32. Trejon
TAHIMIK kaming pumasok ni Kyera sa guild. Gamit ang gift niya ay pinapakiramdaman niya ang mga tao sa guild upang hindi kami mahuli. Her ears are like the ears of a bat, while her feet are the same as a spider's. Her nose is also the same as a bear's. Habang naglalakad ay nabigla ako nang napahawak bigla sa tainga niya si Kyera.
"Sh*t! Ang ingay ng kasama mo!" mahina pero iritadong sambit niya.
Kahit hindi niya sabihin kung sino 'yon ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Sa dalawang kasama ko na maingay ay imposibleng si Alvis 'yon. Natural ang mokong na si Helix ang nag-iingay na 'yon.
"Nando'n sila."
Itinuro ni Kyera ang isang pasilyo na agad naman naming pinuntahan. Bumungad sa amin ang isang pintuan pagdaan namin sa pasilyo. Kahit hindi pa namin sinisilip sa loob ay naririnig ko na ang boses ni Helix.
"Ano?! Mahihina! Hindi n'yo 'ko kaya!" sigaw ni Helix sa loob.
He continued shouting inside, not even scared of what might happen to him. Napaismid na lamang ako sa inasal niya.
"Cleofa." Napatingin ako kay Kyera nang tinawag niya ako. Itinuro niya ang itaas ng pintuan kung saan may maliit na bintana.
Alam ko na ang gusto niyang sabihin kaya naghanap na ako ng matutuntungan. Sakto namang may mga karton sa gilid kaya kinuha na namin 'yon para makapatong. Nang makasilip sa bintana ay doon na namin nakita ang mga kasama namin.
"Iyong lalaking 'yon," sambit ni Kyera.
Napunta ang tingin ko sa itinuro niya. My eyes widened when I saw a familiar face inside, together with Helix and the others. Doon ko nakita si Lucho at dalawa pang lalaki ang nagbabantay sa loob, ang lalaking nakalaban ni Kyera kanina.
Nakatali sa upuan sina Helix, Alvis at ang mga kasama ni Kyera. Tanging apat na pader at apat na pinto kada sulok lang ang makikita, walang kahit anong bintana. Walang ibang gamit sa loob at tanging ang mga upuan lamang kung nasaan ang mga kasama namin.
"O, ano? Ha! Mga duwag! Labanan n'yo ako nang patas!" muling giit ni Helix.
Pinagtitinginan siya ng mga kasama niya sa loob. Bakas na sa mukha ni Lucho ang pagkairita rito. Kahit siguro ako ay maiirita sa ingay niya.
"Ano ba'ng meron ngayong araw at puro nakakairitang gifted ang nakikita ko?" sambit ni Lucho.
Kumunot ang noo ni Kyera sa sinabi niya. Siya lang naman ang nakaharap ni Lucho kanina kaya malamang siya ang tinutukoy nito.
"Hulaan ko. Natalo ka rin ng gifted na nakita mo kanina, 'no? Mahina ka kasi!" natatawang sambit ni Helix.
That's it, Helix touched a nerve. Mukhang hindi nagustuhan ni Lucho ang sinabi niya at mabilis na nagbago ang ekspresyon nito. His eyes turned orange. Bigla itong sumugod kay Helix.
Balak ko na sanang pumasok sa loob nang pigilan ako ni Kyera.
"K-Kyera— "
"Sshh!"
Kumunot ang noo ko kay Kyera na nanatiling nakatingin kina Helix. "Look," aniya.
Nang bumalik ang tingin ko sa loob ay wala na sa pagkakatali si Helix na ipinagtaka ko. Bagkus ay iniinat na nito ang mga braso niya. He loosened his necktie with a smirk on his face.
"Subukan natin ang yabang mo," nakangising sambit ni Lucho.
Naglabas ng syringe si Lucho at walang pag-aalinlangan niya itong itinurok sa leeg ni Helix.
"W-What— "
Namilog ang mga mata ni Helix sa nangyari. Agad siyang napahawak sa leeg niyang tinurukan.
"Mapapabilis niyan ang pagkawala ng epekto ng gamot. After five minutes, babalik ang gift mo. Gusto kitang durugin kahit na gamit na ang buong lakas mo," sambit ni Lucho.
Napalitan ng ngisi ang pagkabahala sa mukha ni Helix. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Nanalo na naman ang siraulo.
"They're both stupid," komento ni Kyera habang nakatingin sa dalawang bungol na umalis sa silid. "Masyadong pinaiiral ni Lucho ang kayabangan niya. Kaya natatalo ang ungas," dagdag niya.
Tuluyan nang umalis sina Lucho at Helix sa silid, parehong nagpapakitaan ng yabang ang dalawa. Naiwan na lang si Alvis, ang dalawang kasamahan ni Kyera at ang dalawang taga-Trejon na nagbabantay sa kanila.
"Okay, Cleofa— "
"Look what we have here."
Natigilan si Kyera sa pagsasalita nang unahan ito ng lalaki sa likod namin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makilala ang pamilyar na boses na nanggaling sa likuran namin. Parang may kung ano'ng dumagan sa akin dahil sa mabilis na pagbigat ng paghinga ko.
Don't . . . tell me—
Nang lingunin ko ito ay naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak nito sa leeg ko. I started gasping for air.
"Akalain mo 'yon? Pinaplano pa lang namin ang pagkuha sa 'yo uli. 'Tapos ikaw na pala ang pupunta rito?" natatawang sambit ng lalaki.
My eyes slowly widened as I kept trying to remove his hands from my neck. Hindi ko makakalimutan ang nakakikilabot na ngisi niya.
"Z-Zeo— " nahihirapang sambit ko.
"Whoa! Kilala mo ako?"
"Let her f*cking go!" rinig kong sambit ni Kyera.
Isang kamay ng oso ang tumama sa mukha ni Zeo, dahilan para mabitiwan niya ako. Habol-habol ko ang hininga ko nang matanggal ang pagkakahawak ni Zeo sa leeg ko.
"Cleofa, okay ka lang?!"
Kahit ang sakit pa rin ng leeg ko ay nagawa kong tumango kay Kyera. "K-Kyera, siya 'yon. He has a gorgon as his familiar," sambit ko.
Namilog ang mga mata niya at bahagyang napaawang ang bibig. Katulad ko ay bakas din ang takot sa mukha ng babaeng kasama ko.
"O, paano ba 'yan? Your precious teacher is not here to save you," natatawang sambit ni Zeo. Umalingawngaw ang malakas at nakaiiritang tawa niya.
Mariin akong napaismid habang masama ang tingin sa kaharap naming lalaki. Nagbabalak pa lang akong sumagot nang matigilan ako sa biglaang pagharang ng kamay ni Kyera sa akin. "Cleofa, puntahan mo na sila," seryosong sambit ni Kyera.
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko?! Isang gorgon ang familiar ni Zeo! Tanging si Xilah lang ang nagawang labanan siya!
"No—"
"Just do it, rookie!"
Umatras ang dila ko sa pagputol niya sa sasabihin ko. Nang tingnan ko siya ay nakapikit na ang mga mata niya.
"Sa tingin mo ba, bata, ay matatalo mo ako nang nakapikit ang mga mata? Masyado ka 'atang nahihibang," natatawang sambit ni Zeo.
Imbis na kabahan ay ngisi ang ipinakita ni Kyera. "Oh please, I'm a huntress. Hindi ko kailangang iasa lahat sa paningin ko."
Tila nakuha niya ang lahat ng atensyon ni Zeo. "Let's see what you got then."
"Cleofa, umalis ka na. Ako na ang bahala dito," giit sa akin ni Kyera.
Kahit nag-aalangan pa ay sinunod ko ito. Mariin akong napakagat sa labi bago ko siya tinalikuran.
I should trust her. After all, she's an Avelite.
"Be careful," pahabol ko.
Hindi ako nag-aksaya ng oras pa at pumunta na ako sa silid kung nasaan sina Alvis. I hope she'll be fine.
Agad kong binuksan ang pinto at walang pag-aalinlangan akong pumasok.
"Sino ka?!"
Natauhan ako nang mapasok ko ang silid kung nasaan sina Alvis. My mouth fell open as I realized what I just did. Nakalimutan kong may dalawa pa palang bantay ang narito!
"May nakapasok— "
Hindi na naituloy ng nagbabantay ang sasabihin niya nang may upuan na tumama sa ulo niya, dahilan para mawalan ito ng malay.
"A-Alvis!" hindi makapaniwalang sambit ko.
Doon ko lang napansin na hindi na nakatali sina Alvis at ang mga kasama ni Kyera. Habang ang isa namang bantay ay wala na ring malay.
"P-Pero paanong—" naguguluhang sambit ko.
"It was Helix's idea. Hindi lang pala puro bibig ang pinapagana n'on," pagsingit ni Alvis.
My jaw dropped and I gave Alvis a shocked look. Planado ito ni Helix? Sinadya niya bang paalisin sa silid na 'to si Lucho?
"Ano'ng ginagawa mo rito, rookie?"
Napunta ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Nanatiling nakatingin sa akin ang babaeng naka-pigtails ang dilaw na buhok at may bilog na salamin, hinihintay ang sagot ko. Taliyah, one of Kyera's teammates.
"Kasama ko si Kyera," deretsong sagot ko.
I immediately caught her attention.
"S-Sh*t! Nasaan siya?!" aniya.
Kahit nag-aalangan ako ay sinabi ko sa kanila kung nasaan si Kyera. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala.
"Pupuntahan namin siya—"
"No! Sabi niya ay umalis na tayo rito!" pigil ko.
"Kayo ang umalis, rookie! Kaya namin ang sarili namin. Hanapin n'yo 'yong isa pa at umalis na kayo rito!" pagsingit ng matipunong lalaking may tsokolateng buhok.
Hindi kami hinintay na makasagot ni Francel nang tuluyan itong umalis ng silid para hanapin si Kyera. Hinabol sila ng tingin ko nang nakaramdam ako ng paghawak sa balikat ko.
"We need to go, Cleofa."
I bit my lower lip as I glanced at Francel and Taliyah one last time. Isang tango na lamang ang isinagot ko sa sinabi ni Alvis. Hindi kami puwedeng mag-stay rito.
Tama si Francel, they're strong. Paniguradong kailangan din ni Kyera ang tulong nila.
Hindi kami nag-aksaya ni Alvis ng oras at agad kaming umalis sa silid na kinaroroonan namin.
"A-Alvis, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" marahang tanong ko.
Patuloy kami sa paglalakad ni Alvis habang siya ang nauuna. Hindi pa ako nakapupunta sa parte ng guild na ito kaya hindi ko 'to alam!
"Kinabisado ko ang lahat ng silid na nadaanan namin no'ng dinala kami rito. Sa pagkakaalam ko ay isa roon ang isang silid na parang field."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Alvis. I looked at him, dumbfounded. Kinabisado niya?!
"At isa pa, hindi namin magamit ang gift namin. Kaya kailangan kong umasa sa utak ko," dagdag pa nito.
Doon ko lang naalala na naturukan pala sila ng gamot kung saan hindi nila magagamit ang gift nila. Paano kaya nagawa ng mga taga-Trejon 'yon?
Natigilan ako sa pag-iisip nang huminto sa harap ko si Alvis. Nang tingnan ko kung bakit ay naestatwa rin ako sa kinatatayuan ko. Mayroong nakaharang sa daraanan namin. Kusa akong napalunok nang malalim at napaatras ng lakad.
For Pete's sake, bakit ba nagkaroon ng reunion ngayon? It's the same guy that almost killed me and Helix!
The guy that can manipulate wind!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top