42. Change of Plans

THE moonlight was the only light in the room. Pumapasok ang malamig na hangin sa malalaking mga bintana. Agad kaming nagtipon-tipon sa harap ng guild. Kyera is also here together with her teammates.

"Buwisit talaga 'yong siraulong 'yon!" iritadong sambit ni Kyera.

Mariin siyang napakagat sa kuko niya sa hinlalaki habang nakakunot ang noo. Kahit si Aqua ay bakas sa mukha ang pag-aalala at pagkairita.

I bit my lower lip out of frustration. Nakakainis talaga 'yong kupal na 'yon! Hindi ko inakala na no'ng sinabi niyang ililigtas niya si Zail ay ibig sabihin niya na pupunta siya sa Trejon guild mag-isa!

"Wala pa si Xilah, we can't go—"

"We can't leave him alone!"

Natigilan si Jester sa sinabi ko. Nangungusap ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.

Alam kong tama siya, pero hindi namin puwedeng pabayaan lamang si Helix . . . he's one of us!

"Tsk, ano ba ang balak ng g*gong 'yon?" komento ni Alvis. Kahit mukha itong kalmado ngayon ay alam kong nag-aalala rin ito kay Helix.

"He probably thinks he can handle it alone. He's planning to destroy the pillars and save Zail," sagot ni Taliyah.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. "H-He already mastered using the white flames?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Isang tango ang isinagot ni Taliyah sa tanong ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ibabang uniporme ko. That jerk! Masyado na naman niyang pinapairal ang kayabangan niya!

"W-We can't wait here! We need to—"

Maglalakad na dapat ako paalis nang agad akong pigilan ni King. "We can't go, Cleofa. Delikado, siguradong trap lang ito," pigil niya.

I was taken aback by his answer. Bumalik na naman ang pagkainis ko kay King. Paano niya nagagawang sabihin 'yon?

"I thought you're different," walang kaemo-emosyong sambit ko. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Walang-ekspresyon kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Paano ko magagawang maghintay rito kung alam kong may magagawa ako?!"

"You can't save them, Cleofa!"

I flinched when King shouted. He has a serious expression, trying not to make our eyes meet. Ngayon ko lang siya narinig sumigaw. Kusang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko nagawang makasagot. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan nang basagin uli ito ni King.

"You can't save them on your own . . ."

Nabigla ako sa sunod na sinabi niya. Nang tingnan ko si King ay agad kumurba ang isang ngiti sa labi niya at nagtama ang mga tingin namin.

"We'll go with you," nakangiting sambit niya.

Nawala ang mabigat na tensyon at pakiramdam na nararamdaman ko. Mabilis na lumambot ang puso ko sa narinig. Naramdaman kong tutulo na naman ang luha ko.

"B-But, King—" pag-aalangan ni Kyera.

"Change of plans," pagsingit niya. "Kyera, stay here. Abangan mo sina Xilah," sambit ni King kay Kyera na agad na ikinabigla nito.

Kumunot ang noo ni Kyera sa amin. "Seryoso talaga kayong pupunta kayo roon?" hindi makapaniwalang tanong niya sa desisyon namin.

Hindi kami sumagot at tinapunan lang namin siya ng tingin. The silence was enough to show our answer. Napabuntonghininga na lang siya nang makitang buo na ang desisyon namin.

"We really just can't leave that rookie alone, huh?" sagot ni Kyera sa sarili niya.

I flashed a smile. Yup, we just can't leave that jerk alone.

"Sasama rin ako," sambit ng lalaking bagong dating.

Napunta ang tingin namin kay Rivan sa sinabi niya. "It's a senior's duty to look after the rookies, right?" dagdag niya.

"Just make sure na hindi ka magiging pabigat, Charmy boy," sagot ni Aqua rito.

Sumimangot si Rivan sa sinabi niya. I chuckled when I saw his expression.

"Sasama rin kami," sambit ni Taliyah, together with Jester and Francel.

Napatitig ako sa aming lahat. There are 6 Deities together with 3 Avelites, not counting Kyera. Hindi siya kasama dahil aabangan niya sina Xilah.

"So, ito na tayo?" sambit ni King habang tinitingnan ang mga kasama namin. "I guess Trejon guild were not that strong, huh?" sarkastikong dagdag niya.

Kyera smirked while shaking her head. Well, there are only nine of us and there are dozens of gifted in that guild. Not to mention that most of them are strong and have pain-in-the-ass familiars.

"Don't worry, Keon, ako na ang bahala pagdating namin doon. So make sure leave some for me, okay?" nakangising sambit ni Kyera.

Isang ngiti ang isinagot dito ni King. "Then better hurry, puma. Baka maubos ko na sila bago kayo makarating."

Napalunok ako nang malalim sa usapan nila. Ibang klase silang mag-usap. Parang hindi delikado ang buhay namin dito.

"Pero paano tayo makakapunta roon?" Natigilan kami sa biglaang tanong ni Risca.

"Two hours ang biyahe mula rito papuntang Resoir. Siguradong hindi na rin natin maaabutan si Helix," ani Alvis.

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Hindi puwedeng hindi namin maabutan si Helix dahil siguradong hindi pa siya nakakapasok sa guild ng Trejon ay malilintikan na siya. Knowing him, siguradong wala siyang plano at tanging nasa isip niya lang ay ang pagliligtas sa kapatid ko at ang pagsira ng pillars.

"No choice then." Napunta ang atensyon namin kay Taliyah. Malalim siyang huminga.

"Cain and Abel." Parang sumabay sa hangin ang boses niya.

Tila isang malakas na hangin ang tumama sa aming lahat. Nag-summon ito ng familiar niya. Nag-abang ako ng paglabas ng kung anong nilalang, pero ang labis na ipinagtaka ko ay dalawang lalaki ang sumulpot.

Don't tell me—?

"The boreads," sambit ni Alvis. "Known as the wind brothers," dagdag niya.

Bigla na lamang nagkaroon ng pakpak ang dalawang lalaki at kumapit sa isa si Taliyah.

"Ano pa'ng hinihintay n'yo? Kumapit kayong mabuti. Walang may kasalanan kung mahulog kayo," aniya.

Nagkatinginan muna kaming lahat na bakas sa mukha ang pag-aalinlangan. Pero sa huli ay sinunod namin ang sinabi niya at agad kaming kumapit sa isa sa kanila.

"They can be one with the winds. Makakarating tayo roon within 30 mins, maaabutan natin si Helix. At hindi rin nila mapapansin ang pagpunta natin doon," sambit ni Taliyah.

I looked at her, dumbfounded. Humanga ako sa sinabi niya. Ibang klase talaga ang Avelites. They're completely on a different level.

Nang nakasabit na kami sa familiar ni Taliyah ay nagsimula na itong lumipad.

"Don't you dare die! Or else, I will kill you!"

Napasinghap na lamang ako sa pahabol na sinabi ni Kyera na nakaangat ang tingin sa amin.

Ano pa ba'ng choice namin?

NAGSIMULA na kaming makalayo sa academy. Hindi ko mapigilang mapahanga sa magkapatid na lalaki na 'to. Nagagawa nilang makalipad nang mabilis habang hindi man lang nahihirapan. For Pete's sake, anim kaming buhat-buhat nila!

"Cleofa."

Bigla na lamang akong tinawag ni King. Hindi ko napansin na kasama ko pala siyang nakasabit dito.

"I want to apologize sa nasabi ko kanina." He has a serious expression. "I'm sorry. Hindi gano'n ang ibig kong sabihin."

Natigilan ako sa narinig. Napakurap-kurap ko siyang tiningnan. Hindi ko inaasahan na magso-sorry siya. Hindi ko mapigilang ma-guilty dahil mayroon din naman akong pagkakamali.

"N-No, I'm sorry. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Nadamay ko pa ang gift mo," sagot ko.

Isang ngiti ang ipinakita sa akin ni King.

"So, quits na, ha?" He sincerely smiled.

"Let's go get Helix and save Zail."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top