34. Reason
IT felt like time stopped. Hindi makapaniwala si Aqua sa nakikita niya ngayon. Nanatili siya sa puwesto niya at hindi magawang makapagsalita. Bago pa man ito makapag-react muli ay kagaya ng una naming pagkikita, parang bulang naglaho na lang sa harapan ko si Zail.
"'Uy, Cleofa!" sambit ng lalaking bagong dating.
Agad tumakbo papunta sa akin si Helix. "T*ngina, o-okay ka lang?!" natatarantang sambit niya.
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Hindi mawala ang tingin ko kay Aqua na hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nito ngayon. "Tara na!"
"BUWISIT kayo!"
Isang malakas na hampas sa ulo ang natanggap nina Helix at Alvis kay Kyera. "Hindi sinusunod ang utos!" dagdag nito.
Tawa lamang ang isinagot ng dalawa. Nandito kami ngayon sa inn kung saan kami nagpapahinga. Ginagamot ni Risca ang mga natamong sugat ni Helix.
Nagawa naming makaalis sa guild ng Trejon nang sama-sama, sa hindi namin malamang dahilan, walang humabol sa amin . . . sa totoo pa nga, parang ang grupo lang nina Lucho at Zeo ang nakaalam na nandoon kami. Mula nang makaalis kami roon ay wala pa ring imik si Aqua.
"Hey, okay ka lang?" sambit ni King nang mapansin na tahimik mula pa kanina si Aqua.
"H-Ha? Ah, oo." Tinapunan ako nito ng tingin bago sumagot kay King. Sigurado akong iniisip niya pa ring si Zail ngayon.
Kahit ako ay hindi mapigilang mapaisip sa kaniya. I mean, iniligtas niya ang buhay ko—twice!
Now that I've seen him close, I'm certain that he was the guy I saw that night . . .
Ang ibig sabihin ba n'on ay hindi talaga masama si Zail? Pero bakit nasa Trejon guild siya?
"Kyera."
Natigilan kaming lahat nang seryosong nagsalita si Jester. Isa pa siya na hindi rin mapakali mula nang manggaling kami sa Trejon guild. He can't look directly at us. Para bang naubusan ito ng dugo dahil sa sobrang pagkaputla niya.
"What?"
"Y-You need to see this."
Tila bumigat ang tensyon sa silid na ito. Ang tanging nagsisilbing liwanag lamang namin ay ang sinag ng buwan na tumatama sa bintana. The dark room made the atmosphere hit differently.
Jester's eyes changed. Tiningnan kong mabuti kung ano'ng kulay ito. It looks like ... A blueprint?
"Ito ang mga nakita ko sa guild nila," sambit niya.
He caught all of our attention. Sa pagkakaalala ko ay inatasan ni Kyera si Jester na maglibot sa guild ng Trejon. Ano kaya ang mga nakita niya?
Parang isang projector ang mata ni Jester nang lumabas dito ang mga litrato. Literal na photographic memory ang gift niya dahil nagagawa niya talaga itong maipakita sa amin.
"We looked outside the guild, but there were no signs of the girls they'd kidnapped," sambit ni King kay Kyera.
Naging seryoso ang ekspresyon ni Kyera dito. Napunta ang tingin namin sa mga litratong ipinapakita ni Jester at naagaw ang pansin namin ng isa.
"What's that?" tanong ni Risca.
It's a huge four pillars. Nakapuwesto ito sa magkakabilang dulo; it makes it look like a square. Sa gitna naman nito ay may mga symbol na nakaukit sa lapag.
"Nakita ko 'yan sa pinakadulong parte ng guild. And it seems like na matagal na nilang binubuo 'yan," sambit ni Jester.
Tiningnan mabuti ni Kyera ang mga simbolo na nakaukit sa lapag nito.
"Taliyah, alamin mo ang meaning ng mga 'yan," maawtoridad na sambit niya.
Isang tango ang isinagot ni Taliyah sa inutos ni Kyera. Her eyes changed. Katulad ni Jester ay hindi lang kulay ang nag-iba sa mga mata ni Taliyah. It looks like a freaking book! Her eyes are full of words, na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.
"I've always wanted that gift," rinig kong sambit ni Risca habang nakatingin kay Taliyah. "The unending knowledge," dagdag pa niya.
Hindi rin nagtagal ay nagbigay na ng impormasyon sa amin si Taliyah. Parang hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. "I-It's a Greek symbol."
"A-About what?" marahang tanong ni Alvis.
"Summoning."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Kasabay n'on ay ang biglang pagbukas ng mga bintana dahil sa malakas na paghampas ng hangin. Pare-pareho kaming nabigla sa sinabi niya.
Summoning?
"So, binabalak nilang mag-summon ng kung ano?" seryosong sambit ni King.
"Pero ano naman? Para saan?" pagsali ni Francel.
Kagaya ni Francel ay 'yon din ang tanong sa mga isipan namin. Ano ang binabalak ng Trejon guild?
Natahimik kaming lahat at pare-parehong malalim na nag-isip. Napalunok ako dahil sa mabigat at seryosong ekspresyon ng mga kasama ko. Seconds passed, and while we were all thinking, a deep voice caught all of our attention.
"They're going to summon a Titan."
Tila naging tahimik ang paligid at isang boses ang umagaw ng lahat ng atensyon namin.
It feels like I can hear my heart pounding when I recall that voice. Napunta ang mga tingin namin sa lalaking biglang sumulpot sa kung saan. Prente itong nakatayo sa isang sulok ng kuwarto.
"Z-Zail—" hindi makapaniwalang sambit ni Kyera.
Hindi nag-aksaya ng oras si Helix. Nabigla kami nang bigla niya na lang atakehin si Zail.
"'W-Wag!" pagpigil ni King.
With a fire in his hand, Helix launched at Zail. Pero labis itong nagulat nang biglang nawala sa puwesto niya si Zail.
Paano niya ba nagagawa 'yon?!
"S-Saan siya—" nagtatakang tanong ni Helix.
"Wala akong ginagawa. Bakit ka sumusugod?"
Napunta sa kabilang sulok ng silid si Zail. He heaved a sigh while his hands are inside his pockets. Mas lalong bumigat ang tensyon sa silid. Matalim ang tingin dito ni Kyera.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" mahinahong tanong ni King.
Bakas din ang pagkabigla sa itsura nito nang makita ang dating kaibigan. Pero nananatiling seryoso ang ekspresyon niya. Hindi katulad ni Aqua na hindi na naman makagalaw sa puwesto niya.
"Hindi na ba ako welcome?" natatawang sagot ni Zail.
Hindi umimik si King dito at nanatiling seryoso ang ekspresyon.
"Seryoso ka masyado, Keon. Nandito lang naman ako para sabihin ang mga plano nila," muling sambit ni Zail.
"At bakit? Hindi ba kabilang ka na sa kanila, Raven?" sarkastikong sagot ni Kyera dito. There's a hint of bitterness in her voice.
"I'm not one of them, Kyera," seryosong sagot ni Zail. His smile faded and he gave us a serious look.
"Hindi? Bigla ka na lang nawala! And the next thing we knew, kabilang ka na sa kanila."
Napalunok nang malalim ang lalaking kaharap namin. Hindi agad nakaimik si Zail sa sinabi ni Kyera. Tumagal ng ilang segundo bago siya napabuntonghininga at sumagot.
"Ginawa ko lang naman 'yon para protektahan siya," walang kaemo-emosyong sabi niya.
Sabay na kumunot ang mga noo nina King at Kyera. Samantalang nakuha nito ang atensyon ni Aqua.
"At sino naman?" walang ka emo-emosyong tanong ni Aqua rito.
Natigilan si Zail nang makita ito bago ito sumagot. He heaved a sigh while closing his eyes.
"Her."
Lahat ng tingin namin ay napako sa itinuturo niya. Pare-pareho kaming nabigla nang itinuro ako nito. Samantalang bakas sa mukha ni Helix ang pagkairita.
"Ginag*go mo ba kami? At bakit naman?!" inis na sambit ni Helix.
"Bakit?" pag-uulit ni Zail. A bitter smile was plastered on his face. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Zail. "Of course . . ."
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko nang magtama ang mga mata namin. Kusang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang malambot niyang ekspresyon.
"It's a brother's duty to protect his little sister."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top