4. First day of Classes

NAGISING ako dahil sa ingay na ginagawa ng kasama ko sa dorm. Hindi mapakali si Luxxine at kung ano-anong libro ang pinagdadala niya. Natatawa akong napailing at hindi na rin ako nag-aksaya ng oras para mag-ayos.

Ito na ang araw na pinakahinihintay ko. Unang araw ng klase. Siguro ay nahawa na rin ako kay Luxxine dahil sa pagiging excited sa unang araw ng klase.

Sabay kaming pumunta sa klase namin. Pareho kami ng section. Nahahati lang kasi sa dalawa ang klase ng mga rookie. Sa unang linggo lang naman daw ito dahil pansamantala lang ang sections.

Kapag na-summon na raw namin ang mga familiar namin ay puwede na kaming sumali ng guilds.

Mayroong guilds dito sa academy na maaari naming salihan, at doon kami makakukuha ng mga mission namin na kasama ang seniors at masters.

"Excited na 'ko, Cleofa!" masiglang sabi sa akin ni Luxxine.

Napakapit ito sa braso ko at hindi pa rin nawawala ang excitement niya. I sighed before flashing a smile. Napapaisip din tuloy ako kung ano ang gagawin namin ngayon araw.

Nang makarating kami sa klase ay may kani-kaniyang buhay ang mga estudyante. Umupo kami sa mga bakanteng upuan.

Hindi rin nagtagal ay nagsiayos ang lahat nang pumasok ang unang guro namin. Isang matabang lalaki ang bumungad sa amin. He has a mustache, and he's also wearing a jumpsuit. Kapansin-pasin din ang kumikinang nitong noo.

"Good morning, students! I'm Sir Saremo, and I'll help you to have your familiars," nakangiti niyang sambit.

Iba-iba ang naging reaksiyon namin sa sinabi ni Sir Saremo. Lahat kami ay excited makuha ang magiging familiar namin.

"Ahh!! Cleofa, OMG!!" masiglang sambit ni Luxxine. Hindi ko mapigilang mapangiti sa reaksiyon niya.

Kumuha ng chalk si Sir Saremo at isinulat nito ang salitang familiar sa blackboard.

"Familiars were also known as the creatures who served as the protectors and companions of the gods and goddesses before," panimula ng guro namin.

"Katulad ng mga gift ay nanggaling din sa mga diyos at diyosa ang mga familiar natin."

"But unlike our gifts that were passed down from generation to generation, familiars have the freedom to choose their own masters."

Everyone looked at our teacher with amazement. Pare-pareho kaming humahanga sa paraan niya ng pagtuturo pati na rin sa mga impormasyon na nalalaman namin.

"Some of them choose their owners by their strengths or appearances, while some of them . . ."

Tumigil sa pagsusulat si Sir Saremo at hinarap niya kami. Nakangiti siya habang pinagmamasdan kaming lahat.

". . . already chose their owners before they were even born."

Hindi mawala ang tingin ko sa aming guro lalo na nang magtama ang mga mata namin. I suddenly felt like he was talking directly to me.

"Okay, class! Tara sa open grounds!" muling sambit ni Sir Saremo.

Mabilis na nagsitayuan at nag-unahan ang mga kaklase ko sa paglabas. Nasama ako sa siksikan nila nang tumayo ako at sa hindi inaasahan ay may nasanggi ako.

"A-Ay, sorry," hinging paumanhin ko.

"Bulag ka ba?" galit na sabi ng babae.

Napasinghap ako sa sinabi ng babaeng nasanggi ko. A girl with fair skin and black hair with blue highlights. Her dark blue eyes match her hair and enhance her long lashes. She's also wearing a red uniform like me.

Kumunot ang noo ko nang magtama ang mga mata namin. Masama ang tingin niya sa akin. What is her problem?

"Oo, nagdidilim ang paningin ko sa 'yo eh," walang takot na sagot ko rito. I answered without thinking twice.

"B-B*tc— "

"Risca, tara na."

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang hilahin na siya ng kaibigan niya. "Pasensya na sa kaniya," sabi ng kaibigan niya.

Isang tango ang isinagot ko rito. Sinundan ko sila ng tingin nang daanan nila ako. That girl has an attitude. Sa tingin ba n'ong Risca na 'yon ay magpapaapi ako sa kaniya? I've read many books before, and I know characters like her. She's the type that I don't like.

Nakarating kami sa open grounds at excited ang mga estudyante sa gagawin namin. Napunta ang tingin ko kay Risca na inirapan ako. Napabuntonghininga na lamang ako at napailing. Sige lang, sulitin mo. Kapag napuno ako sa 'yo, makikita natin kung sino talaga ang bulag.

"Okay, class! Find your happy place. Siguraduhin n'yong may espasyo ang napili n'yo para makapag-summon kayo," sambit ni Sir Saremo.

Kani-kaniyang puwesto ang mga kaklase ko. Naghiwalay kami ng puwesto ni Luxxine at naghanap na 'ko ng puwesto ko. Pumwesto ako malapit sa gubat sa likod ng kastilyo. While she went to the open field on the left side of the academy.

I glanced at the forest to see the light blue trees dancing with the wind. Nag-iiba ang kulay ng mga puno kada oras. Nakikihalo ito sa kulay ng langit. Rather than a forest, it looks like a sea.

"Okay, class! Now put your hands on the ground or water!" sigaw ng guro.

Nilalakasan ni Sir Saremo ang boses niya upang marinig namin siya kahit malayo. Sinunod ko ang sinabi niya. Tiningnan ko rin ang iba at ginawa rin nila 'yon.

"With all your heart and strength, repeat the words, sas kaló ypálliló mou."

Just like what he said. We all did the same.

"Sas kaló ypálliló mou!" bigkas ko.

Napapikit ako at mariin na napakagat sa ibabang labi habang hinihintay ang mangyayari. Seconds passed when I felt like nothing happened. Nang imulat ko ang mga mata ko ay walang nagbago. Walang nangyari.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko kung may na-summon sila ngunit wala ring nangyari.

Natawa si Sir Saremo sa mga reaksiyon namin. "Sa tingin n'yo ba ay gano'n lang kadali 'yon? Kung gano'n lang kadali 'yon, eh 'di sana kahit hindi ka gifted ay makapagsu-summon ka," natatawang sambit nito.

Napasinghap ako sa sinabi ni Sir Saremo. Hindi nakaangal ang mga kaklase ko sa sinabi niya.

He's right . . . familiars once served the gods and goddesses. Hindi lang basta-basta ang pag-summon.

"You need to work on your familiar's trust and loyalty. Hindi n'yo lang alam, pero ang iba sa mga familiar n'yo ay tinitingnan na kayo ngayon at hinihintay ang tamang oras para makipag-seal sa inyo. Try harder. Show them that you, as their masters, deserve their loyalty," pagpapaliwanag ni Sir Saremo.

"Well, you don't have to worry. Marami kayong araw para i-summon ang mga familiar n'yo. Pero i-che-check ko kung may progress ba kayo sa susunod na limang araw. Good luck," dagdag niya.

Iniwan kami ni Sir Saremo sa grounds. May mga kaklase akong umulit at hindi sumuko sa pag-try na i-summon ang mga familiar nila.

Huminga ako nang malalim at sinubukan ko uli.

"Sas kaló ypálliló mou!"

Napapikit ako matapos sumigaw. Pero nang imulat ko ang mga mata ko, kagaya no'ng una kong pagsubok, ay wala pa ring nangyari.

Malalim akong napabuntonghininga.

What do I need to do to have my familiar's trust?

Inilibot ko ang tingin ko sa mga kaklase ko para makita ang mga ginagawa nila. Napagpasyahan kong bumalik sa loob ng kastilyo at mamaya na 'ko mag-eensayo. Gusto ko munang mag-isip-isip.

"Cleofa, babalik ka na?!" rinig kong tawag sa akin ni Luxxine.

Agad akong napalingon sa puwesto niya. I flashed a smile and nodded. "Oo! Good luck!"

Bumalik ako sa loob ng kastilyo at napagpasyahan kong pumunta ng library. Na-miss kong magbasa-basa ng mga libro. Kahit malaki ang kastilyo ay madali ko namang natandaan ang mga pasikot-sikot dito dahil naglibot kami kahapon.

Nang makarating ako sa library ay bumungad sa akin ang mga pixie na nag-aayos ng mga libro. Sila ang tagapangalaga rito sa library namin.

Nalula ako nang pumasok ako sa loob at makita ang kabuoan nito.

For Pete's sake, there are four floors inside the library. There are books that are floating, and even the shelves are moving on their own.

Nakatingin ako sa itaas habang naglalakad dahil sa pagkamangha. Kumuha ako ng mga libro na maaaring basahin at mayroong nakakuha ng atensyon ko.

Ang librong ipinakita sa akin ni Luxxine at ang librong binabasa sa akin ni Mama.

The book called The Gifted.

Hindi ako nagdalawang-isip na kunin ito at pumwesto sa dulo ng library. It looks like I'm the only student here inside.

Nang buklatin ko ang libro ay bumungad sa akin ang pinagmulan ng mga gift. Kagaya ng sinabi sa akin ni Luxxine, nakuha nga namin ang mga gift namin sa mga diyos at diyosa—Greek gods to be exact.

Nabasa ko rin ang iba't ibang creatures na nag-e-exist dito. Kabilang na roon ang mga nymph. Mayroon silang kakayahan na makapang-akit ng mga tao gamit ang mga boses nila at pinapupunta nila ito sa tubig hanggang sa malunod sila.

Doon ko natandaan ang muntikan ko nang pagkalunod sa lawa noong nakaraang araw. Kung hindi lang siguro dumating 'yong lalaking 'yon . . .

I shook my head. Eh! Never mind! His attitude sucks!

Nagbasa lang ako nang nagbasa sa library kaya hindi ko napansin ang oras. Nagulat na lang ako nang may pixie na pumunta sa table ko at sumenyas na kumain na 'ko.

I chuckled because of her cute gesture. "Thanks."

Tumayo ako at ibinalik sa lalagyanan ang mga librong binasa ko bago umalis sa library. Napasilip ako sa bintana at bumungad sa akin ang dalawang bilog na buwan. Tumatama ang sinag nito sa akin habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo.

Pumunta ako sa dining hall at doon ko nakita si Luxxine na kumakaway sa akin. Kumuha muna ako ng pagkain ko at pumwesto sa tapat niya.

"Saan ka galing, Cleofa? Sayang, wala ka kanina," sambit niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. "Bakit? May nangyari ba?"

Luxxine's eyes suddenly sparkled with excitement. Lumapit siya sa akin bago sumagot. "May nakapag-summon na ng familiar sa klase natin!" masiglang sambit niya.

My eyes widened in surprise. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Luxxine.

"Sino?"

Lumingon sa magkabilang gilid niya si Luxxine bago mas lalong lumapit sa akin. Pasimple niyang itinuro ang lalaking nasa likuran ko na agad kong nilingon.

A guy with very fair skin and jet-black hair. He looks like a kind-looking guy. His expressions are soft and light. It looks like he's having fun eating with his friends.

"He's Alvis. Ang pagkakaalam ko ay heir siya ni Zeus," sambit ni Luxxine.

Halos maibuga ko ang pagkain ko sa sinabi niya. I blinked thrice because of amazement.

"Z-Zeus?!" hindi makapaniwalang sambit ko.

Isang tango ang isinagot ni Luxxine sa akin. Zeus is the god of thunder! Aasahan ko nang malakas ang gift niya!

"At alam mo kung ano ang familiar niya?" dagdag ni Luxxine. Hinintay ko ang susunod na sasabihin nito.

"Of course, it's no other than the pegasus."

Tumaas ang dalawa kong kilay at napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"He named it Rio. Ang angas, hindi ba? Ang suwerte na niya sa gift niya 'tapos pati rin sa familiar," nakangiting aniya.

Tanging pagtango na lamang ang naisagot ko sa sinabi ni Luxxine habang nakatingin sa lalaking kumakain. Pinagmasdan ko itong mabuti habang nginunguya ang pagkain ko. I bet he's an amazing gifted.

"Ay, meron pa pala! Sa kabilang section daw meron na ring nakapag-summon ng familiar niya," pag-iiba ng babaeng kaharap ko.

Muling bumalik ang atensyon ko kay Luxxine at hinintay ko itong magsalita. "He's the fire god's heir 'ata, eh. Hindi ko siya kilala, pero malakas din ang nakuha niyang familiar," sambit niya.

"Sino naman ang na-summon niya?" tanong ko.

"Cerberus." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top