30. Consequences

I CAN feel the raindrops touching my skin. At the same time, the cold breeze of the wind is hitting me. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Akay-akay ko ngayon si Kyera habang nakasakay kami sa puting lobo.

Malayo-layo na kami sa guild ngayon. Kung totoo ngang kay Zail 'tong familiar na 'to, kung totoo ngang pumanig na siya sa Trejon . . . bakit niya pa kami tinutulungan?

"Y-You're really stupid, Cleofa. S-Sino'ng taong sasakay sa lobong ngayon niya lang nakita?" She faked a chuckle. Kahit nanghihina na si Kyera ay nagawa pa rin nitong mang-asar.

Dahil sa katangahan kong ito ay maililigtas kami. Paniguradong hinahanap pa rin kami ng mga taga-Trejon. Kung hindi kami sasakay sa lobong ito ay hindi kami makakatakas. Hindi ko maigalaw nang maayos ang paa ko dahil masakit pa rin ito at walang-tigil sa pagdurugo. Samantalang nanghihina na si Kyera dahil maraming dugo na ang nawala sa kaniya.

We should just stick with it.

Isa pa sa palaisipan ko kung bakit hindi magamit ni Kyera ang gift niya. Dahil ba 'to sa bala na tumama sa kaniya? O sadyang hindi na niya lang talaga kayang gamitin ang gift niya dahil nanghihina na siya?

Pero imposible! Magagamit niya pa rin ang gift niya kahit—

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang lumabo ang paningin ko.

I suddenly felt dizzy and couldn't see the path clearly. Huli ko na lang naramdaman ang pagbagal ng takbo ng lobo at ang pagbagsak namin ni Kyera sa lupa.

₪₪₪₪₪₪₪₪

"CLEOFA! Cleofa!"

Nakaramdam ako ng pagyugyog sa akin. "Cleofa sabi!"

Mariin akong napapikit. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay ang nag-aalalang mukha ni Risca ang bumungad sa akin. "T-Thank God—jeez!" aniya.

Matapos mawala ang kaba ni Risca ay bigla na lamang ako nitong hinampas.

"A-Aray!"

"Cleofa!"

Napunta ang tingin ko sa babaeng tumawag sa akin. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Eva.

"I-I'm sorry!" She started sobbing.

I sighed as I held her back. Napangiti na lang ako sa reaksiyon niya. Nang inilibot ko ang paningin ko ay nasa likod kami ng inn.

Paano kami napunta rito?

Natauhan ako nang sumagi sa isip ko ang mga nangyari. Agad kong hinanap sa paligid si Kyera at nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ito na akay-akay ni King.

But there was no trace of a white wolf that took us here . . .

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Eva.

Tumango ako sa tanong niya at sinubukan kong tumayo, pero nabigo ako nang nakaramdam ako ng kirot sa paa. Ngayon ko lang naalala na nagdurugo pala ang binti ko.

"Hay nako—"

Tutulungan na dapat akong tumayo ni Risca nang may bigla na lang nag-angat sa akin at inakay ako.

"A-Aqua," bulong ko.

Hindi ito sumagot sa akin at dere-deretso itong naglakad papunta sa kuwarto namin. Mariin akong napakagat sa ibabang labi nang makita ko ang seryosong ekspresyon niya.

She's really mad.

Nang makarating kami sa kuwarto namin ay bumungad sa akin ang isang lalaki. Kapansin-pansin ang naka-undercut niyang buhok na kulay itim at ang metal na kuwintas na nakasabit sa leeg niya. Sa pagkakaalala ko ay isa siya sa mga kasama ni Kyera.

Pero bakit wala . . . sina Helix?

"Risca."

Pareho kami ni Risca na naging alerto nang maawtoridad siyang tinawag ni Aqua. Dahan-dahan akong pinaupo ni Aqua sa silya habang inihiga naman ni King si Kyera sa kama. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.

Pagkababa sa akin ni Aqua ay agad na lumapit sa akin si Risca. "Cleofa, ayokong madamay sa init ng ulo ni Miss."

I paused for a moment. Napalunok ako nang malalim. Kahit ako ay natatakot na rin kay Aqua. Mas okay na 'yong bigla niya akong bubungangaan kaysa 'yong tahimik siya. Pakiramdam ko ay pinapasabog niya na ang mga ugat ko sa isip niya.

"Aqua, ikaw na ang bahala."

Isang tango ang isinagot ni Aqua sa sinabi ni King bago ito lumabas ng silid kasama ang lalaking kagrupo ni Kyera at si Eva. Pagkalabas nila ay nagsimula nang hubarin ni Aqua ang pang-itaas na suot ni Kyera para gamutin ang sugat nito.

Katulad ni Aqua ay tiningnan na rin ni Risca ang sugat ko.

"Napa'no 'to?" tanong ni Risca sa akin habang nililinis ang sugat ko.

"N-Nahulog kami sa bangin," mahinang sagot ko sa kaniya. Hangga't maaari ay ayaw kong marinig ni Aqua ang nangyari sa amin. Nanatili lamang itong tahimik habang nililinis ang sugat ni Kyera.

"Tsk, pasalamat ka hindi gaanong malalim."

Risca's eyes changed. Water suddenly surrounded my injury. Nabigla ako nang ginamit ni Risca ang gift niya at unti-unting nagsara ang hiwa sa binti ko.

"W-Whoa!" namamanghang sambit ko.

"'Wag kang mag-whoa diyan! Hindi gaanong magsasara 'yan dahil hindi pa gano'n karami ang napag-aralan ko pero sapat na 'yan para makalakad ka."

"Thank you!"

Napabuntonghininga na lang si Risca sa sagot ko habang tinatakpan niya ang sugat ko.

"Ano'ng balak mo?" biglang tanong niya.

Nabigla ako sa tanong niya. Nang tingnan ko si Risca ay tahimik niyang itinuro si Aqua na nananatili pa ring tahimik. "She was so worried, Cleofa. Nagising kami nang wala ka at nang bumalik si Eva ay hindi ka niya kasama," mahinang aniya.

Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ko nagawang makasagot kagad. I suddenly felt guilty. Umpisa pa lang ay ayaw na ni Aqua na isama kami rito dahil delikado. 'Tapos umalis pa 'ko ngayon nang walang paalam.

"Hinanap ka namin. Ginamit ni Eva ang kakayahan niya para hanapin ka pero hindi ka namin makita. Doon na nagsimulang mag-aalala si Aqua. Sinisisi na niya ang sarili niya," pangunguna ni Risca.

Natigilan ako sa sinabi niya. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Kyera tungkol kay Aqua at hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko ngayon.

"Nang sinubukan uli gamitin ni Eva ang kakayahan niya ay nabigla na lang kami nang sinabi niya na nasa likod ka raw ng inn. Hindi namin inaasahan na kasama mo si Kyera."

Natapos na si Risca na gamutin ang sugat ko at tumayo siya. Nagsimula na 'tong maglakad papalabas ng silid. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay may pahabol muna itong sinabi.

"She might be the queen of the seas, but she's also our Miss hard-headed and emotional leader," nakangiting sambit niya sa akin at tuluyang umalis ng silid.

Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi niya. Yeah, right. I know what I have to do.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at lumapit kay Aqua. Ngayon ko nakita na ginagamit niya rin ang gift niya para gamutin si Kyera. Ang pagkakaiba nga lang ay ginawa niyang yelo ang tama ng baril dito para huminto sa pagdurugo.

"A-Aqua— "

"Mahirap bang sundin ang sinabi ko?" malamig na pagputol ni Aqua sa sasabihin ko.

I closed my mouth shut.

"Just once, Cleofa, 'wag mong pairalin ang gusto mo!"

Wala akong magawa kung hindi tumayo lang at pakinggan ang sermon sa akin ni Aqua. "S-Sorry."

"Sorry?! Paano kung natuluyan kayo sa pagkahulog n'yo sa bangin?!"

Napapikit na lang ako sa lakas ng sigaw ni Aqua. I kept my mouth shut. Sh*t, narinig niya pala 'yon.

"O-Okay lang naman kami— "

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko siyang umiiyak. "A-Aqua— "

"D-Don't do that again! Kaya nga nandito ako! Poprotektahan ko kayo!"

Hindi ko na rin mapigilang umiyak. Hindi ko alam pero naluluha ako palagi kapag may umiiyak sa harapan ko lalo na't ako ang dahilan.

"I-I'm sorry! Hindi na mauulit!" I bit my lower lip. Wala akong gustong mangyari ngayon puwera lang sa patawarin ako ni Aqua.

"I've lost enough . . . I-I . . . I don't want to feel it again." Her voice cracked.

Hindi ako nagdalawang-isip na lumapit sa kaniya at marahan siyang niyakap. "I-I'm sorry . . . I'm really sorry."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang umiiyak. "T-Tsk, sino ba'ng niloloko ko? Hindi lang si Helix ang kayang magpaatake ng puso ko." Napaismid siya habang pinupunasan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ng babaeng kaharap ko.

"Kaya nga mga tiyanak kami, hindi ba?" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top