29. Someone from the past
HINDI agad naproseso ng utak ko ang sinabi ni Kyera. Parang bumagal ang takbo ng oras dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa babaeng kasama ko. Mabilis na sumagi sa isipan ko ang masayang itsura ni Rivan habang ikinukuwento ang lalaking tinutukoy niya. Ang naging reaksiyon ni Aqua nang malaman na hindi siya kasama ni King pabalik, ang guild's master naming ginagawa ang lahat para mahanap siya.
Zail? That . . . Zail?
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Kagaya niya ay nakisilip na rin ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang isang pamilyar na lalaki.
I saw him before . . . the first time that I had encountered a gifted.
He's still wearing a black shirt that enhances his pale ivory skin. Una ko pa ring napansin ang kaagaw-agaw-pansin na peklat niya sa mata. My heart started pounding so fast. Agad akong napahawak sa dibdib ko habang nakatingin sa lalaking nasa loob.
Is it just a coincidence that he's a member of a Trejon guild?
Nando'n siya sa bahay namin noon . . . sa parehong pagkakataon din, gusto akong kunin ng guild na 'to. Napalunok ako nang malalim. Is it really just . . . a mere coincidence?
"N-No, w-why?" sambit ni Kyera.
Mabilis na nalipat ang tingin ko sa babaeng katabi ko. Halo-halong emosyon ang ipinapakita sa akin ni Kyera. Mariin akong napakahawak sa ibabang damit ko. It's harder for her to see him . . . now is not the time for me to meddle. Hindi ko na 'yon dapat isipin pa. I'm sure . . . it's just a coincidence.
"K-Kyera, tara na—"
Sinubukan kong hilahin paalis si Kyera pero hindi ko ito naituloy nang may balang dumaplis sa gilid ko. Mabilis na napunta ang atensyon ko sa biglang pagsulpot sa dulo ng pasilyo ng mga miyembro ng Trejon.
"Nandito sila!"
Namilog ang mga mata ko sa mga lalaking papunta na sa amin. May kani-kaniya silang dalang mga baril. Baril na nakita ko na noon. Isang baril na gawa sa ginto at may simbolo ng orasan. Agad nila kaming pinaulanan ng mga bala. Hindi na 'ko nagdalawang-isip pa at sapilitan kong hinila paalis si Kyera. Agad kaming tumakbo paalis.
"Jeez! Umayos ka nga!" giit ko.
Tila natauhan si Kyera sa sinabi ko. Even though the color drained out of her face, she continued running. "S-Sorry."
"Tsk, hindi ko pa nakikita si Zail kaya hindi ko alam ang itsura niya. Pero kung totoo ngang si Zail 'yon, sigurado akong may dahilan siya," pagpapagaan ko ng loob ng babaeng kasama ko.
I bit my lower lip as I continued running. Even I am starting to doubt my memory. Sigurado akong nakita ko na ang lalaking 'yon. Pero kung totoo ngang isa siyang miyembro ng Trejon, at siya si Zail, ano'ng ginagawa niya sa likod ng bakuran namin no'ng gabing 'yon?
Napunta ang tingin ko kay Kyera na para bang paiyak na. "Umayos ka! Nasaan na 'yong babaeng matapang kanina?"
She bit her lower lip. Isang tango ang isinagot niya sa akin habang pinipigilang tumulo ang luha niya.
"Hindi kayo makakatakas!"
I heard footsteps chasing after us. Nabigla ako nang muli kaming pinaulanan ng bala ng mga taga-Trejon. Pagewang-gewang kaming tumatakbo ni Kyera na pilit itong iniiwasan.
"Takbo lang, Cleofa!"
Sumunod ako sa sinabi ni Kyera at tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa marating namin ang pintuang itinuro sa amin ng babaeng bampira. The other way out.
"Makakaalis na tayo—"
Ang laki ng tuwa ko nang bumungad sa akin ang liwanag sa labas. Ngunit agad rin itong nawala. Nabigla na lamang ako nang saktong pagbukas namin ng pinto ay bangin ang sumalubong sa amin.
Sh*t.
Napasigaw na lang ako sa sakit nang nahulog kami ni Kyera sa bangin. Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko nang bumagsak kami sa lupa. I can feel the red liquid flowing from my right leg.
"B-Buwisit!" iritadong sambit ko.
Napatingin ako sa binti ko at nakita kong walang-tigil ang pagdurugo nito. "Niloko ba tayo n'ong bampira?!" naiinis na tanong ko kay Kyera. Paano niya nagawa sa amin 'yon?
"N-No," walang kaemo-emosyong sagot niya.
Kumunot ang noo ko sa sagot nito sa akin.
"The guild itself is moving."
I paused for a moment and slowly looked at Kyera. My eyebrows rose and my mouth fell open.
The guild is moving?!
"More importantly, kailangan nating makaalis dito—"
Bigla na lamang natigilan si Kyera sa pagsasalita. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang napahawak sa ulo niya.
"W-Why?" nag-aalalang tanong ko.
Fear crossed her face as she touched her eyes.
"M-My gift . . . I can't u-use my gift—"
Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. Unti-unti akong nanlumo nang matauhan ako sa sinabi niya. Katulad niya ay nakaramdam na rin ako ng kaba.
Huh? Paanong nangyari 'yon?
Doon ko lang napansin na nagdurugo ang kanang balikat ni Kyera. Blood kept flowing out of her right shoulder.
"Sh*t, nabaril ka!"
Agad kong binuksan ang shirt na suot ni Kyera para makita kong mabuti ang sugat niya.
Isa-isa kong tinanggal ang mga butones ng suot niya at natigilan ako nang tuluyan kong nabuksan ang damit nito. Isang pamilyar na tattoo ang bumungad sa akin.
I stopped when I saw what kind of tattoo it was.
A crown.
"Y-You're a . . . Deity?" hindi makapaniwalang sambit ko.
Pilit na ngiti ang ipinakita sa akin ni Kyera bago siya pumunit ng tela sa damit niya upang takpan ang sugat niya. "Once . . . a Deity."
I was frozen in my place and couldn't utter a word. Kumunot ang noo ko sa sagot niya sa akin. "P-Pero paano? B-Bakit? Bakit ka umalis?"
"Isa-isa lang ang tanong mo," natatawang sagot niya sa akin.
"Hindi naman guild ang problema kaya ako umalis."
"Ako mismo ang may problema," natatawang dugtong niya.
Wala akong maisagot sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan . . . Dating Deity si Kyera? Pero bakit gano'n siya makitungo sa amin? Kay Aqua?
"Cleofa."
Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla akong tawagin ni Kyera. I looked at her and our eyes immediately met.
"Do you think I'm a bad person?"
There was a sudden silence. Umiwas ako sa tingin niya. Ayaw kong magsinungaling, pero unang pagkikita pa lang namin ay ayaw ko na kay Kyera. Lalo na sa sinabi niya sa guild namin at kay Aqua.
"Sabi ko na nga ba."
"H-Hindi mo 'ko masisisi. Binastos mo ang guild n-namin. Pati na rin ang kaibigan ko."
"Kaibigan, huh?" Umangat ang tingin niya at malalim na napaisip. "Paano kapag sinabi ko sa 'yong parang kapatid na ang turing ko kay Aqua?"
I was suddenly taken aback. Nabigla ako sa sinabi ni Kyera. My forehead furrowed and I gave her a serious look. Niloloko niya lang ba ako?
But my expression immediately faded when I saw her face. Isang inosenteng babae ang nakita ko. Parang hindi isang Avelite ang kaharap ko ngayon. A . . . Deity.
"Pero hindi kita pipilitin na maniwala sa akin. I mean, sino'ng maniniwala, hindi ba? Sino ang gano'n trumato sa isang taong kapatid mo na kung ituring?" natatawang aniya. "Pero ginawa ko ang lahat ng 'yon para din sa kaniya. Para kay Aqua."
Unti-unting nawala ang mga ngiti ni Kyera. Para bang nakatingin siya sa kawalan habang nagsasalita.
"I was a fan of Aqua. Sobra ko siyang tinitingala. The queen of seas, ang babaeng pinupuri ng lahat, ang babaeng nagpaamo ng halimaw ng dagat."
I remained silent. Bakas ang sakit sa mukha ng babaeng kaharap ko sa bawat kuwento niya. Hindi ko mapigilang malungkot habang nakikinig dito.
"She was perfect. Pero pinabayaan niya ang sarili niya. Hindi na siya ang babaeng tinitingala ko." Kita ko ang paghigpit ng pagkakasara ng kamao niya. "Sinayang niya ang lahat dahil lang sa pagkawala ng lalaking mahal niya?! Tsk! How stupid was that?!"
Nakuha ng sinabi ni Kyera ang atensyon ko at natauhan ako sa sinabi niya . . . Lalaking mahal ni Aqua? Is that Zail?
"Simula nang nawala ang lalaking 'yon ay nawala na rin ang babaeng tinitingala namin. Masyado siyang nagpalamon sa kalungkutan at pinabayaan na niya ang sarili niya." Kyera's voice cracked. I can feel the sadness in her voice.
"Kung sila Keon ay natiis na makitang gano'n si Aqua, pwes, ako hindi. Nagpalakas ako para maging qualified ako na maging miyembro ng Avelites. Nang sa gano'n ay makita ni Aqua ang bagay na sinayang niya. Na ako ang mawawala sa kaniya kapag hinayaan niyang gano'n na lang siya."
Kahit kitang-kita ang sakit sa mga mata ni Kyera ay nagawa pa rin nitong mapait na ngumiti.
"Pero sino ba'ng niloloko ko? Ni hindi man lang ako tiningnan ni Aqua nang umalis ako sa guild," walang kaemo-emosyong sambit niya. "Sobrang sakit n'on. Kaya sinabi ko sa sarili ko, kukunin ko si Keon, dadalhin ko siya sa Avelites. Para muli kong makita si Aqua na lumaban para hindi mawala si Keon sa kaniya."
I can't utter a word. Doon ko nalaman ang dahilan kung bakit gustong kunin ni Kyera si King.
"Pero alam mo? Hindi takot si Aqua mawala si Keon sa kaniya. Takot lang siyang maiwan uli. Takot lang siyang mag-isa."
Naging tahimik lang kami ni Kyera. Hindi ako nakasagot o naka-react agad sa kuwento niya dahil pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga sinabi niya. At the same time, naiinis ako sa sarili ko. Hinusgahan ko agad siya nang hindi nalalaman ang buong kuwento.
"Kyera—"
Natigilan ako nang may marinig kaming isang ungol. Agad akong napatingin sa itaas. A . . . wolf?
I was startled when a rope suddenly fell. Hindi ako makapaniwalang napatingin dito. Pareho naming hindi inaasahan ng kasama ko ang paghulog nito. Rinig ko ang pagbuga ng hangin ni Kyera bago desididong tumayo.
"Cleofa, tara na!"
Hindi nag-aksaya ng oras si Kyera at agad niyang inakyat ang lubid. Just like her, I also did the same.
Kahit nararamdaman ko ang pagkirot ng binti ko ay hindi ko ito ininda at binilisan ko ang pag-akyat.
Nang makarating kami sa taas, bumungad sa amin ang isang malaking puting lobo. Habol-habol ko ang hininga ko nang matigilan ako nang makita ang kabuoan nito.
It's the same wolf I saw that night . . .
"F*ck." Nilingon ko si Kyera dahil sa sinabi niya.
"Si Zail nga 'yon," aniya. "That's his f*cking familiar."
"Delta."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top