38. Training
I CAN hear the sound of the heels echoing in the hallway. Kasama ko si Xilah at papunta kami sa training room ng academy. Walang-gana akong naglalakad at sinusundan siya.
"You're the sister of Zail, right?" Xilah stared a conversation.
Agad akong tumango sa sinabi niya. Nanatiling deretso ang tingin niya habang naglalakad.
"So that must be your gift," muling aniya.
Tila natigilan ako sa sinabi ng babaeng kasama ko. My forehead furrowed and I stopped walking.
"E-Eh? You know my gift?!" biglang sambit ko.
Isang ngisi ang isinagot sa akin ni Xilah, kasabay ng paglalagay nito ng hintuturo niya sa ilong ko.
"Jeez, I knew your mom. Sa kaniya mo nakuha ang gift mo. Natural lang na alam ko," natatawang sagot niya.
Napasinghap na lamang ako sa sinabi niya sa akin. "Bakit hindi mo pa sabihin sa akin?"
Pinitik ni Xilah ang noo ko. "Gift mo 'yan kaya dapat ikaw mismo ang makaalam," nakadilang sagot niya.
Napaismid ako sa sinabi niya. Wala akong nagawa nang nagpatuloy kami sa pagpunta sa training room.
"Paano ko naman magagamit ang gift ko kung hindi ko alam?" bulong ko. I pouted. Hindi gano'n kadaling gamitin ang gift mo kung ikaw mismo ay hindi 'yon alam.
"There's a study na lalabas ang totoong kakayahan ng isang tao sa oras na nasa bingit na ito ng kamatayan," muling sambit ni Xilah.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin?
She suddenly stopped walking. Seryoso niya akong hinarap at tinapunan ng tingin.
"No'ng araw na umatake rito ang Trejon guild . . . No'ng oras na may nakaharap kayong dalawa ni Helix at muntik na kayong mamatay . . ." She paused. "You used your gift, Cleofa."
I was taken aback by her answer. Namilog ang mga mata ko at natigilan sa sinabi niya. Wala akong matandaan na ginamit ko ang gift ko no'n. Kung tutuosin ay wala akong nagawa noon.
Si Helix ang . . . nakatalo—
"Parang naulit lang ang nangyari dati ah, pero inaamin ko, masakit ang ginawa mo sa akin."
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi noon sa akin ng lalaking taga-Trejon. The guy that controls wind . . . Totoo kayang nagamit ko na ang gift ko? Pero bakit hindi ko alam?
"Anyways, let's try it again."
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng pintuan ng training room. Bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang taong bumungad sa amin.
"L-Luxxine?!" hindi makapaniwalang sambit ko.
Isang ngiti ang isinalubong sa akin ni Luxxine. Ang tagal na rin naming hindi nagkita dahil naging busy kami sa mga guild at mission namin.
"Yo! Kumusta na, Cleofa?" nakangiting bati niya.
Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Ano'ng ginagawa niya rito?
"She will be your opponent for today," sambit ni Xilah nang mabasa ang ekspresyon ko.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "H-Ha?!"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Luxxine at Xilah. Hindi ito tinanggi ni Luxxine at nanatili pa rin itong nakangiti sa akin.
"Malalaman mo ring gamitin ang gift mo, Cleofa. At tutulungan ka niya," sabing muli ni Xilah.
"W-What do you mean?!" naguguluhang sambit ko.
"She will fight you. Hindi titigil ang laban hangga't hindi mo nagagamit ang gift mo or hindi mo na magawang bumangon."
Muli akong napanganga sa narinig. I immediately shook my head. Seryoso ba siya?! For Pete's sake, bakit si Luxxine pa?!
Nasaksihan ko na kung anong klaseng gift ang mayroon si Luxxine. At hindi ito nababagay gamitin sa walang gift na katulad ko.
"Her gift is perfect for a duel. You need to work hard, okay? Helix is training hard, kaya 'wag kang magpapatalo." Xilah winked. Hindi na 'ko nakaangal pa nang umalis siya sa silid nang hindi ako nililingon.
"Good luck, girls!" natatawang aniya.
Napapikit ako nang magsara ang pinto. I bit my lower lip out of frustration.
"L-Luxxine, hindi naman ito seryoso, hindi ba?"
Napatingin ako kay Luxxine na walang bakas ng pagbibiro sa mukha.
"I'm sorry, Cleofa. This is an order. Galingan mo."
LIMANG araw na ang lumipas ng training ko kasama si Luxxine bilang katunggali. Sa limang araw na 'yon, puro sakit lang ng katawan ang inabot ko. Kahit nagagawa kong iwasan ang mga atake niya ay nagpapalit lamang ito ng armas.
"Focus, Cleofa!" sigaw ni Xilah.
Today is the sixth day. Pinanonood kami ni Xilah na maglaban ngayon. Tanging pag-iwas pa rin ang nagagawa ko.
"Bumibilis ka na, ah," nakangising sambit ni Luxxine.
Napaismid ako sa sinabi niya. She's really different when she's on the field. She's not holding back!
She changed her sword into an axe. Pang-apat na beses na niyang pagpapalit ng armas ngayon.
Nakatutuwang isipin na dati ay hindi niya kayang mag-summon ng armas nang matagal, pero ngayon ay nagagawa na niyang magpapalit-palit na lamang nang hindi napapagod.
Napaismid na lamang ako sa sarili ko. All of them are getting better. Nagte-train ngayon si Helix para ma-master ang gift niya. Paniguradong sina Risca at Alvis ay nag-eensayo na rin.
Habang ako ay hindi pa rin magamit ang gift ko.
I'm really useless . . .
"Cleofa!"
Natauhan ako nang marinig ko ang tawag ni Xilah sa pangalan ko. Muntik na 'kong matamaan ng espada ni Luxxine.
Focus, Cleofa!
Paano ko ba kasi magagamit ang gift ko kung hindi ko ito alam?!
"Cleofa."
Napatingin ako kay Luxxine nang tinawag niya 'ko habang umiiwas ako sa atake niya.
"Sobrang humanga ako sa 'yo no'ng marinig ko ang nangyari sa Trejon guild. I can't believe you managed to escape from that hell. And jeez! Kapatid mo pa si Raven!" natatawang sambit niya. Patuloy pa rin ito sa pag-atake habang ako ay iwas lamang nang iwas.
"I'm sorry, Cleofa, aalis ako bukas for a mission. Gusto ko sanang makatulong sa mission n'yo sa Trejon guild. I also want to protect you."
Her expression changed. Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot.
I gave her a reassuring smile. "Luxxine, masyado nang sakit sa ulo ang mga kasama ko 'tapos dadagdag ka pa?" natatawa kong sambit dito. "'Wag kang mag-alala sa akin. I have the best team I could ever dream of. Kaya alalahanin mo lang ang misyon mo," dagdag ko.
Isang ngiti ang isinagot ni Luxxine sa sinabi ko. "Tsk, kahit kailan talaga!" She chuckled. "Kung gano'n . . ." She paused for a second. "Show me your gift, Cleofa!"
Luxxine summoned two large axes. Mukhang siya yata ang papatay sa akin. Mas lalong bumilis ang pag-atake niya sa akin at lumakas ang impact ng armas niya kapag tumatama ito sa pader. Mukhang kailangan ko na ring ayusin ang mga galawan ko.
Desidido akong napatingin sa harapan ko. Huminga ako nang malalim upang bumwelo ako sa pag-iwas nang bigla akong matigilan. For a moment, I felt my power throughout my body.
Is this my . . . gift?
It feels like my body is burning, but it doesn't hurt at all. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan at naramdaman ko ang pagkirot ng mga mata ko. A familiar feeling . . . a feeling that I've felt a couple of times before.
I felt my eyes change. And just like that, nawala ang mga axe na hawak ni Luxxine. Her eyes turned back to normal. Sa kabilang banda, hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. In just a split second, I'm holding her axe!
"That's it." Napatingin ako kay Xilah sa sinabi niya. "That's your gift, Cleofa." She's smiling with a proud look on her face.
"Ability Adoption."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top