8. Guilds
NAKARAMDAM ako ng pangangalay sa katagalan ng paglalakad. Parang namamanhid ang mga paa ko dahil kanina pa kami nakatayo at umiikot. Nasa labas kami ng gate ni Luxxine, sa napakalawak na kagubatan sa paligid ng academy.
We're looking for guilds.
Maraming guilds mayroon ang academy, pero ang present lang sa city na 'to ay tatlo. Ang Deities, Verines, at Avelites.
Usap-usapan ang tatlong malalaking guilds na 'yon. Ang Deities, kung saan kabilang ang heir ni Hades, god of the underworld, at ang heiress ni Poseidon, god of the seas. Kaya kilala itong malakas na guild dahil kabilang sa kanila ang tagapagmana ng dalawang kilalang mga diyos. Hindi na 'ko magtataka kung dito sasali si Alvis. He's the heir of Zeus after all.
Sunod naman ang Verines: they are also known as the reckless guild. Kadalasan ay nakatutok sa kanila ang academy dahil puro gulo ang ginagawa nito sa mga mission. Kabilang dito ang heiress ni Ares, god of war. And yes, dito ko naiisipang sumali.
And last, ang Avelites: they are also known as the S class guild. Hindi kasi sila basta-basta tumatanggap ng mga rookie, dahil ang mga mission na kadalasang napupunta sa kanila ay hindi basta-basta. Ni hindi ko nga alam kung sino-sino ang mga heir at heiress na nandoon dahil kaunting impormasyon lamang ang ipinaaaalam nila.
"OMG! Excited na talaga ako, Cleofa! Sana matanggap tayo!" masiglang sambit ng babaeng kasama ko.
Napangiti ako sa sinabi ni Luxxine. Pareho naming naisipang sumali sa guild ng Verines. Hinahanap na namin ito ngayon.
"Saan na kaya 'yon?" tanong niya.
Kanina pa kami naglalakad ni Luxxine rito sa gubat dahil nandito raw ang guild ng Verines, pero wala pa rin kaming makita.
"Luxxine!"
Pareho kaming napalingon ni Luxxine sa isang babaeng tumawag sa kaniya. Ang pagkakaalala ko ay isa siya sa mga kaklase namin.
"Pinapatawag ka sa kastilyo!" aniya.
Kita ko ang pagsimangot ni Luxxine sa narinig. Her forehead furrowed, and her nose crinkled.
"Tsk! Ano na naman ba ang kailangan nila?" iritadong sagot niya.
Napili kasi siyang representative ng klase namin para sa pagsabi sa amin ng mga impormasyon na ibinibigay ng mga guro namin.
"Hays, Cleofa, okay lang ba kung maiiwan muna kita?"
Isang tango ang isinagot ko. "Dalian mo na! Baka kanina ka pa hinahanap do'n," natatawang sagot ko sa kaniya na ikinasimangot niya lalo.
"Sige, hanapin mo muna 'yong guild. Mag-iingat ka."
Muli akong tumango kay Luxxine. Nag-aalala pa siyang tumingin sa akin bago tuluyang naglakad palayo kasama ng kaklase namin.
I heaved a sigh when I found myself alone outside the academy. Looks like it's just me and the forest.
Nagpatuloy ako sa pag-iikot sa gubat at sa kasamaang palad ay wala akong makitang guild ni isa. Tanging ang mga naaapakan kong mga dahon ang nagsisilbing ingay at ang pagtama ng mga dahon sa puno sa isa't isa.
Nasaan ba 'yon—
"Aba, matapang ka, ah!"
Natigilan ako sa paglalakad nang may narinig akong boses sa hindi kalayuan. Mabilis na nakuha nito ang atensyon ko. Other than the rustling leaves, they're the only noise that I can hear. Napagdesisyonan kong puntahan ang pinanggalingan ng boses.
Baka alam nila kung nasaan ang mga guild.
Nang naglakad ako palapit ay mas narinig ko ang pinag-uusapan nila.
sambit ng isang lalaki.
Sino 'yon? At sino ang kinakausap niya?
"Eh kayo? Ano ba'ng ipagmamalaki n'yo? Oh, please. You're just Deities. Wala kayong maipagmamalaki sa akin," sagot ng kausap niya.
Napahinto ako nang marinig ko ang sunod na nagsalita. I gasped and shook my head out of disbelief.
Ang boses na 'yon . . . siya na naman?!
Bakit ba lagi na lang nagkukrus ang mga landas namin? At tama ba ang narinig ko? Isang Deity ang kausap niya?
"I like your guts, kid. Let's see what you got . . . but before that— "
Hindi na 'ko nakinig sa usapan nila at napagpasyahan kong hanapin na lang mag-isa ang guild. Ayaw kong makisali pa sa away nila, madamay pa 'ko. May balat pa naman sa puwet ang lalaking 'yon at malas siya.
"Mukhang may naliligaw rin na rookie rito."
Hindi natuloy ang paghakbang ko paalis nang marinig ko ang sinabi ng isa sa mga lalaki. Bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko sa hindi ko malamang dahilan.
Ako ba 'yong tinutukoy niya?
Imposible! Paano niya naman nalaman na nandito ako?
"What are you doing here, my lady?"
As if time slowed down when I heard the rustling leaves. Nabigla na lang ako nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Hindi ko man lang naramdaman o narinig ang pagkilos niya.
A guy with blonde hair. He's wearing an unbuttoned shirt, revealing his chest. He has golden brown eyes that look like the afternoon sun shining through a glass of whiskey.
Napatulala ako sa kaniya at napakurap-kurap.
Crap.
Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin.
"Hinahanap ko lang ang guild ng Verines. Pasensya na kung nakaabala ako sa inyo. Aalis na 'ko," sagot ko.
Hindi ko na dapat siya hihintayin na sumagot at sinubukan kong maglakad na papalayo, pero nagsalita uli siya.
"Bakit ka nagmamadali? I can show you the guild. But first, I want you to watch our friendly competition," nakangiting tugon niya sa akin.
I can't think of anything to say. Parang natameme na lang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko. Is he using his charms to make me say yes? Because it's freaking working.
Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko at nakaramdam ako ng kakaiba. Parang nag-iinit ang buo kong katawan at bumibilis ang pagtibok ng puso ko. What is this feeling?! Naaakit ako sa mga mata niya.
D*mn. I think I'm falling in love with him—
"Idiot!" rinig kong sambit ng isang lalaki.
Naramdaman ko na lang ang pagtakip ng kung sino sa mga mata ko.
"What the f*ck do you think you're doing?!" sambit ng lalaking nagtakip sa mga mata ko.
Narinig ko ang malakas na pagtawa ng lalaking nasa harap namin. Kasabay n'on ang pagkawala ng nararamdaman ko kanina. Teka, ano 'yon?!
Tinanggal ko ang nakatakip na kamay sa mga mata ko at bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ng lalaking kinaiinisan ko. Helix is here. Nagtagpo na naman ang landas naming dalawa.
"At ikaw?! Ano'ng ginagawa mo rito, ha? Jeez!" nakakunot na noong sambit sa akin ni Helix.
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit na naman siya. Ano na namang problema niya, ha?
Napunta ang tingin ko sa lalaking walang-tigil sa pagtawa. "I-I'm sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. I just found her cute!" natatawang sabi niya.
"Eh, ano'ng cute riyan?! Eh, mangmang nga 'yan! Sinasayang mo lang ang oras mo! Labanan mo na lang kasi ako!" sagot ni Helix sa lalaking kaharap namin.
My forehead furrowed when I realized what he had just said. Ito pala ang hinahamon niya kanina?
"I apologize, my lady." The guy in front of me bowed, as if he's a prince. "I'm Rivan, and I inherited Eros, god of love's gift. Pasensya na kung nagamit ko ang gift ko sa 'yo kanina. Nakuha lang kasi ng atensyon ko ang reaksiyon kanina ng rookie na 'yan nang makita kang papalayo sa amin," pagpapakilala niya.
Napunta ang tingin ko kay Helix dahil sa sinabi niya. Siya ba 'yong rookie na tinutukoy niya? Anong reaksiyon? Kanina pa nila ako napansin?!
"W-What the heck are you talking about?! Labanan mo na 'ko!"
Muling natawa si Rivan sa sinabi ni Helix. Ano ba'ng nakakatawa roon?
May dalawa pang lalaki ang pumunta sa kinaroroonan namin. Siguro ay kasama sila ni Rivan. Kapansin-pansin ang crown tattoo nila sa iba't ibang parte ng katawan. Si Rivan sa kamay, ang kasama niyang dalawang lalaki ay sa leeg, at ang isa ay sa kamay rin. A symbol that makes them a Deity.
"Rivan, tara na! 'Wag ka nang mag-aksaya ng oras diyan sa rookie na 'yan," pagtawag ng isa na kasama ni Rivan.
"Ang sabihin n'yo ay takot lang kayong matalo ng isang rookie," nakangising sambit ni Helix na ikinakunot ng noo ng mga kasama ni Rivan.
"Ha! Aba, hinahamon mo talaga kami— "
"Ariah!" biglaang sambit ni Rivan.
Hindi na naituloy ng kasama ni Rivan ang sasabihin nang tinawag niya ang familiar niya. Napasinghap ako sa nangyari at hindi makapaniwalang napatingin sa sumulpot na nilalang sa tapat namin.
A huge nine-tailed fox appeared in front of us. A kitsune. Tiningnan ko si Rivan na biglang nagseryoso ang itsura. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
He summoned his familiar! Seryoso ba siyang lalabanan niya 'tong isip-bata na 'to?!
Kita ko ang ngiting tagumpay ni Helix. "Ganiyan dapat, Rivan. Ipakita— "
"Sshh!"
Napahinto si Helix nang patigilin siya ng kausap niya. Tila naging alerto ang mga kasama namin dahil sa biglaang pagbabago ng ekspresyon nito.
Teka, ano'ng mayroon?
Seryosong inilibot ni Rivan ang tingin niya sa paligid.
"There's someone who is not welcome here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top