39. Her Gift

HINDI ako makapaniwala sa nagawa ko. My eyes widened as I looked at the axes. Mabilis ang pagtibok ng puso ko ngayon hindi dahil sa kaba o takot . . . kung hindi dahil sa sobrang saya. This is my . . . gift?

"A-Ability adoption?" marahang tanong ko.

Lumapit sa puwesto namin si Xilah na may malawak na ngiti. "Yes, ability adoption," sagot niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "The ability to take others' gifts."

Napakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "Y-You mean—"

She proudly smiled. "Yup, that's Luxxine's gift," kumpirma ni Xilah.

Naiwang nakaawang ang bibig ko sa nagawa ko. Hindi ako makapaniwala na nagamit ko na ang gift ko. I looked at the axes I'm holding once again, full of amazement.

"Yey! Nice, Cleofa! Congrats!"

Agad akong niyakap ni Luxxine na kapwa ko ay sobrang saya rin. "Sino'ng mag-aakala na napakaangas ng gift mo?!" sambit niya.

Her eyes twinkled with excitement. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala. Mayroon akong gift! And for Pete's sake, napakaangas nito!

Nakakurba ang labi at desididong nagsara ang dalawang kamao ko. "Nice! Ipapakita ko na ito sa kanila—"

Paalis na dapat ako nang nakaramdam ako ng malakas na paghampas sa ulo ko. "A-Aray! Ano ba, Xilah?!" Iritado akong napatingin sa kaniya. Bigla niya na lang akong hinampas!

Tiningnan niya ako na parang may mali akong ginawa. "Tingnan mo nga 'yang sarili mo."

Natigilan ako sa sinabi niya at agad akong napatingin sa sarili ko. Puno ako ng galos at ang dumi-dumi ko pa. Kagagaling ko lang pala sa pag-eensayo. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko.

"Magpahinga ka na, Cleofa, at isa pa, nagte-train ngayon sina Helix. Alam kong miss mo na sila dahil mag-aanim na araw rin kayong hindi nagkita."

Naramdaman ko na nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Xilah. "H-Ha?! Hindi ko naman nami-miss si Helix!" giit ko.

Natawa si Xilah sa ekspresyon ko. "Eh? Sabi ko nami-miss mo na sila. Hindi si Helix, Cleofa," nakangising sagot niya.

My eyes widened. Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "E-Ewan ko sa 'yo! Magpapahinga na 'ko!"

Nakasimangot akong pumunta sa pintuan na ikinatawa lang ni Luxxine. Pero bago ako makaalis ay may pahabol pa si Xilah. "By the way, Cleofa, aalis kami mamaya at bukas pa ang dating namin. Don't do anything reckless," paalala ni Xilah.

Napasinghap ako sa sinabi niya. "Yes, ma'am," sagot ko sa kaniya.

Bakit niya sa akin sinasabi 'yon? Dapat ay kina Helix dahil sila ang mas matitigas ang ulo.

Nagpaalam na 'ko kina Luxxine at Xilah at tuluyang nilisan ang training room. Sinunod ko ang sinabi ni Xilah at bumalik ako sa dorm ko upang maligo at magpahinga.

I fixed myself after taking a bath. Habang sinusuklay ang buhok ko sa salamin ay napatingin ako sa mga mata ko at hindi ko mapigilang mapangiti.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko . . . Nagamit ko rin sa wakas ang gift ko.

Humiga ako sa kama at hindi ko mapigilang mag-isip nang malalim. Nananaginip lang kaya ako? Pero ang sakit ng mga sugat at pasa na natamo ko sa training. Kaya hindi ito panaginip.

Gusto ko nang ipakita sa kanila ang gift ko. Ano kaya'ng masasabi ng mayabang na si Helix kapag nakita niya ang gift ko? Hindi hamak na mas maangas ang gift ko kaysa sa kaniya! Aasarin ko siya hanggang sa mapikon siya sa akin. Para makabawi naman ako.

I heaved a sigh. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako mag-isa. Si Zail kaya? Kumusta na kaya siya? Gusto ko na rin ipakita sa kaniya ang gift ko.

Kailan kaya kami magkikita uli? Ang tagal kasi ng plano ng academy. Sabi ni Xilah ay dapat pa naming maghintay sa sasabihin ng academy . . . Hindi raw kami puwedeng gumawa ng desisyon na maaaring ikapahamak namin.

Kung—

"Cleofa?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang may narinig akong kumatok sa dorm ko. It immediately caught my attention. Mabilis akong napatingin sa pintuan at napabangon.

Teka? Boses ni Risca 'yon, ah?

Muli itong kumatok kaya agad ko itong pinagbuksan. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Risca.

"R-Risca?" pagtataka ko.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko. Inilibot ko pa ang tingin ko sa magkabilang gilid niya para makita kung may iba pa siyang kasama. Paano niya rin nalaman kung nasaan ang dorm ko?

She smiled. "Pinapapunta ka sa guild natin," masiglang sambit niya na ikinabigla ko.

Pasimpleng kumunot ang noo ko. Hindi ba't nagte-train sila? Bakit naman nila 'ko hinahanap?

"Cleofa?"

Natauhan ako nang mapansing hinihintay pala ako ni Risca. Pilit akong ngumiti at tumango.

"A-Ah, sige. Tara na."

Even though I'm surprised, I decided to go with her. Agad akong sumama kay Risca papunta sa guild. Ano'ng mayroon sa kaniya ngayon? Bakit parang ang saya niya? At bakit parang ang bait niya sa akin ngayon?

"A-Ah, Risca, bakit nga pala ako pinapatawag sa guild?" tanong ko rito.

"Hmm, hindi ko alam, eh."

Nauuna siyang maglakad sa akin habang nasa likod ang magkabilang mga kamay. Habang naglalakad ay hindi ako mapakali.

Parang may mali talaga, eh. Hindi ko mapigilang mag-isip. At isa pa, ang sigla ngayon ni Risca. May nangyari ba?

Kaswal lang kaming naglalakad nang biglang nagsalita uli ang nasa harap ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala! Nagamit mo na rin sa wakas ang gift mo!" masiglang sambit ng babaeng kasama ko.

She's hopping and tilting her head while walking. Nabigla ako sa sinabi niya. Natigilan ako sa paglalakad dahil dito. Dahil sa sinabi niya ay nakumpirma kong may mali talaga.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napalunok nang malalim. Pasimpleng humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

Wala pa 'kong sinasabihan sa guild . . . tungkol do'n.

"Sino ka?" marahang tanong ko.

Kusang natigilan sa paglalakad ang babaeng kaharap ko. "Huh? What do you mean, Cleofa?" nagtatakang sambit niya. Humarap siya sa akin nang hindi pa rin nawawala ang kurba sa labi habang nakataas ang dalawang kilay.

Huminga ako nang malalim. Hinabol ko ang mga tingin niya at seryoso ko siyang tiningnan. "Wala pa 'kong sinasabihan sa Deities tungkol sa gift ko," giit ko. My expression changed and I gave her a suspicious look.

She paused for a second. "Ah! Xilah told me about it!" nakangiting sagot niya sa akin.

She's full of confidence while looking at me. Hindi ako nakumbinsi sa sagot nito. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"Umalis si Xilah. Sino ka?"

Tumahimik ng ilang segundo at naramdaman ko ang pagtama ng hangin sa amin. Tanging ang tunog ng mga naghahampasang dahon na sumasabay sa hangin ang naging ingay.

Sa isang iglap, naglaho ang ngiti niya. Kung kanina ay isang ngiti ang ipinapakita nito, ngayon ay napalitan na ito ng ngisi.

Nawalan ng buhay ang mga mata niya. "Eh, boring."

Nabigla ako nang may mga palasong gawa sa tubig ang muntik nang tumama sa akin. 'Buti na lang at nasanay na 'kong umiwas sa mga gano'ng atake dahil sa pag-eensayo namin ni Luxxine.

"Oh, not bad," walang-ganang sambit niya. Kahit hindi niya ipakita, halatang hindi niya inaasahan ang mabilis na pagkilos ko.

Napasinghap ako sa sinabi niya. That is Risca's gift!

Ano'ng ibig sabihin nito?! Si Risca talaga ang umaatake?

Natigilan ako sa pag-iisip nang makita ang mga mata niya. They are not the same as Risca's.

Pareho sila ng gift pero bakit gano'n?

Her eyes turned gray.

Mariin ang pagkakakagat ko sa ngipin habang punong-puno ng emosyon kong tiningnan ang kaharap ko.

Imposible 'yon! Kaninong God galing ang gift na 'yon?!

"Who are you?!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top