17. Twins
NAGKAROON ng sandaling katahimikan. Ang lahat ng tingin namin ay napako sa taong nasa loob ng aparador. Walang makapagsalita o makapag-react agad . . . lahat ay tulala.
And Aqua called her . . . Lylia?
Naguguluhan na nalipat ang tingin ko sa batang babaeng namimilog at hindi maipinta ang mukha. But Lylia is here with us!
Pilit na tumawa ang batang babaeng kasama namin. "H-Ha-ha-ha. Nagkabaliktad po 'ata kayo. I'm Lylia, she's Lily," sambit niya.
Bakas ang pagtataka sa mukha ko. Kahit ang mga magulang nila ay naguguluhan na rin. Marahang inilabas ni Alvis si Lylia— I mean Lily sa aparador. Wala itong malay at namumutla rin. But thank God dahil humihinga pa siya.
"T-Thank you po at nahanap n'yo ang kakambal ko," nakangiting sambit sa amin si Lylia. Pilit na kumurba ang labi niya sa isang ngiti, pero halata sa mukha niya na pilit lang ito.
She can't even look us in the eye.
"So, shall we test it?" tanong ni Aqua na ipinagtaka ni Lylia at ng mga magulang niya.
"P-Po?"
Aqua flashed a smirk. "Your gift. You can see the future, right? Now that your twin sister is here, you can use it now, right?" sagot niya.
Masamang tumingin sa amin ang nanay niya bago siya lapitan at marahang hinawakan ang magkabila niyang braso. "Oo nga, anak. Para naman matahimik na ang batang iyan," dagdag ng nanay niya sa paboritong anak.
The little girl forced a smile. Walang-tigil ang pagtulo ng mga pawis niya at bakas sa mukha ang kaba.
"M-Ma, masama po kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ko ito magamit," pagdadahilan ng batang babae.
Bakas sa mukha ng matanda ang pag-aalala sa narinig. Agad niyang hinawakan ang noo ni Lylia para pakiramdaman ang temperatura niya.
"A-Ah, gano'n ba. Sige, magpahinga ka muna." Napunta ang tingin niya sa amin. Kasunod n'on ay ang pagtaas ng kanang kilay niya. "O? Ano pa'ng hinihintay n'yo? Magpapahinga ang anak ko. Umalis na kayo, ibibigay na lang ng asawa ko ang pera."
Pasimpleng humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko. Parang natuyo ang lalamunan ko at kahit gusto kong sumagot ay hindi ko magawa. Her other daughter is unconscious right now, pero ni hindi man lang niya 'to tinapunan ng tingin.
Imbis na kumilos ay nanatili lang si Aqua sa puwesto niya habang nakatingin sa mag-ina. Bumaba ang walang-buhay niyang mga mata rito.
"I can't believe it," walang kaemo-emosyong sambit ni Aqua.
Nakakunot ang noo nang muling napunta ang tingin sa amin ng matandang babae na halatang naiinis na.
"You call yourself a mother? Eh, hindi mo nga malaman ang pinagkaiba ng mga anak mo," muling sambit ni Aqua rito.
"A-Ano?! Bastos ka— "
"Hindi ka ba magtataka man lang kung bakit nahanap ang anak mo rito sa kuwarto ng kakambal niya?" dagdag ni Aqua.
Napalunok nang malalim ang matandang kaharap namin. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ni Aqua. Even though it's obvious that she agrees, she keeps insisting that we're wrong.
"N-Natural lang 'yon! Haunted 'tong bahay na 'to!"
"No," matigas na sagot ni Aqua. "Your house is not haunted."
Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Aqua. Lahat ng atensyon namin ay napunta sa kaniya. Kunot-noo at hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Sa kabilang banda, walang-ekspresyon sina Helix at Alvis na hindi nabigla sa narinig. Bagkus ay pareho silang seryoso ang ekspresyon habang nakatingin sa mag-ina.
"It's your daughter's gift," ani Aqua.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa loob ng silid. Mabilis na kumunot ang noo ng matandang babaeng kaharap namin.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Binasa mo ba ang info na ibinigay sa inyo? Isang anak ko lang ang gifted!"
"Natural, hindi mo alam 'yon. Gano'n kang klase ng magulang."
Dumiin ang pagkakakagat sa ibabang labi ng matandang babae habang nanggagalaiting nakatingin kay Aqua. Akmang susugurin na niya dapat ang kasama ko nang mabilis siyang pinigilan ng asawa niya. "L-Lumabas na kayo sa mansiyon ko!" giit ng matandang babae.
Hindi nagpatinag ang kasama namin at humakbang pa siya papalapit. "May I remind you, hindi maaaring hindi magamit ng isang gifted ang gift niya nang dahil sa nawawala ang kapatid nito," taas-noong sabi ni Aqua.
Nakita ko ang pagkabigla ng batang babae sa sinabi ni Aqua.
"The moment I entered this house, I already knew that it was not haunted; someone was controlling this house. A gifted. Someone who has the gift of control. Hindi lang ako ang nakapansin n'on. Maging ang mga kasama ko."
Natauhan ako sa narinig. Doon may sumagi bigla sa isipan ko. Ang naramdaman ko no'ng nakapasok kami sa bahay na 'to. Iyon ba 'yong naramdaman ko nang makapunta kami rito?
"Sa umpisa pa lang alam ko na, na hindi lang isa ang gifted sa bahay na ito. Pero kung meron pang isa, sino?" muling sambit ni Aqua. "Nakumpirma lang ang hinala ko nang may mangyari sa kasamahan ko kahapon. May ibang gumagamit ng gift sa loob ng bahay habang lahat kami ay nasa labas," dagdag niya.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. I looked at Aqua, dumbfounded. Ako ang tinutukoy niya. Doon ko lang napagtanto kung bakit nasa labas silang lahat kahapon at ako lang ang nasa loob ng mansiyon . . . ako na hindi pa nakagagamit ng gift.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Na parehong gifted ang anak ko?" may tonong tanong ng matandang babae sa amin.
"Bakit hindi mo itanong?" sarkastikong sagot ni Aqua.
Napunta ang atensyon ng matandang babae sa anak niya. "M-Mama, hindi ko po alam— "
"M-Ma."
Natigilan sa pagsasalita ang batang babae nang mayroong sumingit. Mabilis na nalipat ang mga tingin namin sa batang kagigising lang. Kahit namumutla pa ito ay pilit nitong iminumulat ang mga mata niya.
"A-Anak," hindi makapaniwalang sambit ng matandang babae.
Nang tuluyan nang namulat ang mga mata ng bata ay agad itong napangiti. "T-Thank you sa pagligtas sa akin, Ate Aqua," sambit niya.
Hindi agad naproseso ng utak ko ang narinig. My eyes widened and my eyebrows rose in disbelief. Napaawang din ang bibig ko nang matauhan ako.
Ate Aqua? Paano niya . . . nakilala si Aqua?
"Of course she knows me. She already saw me in the future," sagot ni Aqua sa akin na para bang nababasa ang nasa isip ko.
"Y-You mean—?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, ang nawawalang anak n'yo ay si Lylia. The little girl who has the gift to see the future."
Napasinghap ako sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Aqua. Unti-unting nalipat ang tingin ko sa unang batang nakilala ko kahapon. Which means—
"Walang-hiya ka!"
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Lily galing sa ina niya. Ang nanay niyang kinakampihan siya kanina ay tinalikuran na siya ngayon nang malaman na hindi ito ang anak na nakakakita ng hinaharap. Agad na lumapit ang matandang babae kay Lylia at niyakap ito.
"A-Anak ko, pagpasensyahan mo na si Mama, ha? Hindi kita hinanap agad."
Napaismid na lamang sa tabi ko si Helix. Bakas sa mukha niya ang pandidiri sa nasasaksihan.
"M-Mama, sorry— " naiiyak na sambit ni Lily.
"Lumayas ka! Hindi kita kailangan— "
"Opo, alam ko! Kaya ko nga nagawa 'to!"
I was startled when Lily started shouting. Napunta ang lahat ng atensyon namin ngayon sa kaniya na walang-tigil sa pag-iyak.
"Hindi mo naman talaga ako mapapansin, hindi ba? Kasi ang alam n'yo wala akong gift! Si Lylia ay nakakuha ng gift ni Papa na nakakakita ng future!" giit nito.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. It felt like something was hitting my chest. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Lily. Hindi ko mapigilang maawa rito.
"Pero may gift ako, Ma! Hindi n'yo lang ako masyadong napapansin dahil kay Lylia! Porke kumikita kayo dahil sa kaniya?! Anak n'yo rin po ako!" Walang-tigil sa pag-iyak si Lily habang walang masagot sa kaniya ang nanay niya.
"Kaya pinagplanuhan ko ang lahat ng 'to! Nakakatuwa nga dahil hindi n'yo man lang napansin na hindi ako si Lylia, eh. Pero alam n'yo 'yong masakit? No'ng sinabi ko sa inyo na nawawala si Lily, wala kayong paki. Paano kung totoong nawala ako? Kaya sinabi ko na hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko dahil wala sa tabi ko ang kakambal ko."
We remained quiet. Doon namin nalaman ang dahilan ni Lily kaya niya nagawa 'to. She just used it as an excuse because she really can't see the future. Pero gano'n pa man, masama pa rin ang ginawa niya.
"Walang nawawala rito, Ma. Ang mga pulis na pinapunta n'yo ay hindi naligaw kung hindi umalis sila rito nang walang-paalam dahil tinatakot ko sila sa pamamagitan ng pagpapagalaw ng mga pader. Kaya sila naliligaw." She bit her lower lip. "Hindi ko rin pinabayaan si Lylia. Lagi ko siyang pinapakain kada oras. At alam mo kung ano'ng nagpasakit pa lalo sa puso ko roon? Dahil hindi siya lumalaban! Hinahayaan niya lang akong ikulong siya ro'n! Wala siyang sinabing masama sa akin at hinayaan niya lang akong agawin ang buhay niya!"
Walang-tigil sa pag-iyak si Lily at pare-pareho kaming natahimik. Walang maisagot ang mga magulang ni Lily sa kaniya.
Walang kaemo-emosyon kaming sinulyapan ni Aqua. "We need to go."
Hindi niya kami hinintay na sumagot at dere-deretso siyang naglakad palabas ng silid. Kahit na nakararamdam ako ng awa sa nakikita, wala akong nagawa kung hindi sumunod kay Aqua. Sunod-sunod lamang kaming sumunod sa kaniya.
"Hindi ba natin sila pag-aayusin or what?" tanong ni Risca kay Aqua na nauunang maglakad.
Nanatiling walang-ekspresyon si Aqua habang naglalakad. Walang-buhay ang mga mata niya habang deretso ang tingin sa pasilyo.
"Our mission is done. Problemang pampamilya na 'yon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top