18. As a Team

RINIG ang pag-ikot ng gulong na tumatama sa mapuputik at maliliit na mga bato. Nakasakay kami sa kalesa pabalik sa academy. Tahimik ang mga kasama ko sa loob na pare-parehong seryoso ang ekspresyon at halatang malalim ang mga iniisip.

Nanatiling nasa baba ang tingin ko at walang-imik. Hindi ko inaasahang iiwan lang namin nang gano'n ang sitwasyon ng pamilyang 'yon. I can't help but overthink . . .

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Pero kagaya nga ng sinabi ni Aqua, problemang pampamilya 'yon.

"O-O, bakit parang bumagal 'yong pag-andar ng kalesa?" biglaang tanong ni Risca.

Pare-parehong napaangat ang mga tingin namin nang huminto ang kalesang sinasakyan namin. Nawala ang pag-iisip ko nang mapagtanto kong tumigil kami sa pag-andar.

"A-Ano'ng meron?"

"Bumaba kayo riyan!"

Hindi na naituloy ni Risca ang sasabihin niya nang may isang boses ng lalaki ang tumawag sa aming lahat. Naging alerto kami at seryosong napadungaw sa labas. Nagkatinginan kaming lahat at pawang hindi agad nakagalaw nang may muling nagtawag sa labas.

"Isa!" may pagbabantang sigaw ng lalaki sa labas.

Rinig ko ang pag-ismid ni Helix na nasa tabi ko. Seryoso niya kaming tinapunan ng tingin habang naghahandang bumaba. "Ako muna, magpahuli kayo," walang-gana pero seryoso niyang sambit.

Walang kaemo-emosyon siyang bumaba na agad na sinundan ni Alvis. Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Risca bago sumunod na bumaba sa kalesa. Kusang namilog ang mga mata ko nang makita ang sumalubong sa amin sa labas. Bumungad sa amin ang isang grupo ng mga lalaki na may hawak na mga patalim. Iba-iba ang mga suot nila, may mga nakasando, naka-T-shirt, mayroon pang walang pang-itaas.

The only thing they have in common are the covers in their mouths.

Mabilis akong naging alerto nang mapagtanto kung ano sila . . . bandits.

Agad na humarang sa harap namin ni Risca sina Alvis at Helix. Matatalim ang mga tingin nila sa grupo ng mga lalaki at pareho rin silang alerto.

"Ilabas n'yo lahat ng pera n'yo kung ayaw n'yong masaktan!" sabi ng isa sa mga lalaking may hawak na patalim.

Nagtangkang lumapit sa amin ang isang lalaki nang mabilis na humarang si Helix sa kaniya. "Umalis na kayo kung ayaw n'yong masaktan," malamig na sagot niya. Helix loosened his necktie and gave them a serious look. Walang bakas ng takot sa mukha ng lalaking kasama ko.

Rinig ko ang pag-ismid ng mga lalaking kaharap namin. I even saw their foreheads furrowed.

"Aba, matapang kang bata ka, ah— "

"'Wag n'yo nang patulan! Kunin n'yo na ang pakay natin!" biglaang pagsingit ng isang may malalim na boses. Sumulpot sa kung saan ang isang lalaking may edad na. Maawtoridad nitong sinabihan ang isa sa mga kasama niya.

Unlike the others, there's no cover on his face nor mouth. Kitang-kita namin ang balbas-sarado niyang mukha at iilang peklat sa katawan. Base sa inakto ng mga kasamahan niya ay mukhang siya ang namumuno sa grupong ito.

I was too focused on them that I was caught off guard. Nabigla na lang ako nang may humila sa akin sa gilid at nakaramdam ako ng malamig na dulo ng patalim na nakatutok sa leeg ko.

"Para hindi na kayo gumawa ng gulo, pasukin n'yo na ang loob ng kalesa!" sambit ng lalaking may hawak sa akin.

Pasimple akong napaismid sa sinabi niya. Agad nagsipasok ang ilang kalalakihan sa loob ng kalesa habang nag-iigting ang bagang ni Helix sa lalaking may hawak sa akin. Nanggagalaiti siyang nakatingin sa lalaking nasa likod ko na parang pinapatay na niya 'to sa isipan niya.

"'Wag kayong mag-alala, basta may pera kayo ay walang mangyayaring masama," rinig kong natatawang sambit ng isa sa mga lalaki.

"Bitiwan mo— "

Akmang hahakbang pa lang si Helix papalapit sa amin nang natigilan siya sa malakas na tunog, kasabay ng mausok na pagsabog ilang metro lang sa harapan namin.

I flinched when it suddenly happened. Hindi ako makapaniwalang napatulala sa harapan ko na may umuusok at may bakas ng pagkasunog sa lupa.

Kumidlat! Mismong sa harapan namin! Walang ulan o hindi man lang makulimlim ang ulap, basta bigla na lang kumidlat sa harap namin!

"A-Ano'ng— "

"You heard him. Let her go," malamig na tugon ng isa sa mga kasama ko. Natigilan ako nang makita ang seryosong mukha ni Alvis.

Tiningnan ko ito na kalmadong lumapit papalapit sa amin. His hands are inside his pockets.

"I won't say it twice. Sa 'yo na tatama ang susunod," seryosong dagdag niya.

Natauhan ako sa sinabi niya. My mouth fell open as I realized what Alvis did. That's when I saw his eyes changed . . . there's thunder inside his eyes . . .

"Hoy, ano;ng ginagawa n'yo riyan?!"

Pare-parehong naagaw ang pansin namin ni Aqua na nakaupo sa itaas ng kalesa. She's casually sitting on top while her chin is resting on her palm. Walang-gana ang mga mata niyang nakatingin sa amin.

"Kinita n'yo 'yan ta's papanakaw n'yo lang? Mga tiyanak talaga," sambit ni Aqua.

I saw her eyes change. And just like that, a water appeared out of nowhere. Pinalibutan nito ang mga kalalakihan at bigla na lang itong tumigas, dahilan para mabitiwan ako ng lalaking humawak at tumutok sa akin ng patalim.

Nakita kong pasugod si Helix sa lalaking may hawak sa akin kanina kaya agad ko itong pinigilan. "Tama na," pagpapakalma ko sa kaniya.

"K-Kayo— "

Nalipat ang mga tingin namin sa lalaking namumuno sa kanila, ang namumukod-tanging malayang nakagagalaw at hindi nasama sa ginawa ni Aqua. Unti-unting namilog ang mga mata niya na para bang nakakita ng isang multo.

"I-Isa kayo sa kanila!"

Unti-unting kumunot ang noo ko sa inasta niya. Hindi ko napigilan ang kuryosidad ko.

Ano'ng ibig niyang sabihin? Sa kanila? Sino ang tinutukoy niya?

"What do you mean, old man?" tanong ni Aqua na kapwa rin nakakunot ang noo.

Nanatiling hindi maipinta ang mukha ng lalaking kaharap namin. "K-Katulad din kayo nila na gumagamit ng mahika!" sagot ng lalaki.

Pare-parehong nakuha ang atensyon namin ng sinabi ng lalaki. Aqua gave him a look of surprise and her eyebrows rose.

Napataas din ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin? Mayroon silang na-encounter na ibang gifted?

Hindi niya kami hinayaang makapagsalita uli o makapagtanong man lang. Nabigla na lang ako nang lumuhod sa harapan amin ang namumuno sa kanila. Hindi nito inalintana ang mga taong nakatingin at iniyuko niya ang kaniyang ulo sa lupa.

"A-Alam kong hindi nila kayo kasama. Nakikiusap ako, tulungan n'yo kami," pagmamakaawa niya.

I was taken aback by what he'd just said. Nanatiling nasa kaniya ang tingin ko.

"Tulungan? Pagtapos n'yo kaming nakawan at muntik nang ipahamak ang kasama ko?" sarkastikong sagot ni Aqua sa lalaki.

"Pagpasensyahan n'yo na kami! Hindi namin gustong magnakaw pero wala talaga kaming magagawa! Para sa kapakanan ng mga mahal namin sa buhay!"

Naramdaman namin ang pagtama ng malakas na hangin, dahilan ng pagsabay rito ng mga puno. He immediately captured my attention. Hindi lang ako kung hindi pati na rin ang mga kasama ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" marahang tanong ni Alvis.

Dahan-dahang tumayo sa pagkakaluhod ang namumuno sa kanila at lumapit sa amin. Nakayuko ang ulo niya at hindi kami magawang tingnan nang deretso.

"Dalawang araw na ang lumipas nang may mga dayong pumunta sa bayan namin. No'ng una ay akala namin na mga turista sila, ngunit bigla nila kaming inatake," pangunguna niya.

Pare-pareho kaming nabigla sa narinig. Mabilis na tumatak sa isipan ko ang mga salitang binitiwan niya.

"Sa unang tingin ay mukhang ordinaryong mga kabataan sila pero hindi—gumagamit sila ng mahika. Kinuha nila ang lahat ng babae sa amin edad labing-pito hanggang dalawampu't tatlo anyos. Pati na rin ang mga pera at mga bagay na may halaga sa amin," halos maiyak na sambit nito.

I was frozen in my place. I can't believe what I'm hearing.

Mga gifted ang gumawa n'on?! Pero bakit?

Kusang pumasok sa isipan ko ang bagay na nabanggit sa akin ni Sir Saremo no'ng kailan lang . . . dark guilds.

"Ang sabi nila, kapag hindi kami nakapagbigay ng sapat na pera mamayang gabi ay kukunin na nila ang mga asawa at anak namin." The old man bit his lower lip. Nakikita kong unti-unting humihigpit ang pagkakasara ng kamao niya. "Kaya nakikiusap ako, tulungan n'yo kami. Hindi namin sila kaya."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Muling humampas sa amin ang hangin.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng uniporme ko.

"Sig— "

"Pasensya na, pero hindi namin kayo matutulungan," deretsong sagot ni Aqua.

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang naunang magsalita ang kasama ko. Papayag na sana ako na tulungan sila nang natigilan ako sa sinabi ni Aqua. Nabigla akong napatingin sa kaniya. My forehead furrowed, and I gave her a confused look.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" marahang tanong ko.

Hindi ako tinapunan ng tingin ni Aqua. Bagkus ay nasa matandang lalaking nasa harapan lang namin ang atensyon niya.

"Hindi namin kayo puwedeng tulungan. Kung gusto n'yong humingi ng tulong ay pumunta kayo sa academy at mag-file ng request." Aqua gave them a cold look before turning her back on them.

Tila natulala ako sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at agad ko siyang hinabol.

"Bakit naman, ha? Kailangan nila ang tulong natin! Iisipin mo pa rin ba ang perang kailangan nilang ibayad sa atin?" giit ko.

Malalim na huminga ang babaeng kaharap ko.

"Hindi puwede, Cleofa, kagagaling lang natin sa misyon. Kapag hindi tayo nakabalik agad ay malilintikan tayo sa guild. At isa pa, hindi tayo puwedeng tumanggap ng hingi ng tulong kung hindi ito galing sa guild."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid na lang sa sinabi niya. Kung hindi namin sila tutulungan ngayon, malamang ay hindi na nila makakasama pa ang mga mahal nila sa buhay . . .

At isa pa, paano magagawang palampasin ito ni Aqua?! Mga gifted ang nasa likod nito!

"Sige," seryosong sagot ko rito. Napaiwas ako ng tingin.

"Mabuti at naiintin— "

"Bumalik na kayo sa guild at sabihin n'yo ang nangyari. Tutulungan ko sila. Handa ako sa kahit anong parusang ihahatol sa akin," dagdag ko.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. I gave her a look full of determination.

Nabigla si Aqua sa isinagot ko. Mariin siyang napakagat sa ibabang labi at bakas sa mukha niya ang inis. "Tsk! Nababaliw ka na ba, Cleofa?! Hindi mo sila matutulungan! Hindi mo nga alam kung ano ang gift mo! Paano kung hindi basta-bastang gifted ang umatake sa kanila? Pinapahamak mo lang ang sarili mo!"

Muli akong napaiwas ng tingin. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Siguro nga, nababaliw na ako . . . pero ayaw kong maranasan din nila ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay.

Tila bumalik sa alaala ko ang huling araw na nakasama ko si Mama na hindi ko na rin masyadong natatandaan. Ni hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kaniya . . . masyado pa 'kong bata nang kunin siya sa akin . . .

"Pero hindi ko rin kayang iwan lang sila basta-basta lalo na't alam kong may magagawa ako," malamig na sagot ko. "I can do something . . . together with Angel."

Aqua gritted her teeth out of anger. Rinig ko ang pag-ismid niya bago ako talikuran. "Bahala ka sa buhay mo. Tara na," may tonong sambit niya.

Hinintay ni Aqua ang reaksiyon ng mga kasama namin, pero walang gumalaw sa puwesto nila kahit isa. Kunot-noo siyang muling humarap sa amin. Walang-ekspresyon ang mga kasama ko nang may naunang humakbang na isa.

"Sorry, miss. Ang boring ng unang misyon ko, eh. Gusto ko naman ng thrill," sambit ni Helix.

Sumunod na humakbang ang isa ko pang kasama. "I'm sorry kung makukulit kami. But as a classmate of Cleofa, hindi ko siya puwedeng pabayaan lang mag-isa," dugtong ni Alvis na ikinaismid ni Helix.

Kita ko ang mariing pagkakasara ng kamao ni Aqua bago malipat ang tingin kay Risca na hindi makapagsalita. "O, ikaw? Ano namang dahilan mo?" iritadong sambit niya.

Napalunok nang malalim si Risca. "A-Ahh eh, s-sorry po!" nauutal na sambit niya.

Ilang segundo niya kaming tiningnan ng mga kasama ko na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi at inakto namin. Ilang sandali rin bago namin narinig ang pagbuntonghininga niya habang nakapamaywang.

"Jeez, mga tiyanak talaga," naiiling na sambit niya. "Siguradong malilintikan ako pagbalik natin."

Natigilan ako sa sinabi niya. Unti-unting tumaas ang dalawang kilay ko nang napagtanto ko ang gusto niyang sabihin. Unti-unting kumurba ang labi ni Aqua ng isang ngisi bago kami tapunan ng tingin. Halong inis, pagkairita, at tuwa ang ipinapakita ng mga mata niya ngayon.

"Fine. Matagal-tagal na rin naman nang huli kong nagamit ang kapangyarihan ko sa pakikipaglaban."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top