19. The queen of the seas
I KEPT avoiding the long leaves from getting into my face. Hindi sila mawala-wala at bagkus ay parami pa sila nang parami. Papunta kami sa lugar na sinabi ng matandang lalaki kanina. Ang lugar kung saan sila dapat magkikita ng mga umatake sa kanila upang ibigay ang pera kapalit ng mga kababaihang kinuha.
"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad nang lakad, eh!" pagmamaktol ni Helix. Nakasimangot siyang naglalakad habang paulit-ulit na inaayos ang necktie niya.
I rolled my eyes at him. Hindi ko alam kung ano'ng gusto nito sa buhay niya. Gusto niyang sumama pero ayaw niyang maglakad?
"Sa kanang bahagi raw ng gubat na ito ang kitaan nila sabi ng pinuno nila. Malamang ay itatakas nila ang mga babae kapag nakuha na nila ang pera," sambit ni Aqua na ikinabahala ko.
Hindi mawala sa isipan ko ang mga posibilidad na nangyari sa mga babae mula no'ng binanggit ng bandits ang tungkol sa kanila. Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko habang hindi maipinta ang mukha habang naglalakad. Ano kaya ang pakay nila sa mga babae? Bakit nila ginagawa 'yon?
"Ano'ng planong naisip mo? Hindi naman tayo biglang susugod, hindi ba?" marahang tanong ni Alvis.
Pare-pareho kaming napaisip sa sinabi niya. Umangat ang tingin ko sa babaeng nauuna sa amin. Naghintay kami ng sagot kay Aqua pero huminto lang siya sa tapat namin. We were expecting an answer. But instead, Aqua just said the first thing that came to her mind.
"Just get the girls, alamin ang binabalak nila kung may kinalaman ito sa isang dark guild at talunin sila kung kinakailangan."
Muling naglakad si Aqua at nanatili kaming sumunod rito habang nakaawang ang mga bibig. Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. Wala kaming plano?
"Pero paano— "
Hindi na naituloy ni Risca ang sasabihin niya nang biglang huminto sa paglalakad sa harap namin si Aqua. Katulad niya ay natigilan din kami sa paglalakad.
"B-Bakit?" marahang tanong ni Risca.
Nanatiling tahimik ang paligid at tila naging alerto si Aqua. We also became aware of and scanned our surroundings. Biglang nagbago ang ihip ng hangin at nakaramdam ako ng kaba. Tumagal ng ilang segundo bago mabilis na sumagot ang babaeng nasa harap namin.
"Sa baba!" may diing bigkas niya.
Kusang gumalaw ang mga paa ko nang isinigaw 'yon ni Aqua. Mabilis kaming nagsikilos ng mga kasama ko at umalis sa tinatapakan naming lupa. Saktong pag-alis namin sa puwesto ay biglang gumuho ang lupang kinatayuan namin. Pare-pareho kaming naging alerto sa paligid.
Kusang namilog ang mga mata ko sa nangyari habang nakatingin sa puwesto namin na ngayon ay isa nang bangin.
Paanong nangyari 'yon? Wala naman akong nakikitang gifted rito!
Hindi ko pa nagagawang sabihin ang nasa isip ko ay naagaw na ang lahat ng atensyon namin ng isang malakas na tunog. Rinig ang malakas na paglabas ng kidlat at naramdaman namin ang malakas na pagtama nito sa puno, dahilan para masira at maputol ito. Nasunog din ang ilang parte na nakapalibot sa puno.
Hindi ako makapaniwalang napalingon kay Alvis na iba na ang mga mata at seryosong nakatingin sa punong pinatamaan niya.
I was just about to ask him what he was doing when I heard a rustling sound close to the tree that got struck by the lightning. Ilang segundo rin ang lumipas nang may lalaking nagtatago ang lumabas dito.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking namumutla, pero nakangisi at kaswal na sumulpot sa harapan namin. "G-Grabe, muntik na 'ko ro'n, ah! Bigla na lang kayo nagpapatama ng kidlat!" he nervously said.
I was caught off guard when I saw a guy appear out of nowhere. May pagkadilaw ang buhok niya. He's wearing a sleeveless shirt and silver necklaces. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa nangyari pero pilit pa rin siyang natatawa.
Sunod-sunod na tumalim ang tingin ng mga kasama ko at pare-pareho kaming naging alerto.
"Sino ka?" tanong ni Aqua sa lalaking nakangisi sa amin. Walang-buhay ang mga mata niya habang nakatingin dito.
Nalipat sa amin ang tingin ng lalaki na para bang balewala lang sa kaniya ang bilang namin. "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Sino kayo? Bigla n'yo na lang ako inatake," sarkastikong sagot niya.
"Ano na lang kaya sa tingin n'yo ang gagawin ko kapag nagasgasan n'yo ang guwapong mukha ko?" dagdag niya.
Hindi ko mapigilang mapaismid sa sinabi niya. Ngayon pa lang ay umiinit na ang ulo ko sa lalaking 'to. Magkapareho sila ng ugali ni Helix. The guy looked at us from head to toe. He intentionally squinted his eyes.
"Hmm, hindi kayo ang inaasahan kong pupunta rito," sambit sa amin ng lalaki.
Pinagmasdan niya kami at napansin kong napatingin ito sa tattoo ko. "Crown?" nagtatakang sambit niya. Kumunot pa ang noo niya at malalim siyang nag-isip. He even looked at the skies while thinking.
Ilang segundo lang ang tumagal nang tumaas ang dalawang kilay niya nang mapagtanto kung saan niya nakita ang tattoo ko.
"Oh! Deities," nakangising sambit niya.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Kilala niya kami . . . It only means that he's also one of us. He's also a gifted.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi at lakas-loob akong humakbang paharap. "Saan ninyo dinala ang mga babae?" tanong ko sa kaniya habang pilit kong pinatatatag ang aking boses.
"Naku po, ayaw ni Madam ng gulo. Kaya mabuti pa ay ako na ang tumapos sa inyo," nakangising sambit ng lalaki.
Punong-puno ng kayabangan sa sarili ang lalaking 'to. Katulad na katulad siya ni Helix.
"Galdon, ang tagal mo— "
Mabilis na nalipat ang atensyon namin sa biglaang pagdating ng isang babae. Nakasabit siya sa isang tangkay ng puno habang nakasimangot. Tinawag niyang Galdon ang lalaking kaharap namin. She's wearing a thin shirt, slightly showing her black bralette with denim shorts.
Agad na nawala ang pagsimangot niya at naging alerto siya nang makita kami. Kasunod n'on ay ang pagbabago ng mga mata niya. Her eyes turned green.
"M-May guild— "
"Ako na ang bahala rito. Mukhang hindi na pupunta ang mga tagabayan na 'yon. Simulan n'yo na," pangunguna ng lalaki.
He immediately caught my attention. Anong simulan? Ano ang tinutukoy niya?
"Tsk! Bilisan mo riyan," sambit ng babae. Pagkasabi niya n'on ay sinulyapan niya muna kami sa huling pagkakataon bago mabilis na umalis gamit ang pagtalon sa mga tangkay ng mga puno.
"Masyado mo 'ata kaming minamaliit, bata," sambit ni Aqua sa lalaking kaharap.
Kaswal lamang itong nakatayo sa puwesto niya habang tinitingnan ang lalaking punong-puno sa sarili. Isang tawa lamang ang isinagot ni Galdon sa amin. "May nakatapat na 'kong Verines dati. Kayo pa kayang Deities?"
Bakas sa mukha ang pagkairita ng mga kasama ko sa sinabi niya.
"Aba g*go, ako nang bahala sa bungol na 'to. Susunugin ko 'yan," naiinis na sabi ni Helix. Lalapit na dapat siya sa lalaki pero agad itong hinarang ni Aqua. She raised her right hand, enough to make Helix stop from moving.
Bagkus, si Aqua ang mahinahon na humakbang. "Bibigyan kita ng limang segundo," malamig na tugon niya.
Kumunot ang noo ni Galdon na walang-ganang nakatingin sa amin. Kahit nagtataka ay hindi siya nagpatinag. He plastered a smirk on his face, lifting his chin.
Nanatiling naglalakad si Aqua hanggang ilang metro na lang ang pagitan nila ni Galdon. "Lumuhod ka at magmakaawa para sa buhay mo," walang kaemo-emosyong sabi ni Aqua.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Katulad ng kaharap namin ay hindi rin namin inaasahan ang sinabi ni Aqua. Ilang segundo rin ang tumagal bago umalingawngaw ang malakas na tawa ni Galdon. Nag-e-echo sa gubat ang malakas niyang pagtawa, dahilan para magliparan paalis ang iilang ibon na malapit sa amin. He looks like a psycho who's losing his mind.
"Baliw ka ba? Ano'ng magagawa mo? Eh, babae ka lang! Deities lang kayo! Sino ako para magmakaawa? Si King ka ba?" natatawang sambit ni Galdon.
Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. Si King? Sino 'yon?
Parang walang narinig ang babaeng nasa harapan namin. Hindi pinansin ni Aqua ang sinabi ng lalaki, bagkus ay nagsimula na siyang magbilang.
"Isa . . ." malamig na pangunguna niya.
"Baliw!" natatawang sambit ni Galdon.
"Dalawa . . ."
"Kahit magbilang ka pa hanggang mamatay ka," kampanteng dagdag niya.
"Tatlo . . ."
"Nasisir— "
Nahinto sa pagsasalita ang lalaking kaharap namin at bigla na lang itong natumba sa lupa. Pare-pareho kaming napasinghap sa nangyari. Parehong namilog ang mga mata namin ni Risca at kahit na itago nina Alvis at Helix ang pagkabigla nila, bakas pa rin sa mga mukha nila ang ekspresyon na 'yon.
"Napakaingay mo—nakakabuwisit," walang kaemo-emosyong sambit ni Aqua.
I was frozen at my place. Even though I'm just watching, it felt like I was the one who got attacked. Tuluyan nang lumapit si Aqua kay Galdon at hinawakan ang ulo nito.
"Kapag hindi ka nagsalita, tuluyan kong patitigasin 'yang dugo mo hanggang sa mamatay ka," seryosong sambit niya.
Kinilabutan ako sa sinabi ni Aqua. Naramdaman ko ang mga balahibo kong nagsitayuan. Pasimple akong napalunok nang malalim habang hindi nawawala ang tingin sa kanila.
She's controlling his blood! Paano niya nagagawa 'yon?
Ang lalaking tawa nang tawa kanina at punong-puno sa sarili ay mabilis na natahimik ngayon. Pansin ko ang unti-unting panginginig at pamumutla ni Galdon. Nahihirapan niyang iniangat ang tingin sa babaeng hawak-hawak ngayon ang ulo niya.
Nagsisimulang lumabas ang dugo niya sa ilong habang pilit siyang tumatawa. "I-I forgot . . . about the woman who has a very blue hair." Napaubo siya ng dugo habang pilit na nagsasalita. "S-So, you're the queen, huh?" nauutal na sambit niya.
Walang-tigil ang paglabas ng dugo sa ilong at sa tainga niya. Ganunpaman, hindi pa rin nawawala ang ngisi niya sa labi sa kabila ng nanghihina niyang ekspresyon.
"What did you just say?" walang-ganang sambit ni Aqua. "Hindi ako si King para lumuhod at magmakaawa ka."
Inilapit niya ang mukha niya sa lalaking kaharap. "I guess you'll meet your God, soon."
Tuluyan nang nawalan ng malay ang lalaking puro yabang kanina. Bumagsak ang ulo niya sa lupa sa tapat lang ni Aqua. Tanging paglunok nang malalim ang nagawa ko habang nananatiling nakatayo sa puwesto ko.
"I-Is he dead?" tanong ni Risca na bakas din sa mukha ang takot kay Aqua.
"Nah, just let him sleep for a bit."
Walang-ekspresyon kaming dinaanan ni Aqua, leaving Galdon behind. Nauna siyang naglakad na sinundan namin agad. Walang nagsasalita sa amin dahil pare-pareho kaming nabigla sa nangyari.
"She can kill him without even touching him," biglaang bulong sa akin ni Helix. Kahit bakas sa mukha niya ang kaba, nanatiling nakangisi siya habang nakatingin sa nauuna sa aming babae.
"I can't wait to meet King and Raven," nakangising sambit ni Helix. His eyes are full of excitement while biting his lower lip.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko nang marinig ko uli ang pangalan na binanggit kanina nina Galdon at Aqua. King? Raven? Sila ba ang dalawa pang mas nakatataas kay Aqua?
Hindi ko napansin ang haba ng nilalakad namin. Natauhan na lang ako nang marinig ko ang paghampas ng mga alon. Unti-unti ko ring naamoy ang tubig-alat . . . malapit kami sa dagat.
Tuluyang nawala ang nagsisilakihang mga puno at napalitan ito ng malalaking mga bato. Ang lupa na tinatapakan namin kanina ay unti-unting napalitan ng puting buhangin.
Nang saktong nakita na namin ang dagat ay bumungad sa amin ang isang grupo ng mga kabataan na hula ko ay hindi rin nalalayo ang edad sa amin.
Mabilis na nakuha ng atensyon ko ang pamilyar na babae na nakita namin kanina at ang tumawag kay Galdon. Nakaabang sila sa dalampasigan na tila ba hinihintay kami. The sky is gray, and the sea continues waving. I suddenly felt uneasy because of the sudden change in the atmosphere.
"Hay nako, ano pa ang aasahan ko kay Galdon? Napakawalang-kwenta," sambit ng babaeng nasa gitna.
Kapansin-pansin ang mahaba at naka-braid niyang buhok na sumasabay sa paghampas ng hangin. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved dress na tinernuhan ng itim na boots. Kusang napunta ang tingin ko sa mga mata niyang iba ang kulay. Her eyes are color purple. Anong klaseng gift 'yon?
Ang inis sa mukha niya kanina ay mabilis na nawala nang mapunta ang tingin niya sa amin. She showed a sarcastic smile. "Welcome, Deities," bati nito sa amin.
"Epecially to our special guest." Napunta ang tingin niya kay Aqua na ngayon ay biglaang tumahimik.
"The queen of the seas."
"Aqua Villaret, Poseidon's heiress."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top