51. Hope

IT felt like time slowed. Unti-unting napaawang ang bibig ko sa sinabi ng batang kaharap ko. Napakurap-kurap akong tumingin sa kaniya.

Principal of the . . . Lunar Academy?! Pinagti-trip-an ba ako ng batang 'to? Isang bata ang principal ng Lunar Academy?!

"Hindi ka naniniwala?" marahang tanong niya. Parang nabasa niya ang reaksiyon ko. "I may not look like it, but I'm already 142 years old," dagdag niya.

Mas lalong umawang ang bibig ko sa narinig. I looked at her, dumbfounded.

Hindi ako makapaniwala . . . Sa pagkakaalala ko ay heiress din ni Cronus si Helena. Sinubukan siyang kunin ng Trejon guild pero hindi sila nagtagumpay. Kung totoo ngang siya si Helena, hindi nagkamali si King sa pagkakakilala sa kaniya. She really never grows old!

"A-Ano'ng kailangan mo sa akin?" tanong ko.

Kusang natawa si Helena sa tanong ko. "Ako? Baka ikaw ang may kailangan sa akin," balik niya sa akin.

She threw a pen in the air. And just with a snap of her fingers, it stopped in mid-air.

Both of my eyebrows rose as I watched the pen. At the same time, I'm confused. Ano'ng gusto niyang iparating?

Naglakad siya patungo sa akin. Nakaangat ang tingin niya sa akin at pinagmasdang mabuti ang mukha ko.

"You really look like her," maamong sambit niya.

My forehead furrowed and I gave her a questioning look. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Napabuntonghininga na lamang si Helena sa akin. Muli itong bumalik sa puwesto niya at kinuha ang ballpen na nakalutang sa ere. Napatitig siya sa hawak-hawak na ballpen bago nagbago ang ekspresyon at muli akong tinapunan ng tingin.

"Zail won't make it."

I was frozen in my place. Nabingi ako sa narinig. Parang may matinis na tunog ang dumaan sa tainga ko. "H-Ha?"

"He won't make it. He will die tonight," pag-uulit ni Helena.

I opened my mouth but I couldn't utter a word. Parang may karayom na tumusok sa puso ko. Bumalik ang mga alaala nina Helix at King sa akin. Ang mga itsura nila bago sila mawala . . . Ang huli nilang mga salita na sinabi sa akin.

Nanghina ang tuhod ko at agad akong bumagsak sa sahig. Ayaw ko na ng ganitong pakiramdam . . . Sobrang sakit . . .

"Cleofa," tawag sa akin ng babaeng kaharap ko. Seryoso akong tiningnan ni Helena. "Do you want to save them?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Nang tingnan ko siya ay hindi na ito nakatingin sa akin. Bagkus ay nasa ballpen na ang buong atensyon niya.

"I-I can't save them. Ako pa nga ang dahilan kung bakit nangyari 'to."

Lumalabo na naman ang paningin ko dahil sa mga luhang unti-unting nagsisibagsakan galing sa mga mata ko. Sobra-sobra na ang sakit . . . Parang sasabog na ang puso ko . . .

"I-I'm too weak! B-Bakit pa kasi ako pa?! Ako pa ang nagkaroon ng gift na 'to?! What's the sense of being the time god's heiress if I can't even save my friends?!"

I gritted my teeth out of frustration. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Ngayon ko inilabas lahat, lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng pagsisisi ko.

"Marami pa 'kong gustong sabihin sa mga kasama ko. Ni hindi pa ako nakakahingi ng tawad at nakakapagpasalamat sa kanila . . ."

"A-Ako na lang sana . . . ako na lang . . ."

There was a sudden silence before I heard Helena chuckle. Nang muli ko itong tingnan ay hindi nito mapigilang matawa. My expression faded. Napaiwas na lamang ako ng tingin.

I can't blame her . . . She probably thinks that I'm so pathetic. Siguro ay iniisip niya na tama lang sa akin ito.

Dahil nga mahina ako . . . dapat ko lang itong maranasan . . .

"Cresza, 'yong anak mo, oh," natatawang sambit ni Helena.

Natigilan ako sa narinig. My mouth fell open as I glanced at Helena. I blinked thrice out of disbelief. Ang walang-buhay kong mga mata ay nagkaroon uli ng emosyon dahil sa sinabi niya.

Gaano na ba katagal?

Gaano na ba katagal ko nang hindi naririnig ang pangalan ng mama ko?

Nilapitan ako ni Helena at inilahad ang kamay niya sa akin. She flashed a smile and gave a reassuring look.

"Hindi ako pumunta rito para magdrama ka sa akin," aniya.

I can't utter a word. Hinawakan ko ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo.

"Kung ganiyan ang nararamdaman mo, bakit hindi mo sabihin sa kanila?" she asked.

Napaismid ako. Madali lamang sabihin iyon . . . pero sobrang imposibleng gawin.

"It's too late. T-They're already gone," pagdadahilan ko.

Muli akong napakagat sa ibabang labi ko dahil sa inis.

"Yes," sagot ni Helena. "They're already gone . . . in the present."

Kumunot ang noo ko nang tapunan ko siya ng tingin. Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano ang gusto niyang iparating?

"Save them, Cleofa. Bumalik ka sa nakaraan."

Helena gave me a determined look. I was taken aback by what she said. Isang mapait na ngiti na lamang ang naipakita ko rito. Napayuko ako at napaiwas ng tingin.

"H-How can I? Hindi tayo pareho ng gift. I can't turn back the time. Ang tanging kakayahan ko lamang ay—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang matauhan ako. I paused for a moment when I realized what I'd said. Nang tingnan ko si Helena ay agad kumurba ang isang ngiti sa labi niya. Tumango siya sa akin nang mapagtanto niyang naiintindihan ko na agad ang gusto niyang iparating.

"Take my gift, Cleofa. At ikaw na mismo ang magsabi sa kanila ng nararamdaman mo," sambit ni Helena.

Parang nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko rito. Hindi ko na naman mapigilang mapaiyak.

"Though it's not that simple," paalala niya. "I'm telling you, Cleofa. Once you use my gift and turn back the time, you may lose your eyesight."

Hindi ako nabahala sa sinabi niya. Kahit ano pa ang kapalit para lang sa buhay nina Helix at King . . . para lang mailigtas ang kapatid ko . . . handa ako.

"I'm ready," deretsang sagot ko.

Helena heaved a sigh while shaking her head. Sinundan niya ito ng tawa. "Mag-ina talaga kayo."

Her eyes changed. And just like her, naramdaman ko rin ang pagbabago ng mga mata ko.

Agad akong napapikit dahil sa sobrang hapdi ng mga mata ko. Parang tinutusok ito ng maraming karayom. Kasabay nito ay parang sinusunog ang buong laman ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Then it suddenly felt like I'm falling into a bottomless pit.

"Hoy, Cleofa! Pangit! Nakikinig ka ba?" rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.

Nang muli kong iminulat ang mga mata ko ay parang nagising ako mula sa isang panaginip. I was frozen in my place and couldn't utter a word. I just suddenly felt my eyes getting teary.

"Hoy, Helix, ano'ng ginawa mo?!" sambit ni Alvis nang mapansin na naluluha ako.

"H-Hala! Wala—"

Natigilan si Helix sa pagsasalita nang agad ko siyang yakapin. Sa muling pagkakataon, nakita ko ang nakakairitang lalaking nakabihag ng puso ko.

The guy that makes me angry and falls in love at the same time . . . ang laging nagliligtas sa akin kapag napapahamak ako.

I'll save you this time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top