35. His Mission

PARA akong nabingi sa narinig. Hindi agad naproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Parang huminto sa pagtakbo ang oras, at ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabagal pero malakas na pagtibok ng puso ko.

Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi ni Zail. My eyes widened and my jaw dropped. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Tama ba ang narinig ko?

"W-What?" hindi makapaniwalang sambit ni King.

"Wala kang sinabi sa amin na may kapatid ka, Zail! 'Wag mo kaming lokohin!" giit ni Aqua.

Kusang napahakbang si Aqua. Kahit tumutulo ang luha niya ay bakas naman dito ang galit. Her eyes blazed with anger while she gritted her teeth. "You left us hanging! Don't f*cking tell us lame excuses!" dagdag niya.

Hindi agad nakasagot si Zail sa sinabi ni Aqua. Nagbago ang ekspresyon nito nang makita ang reaksiyon niya.

"I'm telling the truth, Aqua . . ."

"Truth?! You went to Trejon, Zail! You told us you were just going on a mission!"

"Going to Trejon guild is my f*cking mission, Aqua."

Hindi naituloy ni Aqua ang sasabihin niya nang magsalita si Zail. Natigilan siya sa isinagot nito. Kahit sina Kyera at King din ay nabigla sa sinabi niya. Walang bahid ng pagbibiro sa itsura ngayon ni Zail. His expression changed and he gave us a serious look.

"The academy gave me this f*cking mission! Sa tingin mo, ginusto ko rin ito?!" pagdadahilan ni Zail.

"Pero bakit, Zail?! Bakit mo tinanggap?!" tanong ni Aqua.

Hindi nakaimik si Zail at tinapunan ako nito ng tingin. Iritado itong napakagat sa ibabang labi niya. "Sinabi nila sa akin na may kinalaman ang kapatid ko rito," may tonong bigkas niya.

"Bakit hindi mo sa amin sinabi? Akala ko ba tinuring mo nang pamilya ang guild natin?" may pait na sabi ni King.

"Iyon na nga, Keon. Tinuring ko na kayong pangalawang pamilya ko. Mahahalaga kayo sa akin. Kaya hindi ko gugustuhing madamay pa kayo sa 'kin. Ayokong pati kayo ay mapahamak." Isang mapait na ngiti ang ipinakita ni Zail. Parang may kung ano'ng tumusok sa puso ko. I bit my lower lip as I held my uniform tight.

"I left without saying anything . . . I'm sorry," muling sambit niya.

Napaismid si Kyera sa sinabi nito at iniwas ang tingin. Maging sina Alvis at Helix ay umiwas din ng tingin.

"Inutusan akong maging tagamanman sa Trejon guild. Doon ko nalaman ang binabalak nila," seryosong kuwento ni Zail. "There are cases about missing girls, at lead namin ay ang Trejon guild. Nang pumunta ako roon ay wala naman akong nakitang traces ng mga babae. Then I found out that it was just a decoy. To hide their true intention," pagpapatuloy nito.

"Just like what I'd said, they're trying to summon a Titan."

Seryosong nakinig si King pati na rin sina Alvis, Helix at ang mga kasama ni Kyera. Titans are the former gods and goddesses. Sila ang naunang nabuo bago ang mga gods and goddesses na kilala namin ngayon.

"P-Paano naman nila magagawa 'yon?! Imposible 'yon!" tanong ni Taliyah.

"It's not impossible. Nakagawa ang Trejon ng isang portal," sagot ni Zail. Natauhan kami sa sinabi nito.

"Those pillars— "

"Yes, they've spent years building those pillars and making those symbols," pagkumpirma ni Zail.

Everyone got frozen in their places. Tila mas lalong bumigat ang tensyon dito sa silid.

"P-Pero imposible pa rin! They're summoning titans! Hindi kakayanin ng kapangyarihan nila 'yon!" giit ni Alvis.

"That's right. To summon a titan, they need a titan's power," seryosong sagot ni Zail.

Seryosong nag-isip ang mga kasama ko na pare-parehong may seryosong ekspresyon.

"But there are no titans left," naguguluhang sagot ni Francel.

"Pero meron silang tagapagmana," sambit ni King.

There was a sudden silence. Tumagal ng ilang segundo bago mag-react ang isa sa amin. Natauhan si Taliyah sa sinabi nito, the smartest one around here.

"Y-You mean— "

"Cronus," ani Zail.

We were too dumbfounded to speak. I blinked thrice and my mouth fell open. Cronus is the father of Zeus, Hades and Poseidon. He's also one of the titans.

"Si Cronus ang unang Diyos na nagbigay ng gift . . . pero meron lamang siyang tatlong tagapagmana. Unlike other gods and goddesses, tatlo lamang ang nakatanggap ng gift niya." Pagsali ni Alvis.

"Yes, kaya matagal na nilang hinahanap ang mga tagapagmana ni Cronus. Of course, the guild's first target was Helena," muling sambit ni Zail.

"W-Who's Helena?" tanong ni Risca na kapwa ko ay wala ring alam.

Alvis heaved a sigh. "She's the principal of Lunar Academy, one of the three Academies for the gifted. An heiress of Cronus."

He said without glancing at us. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. A principal?

"Pero ayon sa nakalap ko ay agad rin silang sumuko sa pagkuha rito," sambit ni Zail.

"B-Bakit naman?" naguguluhang tanong ko.

Nagtataka akong tumingin sa kanila. I mean, mag-isa lang naman si Helena, hindi ba? At saka, maraming makapangyarihan sa Trejon guild.

Every master in the room became expressionless . . . Sila ang mga estudyanteng mas matagal na sa amin.

"No one can beat Helena," seryosong sagot sa akin ni King.

"She got the gift of time control. Kaya niyang pahintuin ang oras, pumunta sa hinaharap, o bumalik sa nakaraan. Rumors say na hindi nga siya tumatanda," dagdag pa nito.

Both of my eyebrows rose. Napalunok ako nang malalim habang hindi makapaniwala. Hindi ko mapigilang mapahanga sa sinabi niya.

Wow, gano'n ba ang gift na ibinigay ni Cronus? For Pete's sake, sobrang angas n'on!

"Pero bakit sila sumugod sa academy namin?" tila nagsalita na ang kanina pang tahimik na si Helix. "Nakaharap ko na sila at gusto nilang kunin 'yong pangit na 'yon," dagdag nito sabay turo sa akin.

My forehead furrowed. Napaismid ako sa sinabi niya. Seryoso ang pinag-uusapan namin ngayon 'tapos nagawa niya pa rin akong laitin?! Jerk!

"Kaya ko nga siya poprotektahan, hindi ba?" sagot ni Zail. "Dahil hindi nila makuha si Helena ay napunta ang atensyon nila sa natitirang dalawang tagapagmana," pagpapaliwanag niya.

Nalipat ang tingin niya sa akin.

"And she's one of those two."

"My sister is also an heiress of Cronus."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top