14. Stick to the Mission
NAKASAKAY kaming lahat ngayon sa kalesa. Katabi ko si Helix, sa harap namin ay sina Risca at Alvis habang si Aqua naman ay kasama ang kutsero sa harap.
Pagkasabi sa 'min ng misyon namin ay agad kaming umalis kinabukasan. Hindi kami puwedeng mag-aksaya ng oras dahil malapit nang matapos ang linggo at ang sabi ni Aqua ay kakailanganin na naming magbayad ng renta sa kuwarto sa academy.
I took a glance at the guy sitting right next to me. Ito na ang tsansa ko para magpasalamat sa pagligtas niya sa buhay ko.
"Uhm, Helix," pagtawag ko.
Agad itong lumingon sa akin at hinintay ang susunod kong sasabihin.
"Uhm, thank you nga pala. Thank you sa pagligtas sa buhay ko," pagpapasalamat ko.
Hindi inaasahan ni Helix na sasabihin ko 'yon kaya bakas sa mukha niya ang pagkabigla. He looked in the opposite direction while covering his mouth.
"N-No big deal."
Napuno ng katahimikan sa loob ng kalesa hanggang sa huminto ito. Isa-isa kaming bumaba at bumungad sa amin ang isang malaking gate. Napapalibutan ng mga puno ang gate at wala kaming makitang ibang bahay man lang na malapit.
"N-Nasa Algrea pa ba tayo?" marahang tanong ko.
"No, dumaan tayo sa tunnel," sagot ni Aqua.
Nagbayad siya sa kutsero at pumwesto sa harap ng gate at may pinindot na doorbell dito. Common rich family.
Hindi kami naghintay nang matagal dahil makalipas lang ng ilang segundo ay kusang bumukas ang gate. Naunang pumasok si Aqua at sinundan lang namin siya. Pagpasok ng gate ay mayroon pang daanan na napapalibutan ng mga puno.
Gawa sa malalaking tipak ng bato na pinagdikit-dikit ang tinatapakan namin. Kada sampung metro rin ay may mga lampshade sa magkabilang gilid ng daanan. I can't help but wander my eyes around as we walk. Ilang minuto rin kaming naglakad bago namin natanaw ang isang mansiyon.
It's just a one-story house, but its size is enough for us to call it a mansion. Malalaki ang bawat bintana at mga pintuan na nakikita namin mula sa mga puwesto namin. Kapansin-pansin din ang mga naglalakihang disenyong estatwa sa labas.
"So, this is it, huh?" sambit ni Aqua habang nakatingin sa mansiyon.
Bumati sa amin ang iilang katulong na nag-aabang sa labas at pinapasok kami nito sa loob. Sobrang nakamamangha sa loob ng mansiyon at masasabi mo talagang mayaman ang nakatira dito. It is a modern mansion. Nagsisilakihan ang mga mamahaling gamit sa bahay. The interior design's color is gold and white, mixed with a little bit of brown and cream.
Balewala lang siguro ang one million drennies sa kanila.
Sa kabila ng paghanga ko ay hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman dito. The more I look at the surroundings, the more uneasy I get.
"Naghihintay po sa inyo sina Madam at Senyor sa loob ng silid," sambit ng isang katulong.
Pinagbuksan kami ng isang katulong sa isang silid. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang mag-asawa na medyo may edad na. Sunod-sunod kaming pumasok ng silid at hindi ko inaasahan ang bungad sa amin ng matandang babae.
"Ano 'to?! Nagbibiro ba kayo?! Isang milyon ang ginawa kong pabuya para mahanap ang anak ko 'tapos mga bata ang ipapadala nila?! Unbelievable!" giit ng matandang babae.
Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. And just like that, she walked outside without even glancing at us.
Hindi agad naproseso ng utak ko ang nangyari. Natulala lamang ako sa puwesto ko.
Tiningnan ko ang reaksiyon ng asawa niya na para bang nabigla rin sa inasta ng asawa, samantalang kalmado lamang si Aqua na mukhang inaasahan na 'tong mangyayari.
"P-Pagpaumanhin ninyo ang asawa ko. Masyado lang kasi siyang pagod at nababahala na rin siya dahil matagal na rin naming hindi nakikita ang anak namin," sambit ng matandang lalaki.
"Hindi ito ang unang beses na nangyari 'yan. Gusto ko lang sabihin sa inyo na kahit mga bata lang kami ay nagagawa namin ang mga trabahong pinapagawa ninyo," kalmado at seryosong sagot ni Aqua sa matandang lalaki.
"Naiintindihan ko. Maupo muna kayo."
Sinunod namin ang matandang lalaki at umupo kami sa mga bakanteng upuan. I looked around the room to see a western living room.
"Siguro naman ay alam n'yo na ang trabaho n'yo rito," sambit ng matanda.
Isang tango ang isinagot ni Aqua sa sinabi ng kaharap namin.
"My daughter has been missing for over a week now. Just find my daughter and you'll have the one million drennies," paliwanag ng kaharap namin.
"Naiintindihan namin. Asahan n'yong mahahanap namin ang anak n'yo," sagot ni Aqua.
Tumango ang lalaki sa amin at tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Nagpahanda na 'ko ng matutulugan ninyo. Dadalhin na lamang kayo ng kasambahay namin doon. Binibigyan ko rin kayo ng permiso na pumasok sa kahit anong silid rito sa bahay."
Napatayo rin si Aqua sa pagkakaupo. "Maraming salamat."
Nagsimula nang umalis sa silid ang lalaki, pero bago pa ito tuluyang makalabas ay natigilan siya at may pahabol pa siyang sinabi.
"At mag-iingat kayo. Marami nang nakapasok sa bahay na ito pero hindi na nakalabas pa," pahabol niya.
Sapat na ang mga huling salita niya para tumaas lahat ng balahibo ko. Kusang bumigat ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. Natatandaan ko ang sinabi sa amin ni Aqua na haunted raw ang bahay na ito. Hindi ako naniwala no'ng una pero mukhang totoo nga.
Hinatid kami ng isang katulong sa silid namin. Tumatama ang sinag ng araw sa mga malalaking bintana sa bawat sulok ng pasilyo. Ilang minuto rin kaming nagpasikot-sikot sa mansiyon na ito dahil sa sobrang laki. Pero hindi rin nagtagal ay huminto kami sa tapat ng dalawang pinto.
"May dalawa pong silid na pinahanda para sa inyo. Tawagin n'yo lang po ako kapag may kailangan kayo," sambit ng katulong.
Yumuko muna ang katulong sa amin bago ito tuluyang umalis.
"Mga lalaki riyan sa kabila at dito ang mga babae. Mag-ayos kayo at magpahinga muna. Huwag kayong lilibot mag-isa, maliwanag?" maawtoridad na sambit ni Aqua.
Sabay-sabay kaming tumango sa sinabi niya. Pare-pareho kaming pumasok sa mga silid namin. Sina Alvis at Helix ang nasa kabila, habang kaming tatlo nina Risca at Aqua ang sa isa pa.
Bumungad sa amin ang isang malaking kuwarto na may tatlong kama. "Wow," namamanghang ani ko.
Hindi ko mapigilang mapahanga. The room is western style. Katulad ng salas na pinanggalingan namin, kulay ginto at puti rin ang kulay ng dingding at ibang mga kagamitan. Nagsisilakihan din ang dalawang bintana na nakadikit sa pader.
"Mag-ayos na muna kayo," seryoso at walang-ganang sambit ni Aqua habang inaayos ang mga gamit sa kama niya.
Sinunod namin ang sinabi niya at inayos ang mga gamit namin. May sarili ring banyo ang kuwarto na ito at may mga aparador din. Patuloy lang kami sa pag-aayos ng gamit nang nabasag ang katahimikan nang magsalita si Risca.
"Hindi naman sa pag-aano pero . . ."
Pareho kaming napatingin ni Aqua sa sinabi niya.
"What if the girl is already dead?" aniya.
The atmosphere suddenly changed. Mabilis na bumigat ang tensiyon sa silid sa sinabi niya. Napakurap-kurap ako at hindi agad nakasagot. Natauhan ako rito at ngayon ko lang din 'yon naisip.
"I mean, isang linggo na siyang nawawala. Paano kung may nangyari sa kaniya? Eh kung wala man, paano makaka-survive ang isang bata nang walang pagkain o tubig man lang?" pagtataka ni Risca.
Kahit masakit isipin ay posible ang sinabi niya. Napalunok ako nang malalim at humigpit ang pagkahahawak ko sa mga gamit na inaayos ko. Mahirap sa isang bata na maka-survive nang walang pagkain o tubig man lang.
"Hindi na natin problema 'yon," walang kaemo-emosyong sambit ni Aqua.
Pareho kaming nabigla ni Risca sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at hindi ako mapakapaniwalang napatingin sa kaniya. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" marahang tanong ko.
Isinarado ni Aqua ang aparador kung saan niya inilagay ang mga gamit niya at dumeretso sa tapat ng pinto. She has a serious look on her face.
"Ang trabaho natin ay ang hanapin ang bata. Hindi na natin problema kung mahahanap natin siya nang patay o buhay."
I was taken aback by her answer. Napasinghap ako habang nakakunot ang noo. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Naririnig niya ba ang sarili niya?!
"Paano mo nasasabi 'yan?!" giit ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at naglabas ako ng emosyon sa kaniya. "Pera lang ba talaga ang habol natin sa misyon na 'to?!"
"Open your eyes, Cleofa! Ang pagiging mahina ng puso mo ang magiging kahinaan mo."
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Aqua. Napako ako sa puwesto ko at unti-unting humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
"I'm the leader, so you should follow me." Binuksan ni Aqua ang pinto at may pahabol na sinabi bago ito tuluyang umalis. "Our mission is to find the girl, wala nang iba."
"That is our first rule: always stick to the mission."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top