50. Mourning
IT has been five days since the fight between us and the Trejon guild. Hindi pa rin nagkakamalay hanggang ngayon si Zail.
Nanatili ako sa guild namin. Mula nang makabalik kami ay hindi ko nagawang lumabas ng kuwarto. Tanging pagdala lamang ng pagkain sa akin ang naging komunikasyon namin ng mga miyembro ng guild. Ni hindi ko sila kayang harapin.
I don't have the guts or strength to face them.
Matapos ang nangyari ay wala na 'kong nakausap pa ni isa sa kanila. Kung hindi nga lang sana kay Delta ay siguradong nabaliw na 'ko. Nanatili itong kasama ko kahit na mas dapat niyang samahan si Zail. Siguro ay ito ang huling inutos sa kaniya ng kuya ko.
"Ready ka na, Cleofa?"
Hindi ko napansin ang presensya ni Risca sa kuwarto. She's wearing a black dress. Agaw-pansin din ang namamagang mga mata niya. Siguro ay walang-tigil din ito sa pag-iyak.
Tanging pagtango lamang ang isinagot ko rito. Tulad niya ay nakaayos na rin ang sarili ko. Lahat na lang yata sa akin ay itim lalong-lalo na ang ilalim ng mga mata ko. I'm wearing a black long-sleeved dress with a pair of black doll shoes.
Matapos no'ng nangyari sa Resoir ay wala nang luha pa akong mailabas. Tanging pagpupuyat na lamang ang ginawa ko. Hindi ko naman kasi magawang makatulog. Naaalala ko ang imahe ni Helix sa oras na ipinipikit ko ang mga mata ko. Pati na rin ang mga huling sandali na kasama ko si King.
"Tara na, nagsisimula na sila," sambit ng babaeng kaharap ko.
Tahimik akong sumunod kay Risca. Ngayon ko na lang uli sila makikita. Ngayon kung kailan magluluksa kami. Sa Algrea sila mananatali . . . dito ililibing ang katawan ni Helix at dito na rin nila inilagay ang tombstone ni King dahil hindi man lang namin nakita ang mga labi nito.
They were buried under a huge colorful oak tree in the middle of the city, close to the statue of the Greek god Poseidon. Unlike the other trees, hindi nito ginagaya ang kulay ng kalangitan. May sarili itong kulay—kulay ginto.
It's a tradition that the gifted once believed before. Na ang mga ganitong puno kada bayan ay pinaniniwalaang paboritong puntahan ng mga diyos at diyosa noon. Kaya naging tradisyon na ang paglilibing o paglalagay rito ng labi ng mga gifted. Naniniwala silang babalik at makakasama nila ang mga diyos na pinangggalingan ng kanilang kakayahan.
Ilang metro pa lang ang layo ko ay naririnig ko na ang paghikbi ng mga tao rito. All of the guild's members are here. Even some students and people from the other guilds. Agad kong naramdaman ang pagkirot ng puso nang makita ko ang pag-iyak ni Aqua. I bit my lower lip as I watched her cry.
Nandito rin ang mga magulang ni Helix. Samantalang tanging ang nakababatang kapatid lamang ni King ang nasilayan ko. Ayon kay Risca, katulad namin ni Zail, wala na ring mga magulang si King. Ang nakababatang kapatid na lamang nito ang mayroon siya.
My eyes blazed with anger. I can't help but get mad at myself. Dumiin lalo ang pagkakakuyom ng kamao ko. Nararamdaman ko ang pagtulo ng dugo sa mga palad ko dahil sa pagkakadiin ng kuko ko.
It's my fault . . .
Nang dahil sa 'kin ay naiwan pa ni King ang nag-iisang taong mayroon siya. Dapat ako na lang . . . ako na lang sana—
"It's not your fault."
Natigilan ako sa pag-iisip nang may humawak sa balikat ko.
"A-Alvis," sambit ko.
Sumalubong sa akin ang mukha ni Alvis nang lumingon ako. Katulad ni Risca ay namamaga rin ang mga mata nito. Pumayat din ito.
"Lahat tayo ay may pagkukulang. Kung hindi lang sana ako naduwag. Even though I have the talent and a powerful gift . . ."
"It's not enough to protect my friends . . ."
"I'm a coward."
Hindi ko nagawang tumingin nang matagal sa kaniya. Ang akala kong ubos ko na luha ay agad nagsibagsakan. Mas lalo kong naramdaman ang sakit ng puso ko. Bumalik ang mga alaala nilang dalawa sa akin. If I could just turn back time, hindi ko hahayaang mangyari 'to!
Hindi ko na kinayang manatili pa roon dahil unti-unti lamang akong kinakain ng pagsisisi ko.
Punas-punas ko ang mata ko habang naglalakad. Bumalik ako sa guild namin at nabigla ako nang may batang bumungad sa akin. I was startled when I saw a little girl with blonde hair. She's wearing a vintage circle dress and she has freckles on her face that enhance her doll-like face.
Hindi agad ako naka-react dahil sa pagkabigla. Ano'ng . . . ginagawa niya rito? Meron bang miyembro ang Deities na bata?
"Why are you crying?" marahang tanong niya. Natigilan ako sa tanong niya. "Just because they died?"
I was taken aback by what she said. Parang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa harap niya at akmang sasampalin siya.
"J-Just because they died?!" giit ko rito.
Hindi ako nito sinagot at nanatili itong nakatingin sa akin. Ni walang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha niya sa mga sinabi niya. Napakagat na lamang ako sa pang-ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili.
"Tsk, umalis ka na. Bawal ang bata rito," seryosong sambit ko.
Ibinaba ko ang kamay ko at umalis sa harapan niya. Pero imbis na sundin ako ay nagawa pa nitong tumawa.
"Hays, that's not the right way to treat someone who's older than you."
Agad na kumunot ang noo ko rito. Matalim ko siyang tiningnan habang hindi naman siya natinag sa mga tingin ko.
"Kahit saan ko tingnan ay walang dudang mas matanda ako sa 'yo," walang kaemo-emosyong sagot ko.
Tiningnan nito ang kabuoan ko at kumurba ang isang ngisi sa labi niya. "Kahit saan ko tingnan ay walang dudang mas matanda ako sa 'yo," pag-uulit niya sa sinabi ko.
Napaismid na lamang ako sa sinabi niya. Sigurado akong pinagti-trip-an ako nitong batang 'to. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon at lalong wala ako sa mood na makipaglaro sa kaniya.
"Tsk, bahala ka sa buhay mo."
Muli ko siyang tinalikuran. Akmang aalis na 'ko nang agad akong natigilan sa sunod na sinabi niya.
"I'm still talking to you, Cleofa."
Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. My eyes slowly widened. She just called my name. Muli akong napalingon sa kaniya. I looked at her, surprised.
Paano niya ako nakilala? Sigurado akong ito ang unang beses na nagkita kami. Kahit sa mga misyon na pinanggalingan namin ay hindi ko pa siya nakikita.
"Who are you? Paano mo 'ko nakilala?" tanong ko.
Napalunok ako nang malalim habang naghihintay ng sagot. Pinakitaan ako nito ng isang ngiti. Tila parang bumagal ang takbo ng oras kasabay ng pagbabago ng mga mata nito.
Her eyes turned . . . into a clock!
"I forgot to introduce myself."
"I'm Helena, principal of the Lunar Academy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top