49. Lost

PATULOY sa pagbagsak ang mga debris. Nararamdaman ko ang paggalaw ng lupa dulot ng mga pagsabog. Sigurado akong malapit na ring sumabog ang silid na ito. It felt like time slowed while everything was breaking apart.

Wala akong magawa . . . Nanghina na ang buong katawan ko at tanging paghawak na lamang sa katawan ni Helix ang nagawa ko.

"H-Helix."

Walang-tigil ang pagtulo ng mga luha ko. My heart is slowly tearing apart . . .

Bakit . . . kailangan niya akong iwan? Bakit ngayon pa? Okay na sana . . . tapos na sana ang lahat . . .

Bakit niya pa 'ko nagawang iwan?

"C-Cleofa!"

Napunta ang atensyon ko kina Alvis at King na nagmamadaling pumasok sa silid. Pareho ang naging reaksiyon nila nang makita si Helix.

"H-Helix," sambit ni Alvis. His eyes widened and sadness plastered his face. Agad kami nitong nilapitan.

Hindi sila makapaniwala nang makalapit sa amin. Alvis gritted his teeth out of anger, while King remained expressionless.

Mariing napakagat sa ibabang labi ang lalaking kaharap ko. "Sorry . . . we're late."

Tanging pagyuko ang nagawa ko. I don't have the strength to utter a word.

"Take them, Alvis, umalis na kayo."

Kapwa kaming natigilan ni Alvis sa sinabi ni King. I looked at him, confused. He remained expressionless without giving us a look. Nabigla ako nang pumunta ito sa gitna ng mga pillar. There are still two pillars left; hindi ito nagawang sirain ni Helix.

"Ano'ng gagawin mo, King?!" giit ni Alvis.

"Finishing what Helix started."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni King. Bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko.

"Hindi na kailangan! Masasama na rin 'yan sa pagsabog—" giit ko.

"Hindi sapat ang pagsabog para masira ito. Hindi natin puwedeng pabayaan na may matira sa mga pillar. Sigurado akong 'yon din ang gusto ni Helix," seryosong sagot ni King.

I bit my lower lip and gave him a desperate look. "Gagawin mo 'yon kapalit ng buhay mo?! Hindi ako papayag!" Pagmamatigas ko.

Sinubukan kong tumayo gamit ang natitirang lakas ko upang pigilan si King. Hindi puwedeng siya rin! Hindi puwede!

"Alvis, my first order as the master of the guild," may tonong pagpigil ni King. "Take them outside."

Para akong nabingi sa sinabi niya. Tanging ang pagsabog lamang ang naging tunog sa silid. Kumirot ang puso ko sa narinig. I immediately shook my head. Nang nagbalak uli akong lumapit ay hindi ako makapaniwala nang pigilan ako ni Alvis.

"A-Alvis, ano ba—"

Nagpumilit akong pumiglas kay Alvis. Pero natigilan ako at nawalan ako ng lakas nang makita siyang nagpipigil ng iyak.

"Please, Cleofa. T-This is my first and last task from him."

I was taken aback by his answer. Hindi pa ako nakakasagot nang agad niya akong buhatin. "Rio!" He summoned his familiar and the pegasus appeared. Agad niya akong isinakay rito at isinunod niya ang katawan ni Helix.

"A-Ano'ng ginagawa mo?! Hindi natin siya puwedeng iwan!"

Parang walang naririnig sa sinasabi ko si Alvis at hindi siya humihinto. Tears filled my eyes. Nahihirapan na akong huminga dahil sa sunod-sunod na paghikbi ko. Patuloy ako sa pag-iling.

Hindi puwede! Hindi namin puwedeng iwan si King!

Tuluyan na ring sumakay si Alvis sa pegasus at agad itong pinalipad.

"H-Hindi puwede!"

Parang bumagal ang takbo ng oras. Sa huling pagkakataon ay nagawa kong lumingon kay King. Kumurba ang labi niya sa isang ngiti. May sinasabi siya sa akin pero wala na akong marinig na boses na lumalabas sa bibig niya. Tanging ang paggalaw na lamang ng labi niya ang naging dahilan kung bakit ko naintindihan ang sinasabi niya.

"You can do it. I'm counting on you."

And just like that, the whole room was filled with black smoke.

"K-Keon!"

₪₪₪₪₪₪₪₪

TULUYAN na kaming nakalabas ni Alvis sa guild ng Trejon. Sunod-sunod pa rin ang pagsabog nito. Tuluyang nasira ang buong guild at nagsiliparan ang mga debris.

Bumungad sa amin ang mga kasama namin sa labas. Agad kaming sinalubong ni Xilah at ang iba pa.

"Cleofa!"

Sinubukan akong lapitan ni Risca, ngunit agad itong natigilan nang makita ang itsura ko. Napunta rin ang tingin niya sa katawan ni Helix at agad ring tumulo ang mga luha niya.

"Si K-Keon?"

Wala kaming maisagot ni Alvis sa tanong ni Aqua. Hindi maipinta ang mukha niya habang tinitingnan ang paligid para makita kung may nakasunod ba sa amin.

Nang hindi kami sumagot ay naintindihan na niya ang ibig naming sabihin at hindi na nagtanong pa. Nagsimula na rin siyang umiyak.

Walang nagtangkang magtanong sa akin. Wala ring nagtangkang lumapit. Alam nilang mas gusto kong mapag-isa ngayon at wala akong ganang makipag-usap.

Agad kong hinanap si Zail at laking tuwa ko nang makitang humihinga pa rin siya at ginagamot. Kahit na wala pa rin siyang malay ay masaya na akong makita na buhay pa rin ang kapatid ko.

Pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko. Kahit na sabihin naming nasira namin ang mga pillar, nagawa man namin silang talunin ...

We still lost.

Talo pa rin kami . . .

Sobra-sobrang sakit ang idinulot ng labanang ito. Sobra-sobrang sakit ang dulot ng ginawa ko. Dahil na naman sa akin.

I stared at the dark skies where the rain kept pouring.

We have lost two of our teammates. Two of our friends . . . two members of our family . . .

At dahil 'yon sa kapabayaan ko . . . sa kahinaan ko. Walang nag-akalang may mawawala sa amin. Lalong-lalo na sina Helix at King.

Bakit silang dalawa pa?

Bakit hindi na lang ako?

Mariin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi at mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko. Nanatili akong nakatingala sa langit at sinasalo ang bawat pagtulo ng ulan. Siguro kung hindi ko nakita si Zail no'ng gabing 'yon, hindi na kakailanganin pang dalhin ako sa academy.

Mas mabuti na lang siguro kung nagamit ko ang kapangyarihan ko noong kasama ko pa lang si Tito Alejo. Para hindi na umabot ang lahat dito.

Mas mabuti na lang na hindi ko sila nakilala—

Natigilan ako sa pag-iisip nang matauhan ako.

Mas mabuti? Hindi . . .

Sobrang saya ko nang makilala sila. Wala akong pinagsisihan nang mapunta ako sa academy. Hindi ko rin pinagsisihan na makita si Zail no'ng gabing 'yon.

I bit my lower lip as my tears started pouring down together with the rain.

Sigurado akong magagalit sa akin si Helix ngayon kapag nalaman niyang pinagsisisihan kong pumunta ng academy. Dahil kung hindi ko nakita si Zail at hindi ako napunta sa academy, hindi ko sila makikilala.

Kahit na umabot lahat dito, hindi ko 'yon pinagsisihan. I'm glad to be a student of Nocturne Academy. I'm so glad to be a member of the Deities.

Kung may dapat akong pagsisihan ay ang pagiging mahina ko. Kung napigilan ko lang sana agad si Helix na gamitin ang gift niya, hindi sana kakalat ang lason. Kung hindi lang sana ako natakot at nanghina, nagawa ko sanang pigilan si King. Wala sanang mawawala sa amin ngayon.

"C-Cleofa." Nakaramdam ako ng pagyakap sa likod ko. Dahil doon ay mas lalo pa 'kong humagulgol. Agad akong pinatahan ni Aqua.

"They're gone . . . there's nothing we can do about it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top