44. The Best Team
AGAD kaming pumunta sa puwesto ng gubat kung saan malapit ang Trejon guild. Sabi ni Taliyah ay kailangan naming makalapit sa guild ng Trejon upang magamit ng familiar ni Jester ang kakayahan niya.
Naguluhan pa 'ko no'ng una pero ngayong na-summon na ni Jester ang familiar niya ay naiintindihan ko na.
Jester's familiar was an owl. At hindi basta-bastang owl—may kakayahan itong x-ray vision.
It can see through things. Pero tanging eksaktong bagay lamang ang nakikita nito. Kung upuan lamang ang ipinapahanap sa kaniya ay tanging mga upuan lamang ang makikita niya sa loob ng guild.
"How many people are in there, Bleah?" sambit ni Jester sa familiar niya.
Nais niyang alamin kung ilang gifted ang nasa loob ngayon ng guild. Hinintay kong sumagot ang owl pero nabigo lamang ako nang hinawakan lang ito ni Jester at nalaman na niya ang mga nakita nito.
Akala ko pa naman magsasalita.
"37 people. Including Zail," sambit ni Jester.
Pare-pareho kaming natahimik sa sinabi niya. My eyes slowly widened in disbelief.
37?! Halos apat na beses na mas marami sa 'min! Sampu lang kaming nandito!
"Base rin sa nakita ni Bleah, mukhang nasa dulong silid si Zail. May kasama itong isang gifted, mukhang ang master ng guild na 'to," dagdag ni Jester.
Nakuha nito ang atensyon ko. Nasa dulong silid si Zail at ang master ng guild . . .
Wala akong ideya kung sino ang master nito dahil hindi ko pa ito nakikita. Mariin akong napahawak sa laylayan ng damit ko. Pero sisiguraduhin kong magbabayad siya sa mga nagawa niya.
"Keon."
Bigla na lamang sumulpot si Eva malapit sa amin na may pagkabahala sa mukha. "There are two owners of the gorgon inside."
Natigilan kaming lahat at napaawang ang mga bibig namin. Muling namilog ang mga mata ko at napataas ang dalawa kong kilay.
Two of them?! Isa pa nga lang, sakit na sa ulo, dalawa pa kaya?!
Tanging sina Xilah at Kyera lamang ang nagawang makipaglaban kay Zeo nang harapan. At ni isa sa kanilang dalawa ay wala ngayon. Paano namin—
"Let me handle one of them."
Nabasag ang katahimikan nang nagsalita si Taliyah. Lahat kami ay napatingin sa kaniya.
"W-What? Are you sure?!" tanong ni Rivan dito.
Isa si Rivan sa mga saksi kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga gorgon pati na rin ang gifted na owner ng mga ito. Kasama si Rivan no'ng inatake kami nina Zeo noon.
"Ano'ng tingin mo sa akin? Mahina?" sarkastikong sagot ni Taliyah. She fixed her glasses.
Napaismid na lamang si Rivan sa sinagot niya. "Tsk, then I will go too," seryoso niyang sagot.
Desidido siyang tumingin sa babaeng nagpresintang humarap sa gorgon. Napabuntonghininga na lamang si Taliyah at hindi na siya nakipagtalo pa at pumayag na lang.
"Then I'll handle the other one," sambit ni Aqua. Nalipat ang tingin namin sa kaniya.
King nodded in response. Walang umangal sa sinabi niya. Kahit pa kayang gawing bato ng gorgon si Aqua ay alam kong magagawa niya itong talunin. Hindi magpepresinta si Aqua kung hindi niya ito kaya.
"Eh, ako na ang bahala sa kaniya, Miss—"
"No."
Nahinto sa pagsasalita si Helix nang sumabad rito si King. "Dumeretso ka sa silid kung nasaan ang pillars at sirain mo na 'to."
Tila natauhan si Helix. That's the plan from the beginning.
"Sigurado akong nandoon na naman 'yong lalaking kumokontrol ng hangin. Ako na ang bahala sa kaniya," presinta ni Alvis. "Babawi ako sa ginawa niya sa akin. Pasalamat siya at hindi ko magamit ang gift ko no'n," dagdag niya.
Natandaan ko ang unang pagkikita nilang dalawa. Wala kaming laban ni Alvis noon dahil pareho kaming hindi makagamit ng gift. 'Buti na lamang at dumating sina King at Aqua.
"Speaking of that—here," pagsali ni Taliyah sa usapan.
Inabutan kaming lahat ni Taliyah ng pills. "If ever na mabaril kayo at hindi n'yo magamit ang gift n'yo, drink that," aniya.
Napatingin ako sa pill na inabot niya sa akin habang nakikinig sa kaniya.
"Kumuha ako ng sample ng dugo ko nang mabaril kami at hindi magamit ang gift namin. And I managed to make an antidote," dagdag pa niya.
I looked at her, astonished. Hindi ko mapigilang mapahanga kay Taliyah. Kahit sina Helix ay napaawang ang bibig sa sinabi nito. Ibang klase talaga ang talino niya.
"Okay then, ikaw na ang bahala kay Zail, Cleofa."
Napunta ang atensyon ko sa sinabi ni King. Hindi ako nagdalawang-isip na tumango rito.
"Ako na ang bahala sa kaniya," sagot ko.
"Sasama ako sa 'yo," sambit ni Risca sa akin. Napangiti ako rito at tumango.
"Make sure na mag-iingat kayo. Kung sa tingin n'yo ay masyadong maraming kalaban ay umatras muna kayo," paalala ni King sa amin. "Remember our objective."
"Okay! Let's—"
"Aray!" pagsingit ng isang boses.
Napunta ang lahat ng atensyon namin kay Helix nang bigla na lang itong napaupo. Agad siyang inalalayan ni Francel na pinakamalapit sa kaniya.
"Ano'ng nangyari—" Agad akong lumapit dito at natigilan ako nang makitang tinuklaw siya ng ahas.
Napabuntonghininga si Taliyah. "It's a freaking python. Hindi ka mamamatay kapag tinuklaw ka niyan. Tsk, akala ko pa naman kung ano."
Naglaho ang pag-aalala ko. Agad nawala ang kaba ko dahil dito.
Buwisit na Helix 'to, sobrang mag-react. Nang tingnan ko ang natuklaw rito ay maliit lamang ito.
"Pero nakakapagtaka. Hindi naman kasi nanunuklaw ang mga python. Baka siguro tinapakan mo."
Sumimangot sa sinabi ni Taliyah si Helix. His nose crinkled and he gave her an annoyed look.
"Huh?! Ano'ng tingin mo sa 'kin? Tanga? Hindi ko makikita, eh ang laki-laki niyan?!" giit ni Helix.
"Aba, malay ko sa 'yo."
Mas lalong napasimangot ang lalaking kasama ko. Bago pa tuluyang mag-away ang dalawa ay agad na itong inawat ni Aqua. Pinagaling ni Risca ang maliit na sugat ni Helix upang tumigil na ito sa pag-iinarte.
"Tumigil na nga kayo," pagpipigil ni Aqua.
Napaismid si Helix at walang-ganang inilipat ni Taliyah ang tingin niya. Tanging pag-iling ang nagawa ng ibang kasama ko habang nanonood.
"Let's get started," pag-iiba ni King.
Pare-pareho kaming naging alerto at naghanda. Kita ko ang pagkurba ng isang ngisi sa labi ni Alvis habang nakatingin sa kabuoan naming lahat.
"The king and queen of Deities, together with the S Class guild and the heir and heiress of the greatest gods and goddesses?" nakangiting sambit niya. He chuckled.
"Man, this is going to be the best team."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top