15. Find the little girl
I HEAVED a sigh. Magkasama kami ni Risca na naglilibot dito sa mansiyon. Kahit ayaw ko man siyang kasama ay wala akong magagawa dahil hindi puwedeng maglibot nang mag-isa rito. Mahirap na at baka mawala kami.
Matapos ng nangyari kanina ay iniwan kami ni Aqua sa kuwarto at pumunta sa kung saan.
Pasimple akong napaismid dahil sa inis.
Iyong babaeng 'yon, hindi man lang sinabi kung saan siya pupunta! Paano kung siya naman ang mawala rito?
Even though I didn't like what she said a while ago, we're still a team here and she's our leader. Nag-aalala pa rin ako sa kaniya.
"Kanina ka pa mukhang tanga riyan. 'Wag ka nang mag-alala ro'n, hindi siya matatawag na part ng 7 crowns kung hindi niya kaya ang sarili niya," sambit ng babaeng kasama ko.
Umirap muna sa akin si Risca bago niya ako unahan sa paglalakad.
Napaismid na lamang ako sa sinabi niya. Yeah, she's right. Malakas si Aqua. Dapat nga ay mas nag-aalala ako para sa sarili ko dahil hindi ko pa alam ang gift ko.
Hindi ko puwedeng tawagin si Angel dito dahil malamang ay sira ang buong mansiyon na 'to at wala akong pera na pambayad ng kahit anong gamit dito.
"Pssst."
Natigilan ako sa paglalakad at mabilis akong napalingon sa likod ko nang may narinig akong sumitsit sa akin. Inilibot ko ang tingin ko rito pero wala akong nakita.
"N-Narinig mo 'yon?"
Nang humarap uli ako kay Risca ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang pader na ang nasa harap ko. It happened too fast that I wasn't able to move an inch in my place.
"S-Sh*t . . ." bulong ko sa sarili ko.
Dahan-dahan na lang akong napaatras. Wala akong magagawa kung hindi bumalik sa kuwarto namin at sabihin kina Aqua ang nangyari.
Muli akong bumalik sa pinanggalingan ko. Ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng pawis dahil kanina pa 'ko kinakabahan. Paano kung totoo ang sinabi ni Aqua na haunted ang bahay na ito?
"F-F*ck . . ."
Napamura na lang ako sa sarili ko nang pangatlong beses ko nang nakita ang isang painting ng babae sa pader. Pabalik-balik lang ako.
I bit my lower lip out of frustration. Nararamdaman ko nang paiyak na 'ko.
Ano'ng gagawin ko? Tawagin ko na kaya si Angel? 'Tapos lumipad kami papalayo at hindi na 'ko babalik sa academy? Para hindi rin ako ang magbababayad kapag nasira itong bahay!
"Ha-ha-ha-ha!"
Natigil ako sa pag-iisip ng nang may narinig akong tawa na nanggaling sa isa sa mga kuwarto. Nagtataka at kinakabahan akong napakurap-kurap dito.
Sino 'yon?
Hindi na 'ko nagdalawang-isip pa na lapitan ang pinto na pinanggalingan ng tawa. Ang sabi sa amin ng may-ari ay may permiso kami na pumasok sa kahit saang silid dito sa mansiyon. At isa pa, kung may tao talaga rito ay puwede akong magpasama pabalik sa kuwarto namin.
Nang lapitan ko ang pinto ay dahan-dahan ko itong ibinukas. Bumungad sa akin ang isang kuwarto na puro kulay pink ang mga gamit. Maliwanag ang silid at may nakasabit pang mga maliliit na chandelier sa kisame.
"Hindi ba? Ang ganda— "
Napako ang tingin ko sa isang batang babae na nakikipaglaro sa manika niya. Nahinto rin ito nang makita ako. Her smile slowly faded when our eyes met.
"S-Sino ka?" nabiglang sambit niya.
I paused for a moment after seeing her. Nang matauhan ako ay pilit akong ngumiti rito para hindi matakot sa akin ang bata. "Ah, mga bisita kami ng mommy at daddy mo," nakangiting sagot ko.
Tumayo sa pagkakaupo ang bata at lumapit sa akin. "Kayo ba ang maghahanap sa kapatid ko?" tanong nito.
Napangiti ako lalo sa sinabi niya. "Tama ka! At pangako ko sa 'yo na mahahana— "
"Mawawala rin kayo rito. Lumabas ka na," walang kaemo-emosyong aniya.
Natigilan ako sa sinabi ng bata. Napataas ang dalawang kilay ko at mabilis na naglaho ang ngiti ko sa labi. Naramdaman kong tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nang tingnan ko ito ay seryoso na itong nakatingin sa akin. I wasn't able to react, and I couldn't even utter a word. Hindi ko alam ang nangyari sa sarili ko dahil hindi ako nagdalawang-isip na lumabas ng kuwarto.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Akala ko gusto niyang mahanap ang kapatid niya? May alam ba siya sa misteryo ng bahay na 'to?
"Cleofa!"
Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng pagtawag sa 'kin.
Napatingin ako sa direksiyon nito at laking tuwa ko nang makitang si Alvis ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya nang makalapit siya sa akin.
"Thank God, Alvis! Akala ko'y hindi na 'ko makalalabas sa bahay na 'to!" halos maiyak na sabi ko sa kaniya.
"H-Hey, it's alright, okay? Kanina ka pa namin hinahanap. Nakita ni Helix si Risca na umiiyak sa isang sulok. Baka raw kinain ka na ng bahay," nag-aalalang sagot ni Alvis.
Nawala ang pagkayakap ko kay Alvis at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "H-Ha?!"
"Magkasama kayo, hindi ba? Nagulat daw siya nang bigla ka na lang nawala sa likod niya."
Both of my eyebrows rose. Naguluhan ako sa sinabi ni Alvis. Nawala ako? Eh, si Risca nga 'yong nawala! Pader ang nakita ko kanina!
"Tara na, hinahanap na tayo ni Aqua," pag-aya ng lalaking kaharap ko.
Sasama na dapat ako sa kaniya sa pag-alis nang maalala ko ang bata. "Teka lang— "
Nang lingunin ko ang kuwartong pinanggalingan ko kanina ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang pader lang ang nandito. There's no door . . .
"Bakit, Cleofa?" tanong ni Alvis.
"W-Wala. Tara na." Sumunod ako sa paglalakad sa lalaking kaharap ko pero hindi nawawala ang tingin ko sa pinanggalingan ko kanina.
What . . . did just happen?
Tuluyan na kaming pumunta ni Alvis sa kinaroroonan nina Aqua. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa nangyari sa akin kanina.
Ano 'yon? Totoo bang may misteryo talaga ang bahay na 'to?
Lumabas kami ni Alvis sa mansiyon at nakita naming naghihintay sina Risca, Helix at Aqua sa amin sa labas ng isang guest house. Bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha ni Helix at si Risca na namamaga ang mga mata na agad umiwas ng tingin sa akin.
"Tsk, ang tagal n'yo," giit ni Aqua.
Napatingin ako rito na nakasimangot sa amin. My forehead furrowed when our eyes met. Saan ba siya nanggaling?! Kanina pa 'ko nag-aalala sa kaniya 'tapos susungitan niya lang kami?!
"Mag-impake na agad kayo dahil bukas ay aalis na tayo," walang-ganang sambit ni Aqua.
Pareho kaming nabigla ni Risca sa sinabi niya, samantalang walang-reaksiyon sina Alvis at Helix na parang inaasahan na nila na sasabihin niya 'yon. Nawala ang inis na nararamdaman ko at napalitan ito ng pagtataka.
"H-Ha? Bakit? Susuko na lang ba tayo?" naguguluhang tanong ko sa kanila. Napabuntonghininga na lamang sa akin si Helix na ikinakunot ng noo ko.
"Ano ba, tiyanak? Wala ka bang tiwala sa akin?"
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Aqua. Nang magtama ang mga tingin namin ay kumurba ang labi niya ng isang ngisi. She proudly looked at me and made a thumbs-up sign.
"I've already found the girl."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top