7. 'What's your gift?'

EVERYONE was shocked and amazed at the same time. Who would have thought, na ang babaeng hindi makapag-summon ng familiar ay mayroong isang wyvern as her own?

"A job well done," nakangiting sambit ni Sir Saremo sa akin.

I smiled as I watched Angel. Nakaangat ang tingin ko sa kaniya na nakatayo sa tapat ko. Napahawak ako sa mukha niya na inilalapit niya sa akin.

"Okay, class, now you need to work with your familiars and alamin n'yo kung ano ang ability nila. Most likely, may connection ito sa gifts ninyo."

Nakuha ng sinabi ni Sir Saremo ang atensyon ko. Their ability? May connect sa gift namin?

Napunta ang tingin ko kay Angel na hawak-hawak ko. Malalaman ko kaya ang gift ko sa kaniya?

"Okay, class, start knowing your familiars!" sambit ni Sir.

Everyone started to move; some of them went in the water with their familiars, and some rode their familiars as they ran toward the forest or flew into the sky. Hindi lang dahil sa gusto nilang lumalim ang koneksiyon nila sa mga familiar nila, pero sigurado rin akong gusto nilang subukan kung ano rin ang kaya nilang gawin.

"Nice, you did it," rinig kong sambit ng isang lalaki.

Nilingon ko ang lalaking nagsabi n'on kasama ang familiar niya. The god of thunder's heir is on his way here while his hands are inside his pockets.

I smiled at him as he went toward me. "Yeah, thank you," nakangiting sagot ko rito.

Hinawakan ko ang ulo ni Angel at inilapit niya rin ito sa akin.

"Nah, you're the one who summoned your familiar. I didn't do anything . . ." There's a hint of disappointment in his voice. "And he also helped you a lot."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Hmm?"

"Nothing. Good luck."

Ngumiti muna si Alvis bago niya 'ko talikuran. Nagsimula na siyang maglakad, pero nakakailang hakbang pa lang siya ay lumingon siya uli sa akin na para bang may nakalimutang sabihin.

"I'm also looking forward to knowing your gift," nakangiting sabi niya. Then he continued walking away. I flashed a smile while watching him disappear from my sight.

I also can't wait, Alvis.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Angel. "Show me what you got."

Angel lowered herself for me. Nang maabot ko na ang likod nito ay agad akong sumampa at sumakay. "Let's go."

Naramdaman ko ang pagbuwelo ni Angel at napahawak ako nang mahigpit sa kaniya. Her body is full of scales, kaya medyo naiilang pa ako na hawakan siya. Pero habang tumatagal ay nasasanay na ako at nagawa kong hawakan siya nang matagal. Ramdam ko ang pagtama ng hangin sa balat ko at ang pagsabay ng mahaba kong buhok dito.

Angel is gentle in flying. Siguro ay dahil sa alam niyang nakasakay ako sa kaniya. Hindi ako takot sa matataas kaya walang problema sa akin ang paglipad niya.

"So, what can you do, Angel? Pareho ba tayo ng ability?" bulong ko sa hangin.

Para akong sira na kinakausap ang isang wyvern. Napapaisip lang kasi ako kung ano ang kakayahan niya. Lalo na't maaaring konektado ito sa gift ko.

Nang matapos ang oras ng klase ay agad rin kaming bumalik at naghanda sa susunod na klase. Sabi ni Sir Saremo, dahil daw mayroon na kaming mga familiar ay asahan na naming mayroong mga guild na gustong magsali sa amin. Mayroon din kaming kalayaan na pumili ng guilds na gusto namin.

"Okay, class, bumalik na kayo sa classroom ninyo. Baka nando'n na ang susunod n'yong guro na magtuturo sa inyong i-master ang mga gift n'yo," sambit ni Sir.

Pare-parehong na-excite kaming mga estudyante sa narinig namin. Ito na ang pinakahinihintay ko: ang malaman ang gift ko. All of us went back to our classroom to wait for our next teacher. Ilang minuto rin ang dumaan bago dumating ang susunod naming guro. Isang pamilyar na babae ang bumungad sa amin.

"Ehem. Good morning, class!"

Lahat ng atensyon namin ay napunta sa babaeng bagong dating. Tumaas ang dalawang kilay ko nang makilala ang babae. Siya 'yong bumungad sa akin no'ng kapapasok ko pa lang sa academy. Agaw-pansin pa rin ang kulay pula niyang buhok.

"Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko?" nakangiting sambit nito sa amin. "Well, kung nakalimutan n'yo na, ipapaalala ko sa inyo. I'm Xilah, and I'll help you to know more about your gifts," aniya.

"But first of all, may kailangan muna akong malaman sa inyo."

"What's your gift?"

Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya. Isa 'yon sa mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam.

"I heard that you already owned your familiars, right? Siguro ay nasabi na sa inyo na may connection ang familiars ninyo sa mga gift ninyo. If you inherited a water gift, expect na isang water familiar ang makukuha n'yo," muling sambit ni Xilah.

Napaisip ako sa sinabi niya. I summoned a wyvern, pero hindi ko pa alam ang ability nito. So if it can breathe fire, ibig sabihin n'on ay fire gift ang nakuha ko? Or what if it can breathe smoke?

"Bago n'yo sabihin sa akin ang mga gift n'yo, gusto ko munang malaman n'yo na may tatlong klase ng gift," sambit ng guro namin. Itinaas niya ang tatlong daliri niya.

Nanatili kaming nakikinig kay Xilah habang nagpapaliwanag siya. Pare-pareho kaming nabigla nang may pixies na pumasok sa classroom namin. Everyone was amazed when they saw the little creatures flying in front of us. There are three of them.

"First is the control type. The type of gift that can control any kind of ability depending on whom he or she inherited his or her gift. The ability to control fire, wind, etc.," panimula ni Xilah.

She snapped her fingers, and one of the pixies marched forward. He threw a small bucket of water and pretended that he was controlling it.

Rinig ko ang paghanga ng mga kaklase ko habang nakatingin dito. Some chuckled. Maski ako ay nanatiling nakaawang nang kaunti ang bibig habang pinanonood ang pixie sa harapan ko.

"Second, the counter type. Ito 'yong mga ability na hindi kayang kumontrol ng kahit ano, bagkus ay kapag in-activate na nila ang mga gift nila ay deretso sa target ang epekto. The ability to make someone frozen, stone, hallucinate, etc."

Once again, after snapping her fingers, another pixie marched forward.

She looked at the first pixie who was still playing with the bucket that has water. Itinaas niya ang kamay niya at bigla na lamang natigilan sa paggalaw ang naunang pixie. Tila napako ito sa puwesto niya nang hindi man lang siya hinahawakan ng isa.

All of us gasped in amazement after witnessing what happened.

"And last but not the least, the rarest one. Sinasabing katulad ng tatlong natatanging tagapagmana ng isang Diyos ay bibihira lamang makakita ng ganitong gift. The takeover type. The ability to take over someone or something's ability. The ability to be the element itself or the ability to be a creature."

For the last time, Xilah snapped her fingers. Nagmartsa ang isa pang pixie sa harapan.

Nabigla kami nang nagsuot ito bigla ng isang maliit na maskara ng isang lobo. Nagpanggap siyang isa ring lobo sa pamamagitan ng pag-alulong.

"Ngayon na alam n'yo na ang mga klase ng mga gift, mas mapadadali ang pagkontrol at pagkakaroon n'yo ng kaalaman sa gift ninyo kapag alam n'yo kung saang klase ito nabibilang."

"Well then, from whom do you inherit your gift?"

Nagsimula nang magtanong si Xilah habang hindi mawala sa isip ko ang ipinaliwanag niya.

The three kinds of gifts . . . saan kaya ang sa akin do'n?

"Miss Cleofa, it's your turn."

Natauhan ako nang ako na pala ang susunod na sasagot. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin ngayon at hinihintay ang sagot ko.

"I-I'm sorry, ma'am, but I don't know my gift," nahihiyang sambit ko rito.

"Oh, it's fine, aalamin natin 'yan," nakangiting sagot sa akin ni Xilah.

Nahihiya akong bumalik sa pagkakaupo habang nakatingin lahat sa akin ang mga kaklase ko. I hate this situation.

Mabilis natapos ang klase at sinabi sa amin ni Xilah na maaari na kaming sumali sa mga guild. Mahahasa ang paggamit namin sa mga gift namin kapag gumawa kami ng mga mission. Doon namin matututuhan ang mga bagay-bagay na hindi maituturo sa pamamagitan ng pagpapakita lang, kailangan naming maranasan.

As for me, na nag-iisang hindi alam ang gift niya sa klase, ay kailangan ko munang alamin ang gift ko. I can do it by knowing my familiar, dahil connected na raw kami sa isa't isa at posibleng pareho raw kami ng kakayahan.

"Cheer up, Cleofa! Normal lang naman 'yan!" masiglang sambit ng kasama ko.

Kanina pa 'ko chini-cheer up ni Luxxine na napansin ang pagbabago ng mood ko. "Let's just look for guilds!" pag-iiba nito.

Nakuha niya ang atensyon ko. "Saan naman natin makikita ang mga guild?"

"Ang sabi ay nasa labas daw ng gate 'yon. Para daw madaling makakuha ng misyon galing sa labas," sagot ni Luxxine.

Isang tango ang isinagot ko sa sinabi niya. Balak muna naming dumaan ng dining hall nang may nadaanan kaming hindi pamilyar na mga estudyante.

They're wearing a blue uniform. Kapansin-pansin din na mayroon silang kaunting mga galos.

"Seniors," bulong sa akin ni Luxxine habang sinusundan namin sila ng tingin. "Siguro ay galing sila sa mission. Shocks, grabe, ayokong masira ang beauty ko sa pakikipaglaban," dagdag niya.

"Pero ang balita ko ay mahihigpit daw ang mga senior ngayon at mapili sapagtanggap ng rookies sa mga guild. Kung sa tingin nila ay mahina ang gift moay ekis ka na sa kanila." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top