3. Athena's Heiress
NAPAAWANG ang bibig ko sa nangyari. Napakurap-kurap akong tulala sa babaeng kaharap ko na may hawak-hawak na espada.
Luxxine just summoned a sword! She summoned a freaking sword!
"Cool, right?" marahang tanong niya.
I blinked thrice before nodding. I can't utter a word.
Tumagal ng ilang segundo bago biglang nawala ang espadang hawak-hawak ng kasama ko. Para itong bulang biglang naglaho.
"Though, kahit nasu-summon ko sila ay hindi rin sila nagtatagal dahil nanghihina ako," nanghihinayang na sambit niya.
"P-Paano nangyari 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko. There's a hint of confusion and excitement on my face.
Kunot-noong tumingin sa akin si Luxxine.
"That's how gift works," sagot niya sa akin na para bang isang basic information ang sinabi niya.
I awkwardly chuckled. "Well . . . I'm new to these kinds of stuff." Pilit akong ngumiti at napaiwas ng tingin.
To be exact, ngayon ko lang nalaman na totoo pala ang mga gifted. They're not just myths or any story in a book.
I heard Luxxine sigh. Nabigla ako nang pumunta ito sa lampshade desk niya at may kinuhang libro sa drawer.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na libro. Kumpara sa ordinaryong mga libro ay hindi hamak na mas makapal ito at gawa sa totoong kahoy ang book cover.
It's the book that my mom used to read for me . . . the book called The Gifted.
"Pamilyar?" tanong ni Luxxine nang mapansin ang ekspresyon ko.
"Kinda . . ."
Luxxine flashed a smile before opening the book and showing it to me.
"This was written centuries ago . . . but no one knows who wrote it. If it's a gifted, an ordinary person . . . who knows?"
Natatawa siyang lumapit sa akin habang itinatapat sa akin ang libro.
"It is said that gifts came from Greek gods and goddesses. Ibinigay nila ito sa mga ninuno natin at naipasa ito hanggang sa atin," panimula niya.
"It's a certain ability to control, counter, or take over something. I'm sure na pag-aaralan natin ito sa klase."
"It says that even though there are many gifts from the same gods or goddesses, every gift is unique. Kahit pa may kapareho kang napagmanahan na god ay hindi kayo magiging magkapareho ng gift. Because every god is not just known for one thing."
Humarap sa akin si Luxxine at itinuro niya ang sarili niya.
"Just like me, namana ko ang gift ko sa diyosang si Athena. I have the ability to summon any sword or weapon. Because Athena was known for being the goddess of war, but ...
"There are also other gifted who have gifts from goddess Athena that are different from mine. Because Athena is not just known as the goddess of war; she's also known as the goddess of knowledge and wisdom. Kaya iba-ibang gifts ang ibinigay niya."
I looked at Luxxine, dumbfounded. Namamangha akong tumatango sa mga sinasabi niya habang nagpapaliwanag siya.
Humarap siya sa akin na may ngiti sa labi. "And this school will help us master our gifts! I'm so excited!"
Parang kumikislap ang mga mata ni Luxxine dahil sa excitement. Mayroon akong natandaan kaya tinanong ko siya.
"Oo nga pala, bakit nahahati pa tayo sa mga cluster?" marahang tanong ko.
Isa sa mga ipinagtataka ko 'yon. Bakit may master pa? Para saan 'yon?
"Ah, my mom told me that the academy just provides us with the information we'll need about our gifts. Ang purpose talaga nito ay ang pagprotekta sa ating mga estudyante at pagbibigay ng lugar na para sa atin."
"The clusters are for guilds. Mga guild na tutulong mismo sa atin sa pagpapalakas at paggamit ng mga gift natin. Though kaunting impormasyon lang ang alam ko roon."
I slowly nodded, full of curiosity. I look like a kindergarten student amazingly listening to her teacher.
"'Nga pala, tutulungan din nila tayo i-summon 'yong mga familiar natin," dagdag ni Luxxine.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Familiar?"
"Yes! Iyon ang mga makakasama natin sa mga mission natin. It could be a wild animal, or kung special ka, a mythical creature!"
My eyes slowly widened, and my mouth fell half open when something popped out of my mind. Sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi kung saan may nakita akong isang lalaki sa bakuran namin.
Nakaukit sa isipan ko ang mukha niya at ang kasama niyang nilalang.
Is he also a gifted? That wolf, is it his familiar? Kung oo . . . ano'ng ginagawa nila roon?
Malalim ang iniisip ko nang muling magsalita ni Luxxine.
"At alam mo ba, this town is where the gods and goddesses lived before. There are also hundreds of hidden towns out there where they used to live!"
It's not surprising why this place looks so majestic.
"Cleofa, gusto mo bang mag-ikot tayo sa campus?" biglaang sambit ni Luxxine.
Nakuha niya ang atensyon ko. Unti-unti akong ngumiti at hindi na nagdalawang-isip na tumango. "Game."
₪₪₪₪₪₪₪₪
HINDI ko namalayan at hapon na pala nang lumabas kami ng kastilyo ni Luxxine. Kagaya ng sinabi niya ay wala kaming makitang ibang estudyante o tao rito.
"Cleofa, look."
Tiningnan ko ang itinuro ni Luxxine at nakita kong lumilitaw na ang buwan sa langit. The clouds are slowly fading, revealing a two-crescent moon.
Dalawa ang buwan sa bayan na ito.
"W-Whoa." I gasped.
Naglibot kami ni Luxxine sa hardin at iba't ibang klase ng bulaklak ang nakita ko. Nang masilayan ko sila nang malapitan ay kitang-kita ko ang ekspresyon ng mga bulaklak na tinitingnan ko kaninang umaga.
Even though it's already night, it's still bright here in the garden because of the fireflies. Hindi sila katulad ng mga alitaptap na nakikita ko sa bakuran namin dahil nahahati sa apat ang mga kulay nila. There are red, yellow, orange, and blue.
Ang iba't ibang klase ng mga bulaklak ay nagsisilbing mga ilaw rin sa dilim ng paligid. They are freaking glowing in the dark.
"Ang ganda nila— "
"Sino'ng nandiyan?"
Hindi naituloy ni Luxxine ang sasabihin niya nang parehong naagaw ang atensyon namin. Isang pamilyar na boses ang narinig naming nagsalita.
Luxxine and I both gasped when we saw Xilah walking in our direction.
"T-Takbo!" mahinang sambit ni Luxxine.
Kusang gumalaw ang mga paa ko sa sinabi niya at natagpuan ang sarili kong tumatakbo palayo sa hardin. Hindi ko napansin na sa magkaibang direksiyon pala kami tumakbo ni Luxxine.
Habol-habol ko ang hininga ko nang huminto ako sa pagtakbo. I just found myself in the right part of the academy, where there is a huge lake.
Mabilis nawala ang pagod ko nang tumama ang tingin ko sa lawa.
It's so beautiful . . .
Lumapit ako papunta rito at pinagmasdan ang malinaw nitong tubig. Mga asul na alitaptap ang nagsisilbing liwanag sa lawa. Even the fish are glowing. Nakikita ko rito ang repleksyon ko. Naka-braid ang mahaba kong buhok na nakalagay sa kaliwa kong balikat at parang humahalo sa tubig ang repleksyon ng asul kong damit.
Doon ko napansin ang naggagandahang mga babae na nagtatampisaw sa tubig.
Nymphs.
Nabasa ko sila noon sa libro at hindi ko inaasahan na totoo sila. Kahanga-hanga ang lugar na ito. Para akong naakit nang magsimula silang kumanta at natagpuan ko na lang ang sarili kong palusong sa lawa.
I suddenly felt dizzy, and my body was starting to move on its own.
Natigilan ako nang may humawak sa braso ko at doon lamang ako natauhan. Sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga nimpa—parang nabahala sila at sabay-sabay ring lumangoy palayo.
Kunot-noo akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang dahilan ng pag-alis nila. Sumalubong sa akin ang isang lalaking sumulpot sa kung saan. Tumatama ang sinag ng buwan sa mukha niya.
A guy with dark brown hair with beautiful brown eyes. It feels like his eyes are luring me when our eyes meet. May nunal ito malapit sa mata na hindi masyadong nakikita dahil natatakpan ito ng buhok niya.
He's wearing a plain white unbuttoned shirt, revealing his chest, and black pants.
Nanatili akong tulala habang nagtatama ang mga mata namin. My heart started beating fast, and I couldn't utter a word.
Akala ko ay nananaginip lang ako nang mabilis akong natauhan.
The guy's forehead furrowed, and he gave me an irritated look.
"Ano? Magsu-swimming ka ng ganitong oras?"
"H-Huh?"
I was caught off guard. Hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang nangyari. Nabigla ako nang duruin niya ang noo ko.
"I said, go back to your dorm, stupid," walang-ganang sagot nito .
I was taken aback by his answer. Kunot-noo akong napatingin sa kaniya.
"E-Excuse me? Sino ka para tawagin akong stupid?" naiiritang tanong ko.
Iwinagayway niya ang kamay niya na para bang pinapaalis ako. "Shut up."
"'Wag kang masyadong lumapit sa lawa kung tat*nga-t*nga ka."
My mouth fell open. I can't believe what he's saying. "W-What?!"
Walang-gana niya akong tinapunan ng tingin. "Stupid, you almost drown yourself because of your stupidity."
Napasinghap ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Ano'ng tinutukoy niya? Ang natatandaan ko lang naman ay nakikinig ako sa pagkanta ng mga nimpa!
"Pumasok ka na sa loob. Bawal nang lumabas kapag madilim na," muling sambit ng lalaking kaharap ko.
"At bakit ako susunod sa 'yo? Nasa labas ka rin naman."
Muling kumunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pagkairita sa isinagot ko.
Bakit? Totoo naman. Sino ba siya para sundin ko?
Nagbago ang ekspresyon niya at napalitan ng ngisi ang pagkairita niya sa akin. "Sige, ikaw rin . . . mangmang."
I gasped when I heard him badmouthing me for the nth time. My eyebrows met, and I nibbled my bottom lip. Unti-unting humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko.
Mangmang?!
Tumalikod na siya sa akin at nagsimulang lumayo. Pero hindi pa siya tuluyang nakalalayo ay kumuha ako ng maliit na bato sa gilid ko at hindi nagdalawang-isip na batuhin siya.
"Put— "
Humarap ito sa akin na bakas ang pagkainis sa mukha.
I mockingly looked at him. "Jerk!" pang-aasar ko.
Agad akong kumaripas ng takbo palayo sa kaniya at pumasok na agad sa kastilyo. Hindi ako nanatili sa lugar kung nasaan siya. 'Buti na lang at hindi niya 'ko hinabol at ipinagdasal ko na lang na hindi na magkrus pa ang landas namin.
Habol-habol ko ang hininga ko nang bumalik ako sa kastilyo papunta sa dorm. Hindi mawala sa isipan ko ang lalaking 'yon.
He's a jerk, and I don't like him!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top