21. Waves
IT felt like time slowed, yet everything was happening so fast. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita.
Aqua must be the Gods' favorite . . . she inherited Poseidon's gift and had the freaking leviathan as her familiar!
Akala ko ay sina Helix at Alvis na ang pinakamasuwerte dahil sa familiar nila pero mali ako. Ang halimaw ng dagat . . . ang tagasira ng mga barko . . .
A traveler's greatest nightmare.
The monster of the sea is staring right at us. For Pete's sake, hindi maikukumpara ang dalampasigan na ito sa laki niya. Pare-parehong napako sa kinatatayuan nila at walang-tigil ngayon sa panginginig si Celes at ang mga kasamahaan niya. Kahit ako rin naman ay hindi ko mapigilang manginig.
Ang mga tingin namin ay nasa iisang direksiyon lang. Patuloy sa pagwawala ang karagatan at ang kalangitan . . . This is the reason why Aqua is one of the crowns and is called the queen.
"Wipe them out, Tsunami," malamig na sambit ni Aqua.
Isang matinis na tinig ang inilabas ng leviathan, dahilan ng pagtakip namin sa aming mga tainga. Kasabay nito ang pag-angat ng isang alon na papunta sa pampang. Namilog ang mga mata ko nang nagsimula na itong lumaki nang lumaki.
Sh*t, madadamay kami!
"Cleofa!" rinig kong tawag sa akin.
Mabilis akong napatingin sa puwesto nina Risca nang tawagin niya 'ko. Agad kong naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig nang magtama ang mga mata namin. Hindi ako nagdalawang-isip pa at mabilis akong tumakbo papunta sa posisyon nila.
I rushed toward them without even glancing at the huge wave coming. Saktong pagdating sa puwesto nila ay ang pagtama ng alon sa amin. Agad itong hinarangan ni Risca kaya hindi kami natamaan.
Using her gift, she opened a part of the wave by controlling the water, dahilan para dumaan lang ito sa amin.
Hindi agad naproseso nina Celes at ng mga kasama niya ang nangyayari, dahilan kung bakit pare-pareho silang napako sa mga puwesto nila at tinamaan ng alon na dumating. Nang dumikit ang tubig sa mga balat nila ay kusa itong tumigas at naging yelo.
"H-Holy sh*t— " nakaawang ang bibig na sambit ni Helix.
Everything that the wave touched instantly froze. Naging yelo ang buong dalampasigan. Ilang minuto rin ang itinagal bago naging yelo ang buong pampang. Kasabay ng paghinahon ng dagat ay ang pagkawala ng malay ni Aqua.
"Aqua!"
Mabilis na kumilos ang mga kasama ko para lapitan siya. Si Alvis na nauuna sa amin ay mabilis siyang sinalo bago pa tuluyang bumagsak sa buhanginan. Nag-aalala kong tiningnan si Aqua at gumaan agad ang loob ko nang makitang mahimbing siyang nakatulog. Para siyang anghel dahil sa sobrang amo ng mukha niya habang natutulog.
"Summoning the great leviathan caused a huge amount of strength and power. Kaya siguro nawalan ng malay si Aqua," sambit ni Risca habang nakatingin sa babaeng walang-malay.
Napunta ang tingin niya sa grupo nina Celes na naging yelo ngayon. Halong paghanga at pagkatakot ang ipinapakita ng ekspresyon nila.
"Not even Hephaestus' fire can melt that ice. Ang kapangyarihan ng leviathan. Frozen breathe," dagdag niya.
Napalunok ako nang malalim. "B-Buhay pa ba sila?" marahang tanong ko. Napatay . . . kaya sila ni Aqua?
"Nah, depende na lang kay Aqua kung tutunawin niya ang yelo o mananatiling ganiyan 'yang mga 'yan," sagot sa akin ni Risca.
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Muling napunta ang tingin ko sa mga katawang nasa loob ng naglalakihang mga yelo. Kahit masama ang ginawa nila ay parang hindi naman sapat 'yon para tapusin ang buhay nila.
Speaking of ginawa nila—
My eyes slowly widened when I realized what I've just thought. Mabilis na nalipat ang tingin ko sa mga kasama ko.
"S-Saan nila dinala 'yong mga babae?!"
Pare-parehong natauhan ang mga kasama ko sa sinabi ko. Agad kaming kumilos para hanapin ang mga babae.
"Alvis, stay with Aqua. Kami na ang maghahanap sa mga babae." Isang tango ang isinagot ni Alvis sa sinabi ni Helix.
We didn't waste our time and immediately looked for the women abducted. Mula pampang hanggang sa unang parte ng gubat ay nagyeyelo, at kahit ilang metro na ang layo nito sa dagat ay bakas pa rin ang epekto ng ginawa ng leviathan sa gubat. Inikot namin ang buong lugar at nadala kami ng mga paa namin sa tapat ng isang cabin.
Nagkatinginan kami ng mga kasama ko na para bang alam na namin ang gustong ipahiwatig ng isa't isa. Agad namin itong pinasok at laking tuwa namin nang makita ang mga babae rito.
Halos umiyak na sila sa pasasalamat sa pagligtas sa kanila. Tinakot daw sila nina Celes na tatapusin ang mga buhay nila sa oras na may lumabas. Mabuti na lang at hindi sila nadamay sa ginawa ng leviathan.
Malalim akong napabuntonghininga. We managed to help all of them, and I'm glad that everyone is safe.
"Maraming salamat sa inyong lahat!"
Halos lumuhod na ang pinuno ng bayan nang dumating kami kasama ang mga mahal nila sa buhay. "M-Maraming salamat! Maraming— "
"Ang ingay mo, tanda," giit ni Helix.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sirau— "
"Hoy, mga tiyanak! Tara na at bumalik na tayo sa academy!"
Pareho kaming napalingon ni Helix kay Aqua nang tawagin niya kami. Napaismid na lamang si Helix bago sumunod rito. Bago ako umalis ay nagpaalam ako sa mga tagabayan.
"Maraming salamat talaga. Hinding-hindi namin makakalimutan itong ginawa n'yo," pagpapasalamat nila.
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti sa sinabi nila. "Walang anuman—"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang natigilan ako. Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. I suddenly felt the chills down my spine. My smile faded as I felt someone looking at me.
Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid pero wala akong nakitang kakaiba. But I'm sure I felt someone was watching me here.
Guniguni ko lang ba 'yon?
"Hoy, Cleofa! Tara na!" sambit ni Risca.
Inirapan muna ako nito bago mauna sa pag-alis. Isinawalang-bahala ko na lamang ang naramdaman ko at sumunod ako sa kaniya. Guni-guni ko lang siguro 'yon.
₪₪₪₪₪₪₪₪
"BUWISIT! Bakit n'yo pa ba kami sinama? Dapat pinatay n'yo na lang kami!" giit ni Celes.
Walang-tigil sa pagrereklamo ang babaeng kasama namin. Pabalik kami ngayon sa academy kasama ang grupo niya. Tinunaw ni Aqua ang yelo na nakakulong sa kanila kanina pero nagtira siya sa mga kamay nila para hindi sila makagawa ng kung ano.
"Sinabi na namin sa inyo ang lahat! Trabaho lang ang ginagawa namin!" dagdag niya. Nanggagalaiti si Celes na nakatingin sa amin habang nanlilisik ang mga mata.
Hindi siya napapagod sa paulit-ulit na pagsasalita. Pansin kong kanina pa naiirita sa kaniya si Helix.
Sinabi niya sa amin na trabaho lang daw ang ginagawa nila. Tulad naming mga guild ay tumatanggap din sila ng trabaho, legal man o ilegal. Pero hindi sila kabilang sa kahit anong guild. Sila-sila lang ang kumikilos at magkakasama. Nagkataon na mayroon daw guild na naghahanap ng mga babae at nagbabayad sila nang malaki. Hindi nila pinalampas ang trabaho at agad nila itong tinanggap.
"Mga mukhang pera," sambit ni Risca sa kanila sabay irap.
Tinaasan ito ng kanang kilay ni Celes. "Pare-pareho lang naman tayo."
She touched a nerve. Nakita ko ang pagbabago ng mga mata ni Risca sa sinabi ni Celes. Her jaw clenched and she gave Celes a serious look. "Pakiulit?"
"Ang sabi ko—"
"Titigil ka o susunugin ko 'yang bunganga mo?"
Napahinto sa pagsasalita si Celes sa sinabi ni Helix. Tuluyan na ngang nairita ang mokong. Bigla kong naalala na iniligtas na naman ni Helix ang buhay ko. Dumarami na ang utang na loob ko sa kaniya. Gusto kong makabawi.
Ilang minuto rin ang binyahe ng karwahe pero hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa academy. Agad na dinala ni Aqua sina Celes sa nakatataas.
"Sila na ang bahala sa inyo," sambit ni Aqua sa grupo nina Celes.
Terror overtook their faces. Pare-pareho silang namutla. It made me wonder how really strong the academy is. After taking them and reporting to the teachers and the officials, we were told that we should have a rest.
Nagsimulang mag-inat-inat si Helix habang naglalakad kami pabalik sa dorms. Kasama rin sina Risca, Aqua, at Alvis na bakas sa mukha ang pagod. Hindi ko sila masisi dahil sobra pa sa mission ang nagawa namin.
"Hays, kapagod—"
"'Oy! Nakabalik na kayo!"
Natigilan si Helix sa pagsasalita nang salubungin kami ni Rivan sa tapat ng kastilyo. Nagmamadali siyang tumatakbo patungo sa amin. He's full of excitement as he runs toward us. Hingal na hingal ito nang makapunta sa harap namin.
"Bakit nagmamadali ka?" natatawa kong tanong dito.
Ngumiti siya bago ako sagutin. His eyes flickered with excitement.
"Good news!" he exclaimed.
"King is back!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top