41. Trap

IT felt like time stopped and I was frozen in my place. Hindi na nagawang tuluyang makalapit ng malaking puting lobo sa amin dahil agad rin itong natumba. Mabilis itong nilapitan nina Risca upang tingnan ang kalagayan nito.

Naiwan akong naestatwa sa kinatatayuan ko. I bit my lower lip to stop myself from crying.

"A-Ano'ng ginagawa ng lobo rito? Hindi ba walang—"

Pinilit kong tumawa upang pigilan ang luha ko. Tama, nagkakamali lang ako . . . Isang naligaw lang na lobo 'yan sa academy. Imposibleng si Delta 'yan.

"I-Imposibleng si D-Delta, 'yan hindi ba? I mean, k-kasama niya ang kapatid ko—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng mainit na bisig. Marahan akong niyakap ni Helix na bakas din sa mukha ang seryoso at malungkot na ekspresyon. Mabilis na nagsituluan ang mga luha ko.

"N-No, n-no—"

My knees suddenly got weak. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagyakap sa akin ng lalaki sa likuran ko.

Hindi, hindi puwede! Imposible! Nakasama ko pa siya—

"K-Keon." Hindi makapaniwala si Aqua sa nakikita.

Kahit si King ay tila nabigla rin sa nakita. Katulad namin ay hindi rin ito agad nakagalaw sa puwesto niya.

"T-That's Delta . . . Walang ordinaryong lobo na kasinlaki ng sasakyan," sagot ni King.

Nanlumo na ako sa narinig. Parang tumigil ang takbo ng mundo ko.

Ano'ng ginagawa niya rito?! Hindi ba dapat kasama niya ang kuya ko?!

"Ano'ng ibig sabihin niyan?!" giit ko.

Mariin na napakagat sa ibabang labi ang guild's master namin.

"Tsk, nalaman na nilang traydor si Zail. Buwisit, wala na tayong access sa Trejon."

Natigilan ako sa sinabi ni King. Para akong nabingi sa narinig. My mouth fell open and I gave him a look of disbelief. Agad kong tinanggal ang pagkayayakap sa akin ni Helix at hinawakan ko sa kuwelyo si King.

"ANO'NG SINASABI MO?! PINOPROBLEMA MONG WALA NA TAYONG ACCESS SA TREJON?! PAANO ANG KAPATID KO?!!"

Naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko sa sinabi ni King. Hindi ko mapigilan ang sarili kong saktan siya sa sinabi niya.

"C-Cleofa—!"

I felt my eyes change. Parang nagdidilim ang paningin ko at wala akong ibang naririnig. Nabitiwan ko ang pagkakaahawak sa kuwelyo ni King at natagpuan ko na lang ang sarili kong napapalibutan ng itim na usok. Namamatay ang mga halaman at damong natatamaan nito na nagkulay abo.

"T-This is Keon's gift—" hindi makapaniwalang sambit ni Aqua.

"Cleofa!" rinig kong tawag ni Helix.

Unti-unting tumaas at lumaki ang itim na usok. Ngunit bago pa ito tuluyang kumalat ay mabilis itong nawala.

The last thing I remembered was lightning striking behind me and a wall of fire surrounding me. Then everything went black.

MARIIN akong napapikit nang maramdaman kong tumatama ang sinag ng buwan sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ang tingin ko sa paligid.

It's already night . . . mukhang isang kuwarto ito sa guild. Ilang oras akong walang-malay?

Dahan-dahan akong napabangon. Napahawak na lang ako sa ulo ko nang sumakit ito. Napangiwi akong napahawak dito. Ang sakit—

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Natauhan ako nang makita si Aqua sa tabi ng kama. Hindi ko namalayan na nandito pala siya—

"Ang sabi ko, okay na ba ang pakiramdam mo?" pag-uulit nito.

Napalunok ako nang malalim. Hindi ko mapigilang matakot sa tono ng pananalita niya.

"Oo—"

Hindi pa 'ko tapos sumagot ay nakaramdam na 'ko ng malakas na batok mula rito. "Aray!" Nakasimangot akong humarap kay Aqua. Balak ko sanang magreklamo nang magsalita siya.

"Alam mo ba ang ginawa mo?!"

Aqua's voice echoed throughout the room. Umatras ang dila ko sa sigaw niya. Hindi ko mapigilang ma-guilty. Masyado akong nadala ng emosyon ko.

"Muntik mo na kaming mapatay, Cleofa! Muntik mo na rin ipahamak ang sarili mo! Na naman!"

Napayuko na lamang ako. Wala akong magawa kung hindi tanggapin ang lahat ng sermon niya.

"For Pete's sake, you took Keon's gift! Hindi mo naman kayang kontrolin 'yon! Kahit si Keon ay hindi pa masyadong makontrol ang gift niya!" Aqua burst out in anger. "Mukhang hindi mo pa nga alam kung ano ang gift ni Keon, eh!"

I flinched when she shouted. I bit my lower lip. Unti-unting humihigpit ang pagkakahawak ko sa kumot habang nanatili akong tahimik.

"Wala kaming magawa. Hindi namin magawang makalapit sa 'yo dahil sa oras na madikit kami sa usok ay siguradong patay kami." Nagbago ang ekspresyon niya. "The only choice was to knock you out. Kung ako nga lang ang masusunod ay hindi na kailangang protektahan ka ni Helix dahil dapat lang sa 'yo 'yon," aniya.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi upang pigilan ang sarili kong umiyak. Paiyak na dapat ako dahil sa pagiging guilty ko nang bigla akong yakapin ni Aqua. Nabigla ako nang maramdamang umiiyak siya.

"Don't do that again, okay? I was really f*cking worried, you little sh*t."

I was taken aback by her answer. Agad ko siyang niyakap pabalik. I really hate seeing Miss cry. But most of the time, I'm the reason why she's crying.

"P-Pero si Zail—" My voice cracked. "Ang kuya ko—"

"He's fine, okay? Ano'ng sinabi ko sa 'yo? He's strong. Much stronger than me. He wouldn't die that easily."

Tuluyan na 'kong umiyak sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit niyang yakap-yakap ko. I really hope that he's fine. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may mangyari sa kaniya.

He'd already done enough . . . ayokong mapahamak siya dahil sa akin.

Umalis sa pagkakayakap sa akin si Aqua at seryosong tumingin sa akin. "Sadya niyang pinapunta rito si Delta para balaan tayo. Siguradong gagamitin ng Trejon si Zail para i-trap tayo." Seryoso niya 'kong tiningnan gamit ang nangungusap niyang mga mata. "Once na namatay ang owner ay awtomatikong mawawala ang familiar nila. Delta is still here: that means Zail is still alive," pagpapagaan ng loob ni Aqua sa akin.

"Don't worry, okay? Once na makabalik si Xilah, ililigtas natin siya."

Nanatiling mababa ang tingin ko. Isang pilit na tango ang isinagot ko sa sinabi niya. Tumayo si Aqua sa pagkakaupo at pumunta na sa harapan ng pintuan.

"Magpahinga ka na, Cleofa," aniya bago tuluyan nang umalis ng silid.

I was left alone in the room. Malalim akong huminga.

Kahit pinagaan na ni Aqua ang loob ko ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Mag-isa lang ang kapatid ko sa Trejon at maaaring may masamang mangyari sa kaniya . . .

Paano kung—?

"Buhay ka pa?"

I was startled when someone suddenly appeared in front of me. Para akong aatakehin sa puso nang biglang sumulpot sa harapan ko si Helix. "N-Nakagugulat ka!"

Bigla na lang itong napunta sa tabi ng kama at nakatapat ang mukha nito sa akin. "Tsk, kumakatok ako, hindi mo binubuksan," nakasimangot niyang sagot.

Napaismid na lamang ako sa sinabi niya. Tsk, kahit kailan talaga.

Pasimple akong napairap bago umiwas ng tingin sa kaniya.

"Iyak ka nang iyak, papangit ka lalo niyan."

My nose crinkled because of irritation. Balak ko sanang sagutin ang lalaking kaharap ko nang matigilan ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni Helix sa pisngi ko at bumungad sa akin ang malawak niyang ngiti.

"Don't worry. I'll save him," nakangiting sambit niya.

I paused when our eyes met. It felt like time slowed. Kumikislap ang mga mata niyang tinatamaan ng sinag ng buwan. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Pilit kong itinago ang saya ko at agad ko itong sinungitan.

"Tsk, baka ikaw pa ang tulungan ni Zail kapag nagkita kayo."

Helix pouted and his nose crinkled. "Tsk, coming from you. Hindi mo nga makontrol ang kapangyarihan mo—"

Hindi nito itinuloy ang sasabihin niya nang matauhan siya.

"I'm sorry."

Napaismid na lamang ako sa sinabi niya. "Tsk, totoo naman."

Nakaramdam na naman ako ng lungkot nang maalala ko ang nagawa ko. Nagagamit ko na nga ang gift ko pero hindi ko naman ito makontrol.

"T-Thank you for saving me. Walang talaga akong kwenta—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan ni Helix ang ulo ko. Agad akong napatingin sa kaniya. For the second time, it felt like my heart skipped a beat. Idinikit ni Helix ang noo namin sa isa't isa.

"Kahit ilang beses pa na mangyari 'yon, ililigtas kita." He chuckled.

Naiwan akong tulala sa ginawa niya. Nang alisin ni Helix ang pagkakadikit ng mga noo namin ay muling nagtama ang mga mata namin.

"So, leave the rest to me."

He smiled before leaving the room. Naiwan akong tulala sa nangyari. Hindi man lang ako nakasagot sa mga sinabi niya . . . sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Time passed. It's been an hour since Helix left my room. Nanatili akong nakatingin sa bintana ng silid.

Hindi ako makatulog. Paano ako makakatulog kung ganito ang nangyayari?

"Cleofa!"

Nabigla ako nang biglang pumasok sa kuwarto si Risca. Ang bilis ng paghinga niya at halatang natataranta.

"T-Tsk, nawawala si Helix!"

Kusang namilog at tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. Natigilan ako sa sinabi niya.

Don't tell me—

"That jerk went to Trejon on his own!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top