2. Nocturne
NAKASANDAL ako sa bintana ng sasakyan habang nakasilip sa labas. Si Tito Alejo ang nagda-drive. Nanatili akong tahimik buong biyahe. Nang tingnan ko si Tito ay seryoso itong nakatingin sa kalsada.
"Tito, saan ba tayo pupunta?" marahang tanong ko.
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na iyon itinanong sa kaniya. Yet, his answer is still the same.
"Kung saan gagaling ka," tipid na tugon ni Tito.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at tumingin sa bintana. Halos dalawang oras na kaming nagda-drive rito sa kalagitnaan ng gubat. Matarik ang daanan sa lugar na 'to at hindi ko alam kung mayroon bang sibilisasyon dito.
After what happened last night, I was awoken by a sudden decision in the morning.
Dadalhin ako ni Tito Alejo sa lugar kung saan gagaling daw ang sakit ko. Sa totoo lang ay nagdadalawang-isip ako tungkol sa sakit na mayroon ako. Wala naman kasi akong nararamdaman na malala sa katawan ko. Maybe because of the help of the medicines that I'm taking.
Maliban sa biglaang panlalabo ng paningin, I can say that I'm in good shape. But what happened last night made me question my sanity.
"Hey, Cleofa. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, okay?" pagpapagaan ng loob ni Tito nang mapansin ang pananahimik ko. "You're just probably tired. The howls came from our neighbor's dogs. There's no need to worry," dagdag niya.
Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko at pasimpleng napaismid.
"Nanny asked our neighbors . . ." Walang kaemo-emosyon akong humarap kay Tito. "They only have cats. Hindi sila nag-aalaga ng aso."
Natigilan si Tito sa sinabi ko, pero hindi niya ipinahalata sa akin ang pagbabago ng ekspresyon niya. Muli na lamang akong umiwas ng tingin.
He's really hiding something.
Nanatili akong nakatingin sa bintana nang nabigla ako nang pumasok kami sa isang tunnel. It caught me off guard. Wala sa sarili akong napaayos ng upo.
Nang marating namin ang kabilang dulo nito ay tuluyang nagbago ang mood ko. My eyes slowly widened because of disbelief. Napaawang ang bibig ko nang makita ang napakagandang tanawin.
"Tito, nasaan t-tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nanatili akong nakasilip sa bintana habang tinatanaw ang paligid.
"We're at Algrea."
Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Algrea? How come na ngayon ko lang narinig ang lugar na 'to? Imposibleng hindi ito kilala dahil sobrang ganda rito.
Malawak ang lupain at iba't ibang kulay ng mga puno ang nakikita ko. There are also different old stone structures in different positions. Sa dinami-rami ng mga nakamamanghang bagay na nandito, ang malaking rebulto sa gitna ng bayan ang umagaw ng pansin ko.
A stone statue of the Greek god Poseidon.
Nalaman kong siya ito dahil sa hawak-hawak niyang trident. Nakaawang ang bibig ko habang nakapako lang doon ang tingin.
I can't believe that places like this exist.
Ilang minuto rin ang lumipas nang huminto ang sinasakyan namin ni Tito Alejo sa harap ng isang gate.
"We're here," sambit ni Tito.
Pagkababa ko sa sasakyan ay bumungad sa akin ang mataas na gate. Napapalibutan ito ng mga ugat na nakaikot sa mga bakal. Tatlong beses ang taas nito kumpara sa akin dahilan kung bakit hindi ko nakikita ang nasa loob.
Sa harap nito ay may naghihintay na isang babae.
A lady with red hair.
"Good morning, I'm Xilah," nakangiting pakilala niya sa amin.
Hindi ako nakapag-react sa sinabi niya dahil sa pagkabigla. She's wearing a white off-shoulder with a corset together with black pants and leather boots.
I can't stop staring at her hair. It's like an apple shining under the sunlight.
"H-Hello," nauutal na sagot ko.
Bumaba sa sasakyan si Tito Alejo at inilabas niya ang mga gamit ko sa sasakyan.
"This is where you will stay, princess," nakangiting aniya. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap. "Be careful, okay?"
Nakayuko akong tumango sa kaniya kahit hindi ko siya tinatapunan ng tingin. I heard him sigh before I felt him holding both of my hands.
"You'll be okay here; they'll take care of you. Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan. Huwag ka nang magtampo sa 'kin. Para sa 'yo rin ito."
Malalim akong napabuntonghininga. Pilit akong ngumiti bago tapunan ng tingin si Tito.
"Well, I guess it's not that bad after all."
Tito flashed a smile. "The next time we meet, I'll tell you more about your mom."
Sa huling pagkakataon ay hinalikan niya uli ako sa noo bago tuluyang nagpaalam. Pareho naming pinanood ni Xilah ang sasakyan na unti-unting nawala sa paningin namin.
"Come, dalhin mo na ang mga gamit mo at papasok na tayo sa loob," nakangiting sambit ni Xilah.
Naglakad siya sa harapan ko, pero nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw sa puwesto ko ay agad siyang huminto.
"Is there any problem?" marahang tanong niya.
Muli akong yumuko at umiwas ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko.
"I'm not . . . really sick, am I?"
I saw her expression change in the corner of my eye. Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko.
"This is not a hospital . . . or a place that can help me . . . isn't it?" muling tanong ko.
I bit my lower lip. Nanatili akong nakatingin sa ibaba nang may nakita akong pares ng sapatos sa harapan ko. Umangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Xilah.
"This is not a hospital, but it's a place that can help you."
Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko nagawang makasagot. I looked at her, dumbfounded.
"I forgot to greet you properly."
"Hello, I'm Xilah. Welcome to Nocturne Academy, the school for the gifted."
Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. Naramdaman ko ang pagtama ng hangin sa amin. Unti-unting napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin kay Xilah.
"G-Gifted?"
Tila sumagi sa isipan ko ang librong binabasa sa akin ni Mama noon.
The book . . . about the gifted.
"T-They're real?"
Nakangiting tumango sa akin ang babaeng kaharap ko. "You're looking at one right now."
Napaatras ako nang inilapit niya sa akin ang mukha niya.
"And you're one yourself."
I was too shocked to utter a word. While on the other hand, Xilah looks like she's having fun teasing me.
"P-Pero ... Paano— "
"Hush, enough with the questions. That is what classes are for."
Hindi na niya 'ko hinayaang makapagsalita uli at sinimulan nang maglakad palayo.
"Let's go," muling pag-aya niya.
Naiwan akong nakatayo sa puwesto ko na hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig. Natauhan na lamang ako nang muli akong lingunin ni Xilah.
"Tara na!"
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at napalunok nang malalim. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga gamit ko habang tinitingnan nang mabuti ang kabuoan ng gate.
I guess . . . I'm here to find it all out. Kahit na nagdadalawang-isip, huminga ako nang malalim bago sumunod sa babaeng nauuna. Nakabuntot ako kay Xilah habang naglalakad.
Nang bumukas ang gate ay bumungad sa akin ang isang malawak na hardin. Sa gitna nito ay may isang malaking kastilyo. Ni hindi ko makita ang tuktok nito dahil natatakpan na ito ng mga ulap.
It's freaking huge.
Habang naglalakad sa malawak na hardin ay nag-iiba ang kulay ng mga bulaklak sa oras na daanan ko sila. Hindi ako makapaniwala habang sinusundan sila ng tingin.
Pero ang ikinabigla ko ay nang ibinalik nila sa akin ang ginagawa ko at tumingin din pabalik.
"A-Ahh!"
Napakapit ako kay Xilah nang wala sa oras na ikinatawa naman niya.
"Relax, you're looking at them, so why are you shocked that they looked back?"
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya bago tingnan muli ang mga bulaklak. There are little faces on their stems, and their petals look like their hair. I can't help but stare at them more. Nagkaroon tuloy kami ng staring contest at parehong hindi mawala ang mga tingin namin sa isa't isa.
Sumunod ako kay Xilah papasok sa kastilyo. Sobrang laki nito sa loob at ang gara ng kagamitan. Nakaawang ang bibig ko habang iniikot ang tingin ko sa paligid.
There are big chandeliers on the ceilings. Different kinds of expensive vases on every table and huge paintings on the walls.
"Sa susunod na araw ang simula ng klase. Sa right wing ang dorms ng mga babae at sa kabila naman ang sa mga lalaki," paliwanag ni Xilah.
"C-Classes?" tanong ko.
I heard Xilah chuckle. "Yeah, I told you, didn't I? This is a school for the gifted. We will help you to master your gifts."
Sumunod ako sa kaniya paakyat sa hagdanan at pumunta kami sa right wing.
"We will help you to know your gifts more and use them to the fullest. Nakabase sa color ng uniforms ninyo kung saang cluster kayo nabibilang. Red for rookies, blue for seniors, and yellow for masters. As for you, you're a rookie kaya red ang uniform mo na nasa room mo na," pagpapaliwanag niya.
Isang tango ang isinagot ko sa kaniya. To be honest, this is the first time I'll attend school. Home study kasi ako mula pagkabata. That's why I'm new to these things.
"And by the way, meron kang roommate, okay? She's also a rookie kaya siguradong magkakasundo kayo."
Huminto kami sa isang pintuan at may iniabot siya sa aking susi.
"Welcome to Nocturne Academy! 'Nga pala, from whom do you inherit your gift?" nakangiting tanong ni Xilah sa akin.
"P-Po?"
"Kanino mo namana ang gift mo? I mean you're an heiress. So kanino?" pag-uulit niya.
I awkwardly looked in the opposite direction. Hindi ko alam ang isasagot ko rito kaya isinagot ko na lang ang unang pumasok sa isip ko.
"K-Kay ... Mama?"
There was a sudden silence. I felt the imaginary wind passing by because of the awkwardness. Umawang ang bibig ni Xilah sa sinabi ko. Para bang natauhan siya sa sinabi niya at napailing.
"Oh, I forgot. Never mind. Malalaman mo rin 'yan soon," pag-iiba niya. "Well, good luck!" She winked.
Nagpaalam siya sa akin at tuluyan nang naglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Naiwan akong nakatayo sa harap ng pintuan. Nalipat ang tingin ko sa pinto na nasa harapan ko. Inihanda ko muna ang sarili bago buksan ang pinto at dahan-dahang pinihit ang doorknob.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babaeng nagbabasa ng libro.
She looks like a goddess with morena skin and chestnut brown hair. Her eyes are hazel, and she has a mole close to her chin. She's wearing a fuzzy gray cardigan top and jeans.
Nabigla siya nang makita ako at agad niyang binitiwan ang librong hawak niya.
"Oh my gosh, finally! May roommate na rin ako!" masiglang sambit niya. Pumalakpak siya sa tuwa nang makita ako.
"H-Hi?"
Huminto siya nang matauhan na nandito ako. Agad niya 'kong nilapitan at inilahad ang kaniyang kamay.
"Oops, sorry. I'm Luxxine," pakilala niya.
Nakipagkamay rin ako sa kaniya at nagpakilala. "Cleofa."
Ngiti ang isinagot niya sa akin at tinulungan niya 'kong dalhin ang mga gamit ko. "Oh, thanks."
"Ah, Cleofa, roon 'yong bed mo. And nandoon din 'yong cabinet mo," sambit ni Luxxine sabay turo sa isang aparador.
Tango ang isinagot ko rito at saka ko pinuntahan ang kama ko. Hindi ko maitatangging maganda at malawak ang kuwarto namin. The walls are made of bricks, and there's a huge balcony. There's even a fireplace and two queen-size beds.
Mukhang masyado naman yata itong malaki para lang sa dalawang tao.
"Gosh! Ikaw pa lang 'ata ang nakikita kong tao rito mula nang dumating ako except kay Xilah," walang-ganang sambit ni Luxxine.
Nabigla ako sa sinabi niya. "Ha? Gaano ka na ba katagal dito?"
Her nose crinkled as she thinks. "Hmm, three days?"
I gave her a surprised look. Masyado siyang excited pumasok.
Habang nag-aayos ng gamit ay natigilan ako nang bigla akong tanungin ni Luxxine.
"'Nga pala, ano 'yong gift mo?"
Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. I smiled bitterly as I shook my head. "I don't know. Sorry."
Luxxine gave me a surprised look. "Eh? Woah. This is the first time I've met a gifted who doesn't know their gift."
Pilit na lamang akong ngumiti at nagkibit-balikat. Natigilan ako nang makitang bigla siyang tumayo sa kama at pumunta sa harapan ko.
"Well, I can summon any swords and daggers," nakangiting sabi niya sa akin na ikinatigil ko.
Napatingin ako sa magkabilang gilid at nagtatakang tumingin sa babaeng kaharap ko. "H-Huh?"
Luxxine winced and gave me a lazy stare. She heaved a sigh before standing. Marahan siyang pumikit bago dahan-dahang iminulat ang mga mata niya. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras nang tuluyan kong nakita ang nakamulat niyang mga mata.
My eyes slowly widened, and my mouth fell open. Her eyes! There are swords inside her eyes!
Then just like that, a huge sword appeared in front of her.
"I'm Luxxine, and I inherited Athena, the goddess of war's gift."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top