27. Bet
THE atmosphere suddenly changed. Nakatutok ang tingin ko sa babaeng pinapakiramdaman at pinag-aaralang mabuti ang bawat sulok ng kalesa. Huminga siya nang malalim at tahimik na naupo pagkatapos. Malalim na nag-iisip si Kyera ng paraan para makatakas dito. Her eyes are color orange.
Palihim akong napasinghap nang makita ang unti-unting pagtaas at pagbabago ng mga tainga niya. They look like . . . a dog's ear. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kaniya. I can't help but get curious about her gift . . . but I don't think it's a good idea to ask—
"It's all written on your face," biglang sambit ni Kyera na ikinatigil ko. "What is it?" may tonong tanong niya.
Napalunok ako nang malalim. Nag-aalangan pa 'kong magtanong pero nanaig ang kuryosidad ko. "What's your gift?"
She was taken aback by my question. Halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko. Tumagal ng ilang segundo bago siya sumagot.
She heaved a sigh. "I inherited Artemis, the goddess of hunt's gift.
"The gift of hunt, kaya kong gayahin ang kahit anong ability ng hayop na nagawa kong mahawakan. I can run fast like a cheetah and fly like a bird."
My mouth fell half open, dumbfounded. Namamangha akong napatingin sa babaeng kaharap ko. Hindi ko mapigilang humanga sa gift niya. That is so cool.
"How about you? What's your name?" tanong niya na agad kong sinagot.
"Cleofa."
Inililibot ni Kyera ang tingin siya sa kalesa at malalim na nag-isip. "Okay, Cleofa, where is your tattoo?"
Natauhan ako sa sinabi niya at agad kong tinanggal ang tela na nakatakip sa tattoo ko. I showed her my wrist, revealing my tattoo.
"Takpan mong mabuti 'yan kung hindi patay tayong dalawa," aniya.
Isang tango ang isinagot ko sa sinabi ni Kyera. Nanatili akong nakatingin at nakikinig sa kaniya.
"They don't know that we belong to a guild. And they don't know that we're gifted, kaya 'wag kang aakto nang mag-isa."
Muli akong tumango sa sinabi niya. Wala akong balak na umakto mag-isa . . . kung hindi kinakailangan.
"Don't worry, I'll find a way to get you out of here," seryosong sambit ng babaeng kasama ko.
Kumunot ang noo ko nang makuha niya ang atensyon ko. "A-Ako? Bakit ako lang?" marahang tanong ko.
Umirap ito sa akin bago sagutin ang tanong ko. "Stupid! Natural, dahil hindi ka naman talaga kasama dapat dito."
"Eh, hindi naman 'to kasama sa plano niyo, hindi ba? Kaya kailangan, tayo ang tumakas!" pagmamatigas ko.
"Ang hina mo talaga! Nandito na 'ko, kailangan kong ituloy ang napag-usapan."
Aangal pa dapat sana ako nang huminto ang kalesa. Pareho kaming natigilan ni Kyera at mabilis na napunta ang tingin namin sa maliit na bintana. We're already here.
Napaismid na lang si Kyera nang bumukas ang pinto ng kalesa. Sinalubong kami ng ulan na mabilis na naharangan ng iilang mga lalaki.
"O, gising na pala ang mga prinsesa!" nakangising bungad sa amin ng isang lalaki. Agad kaming hinila ng mga kasama niya palabas ng kalesa.
"Ano'ng trip n'yo, ha?!" sambit ni Kyera sa mga lalaki habang hila-hila kami papunta sa guild nila. Napalunok na lamang ako nang malalim nang mapunta na kami sa harap ng guild nila.
It's freaking huge, at nakaukit sa pinto ang symbol ng Trejon guild. The atmosphere hits differently compared to our guild. The guild was dark and there were even dead trees in its surrounding. Kahit walang-tigil ang pag-ulan ay kapansin-pansin ang mga uwak na nagsisiliparan sa itaas.
"Pasok po kayo!" natatawang sabi ng isa sa mga lalaki.
Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang mga nag-iinuman na naroon. Hindi lalagpas sa bente ang mga gifted na nakatambay sa guild nila. Katulad ng guild namin ay mga upuan ang sumalubong sa amin pagpasok.
"Mga bisita na naman!" sigaw ng isa.
Napalunok ako nang malalim habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid. Mabilis na naagaw ng pansin ko ang isang babaeng hawak-hawak din ng isang taga-Trejon.
My eyes were immediately stuck on her. Siya 'yong babaeng bampira kanina . . . inilibot ko ang tingin ko para hanapin ang kasama niya pero nabigo ako. Siya lang mag-isa ang nandito.
"Tsk! Ano, Lucho? Hindi ka ba nagsasawa sa babae na 'yan? Walang-kuwenta 'yan!"
Muling nagtawanan ang mga lalaki sa guild sa sinabi ng isa sa mga lalaking nagdala sa amin dito. He's talking to the guy who's with the vampire girl. Sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina at ang takot ng mga bampirang ito sa mga gifted.
Nasagot ng nakikita ko ngayon ang isa sa mga tanong ko. Nandito rin ang Trejon guild sa Resoir kasama ang mga bampira. They're abusing them.
"Paki mo ba? Sino na naman 'yang mga kasama mo, ha?" sagot ng lalaking nagngangalang Lucho.
He has a big scar on his mouth and it looks like he's in his mid-20s. He's just wearing a casual black shirt with a long coat together with black pants.
Pinagmamasdan niya kami habang lumalapit sa amin.
Sinubukan nitong hawakan sa mukha si Kyera nang tinapik ito ng kasama ko. "Layo, aso, ang baho ng kamay mo," walang kaemo-emosyong sambit niya.
Pare-pareho kaming nabigla sa sinabi ni Kyera. Everyone didn't expect her answer.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. What . . . the heck?! Kanina, sabi niya ay 'wag aakto mag-isa, pero ngayon, siya na mismo ang gumagawa ng ikapapahamak namin!
"Eh? Palaban ka, ah—"
"Shut up," muling sagot ni Kyera.
She looked Lucho dead in the eye, enough to make him shut up.
Walang-takot na dinaanan ng babaeng kasama ko ang lalaking kaharap namin. Kaswal siyang lumapit sa bampirang babae na ngayon ay hawak-hawak ng isang taga-guild.
"Ikaw, bulag ka ba?" tanong ni Kyera sa lalaki.
Kumunot ang noo ng lalaki sa sinabi ni Kyera at nabigla ang bampirang babae. "Don't f*cking touch her; you're hurting her."
Walang nakakibo agad sa sinabi niya. Napakurap-kurap muna ang lalaking kinausap ni Kyera bago kumunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. "Tsk! Sino ba 'tong dinala mo, Franco? Hindi ko gusto ang tabas ng dila nito," sagot ng lalaki. Napunta ang tingin niya sa lalaking nagdala sa amin dito.
Pareho ring tumingin sa puwesto namin si Kyera. I suddenly felt the chills down my spine. Hindi ko alam pero nanginginig ako ngayon. Hindi dahil sa nasa pugad kami ng kalaban kung 'di dahil sa mga tingin ng kasama ko. She looked at Lucho like a hunter looking at her prey.
Is this an Avelite?
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Natauhan na lang kami nang umalingawngaw ang isang boses. Isang malakas na tawa ang inilabas ni Lucho nang mapansin ang mga tingin ni Kyera.
"Kaya naman pala! A gifted!" natatawang aniya.
Nabigla si Franco sa sinabi niya, ang lalaking nagdala sa amin. Wala itong kaalam-alam na mga gifted ang dinala niya sa guild.
"H-Ha? H-Hindi, ah! Imposible—"
Natigilan siya nang sapakin siya bigla ni Lucho. "Malilintikan ka mamaya." He gave him a disgusted and serious look.
Muling napunta ang tingin nito sa amin. "So? Saang guild kayo galing, mga hija?"
Kyera gave him a torpid look. She went poker-faced. "None."
"And that girl . . ." Itinuro ni Kyera ang babaeng bampira. ". . . is my friend," dagdag niya.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Agad kong nalaman ang gusto nitong palabasin. She's just making this up.
"O, kaya pala." Lumapit si Lucho kay Kyera na may ngisi sa labi. "So what do you want, miss?"
"Let us go," muling sambit ng kasama ko na hindi kumukurap.
Lucho tilted his head while looking at her. Muli itong tumawa sa sinabi niya. "Ehh? Sure! You can go! Pero ang bampirang kaibigan mo ay hindi makakasama. She belongs to us, miss," aniya.
We waited for Kyera's answer. Walang-tigil ang mabigat na paghinga ko dahil sa tensyon dito sa silid. Tanging paglunok na lamang nang malalim ang ginawa ko.
"Then, how about a bet?" nakangising sambit ni Kyera.
There was a sudden silence. Kumunot ang noo ni Lucho sa sinabi ni Kyera. Kahit hindi niya mapigilang magtaka ay bakas pa rin sa mukha niya ang pagiging interesado.
"I'm listening."
Humakbang papalapit ang babaeng kasama ko sa lalaking kaharap niya, without even blinking. There's not even a trace of fear on her face.
"Kapag nanalo ako, aalis kami kasama siya," pangunguna ni Kyera.
"And what if you lose?" tanong ni Lucho.
"You decide."
"I'll kill you."
Isang ngisi ang ipinakita ng kasama ko at walang bakas ng takot sa kaniyang mukha. "If you can, sir."
"Ang lakas ng loob mo, baka lapain ka ng alaga ko."
Kasunod ng pagkasabi n'on ni Lucho ay nakarinig kami ng angil.
Kusang namilog ang mga mata ko sa pagsulpot ng isang malaking puting tigre sa harap nito.
It looks so majestic yet terrifying at the same time. Nagsituluan ang laway nito nang inilabas ang malalaki nitong pangil.
Hindi ako makapaniwalang napatulala. Paano niya na-summon 'yon nang hindi ito tinatawag?
Hindi inalintana ng babaeng kasama ko ang mga pangil na nakaharap sa kaniya. Hindi nagpatinag si Kyera sa ginawa nito, bagkus ay kumurba pa ang labi niya.
"Oh? Well then, RIP," taas noong sambit ni Kyera.
Kumunot ang noo ni Lucho sa sinabi nito.
"RIP?"
Hindi na naituloy ni Lucho ang sasabihin niya nang muli kaming nakarinig ng pag-angil. Kusang umangat ang tingin ni Lucho nang may sumulpot sa lamesa sa harapan niya.
A huge black puma appeared beside Kyera. It looks so elegant yet dangerous at the same time.
Kumurba ang labi niya ng isang ngisi at taas-noong tiningnan ang lalaking kaharap.
"Baka dalawa pa kayong lapain ng alaga ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top