20. Tsunami
I CAN feel the cold breeze touching my skin. Tanging ang paghampas lamang ng alon at ng hangin ang naririnig ko dahil sa biglaang pagtahimik. Nauuna sa amin si Aqua habang kami ay ilang metro ang layo sa likuran niya. Pare-pareho kaming nakatingin sa babaeng nasa gitna.
She just mentioned Aqua's name . . . her whole name.
"Oh, I'm sorry. Where are my manners?" muling sambit ng babae. Sarkastiko siyang natawa.
Naglakad siya palapit sa amin, dahilan para maging alerto kaming lahat. There are five of them together with the girl with green eyes. Without Galdon, our numbers are equal.
"I'm Celes, Your Highness," nakangising sambit ng babaeng nasa gitna. She even bowed like a princess.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, pero kinakabahan ako sa mga nangyayari. Parang may hindi tama. Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Wala akong nakikitang anino ng mga babaeng dinukot, at sa kabila ng kaalaman nila kung sino si Aqua . . . walang bakas ng takot o kaba sa mga ekspresyon nila.
Especially her. Napako ang tingin ko kay Celes—sa mga mata niya. Her eyes are color purple . . . pero bakit parang wala siyang gift na ipinapakita?
"O? Bakit ang tahimik ninyo?" natatawang sambit ng babaeng tinitingnan ko.
"Pagkatapos n'yong atakehin ang kasama ko?" dagdag niya.
Muling humampas ang hangin. Kasabay nito ay nagulat na lang ako sa biglaang pagbabago ng ekspresyon ng kaharap namin. Ang maamong ekspresyon na pilit niyang ipinapakita kanina ay naglaho na parang bula. Nadagdagan ng matatalim na tingin ang ngising ipinapakita niya.
"How about you, Queen? Bakit ang tahimik mo? Bakit hindi mo gawin sa akin ang ginawa mo sa kasama ko kanina?" sarkastikong aniya.
Unti-unting lumapit sa amin si Celes pero nanatiling nakatayo lang si Aqua at walang ginagawa. I was taken aback by her expression. My forehead furrowed, and I looked at her, confused.
Nang mapagmasdan ko nang maigi si Aqua ay roon lang ako natauhan. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko nang tuluyan kong nakita ang ekspresyon niya. Hindi lang siya basta-basta nakatayo lang . . . nanginginig ang buo niyang katawan.
Walang boses na lumalabas sa bibig niya, pero kitang-kita sa mukha niya na maraming umiikot at nagsisipasukan sa isipan niya. Aqua . . . she's not her usual self.
"Oh, I forgot," walang-ganang sambit ni Celes. Unti-unting umukit ang isang ngisi sa labi niya. "You can't use your gift."
Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. Parang may matinis na tunog ang dumaan sa magkabilang tainga ko. Hindi lamang ako kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"You can't, right? Because of your greatest fear," muling sabi ni Celes.
Tuluyan na siyang nakalapit kay Aqua na walang-tigil sa panginginig. Her eyes were filled with fear, and she kept breathing heavily.
"Your greatest fear . . . is the ocean."
Parang bumagal ang takbo ng oras sa sinabi ni Celes. Humampas sa amin ang napakalakas na hangin kasabay ng pagtahimik ng lahat. Tanging ang ingay lamang ng alon at ang paghahampasan ng mga puno ang naging ingay.
Mabilis na namilog ang mga mata ko. Pare-pareho kaming natauhan nang sinenyasan ni Celes ang mga kasama niya at agad itong umatake sa amin. Akmang kikilos ako papalapit kay Aqua nang may naunang nakagalaw sa akin.
"Cleofa, tabi!" Agad na humarang sa harap ko si Helix.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi, hindi pa rin nawawala ang tingin kina Celes at Aqua kahit nahaharangan na kami ng mga kasama niya.
Patuloy si Celes sa pagbulong kay Aqua. Unti-unting tumulo ang mga luha nito. Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko dahil hindi ko magawang maniwala sa kondisyon ni Aqua. Namimilog ang mga matang hindi ako makapaniwala.
Ano'ng nangyayari?
"It's no use. Nasa ilalim na siya ng gift ni Celes," nakangising komento ng isa sa mga lalaking kasama ni Celes. Siya ang nasa tapat naming dalawa ni Helix. "What a weak person. How ironic it is. Heiress ka ni Poseidon pero takot ka sa dagat." He chuckled.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. My forehead furrowed when I realized what he had said. Bumalik sa isipan ko ang kababanggit lang ni Celes . . . na takot si Aqua sa dagat.
"Nah, even if she can use her gift, we can defeat her anyway," dagdag niya.
Bakas ang pagkairita ni Helix sa lalaki. Napaismid ito at walang kaemo-emosyong tinapunan ng tingin ang lalaking kaharap namin. Helix's eyes changed. Mabilis akong nakaramdam ng init nang unti-unting nag-apoy ang magkabilang kamay niya.
"Eh, kung sunugin kaya kita?" naiinis na sabi ni Helix dito.
Napasipol ang lalaking kaharap namin nang makita ang apoy ni Helix. He gave us an irritating look while grinning.
"Oh, so you're also an heir of Hephaestus?" sarkastikong sambit niya.
Helix paused. Namilog ang mga mata niya nang makitang nagbago ang mga mata ng lalaking kalaban namin—the same as his.
"Then, let's see who's the better heir," nakangising sambit ng lalaki. Naglabas din ito ng apoy. Pero hindi ito katulad ng mga pulang apoy ni Helix . . .
It's pure yellow. There's no shade of orange nor red.
Tanging paglunok nang malalim ang nagawa ko. Inilipat ko ang paningin ko at napunta ito sa kaharap ni Alvis. Isang malaking lalaki at maliit na babae. Pareho sila ng gift kung saan nako-control nila ang lupa. Samantalang kaharap ni Risca ang babaeng nakita namin kanina. Risca is at disadvantage here. Nature ang gift ng babae, kaya lahat ng atake ni Risca ay hinihigop lamang ng mga atake ng babae.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. I felt so useless. Wala akong maitulong sa kanila! Buwisit! Bakit kasi hindi ko pa rin magamit ang gift ko?! Kailangan ko siya ngayon!
Muling napunta ang atensyon ko kay Aqua. Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang desidido akong tumingin dito.
This is something I can only do.
While Helix is busy with the guy in front of us, I took it as a chance to get pass through him. Agad akong lumapit sa puwesto ni Aqua at hindi ako nagdalawang-isip na itulak ang babaeng nakadikit sa kaniya.
"W-What— "
Habol-habol ko ang hininga ko habang marahang hinawakan sa magkabilang balikat ang babaeng walang-buhay ang mga mata at tulala—parang wala siyang nakikita. "Aqua, please listen to me. 'Wag kang maniniwala sa kaniya. You're strong and we need you," sambit ko.
I heard Celes chuckle while shaking her head. "Oh, little girl, wala ka nang magagawa pa. Tuluyan na siyang nilamon ng nakaraan niya."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Agad kong tiningnan si Aqua at walang-tigil sa pagtulo ang mga luha nito.
"So fragile . . . she's remembering her past. Her greatest fear."
Napaismid akong napailing. Hindi ko pinakinggan ang mga sinabi niya at pilit ko pa ring ginigising mula sa realidad si Aqua.
"There's nothing you can do— "
"Yes, there is!" mabilis na pagputol ko kay Celes. "You have no right to mess with other people's traumas! There is no such thing as weak or fragile when it comes to the things you're scared of!" mariin akong napakagat sa ibabang labi.
Natigilan siya sa sinabi ko. I saw Celes' expression change. I don't know if it's due to the situation, or maybe something that I've said . . . but for a second, just for a second . . . I think I felt my eyes change.
Mabilis akong napakurap nang makaramdam ng sakit sa mga mata . . . sa ilang segundong nakapikit ako, parang buong-buhay ang nasilayan ko.
The whole scenario changed. Imbis na naghahampasang alon ang makita ko, isang malaking bahay na kinakain ng apoy ang sumalubong sa akin. Sa harap ng nasusunog na bahay ay may dalawang nag-iiyakang mga bata. I don't know if it's just my imagination, but I'm sure that one of the two kids looks like Celes.
Nang muli kong iminulat ang mga mata ko, bumalik ako uli sa realidad kung saan naririnig ko ang naghahampasang mga alon. Napakurap-kurap ako sa puwesto ko nang mapagtanto ko ang nangyari.
What did I just see?
"Y-You saw it . . ."
Natauhan ako nang marinig kong nagsalita ang babaeng kaharap ko. Hindi maipinta ang mukha niya na para bang nakakita siya ng multo. Dahan-dahan niyang itinaas ang dalawa niyang kamay na walang-tigil sa panginginig.
"YOU SAW IT!"
I flinched when Celes shouted. She sounds like a psycho as she started screaming. "YOU SAW IT! YOU FREAKING SAW IT!"
Naguguluhan pa rin ako sa nakita ko at kung paano ko 'yon nakita. Pero dahil sa inaakto niya ngayon, tumama ang isa sa mga hula ko. Her reaction made my guess right . . . what I just saw was her memory—her greatest fear.
"You also experienced— "
Akmang magsasalita pa lang ako nang may biglang tumulak sa akin. Natumba ako sa buhanginan at naramdaman ko ang pagdagan nito sa akin. I was caught off guard. I tried fighting back not until I saw who it was.
"I-Ikaw— " hindi makapaniwalang sambit ko.
"Buwisit kayo! Masyado n'yo 'kong pinahiya kanina!" sambit niya. Nanlumo ako nang makilala ang lalaki.
Si Galdon!
Pilit niya 'kong sinasakal habang nakadagan siya sa akin. "Nakita mo, hindi ba?! Nakita mo! Nagkaroon pa ako lalo ng dahilan para tapusin 'yang buhay mo!"
Mariin akong napakagat sa ibabang labi habang pinipilit na alisin ang mga kamay niya sa leeg ko.
"Cleofa! B-Buwisit— "
Sinubukang lumapit sa akin ni Helix pero hindi niya rin ito magawa dahil sa lalaking kaharap niya. He's too busy facing the guy who is also an heir of Hephaestus . . . and someone who has a hotter flame than his.
Unti-unti na 'kong kinakapos ng hininga habang padiin nang padiin ang pagkakasakal sa akin ni Galdon. I can't think of any way to get him off of me other than . . .
"A-Angel— "
I tried to call her name but there was no response. "A-Angel."
"Calling your familiar? It's no use," nakangising sambit sa akin ng lalaking kaharap ko. Natigilan ako sa sinabi niya at nanlulumo ko siyang tiningnan.
Galdon's eyes are slowy turning yellow. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at kusang namilog ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Your connection with her is now closed." Umalingawngaw ang napakalakas niyang tawa habang dinidiinan niya ang pagkakasakal sa akin.
I kept fighting back but it had no use. When it comes to strength, he's at advantage. Ano'ng magagawa ng isang katulad ko na lumaki at naniwalang may sakit sa buong buhay niya?
Napaismid na lamang ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko. What an excuse . . . ginagawa ko na lang rason lagi na may sakit ako at walang-alam.
I can't be like this forever.
I grew up being weak . . .
So, I should at least die being strong.
Desididong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Galdon na nakasakal sa akin. Hindi ko man alam ang gift ko . . . pero nabuhay ako hanggang ngayon nang wala 'yon. I didn't take many medicines and vitamins for nothing!
Idiniin ko ang mga kuko ko sa kamay ni Galdon na nakasakal sa akin. Napabitiw at napasinghap siya sa sakit ng kamay niya. Nang inalis niya ang kamay niya sa leeg ko ay hindi ako nagdalawang-isip na kagatin ang braso niya.
I took that chance to run away from him.
"Y-You b*tch— "
"STAY F*CKING AWAY FROM HER!"
Akmang susundan ako ni Galdon nang may isang puting apoy ang tumama sa kaniya. Ramdam ko ang init nito kahit hindi ako ang natamaan. Hindi ako makapaniwala at unti-unting napaawang ang bibig ko sa nangyari. Napatingin ako kay Helix na hingal na hingal na nakaharap sa amin.
"H-Helix—"
"When fighting someone . . ."
I was just about to call Helix's name when someone immediately caught my attention. Mabilis na nawala ang pagkakampanteng naramdaman ko nang makita ko ang lalaking nakaamba na ngayon sa likod niya.
Dilaw na dilaw ang napakalaking apoy na nasa kamay nito na malapit nang dumikit kay Helix. "DON'T EVER TURN YOUR BACK AGAINST THEM!"
"HELIX!"
As if time slowed down when I found myself rushing toward him, praying that I could at least pull him away from the flames. Pero alam ko sa sarili kong hindi ako aabot . . . hindi ako makaaabot—
"Tsk, mga tiyanak talaga."
Nanatiling mabagal ang pagtakbo ng oras para sa akin, pero sa parehong pagkakataon, sobrang bilis ng pangyayari na hindi 'to nasundan ng mga mata ko. Sa isang iglap, ang napakalaking apoy na malapit nang tumama kay Helix ay naging malamig at matigas na yelo.
Pare-pareho kaming hindi agad naka-react at hindi naproseso ang mga nangyari. Natauhan na lang ako nang natigilan sa pag-atake ang isa pang tagapagmana ni Hephaestus at napatitig sa nagyeyelo niyang kamay.
"H-Huh?" he reacted too late. The next thing he knew, the huge ice scattered, making his hand bleed.
Napakurap-kurap na nalipat ang tingin ko sa nag-iisang babaeng may kayang gumawa n'on. Nanatiling nakayuko si Aqua sa tapat ng dalampasigan at ni Celes . . . pero unti-unti kong nakikitang nagliwanag ang ekspresyon niya. Her tears are still falling, but she's slowly showing a smile.
"P-Paanong—imposible! Nasa ilalim ka pa rin ng gift ko!" naguguluhang sambit ni Celes nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ni Aqua.
I heard Aqua chuckle. "Just a few minutes ago . . . your gift disappeared."
Tuluyang nanlumo si Celes sa narinig bago nanggagalaiting tumingin sa akin. Akmang ibubuka niya pa lang ang bibig niya para magsalita nang naunahan siya ng kasama namin.
"I didn't like what you did, but . . ." Pinunasan ni Aqua ang mga luha niya at tumingin nang deretso kay Celes. She looked her dead in the eye. "Thank you." Her face suddenly softened.
"For making me remember my past." Napunta ang tingin ni Aqua sa karagatan na nasa likuran lang ni Celes. "I'm always scared of the sea."
"Because I always remember my family."
I looked at Aqua who was full of emotions. I was stunned . . . Hindi ko alam kung bakit at paano . . . but right now, Aqua really looks like a queen.
"Ang araw na hindi ko makakalimutan. Ang paglubog ng barko kasama ang pamilya ko . . . na ako lamang ang nakaligtas." Muling bumalik ang tingin ni Aqua sa babaeng kaharap. "Lumaki ako na naniniwala na kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit hindi sila nakaligtas. Kung malakas lang sana ako. Kung na-control ko lang ang kapangyarihan ko . . . hindi 'yon mangyayari."
"But now I know. Hindi na 'ko 'yong batang iyak nang iyak dahil nawala ang pamilya niya, na hindi ko kasalanan, na hindi dapat ako matakot sa tubig . . . because . . . I'm Poseidon's heiress."
Dahan-dahang naglakad si Aqua patungo kay Celes na para bang walang nangyari. Humampas ang malakas na hangin at kusang sumabay ang asul na buhok ni Aqua rito. Kasunod n'on ay nagsimulang yumanig ang lupa at tumaas ang mga alon.
"And this is my territory."
A whirlpool is starting to form in the sea. Even the skies are roaring. Thunder and lightning are starting to appear.
"Tsunami," malamig na sambit ni Aqua.
Parang muling bumagal ang oras nang lumabas 'yon sa bibig ng babaeng tinitingnan ko. Kahit malamig ang simoy ng hangin, para akong sinasakal ng init dahil sa biglaang pagbigat ng paghinga ko at pakiramdam.
Tsu . . . nami?
Tuluyang nagwala ang karagatan kasabay ng malalakas na kulog at kidlat.
Aqua is summoning her familiar.
Kasabay ng malalakas na kulog ay ang paglabas sa tubig ng kinatatakutan ng lahat ng mandaragat. Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan habang unti-unting sumabay sa pag-angat ang mga mata ko sa pag-angat niya.
The monster of the sea.
The leviathan.
"Bow down to the queen of the seas."
₪₪₪₪₪₪₪₪
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top