23. Fools

LAHAT ng atensyon ngayon ay nasa mga bagong dating. The atmosphere suddenly changed, and I could feel the tension between the guild and the group that had just appeared. This is the first time na makakita ako ng Avelites. The S class guild.

"O? Bakit huminto kayo?" natatawang sambit ng babaeng nauuna sa kanila.

A morena girl with ash blonde hair. She's wearing a white shirt that is unbuttoned in the last two buttons with a black top inside and denim jeans. Kapansin-pansin din ang itim na bandana nito sa ulo.

Lahat ng mga pares ng mata ay seryosong nakatingin sa kanila. Kabilang na rin ang guild's master namin.

"What are you doing here, Kyera?" marahan pero may tonong tanong ni King sa babae.

The girl called Kyera chuckled. "Why? Am I not welcome here?" sarkastikong sagot niya.

I heard the guy beside me click his tongue. Padabog na tumayo sa tabi ko si Rivan at nagsalita, "Kung nandito ka na naman para ipagpilitan na isali si Keon sa Avelites, umalis ka na. Nag-aaksaya ka lang ng oras," seryosong aniya.

Nakuha ni Rivan ang atensyon ni Kyera. She plastered a smirk on her face. "Oh, don't worry. I'm not here to take your precious King away."

"But still . . ." Inilibot niya ang tingin niya sa buong guild na may mapanghusgang tingin. Bakas sa mukha niya ang pandidiri. "This guild is really pathetic. No wonder umalis si Raven."

Mas lalong bumigat ang tensyon sa guild at lalo na ng pakiramdam ko. Pare-parehong naging matalim ang tingin ng mga miyembro ng guild kay Kyera. Maski si King ay bakas na rin sa mukha ang pagkairita. Pasimple akong napaismid at humigpit ang pagkahahawak ko sa baso ng alak.

"Hindi ka talaga nababagay rito King, pero hindi na kita pipilitin. Alam ko namang matatauhan ka at ikaw na mismo ang lalapit sa amin." Kyera faked a smile.

Napalunok ako nang malalim. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at hindi nawawala ang tingin sa kanila. Kahit ako ay nagsisimula na ring kumulo ang dugo sa babaeng 'to.

Ano'ng karapatan niyang sabihin 'yon sa harap namin? Ganito ba ang Avelites?

"Sabihin mo na ang pinunta mo rito Kyera at umalis na kayo," maawtoridad na sabi ni King.

Kyera raised both of her hands while whistling. "Oh, chill, Keon. Nandito lang ako para isama ka sa misyon," natatawang sagot niya.

Kumunot ang noo ni King sa narinig, kahit ang atensyon din ni Aqua ay nakuha ni Kyera.

"Mission?" marahang tanong ni King.

"Yes, the academy gave me an S Mission," panimula ng babaeng kausap niya. "And they gave me the authority to pick whoever I want. Kahit anong guild, mapa-senior man o master."

King paused for a moment. Bakas sa mukha niya na wala siyang magagawa kung hindi ang sumang-ayon.

"Naiintindihan ko. Kung sa academy mismo nanggaling 'yan, sasama ako."

Napangiti si Kyera sa sagot ni King na ikinainis ng mga Deities. "I know you—"

"No," pagsingit ng isang babae.

Natigilan sa sasabihin niya si Kyera nang nagsalita si Aqua. "He won't go," giit nito.

Both of Kyera's eyebrows rose when she saw the person beside King. Sadya siyang napasinghap nang mapansin ang babaeng kanina pa nasa tabi ng kausap niya.

"O! Nandito ka pala, the queen of the seas, heiress of Poseidon, Queen Aqua," sarkastikong sambit niya. Walang-gana niyang tinapunan ng tingin si Aqua.

"I'm sorry at hindi kita napansin, hindi ka na kasi katulad ng dati na malakas at mapapansin agad, he-he-he," dagdag pa niya na may pang-uuyam.

Everyone's eyes sharpened as they looked at the uninvited guest. Para silang mga mababangis na hayop na susugod anumang oras. Mabilis akong napatingin sa gilid ko nang maramdaman kong susugod na sa tabi ko si Rivan. Agad ko siyang hinawakan.

"I'm going to kill this b*tch."

Nanlilisik ang mga mata niya at nag-iigting ang bagang habang nakatingin sa puwesto nina Aqua.

"Anyways, hindi ko hinihiling ang opinyon mo. Si Keon ang kailangan ko at hindi ikaw," walang-ganang sambit ni Kyera. Muli itong ngumiti kay Aqua.

"I said he won't go. Kagagaling niya lang sa misyon. Wala ka man lang bang paki? Kailangan niyang magpahinga."

"Well, that's not my problem. Pumayag na si Keon, kaya 'wag kang makialam," deretsong sagot ni Kyera.

Ngumisi siya bago tumalikod kina Aqua para umalis. Kasunod ang mga kasama niya ay nagsimula nang maglakad papunta sa pintuan sina Kyera. They started walking out of the guild when a strong wind blew. Malakas na nagsara ang pinto at tuluyang naging yelo ang hawakan nito.

Kasabay ng pabigat na pabigat na tensyon sa silid ay ang pabilis nang pabilis na tibok ng puso ko.

"Maghanap ka ng iba. 'Wag mong isama si Keon," maawtoridad at may tonong bigkas ni Aqua.

I suddenly felt the chills in my body. Kahit nanonood lamang ako ay hindi ko mapigilang kabahan.

Bakas ang pagkainis sa mukha ni Kyera pero pinipilit pa rin niyang ngumiti. "Sinusubukan mo ba 'ko, Queen?"

I was startled when Kyera suddenly disappeared from her place. Sa isang iglap ay napunta na sa harap ni Aqua si Kyera. Tanging ang paghampas lang ng hangin ang naramdaman ko sa pagkilos niya. Her eyes are now color orange.

"Don't mess—"

It felt like time stopped when everyone became silent. Hindi na naituloy ni Kyera ang sasabihin niya nang may likidong tumulo sa ulo niya. Rinig ang bawat pagtulo ng likido na dumidikit sa bandana at buhok niya.

Pare-pareho kaming napatingin sa itaas kung nasaan ang siraulong may hawak ng baso at nagpapatulo nito. Nakapangalumbaba siya at walang-buhay ang mga mata na nakatingin sa ibaba.

"Oops, sorry, it slipped," sambit ni Helix.

Kaswal siyang tumalon pababa at lumapit kina Kyera upang punasan ang ulo nito gamit ang basahan mula sa lapag. Nanatiling nakatingin sa kaniya si Kyera na hindi pa napoproseso ang nangyayari.

Nang matauhan ay pilit siyang ngumiti para iligtas ang sarili sa kahihiyan. "I-It's okay."

"S-Siraulo ka!"

Umamba ang isa sa mga kasama ni Kyera. Balak na dapat niyang sugurin si Helix nang may kidlat na pumigil dito. Rinig ang malakas na dagundong nito at kita ang umuusok na lapag kung saan nasa tapat lang ng lalaki.

Napatingin sila kay Alvis na prenteng nakaupo at may hawak na libro. Siya lang ang may kayang gumawa n'on.

"Ang ingay mo, nagbabasa ako," seryosong sambit ni Alvis.

Walang may nakagawang sumagot. Unti-unting humigpit ang pagkakasara ng kamao ni Kyera. Kahit pare-pareho silang nanggigigil at nagpipigil ng mga kasama niya, hindi nila magawang bawian ang dalawang lalaking bumastos sa kanila.

"Bakit ba hindi mo na lang pagbigyan si Miss? Alam mo, ayokong pagbuntunan kami ng bad trip niyan, kaya maghanap ka na lang ng iba mong makakasama," walang-gana pero may tonong sambit ni Helix kay Kyera.

Kyera's face is slowly turning red. It looks like a vein popped out in her neck out of anger. Wala siyang masabi ngayon. Sobra silang ipinahiya ng dalawang kasama ko. Pilit na lang siyang ngumiti kahit namumula na siya sa galit.

"Fine!" she said, irritated. "Hindi ko na isasama si Keon."

Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Parang nawala ang tinik sa lalamunan ko sa sinabi niya . . . pero mabilis na binawi ang saya ko.

"Pero isasama ko kayong dalawa."

Mabilis na nawala ang pagkakampante ko at naglaho ang ngiti ko. My eyes slowly widened as I realized what she meant.

"You can't do that!" pagpigil ni King.

"Yes, I can, Keon! Kayong dalawa ang sasama sa amin!"

Sinubukang pigilan ni King ang desisyon ni Kyera. Pero bakas sa mukha niya na hindi na namin mababago ang kaniyang desisyon. Nag-aalalang nalipat ang tingin ko kay Helix na nagpapakita ng kabaliktaran ng reaksiyon ko—mukhang natuwa pa sa narinig.

"Fine, I'll go. Ikaw ba, Alvis?" walang-ganang sambit niya.

Tinapunan lang sila ng tingin ni Alvis bago ito bumalik sa pagbabasa. "Sure," maikling sagot niya.

Napangisi na lang si Kyera sa sagot ng mga kasama ko na bakas pa rin sa mukha ang pagkainis. "Then it's settled. Tingnan natin kung mabubuhay ang dalawang rookie na 'to sa misyon."

She glanced at the guild one last time with her cat-like eyes before turning her back on us. Tuluyan nang umalis si Kyera kasama ang mga kasama niya. Walang-ekspresyon nilang binasag ang yelo sa pintuan at iniwan itong sira. Pare-pareho kaming naiwang nakapako sa mga puwesto namin na hindi makapaniwala sa nangyari. It happened and ended too fast for us to process what just happened.

Pero sa kabila ng katahimikan, walang kaemo-emosyon akong tumayo mula sa pagkakaupo at mariing nakasara ang kamao. Dere-deretso akong naglakad sa puwesto nina Helix at Alvis na parehong napatingin agad sa akin.

"Mga siraulo!"

Nakatanggap silang dalawa ng malakas na batok sa akin. "A-Alam n'yo ba ang pinasok n'yo?!" sambit ko.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi para pigilan ang paglabas ng ano pang emosyon ko, pero binibigo ako ng mga mata kong nararamdaman kong nagtutubig. Napabuntonghininga na lamang sa harap ko si Alvis.

"I'm sorry, Cleofa. Don't worry, mag-iingat kami."

"K-Kung sana gano'n lang kadali 'yon!"

"Hayaan mo sila," pagsingit ni Aqua.

Natigilan ako sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa babaeng walang-buhay ang mga mata na nakatayo sa likuran ko at kapwa nakaharap sa dalawang kasama namin. Kunot-noong napaawang ang bibig ko.

Ano'ng pinagsasabi niya?!

"I did not ask you to do it for me," walang kaemo-emosyong dagdag ni Aqua.

Helix chuckled. "And I didn't do it for you, Miss," nakangising sagot niya. "Ito ang gusto ko, para naman may thrill, hindi ba? Papakitaan ko 'yong Avelites na 'yon!" dagdag pa niya.

Narinig ko ang pagsara ng libro ni Alvis bago kaswal na tumayo. "Well, we'll be back soon." He smiled.

Isang ngiti ang ipinakita nila sa amin bago sila umalis. Pareho silang sinalubong ng palubog na araw nang matapat sila sa pintuan ng guild na sira na. Unti-unting nawala sa paningin ko sina Helix at Alvis. Tuluyan na silang lumabas ng guild upang sumama sa grupo ni Kyera.

Naiwan akong nakatayo lamang sa guild habang pinanonood silang mawala. I can't even utter a word out of disbelief. Mariin akong napahawak sa laylayan ng damit ko. Muling bumalik sa akin na hindi man lang sila pinigilan ni Aqua. Magkadikit ang kilay ko nang hinarap ko siya.

"S-Seryoso ka ba?! Hindi mo man lang sila pipigilan—?"

Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ang isang ekspresyon na hindi ko pa nakikita mula sa kaniya.

She's biting her lower lip while her eyes are getting glossy. Maamo ang mga mata ni Aqua habang nakatingin sa labas ng guild, punong-puno ng emosyon ang mga mata.

"F-Fools."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top