's help to find her. But I can't freaking summon Bacon here. Shit!
Wala na 'kong maisip na paraan kaya hindi ako nagdalawang isip na tumalon sa taas ng mga bubong ng mga tindahan at bahay rito. Mas madali ko siyang mahahanap kapag nasa taas ako. Tanda ko naman ang ayos ng buhok at damit na suot nito kaya hindi ako mahihirapang makita siya.
Habang tumatakbo ako ay napako ang tingin ko sa grupo ng mga kalalakihan. Agad kong nakilala ang babaeng dala-dala nila at balak nilang isakay sa isang sasakyan.
I felt my eyes changed. Without thinking twice, I threw a fire ball in the car.
Pare-pareho silang nabigla sa biglaang pag-apoy at pagsabog nito. Agad nilang hinanap kung saan nanggaling ang apoy na tumama sa sasakyan.
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makalapit sa kanila. Nang makarating ako sa pwesto nila ay nakumpirma ang nasa isip ko nang makita ng malapitan ang babae.
Her makeup was ruined dahil sa walang tigil na pag-iyak nito. Mayroon ring tela na nakatakip sa bibig niya.
"S-Sino ka?" Sambit ng isa sa mga lalaki.
There are only five of them and it didn't took long for me to beat them all. Ilang minuto rin ang lumipas at dumating ang mga butler at mga pulis at nahuli ang mga ito.
Walang tigil ang babae sa pag-iyak habang hinuhuli ang mga kumuha sa kaniya. Napaismid na lamang ako nang abutan ko 'to ng panyo. Nakakairita ang pag-iyak niya.
"Clean your face. Iyan na lang ang natitirang maganda sa'yo." Sambit ko rito.
Nabigla ako nang hindi ito nagalit sa sinabi ko. Eh? I mean, I insulted her. Pero mukhang mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.
"Thank you, Sir Helix. Dadalhin na po namin ang mga 'to sa presinto. Maari niyo na pong ihatid si Miss Klea sa mansyon."
Napasinghap na lamang ako sa sinabi ng isa sa mga butler. Tangina naman, ako pa mag-uuwi rito.
Wala nakong nagawa kundi ihatid ito sa kanila. Dahil wala naman kaming dalang sasakyan ay no choice siya kundi maglakad. Ang kapal na masyado ng mukha niya kung uutusan niya pa akong buhatin siya.
Naglalakad na kami pabalik sa kanila nang mapansin kong tahimik ito. Huminto siya sa paglalakad na kinahinto ko rin.
"U-Uhm, can we stay here for a minute?" Sambit ng babaeng kasama ko.
I heaved a sigh. Wala akong choice kung hindi sumunod sa sinabi niya. Huminto kami sa tapat ng isang maliit na lawa kung saan nakikita rin ang sunset.
Umupo ito sa isang bench habang nanatili naman akong nakatayo. Magmumuni pa ata 'tong babaeng 'to.
"It's really beautiful, right? The sunset."
Nagsalita ito at hindi ko pinakinggan. Come to think of it, ano kaya ang gustong regalo ni Cleofa?
"T-Thank you for saving me."
Gusto kong iregalo sa kanya ay yung magagamit niya. Syempre yung magugustuhan niya rin.
"U-Uhm, sorry kung naging masungit ako sa'yo."
Gusto kong makapunta kaagad sa Academy at ako ang unang makabati sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano ang magiging reaksyon niya kapag binati ko siya. Sigurado akong hindi niya inaasahan na alam kong kaarawan niya.
"K-Kung gusto mo ay kakausapin ko si daddy! Pwede kitang maging personal bodyguard!"
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Hays! Namimiss ko na siya- wait. What the fuck. Iniwan ko nga pala siya ng hindi nagpapaalam-
"So Helix, can you stay with-"
"Fuck! Tara na! Naghihintay na sa 'kin ang asawa ko." Biglaang sambit ko.
Tumagal ng ilang segundo bago ako matauhan sa sinabi ko. Both of my eyebrows rose when I realized what I've said.
Shit, nasabi ko 'yon ng malakas. Akala ko ay nasa isip ko lang 'yon.
Hindi ko inaasahan ang reaksyon ng babaeng kasama ko. Nakaharap ito sa akin na para bang kinakausap ako. Baka siguro gusto na rin niyang umuwi.
Hindi ko alam kung bakit pero nung makauwi na kami sa bahay nila ay umiiyak itong bumalik sa kwarto niya. Gano'n ba niya kagustong manood ng sunset? Edi magpabili siya sa papa niya ng araw.
Pagtapos ng trabaho namin ay pinasalamatan kami ni Esnor at binayaran.
"Yoh Helix! Ano, kain tayo?" Masiglang sambit sa akin ni Seiko.
Nakangiti akong umiling dito. "Mauuna na 'ko, may kailangan pa 'kong gawin eh. Salamat Seiko!"
Ngiti ang sinagot nito sa akin at tuluyan na kaming nagpaalam sa isa't isa.
Pagkalabas ko sa mansyon ay dumeretso kaagad ako sa mga bilihan. Hindi pa rin ako nakakaisip ng regalo kay Cleofa kaya tumagal ang pag-oikot ko.
I was busy looking for a gift when something caught my attention. Its a gold necklace with a clock pendant. Si Cleofa kaagad ang unang pumasok sa isip ko.
I've decided to bought it as my gift. Sigurado akong bagay 'to kay Cleofa.
---
Nakisakay lamang ako sa isang minitruck na paadaan malapit sa gubat na papuntang tunnel sa Algrea. Binaba lamang ako nito sa kalsada at sinummon ko na lang si Bacon papunta sa tunnel at Academy.
Malalim na ang gabi at sigurado akong nagpapahinga na ngayon si Cleofa. Pero gusto kong ako ang unang makabati sa kanyia.
Tahimik na ang paligid nang makarating ako sa Academy. Nilibot ko ang labas ng kastilyo at agad akong pumunta sa tapat ng bintana ng kwarto ni Cleofa at tinalon ito.
Mahimbing ng natutulog si Cleofa sa kwarto niya. Wala rito ang roommate dahil balita ko ay hindi pa rin ito bumabalik sa mission.
Balak ko na dapat katukin ang bintana nang matigilan ako sa nakita ko. Mayroong puting lobong nagbabantay kay Cleofa na mukhang napansin ako.
W-Wtf?! Seryoso?! Hanggang dito ba naman ay bantay-sarado pa rin siya ni Zail?!
Unti-unting lumapit sa bintana si Delta at lumalabas na ang mga pangil nito. S-Shit naman!
Aatras na sana ako nang biglang bumangon si Cleofa.
"H-Helix?"
Laking tuwa ko nang bumangon ito habang kusot-kusot ang mga mata. Damn, my wife sure is beautiful even when she just woke up.
Nakakunot ang noo ni Cleofa nang buksan ang bintana at pinagmasdan ako.
"A-Anong ginagawa mo rito? Hindi ba nasa training ka?" Marahang tanong nito.
Napangiti ako nang hinawakan niya ang ulo ko at inayos ang buhok ko. She also fixed my necktie and my shirt. Hinabol ko ang kamay niya at nilagay ko ito sa pisngi ko.
"I freaking missed you."
Nagtaka si Cleofa sa sinabi ko na kinatawa ko. Kasabay nun ay ang pagyakap ko ng mahigpit sa kaniya.
Bago ko tanggalin ang yakap ko ay pasimple kong sinuot sa kanya ang kwintas na binili ko. Kasunod nun ay ang paghalik ko sa noo niya.
"Happy Birthday, Cleofa."
I flashed a smile. Hinintay ko ang reaksyon ni Cleofa pero iba ang bumungad sa akin. That's when I realized that I was decieved.
"B-Birthday? It's not my birthday." Natatawang sambit ni Cleofa.
Huminga ako nang malalim at napakagat sa ibabang labi ko. Agad na uminit ang ulo ko nang mapagtanto kong nauto nanaman ako ni Rivan. Tangina talaga ng kupal na 'yon. Malilintikan-
"It's not my birthday, but thank you Helix. I love it."
Tila nawala ang lahat ng galit at inis ko nang lumapit sa akin si Cleofa at dinikit ang labi niya sa labi ko.
Lahat ng pagpapasensya at pagkairita ko sa trabaho ay kusang naglaho sa ginawa niya.
"Thank you jerk, I love you."
Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. Kung ganito rin pala ang kapalit ay okay lang sa akin kahit gano'n ang trabaho ko araw-araw.
"I love you too, stupid."
•••
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top